Panukala para sa Pagbaha dulot ng Baradong Drainage Systems
gawa ng mga basura
Mula kina:
Adriano, Sean Sydney
Baluyot, Angelito Gabriel
Cayetano, Andrei Walter
Cristobal, Jeniecah Zea
delos Santos, Darlene Ann
Salvador, Ray Allen
Serrano, Emanuel Jego
Ika – 13 ng Agosto 2019
Haba ng Panahong Guguhulin: hindi pa gaanong tiyak.
Project Summary:
Project Title:
Pagbaha dulot ng Baradong Drainage Systems gawa ng mga basura.
Name of Implementing Agents:
Adriano, Sean Sydney
Baluyot, Angelito Gabriel
Cayetano, Andrei Walter
Cristobal, Jeniecah Zea
delos Santos, Darlene Ann
Salvador, Ray Allen
Serrano, Emanuel Jego
Project Location:
Barangay San Jose sa Bayan ng Montalban
Proposed Starting Date:
Ika – 13 ng Agosto 2019
Project Duration:
Ang haba ng panahon na aming guguhulin ay hindi pa tiyak.
Target Beneficiaries:
Mga mamamayan sa Barangay San Jose at ang mga Dadayo rito.
Government Inputs:
Local Government
Implementing Agent Inputs:
NGO or Non Governmental Organisasion
Munisipyo
Other Donor Inputs
NGO or Non-Governmental Organisation
Project Statement:
Isa sa mga pangunahing suliraning kinakaharap ng Barangay San Jose
ay mga drainage system na barado at nagdudulot sa ng pagbaha tuwing panahon
ng tag-ulan. Ito ay nagbibigay ng malaking pinsala sa mga mamamayan. Dahil ito
ay isang pangunahing sanhi ng pagbaha. Dahil dito nangangailangan ng drainage
system na hindi barado at maayos na nadadaluyan ng tubig ang San Jose upang
maiwasan ang mataas na pagbaha.
Project Description:
Linisin ang mga barado na Drainage System. Upang maresolbahan o
maibsan ang matinding pagbaha sa Barangay San Jose at para maisakatuparan
ang aming layunin para sa mga baradong drainage systems ay magpapasagawa
kami ng seminar sa aming proyekto at doon ay aming pag-uusapan ang paglilinis
ng mga kanal o drainage systems sa San Jose. Kung ito ay mapapagawa tiyak na
di na mahihirapan at di na kinakailangan na sumulong sa baha ang mga
mamamayan. Kailangan ang proyektong ito ay maisagawa sa lalong madaling
panahon para sa kapakanan ng lahat. Upang maisapagawa namin ang seminar
ay maaari kaming mag raise ng awareness sa pamamagitan ng internet o
pupwede ring sa pamamagitan ng pagbibigay ng flyers, paggawa ng banners at
maaari din kaming humingi ng tulong sa mga barangay captains para tumulong sa
amin.
Project Goal:
Maibsan ang matinding pagbaha dulot nang pagbara ng mga basura sa
drainage systems at para na rin maiwasan ang dengue (dahil ang mga lamok ay
nangigitlog sa tubig na nagbibigay posibilidad na mangitlog sila sa tubig baha.)
Leptospirosis (dahil sa ihi ng daga na maaring nahalo sa tubig baha) at iba pang
sakit.
Project Methodology
Maglilinis ang mga boluntaryo tuwing ikalawa at ika-apat na linggo sa bawat
buwan hanggang sa makasigurado na hindi na masyadong madumi ang mga
kanal at hindi na rin gaanong kabarado.
Gender as Cross-Cutting Theme
Ang aming proyekto ay para sa lahat. Walang labis, walang kulang. Lahat
ay magbebenepisyo at lahat ay maaaring tumulong. Kakailanganin namin ang
tulong na maaari naming matanggap at mas marami mas mapapagaan ang
gawain.
Sustainability
Ipagpapatuloy namin ang aming proyekto hanggang sa makasigurado na
hindi na masyadong madumi, hindi na gaanong barado ang mga kanal at
hanggang sa makakita na tayo ng kahit maliit lamang na pagbabago sa Barangay
San Jose tulad na lamang ng pagbaba ng porsiyento ng pagbaha sa kanilang
barangay o di kaya’y hindi na masyadong mabilis bumaha at umangat ang tubig.
Monitoring and Evaluation
Para sa pagmomonitor at pagsusuri ay hihingi kami ng tulong sa mga NGO
(Non-Governmental Organization) o LGU (Local Government Units) o sa
Munisipyo. Para naman sa mga nagtatapon ng basura sa kung saan saan ay
mayroon multa sa bawat basura na hindi itatapon sa tamang basurahan.
Product