You are on page 1of 3

St.

Joseph School of Lawang Bato


Banghay Aralin
Filipino V

I. Layunin: Sa pagtatapos ng klase ang mga mag-aaral sa ikalimang baitang ay inaasahan


na;
a. nababasa ng masusi ang bahagi ng kwento;
b. nabibigyan pansin ang pagkakasunod sunod sa bahagi ng kwento; at
c. nakakapag-ugnay-ugnay ang bawat pangyayari sa kwento

II. Paksang Aralin


A. Paksa: Bahagi ng kwento
B. Sanggunian: Baisa Ailene G. IKALAWAN EDISYON, PINAGYAMANG PLUMA, Wika at
Pagasa para sa Elementarya K-12. 2020.
C. Kagamitan:

III. Pamaraan
A. Panimulang Gawain
-Panalangin
-Pagbati
-pagsasaayos ng silid-aralan
-Pagtatala ng liban at hindi lumiban sa klase

B. Balik Aral
1. Ano ang tinalakay noong nakaraang linggo?
2. Ibigay ang mga kahulugan ng ___?
3. Magbigay ng pangungusap na ginagamitaan ng pang abay na ___, at sabihin kung
anong ginamit na panangdang o salita dito.

-Pagganyak
Flip the bottle Fix the letter
Hatiin ang klase sa tatlong groupo at ang bawat grupo ay lilinya upang hindi sila maging
magulo, kung sino man ang nasa unahan ang syang mauuna upang mag flip ng bottle at
kailangan nya itong mapatayo upang makapunta sa sunod na gagawin. Kung hindi nya
ito mapatayo ay lilipat sya sa pika hulihang pila upang ang kasunod nya naman ang
susubuk naman upang mapatayo ito. Kung mapatayo nya naman ang bote ay pupunta
na sya sa sunod na gagawin upang ayusin ang nakagulong lettra at mabasa ang
nakataong salita dito. Paunahan ang lahat ng pangkat na malaman ang nakagulong
salita. Kung sino ang unang matapos ay may kaakibat na gantimpala.

C. Pagtalakay
-Ano ang Maikling Kwento
-Elemento ng Maikling Kwento
-Panimula
-Tauhan
-Tagpuan
-Suliraning inihahanap ng lunas
-Saglit na kasiglahan
-Tunggalian
-Kasukdulan
-Kakalasan
-Wakas
-Kaisipan
-Banghay
-Bahagi ng Maikling Kwento
-Simula
-Gitna
-Wakas

Maikling Pagsasanay
Sagutin at tukuyin ang mga katanungan patungkol sa mga bahagi ng kwento. Isulat ito sa
kwaderno sa Filipino.

1. Anong bahagi ng kwento mababasa ang problemang haharapin ng pangunahing


tauhan?
2. Anong bahagi ng maikling kwento ay kinabibilangan ng maikling kasiglahan,
tunggalian, at isang dramatikong punto ng kahigitan.
3. ito ang nagpapakita ng pagbagal ng takbo ng kwento mula sa kasukdulan, maaaring
maging masaya o malungkot ang kakalabasan.
4. Dito nakasaad ang lugar na pinangyayarihan ng mga aksiyon o mga insidente at ang
panahon kung kailan naganap ang maikling kuwento.
5. Dito malalaman kung sino-sino ang nagsisiganap sa kwento at kung ano ang papel na
ginagampanan ng bawat isa, maaring bida, kontrabida, o suporta.
D. Paglalahat
Gawain 1.
Basahin ang kwento ng “Ang Manggagawang Hindi Marunong Magpatawad” sa pahina
181-183 at sagutin ang 3 katanungan batay sa iyong kalooban.

Gawain 2.
Sagutin Natin! Sagutin ang mga sumusunod na tanong patungkol sa binasang akda sa
pahina 183-184

Gawain A.
Nasasagot ang mga tanong sa akda.

Gawain B.
Nasasagot ang mga literal na tanong sa napakinggang teksto.

E. Paglalapat
Panuto!
Bumuo ng apat na pangkat at sa bawat pangkat ay mamimili kayo kung sino ang
tatayong representante ng inyong grupo pagkatapos ay gagawa kayo ng sarili nyong
pabula at gagamit din kayo ng mga pappet upang gumanap bilang mga tauhan sa inyong
pabula. Kayo ay mamarkahan sa pamamagitan ng rubrics

Linaw sa pag bigkas -10


Tamang pag lakas at -10
paghina ng tono ng boses
Mga kagamitan -10
Sounds Effects -10
Linis sa Pagtanghal -10
Sa kabuuhang puntos 50PTS

IV . Pagtataya
Gawain C. Pahina 185.
Napagsusunod-sunod ang mga pangyayari sa kwento sa pamamagitan ng pamatnubay
na tanong.

V. Takdang Aralin
Gumawa kayo ng isang kwento na kayo mismo ang bida maaring mala anime, k-drama o
kahit anong tema ang nais nyo ngunit dapat mayroon itong mga Tauhan, Tagpuan,
Suliraning inihahanap ng lunas, Saglit na kasiglahan, Tunggalian, Kasukdulan, at
Kakalasan. Ito ay babasahin sa harap kaya gandahan nyo ang inyong gawa.

You might also like