You are on page 1of 13

Panukalang

Proyekto
PAMPUBLIKONG
PROYEKYO
Clogged Canal
Clean Up Project
PANIMULA

Ang Wuying ay isang bayan sa Cyrenae kung saan laging


nalulubog ng baha ang karamihan sa mga barangay na
sakop nito. Kagaya na lamang ng barangay Penca, Margate,
Athon, Nairn, at iba pa. Madaming ibang proyekto ang
ipinatutupad sa bayan na ito kung kaya't hindi napag-
tutuunan ng pansin ang mga ilang nagiging problema ng
bayan ng Wuying.
PANIMULA

Sa ngayon, nagkakaroon ng maraming pagbabago sa bayan ng Wuying


upang tugunan ang mga problemang ito. Maraming mga proyekto ang
ginagawa upang matugunan ang mga pangangailangan ng mga residente
sa pangkabuhayan at pangkalusugan. Ngunit sa kabila nito, mahalagang
tiyakin ng lokal na pamahalaan na hindi na muling mangyari ang mga
pagbaha sa bayan na ito. Kailangan ng malakas na koordinasyon at
pagtutulungan ng lahat ng sektor upang maisakatuparan ang mga
solusyon sa mga problemang kinakaharap ng bayan ng Wuying.
LIRANIN
SU
Ang isang komunidad ay hindi matatawag na isang komunidad kung
wala itong problemang kinakaharap. Narito ang iilan sa mga problemang
kinakaharap ng bayan ng Wuying

Hindi prayoridad ng mga mamamayan ang kalinisan


Hindi pinagtutuunan ng pansin ang kapaligiran
Walang sapat na kaalaman ang mga mamamayan ukol sa
mga problema ng bayan
LAYUNI
N
Ang layunin ng proyektong ito ay upang linisin ang
mga kanal na nagdudulot ng pagkakalubog ng mga
lugar sa Wuying. Layunin din nito na mapanatiling
malinis at maayos ang mga kanal upang maiwasan
ang pagkakalat ng basura at mapanatiling ligtas ang
komunidad.
LAYUNI
N
Mga Layunin ng Proyekto:
Linisin ang mga clogged canal sa mga
komunidad.
Pagtibayin ang mga canal para maiwasan ang
pagkasira at pagkasunog nito.
I-promote ang pangangalaga sa kalikasan sa
pamamagitan ng pagtuturo sa mga residente.
TODOLOHIYA
ME

Ang proyektong ito ay gagamit ng 3-step process:


Yugto ng Pagpaplano:
Ang yugto na ito ay maglalaman ng pagbuo ng isang
koponan ng proyekto at konsultasyon sa mga stakeholder sa
komunidad. Ang koponan ay magtatakda ng mga kanal na
kailangang linisin at magpapakasa ng isang malawakang
pagsusuri ng sitwasyon.
TODOLOHIYA
ME

Yugto ng Implementasyon:
Ang yugto ng implementasyon ay maglalaman ng aktwal na
paglilinis ng mga kanal. Ang koponan ay magtatanggal ng mga
basura, kalat, at iba pang mga sagabal gamit ang angkop na
kagamitan tulad ng dredger, pala, at mga basurahan. Ang
koponan ay gagawa rin ng mga pagpapagawa sa mga pader ng
kanal at magpapabuti ng sistema ng drainage.
TODOLOHIYA
ME

Yugto ng Pagtataya:
Matapos ang paglilinis, magkakaroon ng pagtataya upang
masukat ang epektibong resulta ng proyekto. Ang pagtataya ay
maglalaman ng pagtataya ng kumunidad upang masukat ang
epekto ng proyekto sa komunidad at magkakalap ng feedback
para sa mas magandang mga susunod na hakbang.

BUDGET
Equipments-30,000 Php
Pagkain para sa mga trabahador=7,000 Php (per day)
=7,000 Php×7(days)
=49,000 Php
Sweldo para sa mga trabahador=25 trabahador (400 Php per day)
=10,000 Php (per day)
=10,000 Php×7(days)=70,000 Php (total)
Total Budget=150,000 Php
TIMELINE
Ang proyekto ay ipatutupad sa loob ng 2-3
linggo lamang. Narito ang kabuuang timeline;
1.Pagbili ng mga materyales na kakailanganin: 1-3 araw
2.Pagkuha ng mga trabahador:1-3 araw
3.Paglilinis ng mga kanal-1 linggo
4.Pagbabalik tanaw sa mga nalinisang kanal sa iba't ibang
parte ng Wuying.

You might also like