You are on page 1of 3

Banghay Aralin sa FILIPINO 2

I. LAYUNIN:

Pagkatapos ng aralin ang mga mag aaral ay inaasahang:


1. napagsusunud-sunod ang mga pangyayari sa kwento; at
2. nagagamit ang mga pang-ugnay na salita tulad ng una, upang mailahad nang may
pagkakasunud-sunod ang nabasang kwento.

II. Paksang Aralin:


a. Paksa: Pagbasa ng kwento
b. Sanggunian: DLL Filipino 2
c. Kagamitan: cartolina, manila paper, pandikit, pansulat

III.PAMAMARAAN:
1. PAGSASANAY
Sabihin ang Opo kung sang-ayon sa ipinapahayag sa pangungusap at Hindi kung di-sang-
ayon.
a. Makabubuo ng bagong salita mula sa isang salita sa pamamagitan ng pagpapalit ng mga
titik nito.
b. Ang maliksi at masigla ay magkasing kahulugan.
c. Maaaring isalaysay ang mga kwento ayon sa gusto mong pagkakasunud-sunod nito.
2. BALIK-ARAL
1. Magbigay ng halimbawa ng magkasingkahulugan na salita at magkasalungat na salita.

B. 1. PAGLALAHAD

a. Nakakita ka naba ng tutubi? Ano ang itsura nito?


b. Makinig sa babasahing kwento ng guro tungkol sa magkaibigang tutubi.
3. PAGTALAKAY
 Talakayin ang kwentong binasa.
 Magtanong ukol dito.
 Kaya mo bang ikwentong muli ang kwentong iyong narinig/nabasa?
 Paano mo ito ikukwento?
 Paano kaya napag-susunud-sunod ang mga pangyayari sa kwento?
4. PAGLALAHAT
1. Paano napagsusunud-sunod ang mga pangyayari sa kwento?
5. PAGPAPAHALAGA
1. Paano mo maipapakita ang pagiging isang mabuting kaibigan.
6. PAGLALAPAT
Makinig sa babasahing kwento ng guro. Matapos ito, pagsunud-sunurin ang mga pangyayari sa
kwento sa pamamagitan ng paglalagay ng bilang 1-6 sa patlang.
_____Nang sumunod na araw ay nawala naman ang hinog na saging.
_____Nawawala ang hinog na papaya
_____Madilim-dilim pa’y tumungo na sa halamanan si Totoy.
_____Kinakain ng duwende ang mga bayabas.
_____Kinausap ni Toto yang dalawang duwende.

IV.PAGTATAYA
Ayusin ang pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari sa kwentong “Ang Magkaibigang Tutubi”.
Lagyan ng bilang 1-5
_____1.)Nahuli ng bata sa buntot si Toto.
_____2.)Namasyal ang magkaibigang tutubi sa hardin.
_____3.)Ayaw sumunod ni Toto dahil uubusin pa niya ang nectar ng bulaklak.
_____4.)Niyaya ni Toto si Toby na pumunta sa kabilang ibayo.
_____5.)Nagyaya ng umuwi si Toby.

V. KASUNDUAN
Isulat ang pagkakasunud-sunod na mga pangyayari sa iyo noong Sabado. GUmamit ng mga
salitang pang-ugnay.

Inihanda ni: Lord Patrick S. Lorenzo

MYRNA SALIBAY
Critique Teacher

You might also like