You are on page 1of 20

IKALAWANG MARKAHAN

SELF-LEARNING KIT
FILIPINO 9
Ang mga kabataang mag-aaral ay pangunahing dahilan
PAUNANG SALITA
sa pagkakabuo ng babasahing ito sa Filipino 9.

Layunin nating magkaroon ng pagkatuto


Ang Alternativesa larangan
Delivery ng
pag-unawa at paglikha ng tula na
Modenasa anyong
(ADM) Tanka ng
sa pagtuturo at Hai-
ku ng bansang Hapon. asignaturang Filipino ay sadyang
ginawa para sa mga mag-aaral
sa Baitang 9.ang
Ang mga
mga gawaing
Subalit upang ito’y higit na mapadali, mababasa
inilahad ay sadyang pinadali at
sa loob nito ay inihawig lamang sa Tanka at Haiku ng naturang
gumamit ito ng mga salitang
bansa. Mga sariling likhang tulangmadaling
Filipino ang inihanay
maunawaan rito.
upang
mahubog pa ang kailangang
Kaugnay nito, pinanatili pa kaalaman
rin ng may-akda
sa asignatura. na gawing
paksa sa mga tulang nakapaloob ang tungkol sanito,
Kaalinsabay pagbabago,
ang
pag-ibig , pag-iisa para sa Tanka samantalang
DepEd kalikasan
Bulacan ay naniniwala sa at
pag-ibig naman ang Haiku. pagtataguyod ng dekalidad na
edukasyon sa mag-aaralsa
pamamagitan ng paglikha ng
Matatagpuan din dito ang mga pagsasanay na
mga kagamitan sa pagkatuto upang makamit ang ganap na
inaasahang makadaragdag sa higit mo pang pagkaunawa
pagyabong at tuluyang malinang ang pag-unlad ng pagkatao.
sa paksa.
Dahil dito, ang piling lupon ng mga manunulat sa Bulacan ay
naglaan ng ginintuang oras upang makalikha ng kagamitan sa
Sumaiyo
pagkatutonawa ang maligayang
na makatutulong pagbabasa.
sa mag-aaral na maunawaan ang aralin
maging sa loob o labas man ng paaralan.
Ang mabuting layuning ito ng DepEd Bulacan ay magsisilbing
malaking tulong at kaagapay sa pagpapayaman ng kaisipan ng mga
mag-aaral.

ii
PAKSANG ARALIN:
Ang Tula sa Anyong Tanka at Haiku ng Bansang Hapon

LAYUNIN:
Naipamamalas ang pag-unawa at pagpapahalaga sa panitikan
na lumilinang sa masining at malalim na pagpapahayag ng kaisipan sa
tulong ng kaunting salita lamang.

Kasanayang Pampagkatuto:
Nasusuri ang pagkakaiba at pagkakatulad ng estilo ng pagbuo ng
Tanka at Haiku. ( F9PB-IIa-b-45 )
Nabibigyang kahulugan ang matatalinghagang salitang ginamit sa
Tanka at Haiku . ( F9PT-IIa-b-45 )

I. ANO ANG NANGYARI ?

Sa araw na ito ay
kikilalanin natin ang
Tanka at Haiku ng
bansang Hapon na
parehong nasa anyong
tula. Ngunit ito’y ating
pinadali dahil ang ating
pag-aaralan ay sariling
likhang tula na sumunod
sa naturang estilo ng
pagsulat.
Panimulang Pagtataya:

Panuto: Bilugan ang letra ng tamang kasagutan :

1. Kung ang Tanaga ay halimbawa ng tulang Pilipino ang Tanka at


Haiku ay tulang mula sa bansang
A. Korea B. Hapon C. Tsina D. Taiwan

2. Ito ay isang paraan ng pagpapahayag ng kaisipan sa paraang


masining, may sukat at tugma.
A. Panitikan B. Tanaga C. Tula D. Pilipino

3. Tumutukoy ito sa bilang ng pantig sa bawat taludtod ng tula.


A. Tugma B. Sukat C. Kariktan D. Tayutay

4. Alin ang kailangan sa pagsulat ng tulang Haiku?


A. 17 pantig B. May tugma C. 5 taludtod
D. 7 pantig bawat taludtod

5. Alin ang hindi kasama sa paksa kung susulat ng tulang Haiku


A. Kalikasan B. Pag-ibig C. Pag-iisa D. Pagbabago

2
II. ANO ANG DAPAT MALAMAN ?

Simulan natin ang


araling tatalakayin
sa tulong ng
pagpapaliwanag.
Basahin mo ito.

Tanka at Haiku

Isang uri ng Panitikan mula sa bansang


Hapon na parehong nasa anyong tula ang-

Tanka at Haiku.

Ang mga ito ay kapwa nagpapahayag ng


masidhing damdamin.

3
Narito ang ilang mahahalagang tala tungkol sa Tanka ni Kino Tomonori

Panahon kung kalian isinulat:


Ikawalong siglo at nagsisimula ang taglamig
Karaniwang Paksa:
Pagbabago,Pag-ibig, Pag-iisa
Ang Sukat kapag iyong isinulat:
7-7-7-5-5, 5-7-5-7-7 o maaaring magkapalit-palit
Sa kabuuan, maiikling awitin ang Tanka na binubuo ng
tatlumpu’t isang (31) pantig at limang (5) taludtod.
Mababasa sa ibaba ang ilang likhang halimbawa na
sumunod sa estilo sa pagsulat ng Tanka ng bansang Hapon para
sa lalong madaling pagkaunawa sa aralin.

Pusong Ligaw

Sa sanga ay dumapo

Hangi’y tinangay

Ibong makulay

Ang inakay nalumbay

Naghihintay sa iyo.

4
Pangarap

Gasera’y naging saksi

Bakas nitong kahapon

Sikap...tiyaga

Ang gulong nItong palad

Ngiting kaytamis.

Paglisan

Hindi ko mapigilan

Sa mahabang panahon

Inalagaan

‘Di mapigilan

Ang luha at pighati.

Ikaw na nga

Aso at pusa

Naglahong parang bula

Paligid malarosas

Altar ay nagsumpaan

Diyos ang saksi.

5
Narito naman ang ilang mahahalagang tala tungkol sa Haiku ni Bashō

Panahon kung kalian isinulat:


Ikawalong siglo at Simula ng tagsibol
Karaniwang Paksa:
Kalikasan, Pag-ibig
Ang Sukat nito kapag iyong sinulat:
5-7-5 o maaring magkapalit
Sa kabuuan , binubuo ito ng labimpitong (17) pantig at tatlong
(3) taludtod.
Mababasa sa ibaba ang ilang likhang halimbawa na
sumunod sa estilo ng pagsulat sa tulang Haiku ng bansang Hapon pa-
ra sa lalong madaling pagkaunawa sa aralin.

Bituin
Kislap gabutil
Sa kabila ng ulap
Ay may ligaya.

6
Rosas
Karikta’y iba
Dala-dala mo’y tinik
Hahamakin ko.

Usok
Pabrika at tambutso
Magkatuwang pa
Pinabayaan.

Alon
Sa ‘yong paglisan
Naniwalang babalik

Ang nagmamahal.

7
Gawain 1

Dahil nais kong mas


maunawaaan mo
ang binasa , subukin
mong sagutin ang
unang gawain.

Panuto: Isulat sa hugis ang iyong kasagutan:

Ang karaniwang
paksa ng Tanka ay
tungkol sa

__________ __________

____________

Ang
karaniwang __________
_________
paksa ng Haiku
ay tungkol sa

8
Gawain 2

Mahusay ang iyong


ginawa sa unang
gawain. Hayaan mong
bigyan kita ng
karagdagang sasagutin
upang mas matandaan
mo ang aralin.

Panuto: Bilangin ang sukat ng mga salita sa mga halimbawang tula


na nasa estilong Tanka at Haiku na nakatala.

Unawain: Ang sukat ay tumutukoy sa bilang ng bawat


pantig sa bawat taludtod ng isang saknong ng tula.
Halimbawa mula sa tulang Paglisan:
Hin/di/ ko/ ma/pi/gi/lan - 7 pantig
Sa/ ma/ha/bang/ pa/na/hon - 7 pantig
I/na/la/ga/an - 5 pantig
‘Di /ma/pi/gi/lan - 5 pantig
Ang/ lu/ha/ at/ pig/ha/ti - 7 pantig

( may 31 pantig sa kabuuang bilang )

9
Ngayon, ikaw
naman ang-
bumilang ng bawat
taludtod at isulat
ang iyong sagot sa
bawat patlang.

1. PUSONG LIGAW
Sa/ sa/nga /ay /du/ma/po ____pantig
Ha/ngi’y /ti/na/ngay ____pantig
I/bong /ma/ku/lay ____pantig
Ang/ i/na/kay /na/lum/bay ____pantig
Nag/hi/hin/tay/ sa /i/yo ____pantig

2.Pangarap
Ga/se/ra’y na/ging/ sak/si ____pantig
Ba/kas /ni/tong/ ka/ha/pon ____panttig
Si/kap...ti/ya/ga ____pantig
Ang/ gu/long /ni/ tong /pa/lad ____pantig
Ngi/ting/ kay/ta/mis ____pantig

10
3.Bitun
Kis/lap/ ga/bu/til ____ pantig
Sa/ka/bi/la/ ng/ u/lap ____ pantig
Ay/ may /li/ga/ya. ____ pantig

4.Usok
Pa/bri/ka /at/ tam/but/so ____ pantig
Mag/ka/tu/wang/ pa ____ pantig
Pi/na/ba/ya/an ____ pantig

5.Rosas
Ka/rik /ta’y/ i/ ba ____ pantig
Da/la/-da/la/ mo’y/ ti/nik ____ pantig
Ha/ha/ma/kin/ ko. ____ pantig

11
Gawain 3

Sa bahaging ito
ay aalamin
naman natin ang
kahulugan ng
mga salitang
nahirapan kang
unawain sa ating
tula.

Panuto: Hanapin ang kasingkahulugan ng mga salita sa Hanay A


mula sa hanay B sa tulong ng paglalagay ng tuwid na linya.

HANAY A HANAY B

A. nalulungkot
1. naglaho
B. kagandahan
2. magkataling -puso
C. nawala
3. gasera
D. ilawan
4. magkatuwang
E. mag-asawa
5. nalumbay
F. kumikinang
6. kariktan
G. magkatulong
7. hahamakin
H. lahay ay gagawin
8. nagniningning
I. mahirap

12
Pagyamanin pa natin!

May inihanda pa
akong gawaing
magpapayaman
sa iyong isipan.

Panuto: Buuin ang mensahe ng mga binasang tula na nasa estilong


Tanka at Haiku. Pumili ng salita at ilagay sa patlang.
pangarap kalikasan pag-ibig anak
Pagbabago ginhawa

1. Kadalasan, kapag naghihiwalay ang mag-asawa ang


nagsasakripisyo ay ang mga _________ .

2. Ang kahirapan ay hindi hadlang upang maabot ang ating


________.

3. Huwag maliitin itong buhay , matapos ang problema, may


darating ding___________.

4. Babalik sa atin ang kapabayaan sa _________ .

5. Ang taong nagmamahal anumang tinik ay kakayanin para sa


_______.

13
III. ANO ANG NATUTUHAN?

Marami ka
na ngang
natutuhan sa
aralin kaya’t
ngayo’y sasagutin
mo na ang
panghuling
katanungan .

Panuto: Sagutin ang mga hinihingi sa mga katanungan:

1. Ano ang pagkakaiba ng tulang tanka at Haiku?


2. Ang nakasulat ay halimbawa ng tulang Tanka. Ibigay ang paksa
nito . Ipaliwanag.
Lagaslas wala
Buhay nawala

Sa natigang na lupa.
3. Ibigay ang iyong opinyon sa kahalagahan ng pagkatutong
sumulat ng tula.

14
Sanggunian:

( 2014 , Marso 24 ), Modyul 2 Mga Akdang Pampanitikan ng Silangang

Asya, Panitikang Asyano 9, (ph.96-107), Pasig City, Philippines: DepEd

Pub. House

Ang Tanka at Haiku, ( 2015, Hunyo ),

Retrieved , Pebrero 4, 2019 from

https://www.scribd.com/doc/235652726/Tanka-at-Haiku

Susi sa Pagwawasto:

I. Panimulang Pagtataya

1. B 3. B 5. A

2. C 4. A

II. Gawain 1

1.) Paksa ng Tanka- Pagbabago/ pag-ibig/pag-asa

2.)Paksa ng Haiku– Pag-ibig/ kalikasan

Gawain 2

1.) 7 5 5 7 7 2.) 7 7 5 7 5

3.) 5 7 5 4.) 7 5 5 5.) 5 7 5

Gawain 3

1.) c 2.) e 3.) d 4.) g

5.) a 6.) b 7.) h 8.) f

15
Pagyamanin pa natin!

1.Kadalasan, kapag naghihiwalay ang mag-asawa ang


nagsasakripisyo ay ang mga anak.

2.Ang kahirapan ay hindi hadlang upang maabot ang ating


pangarap

3.Huwag maliitin itong buhay , matapos ang problema, may darating


ding ginhawa.

4.Babalik sa atin ang kapabayaan sa kalikasan.

5.Ang taong nagmamahal anumang tinik ay kakayanin para sa


pag-ibig.

III. Pangwakas na gawain

( Iba-iba ang kasagutan ng mag-aaral )

16
This material was contextualized by the Department of Education
Schools Division of Bulacan
Learning Resource Management and Development Center

JULIETA B. DEL ROSARIO


Writer/Co-Lay-out Artist/ Co– Illustrator

ALBERTO B. CRUZ JR.


Lay-out Artist/Illustrator

FELIPA DL. SANTIAGO


School Principal III

ANASTACIA D. VICTORINO, Ed.D.


Education Program Supervisor-Filipino

AGNES R. BERNARDO, Ph.D.


ADM, Education Program Supervisor

GLENDA S. CONSTANTINO JOANNARIE C. GARCIA


Project Development Officer II Librarian II

RAINELDA M. BLANCO, Ph.D.


LRMDS, Education Program Supervisor

GREGORIO C. QUINTO JR., Ed.D.


Chief, Curriculum Implementation Division

ZENIA G. MOSTOLES, Ed.D., CESO V


Schools Division Superintendent

17
SINOPSIS

Ngayong naunawaan mo na ang tulang Tanka at Haiku malaki


ang magagawa nito upang madagdagan ang iyong tiwala sa sarili.
Makalilikha ka na rin ng sarili mong tula na nasa ganitong anyo na
maaaring hango sa iyong karanasan.
Bukod dito, ang kaligayahang hatid ng pagkatutong ito ay batid
nating hindi kayang halagahan. Kasabay nito, sikapin mong patuloy
na linangin ang ating panitikan na isang gintong pamana ng
kasaysayan na ipamamana rin natin sa susunod pang henerasyon.

18

You might also like