You are on page 1of 9

Departamento ng Filipino

De La Salle University - Manila


Term 1, A.Y. 2023-2024

PROJECT PROPOSAL

Sa Bahagyang Katuparan
ng Kurso
Sa Kominikasyon ng Pananaliksik (LCFILIB)

Ipinasa nila:
Contreras, Sophia Lauren A.
Jimenez, Mikaela Marie S.
De Guia, Mary Gwyneth P.
Santos, Yanna Eloize

Ipinasa kay:
Alvares, Evangeline
Encabo

Naisumite noong:
Disyembre 4, 2023
I. Kasalukuyang Isyu

Sa pagsasagawa ng konsultasyon kay Kapitan Donna De Gana, ang opisyal na kinatawan

ng Barangay 177 sa Caloocan City, itinatampok ang kritikal na isyu ng kakulangan ng

pagkakakitaan sa nasabing komunidad. Lumitaw sa mga talakayang ito na marami sa mga

residente ng barangay ay nahaharap sa suliraning kawalan ng trabaho, na nagdudulot ng

kahirapan, kakulangan ng regular na kita at hindi magandang epekto sa pangkalahatang

kalagayan ng buhay sa barangay. Mayroon ding ilang nag-aambisyon ng mas mataas na antas ng

kita at naghahanap ng dagdag na pagkakakitaan upang mapabuti ang kalagayan ng kanilang

pamilya. Ang kawalan ng sapat na pagkakakitaan ay maaaring magdulot ng masamang epekto sa

buhay ng mga mamamayan sa Barangay 177. Nariyan ang lumalalang kahirapan, pagbaba ng

antas ng pamumuhay, at mas mataas na antas ng stress at anxiety sa mga indibidwal at pamilya.

Bukod dito, maaaring mabawasan ang morale ng komunidad, na maaaring magdulot ng iba't

ibang isyu tulad ng kriminalidad at hindi pagkakaisa.

Sa pamamagitan ng pagsusuri at pagsaliksik, ang layunin ng proyektong ito ay mahanap

ang mga epektibong solusyon sa kakulangan ng pagkakakitaan sa Barangay 177. Nais nating

magkaruon ng mabisang estratehiya upang bigyan ng oportunidad ang mga mamamayan na

maitaas ang antas ng kanilang kabuhayan at mabawasan ang kahirapan sa komunidad. Ang

pagsusuri sa kasalukuyang isyu ng kakulangan ng pagkakakitaan ay may malaking kahalagahan

hindi lamang sa pang-araw-araw na buhay ng mga mamamayan ng Barangay 177 kundi pati na

rin sa pangmatagalang pag-unlad ng barangay. Sa pag-unawa sa mga pangangailangan ng mga

mamamayan at pagtutok sa mga oportunidad na maaaring maging daan sa pag-unlad, makakamit

natin ang isang mas maunlad at masaganang komunidad.


II. Mga Nakaraang Proyekto

Ang mga nakaraang Proyekto ng Barangay 177 ay ang mga livelihood program na

kanilang itinayo upang maturuan ang mga residente ng adisyonal na pamamaraan ng

pagkita ng pera sa pagbenta ng sarili nilang mga produkto. Ang mga klase ng livelihood

program na unang naisigawa ng barangay ay ang paggawa ng mga kandila at iba’t ibang

klase ng sabon (liquid soap, dish soap, at hand soap). Sa kasamaang palad, hindi

masyadong epektibo ang epekto ng mga livelihood program dahil kusang maghahanap ng

paraan para i-benta ng mga residenteng sumali sa mga livelihood program dahil

karamihan sa kanila ay hindi kilala o magaling dumiskarte sa pagnenegosyo at

kinakailangan ng tulong upang makilala ang produkto nila.

III. Mungkahing Solusyon

a. Sakop ng Proyekto

Ang pangunahing layunin ng proyektong ito ay ang pagpapabuti ng kabuhayan ng mga

mamamayan ng Barangay 177 sa pamamagitan ng pagtataguyod ng "Sunday Bazaar." Sa

pamamagitan ng pagbibigay ng platform para sa lokal na negosyo at produktong gawa ng

mga residente, mapapalakas nito ang kanilang kita at magkaruon ng oportunidad na

mapalawak ang kanilang negosyo.

Mga Layunin:

1. I-promote ang Lokal na Produkto: Bigyang diin ang lokal na produksyon sa

barangay at palawakin ang market para sa mga ito.

2. Magbigay ng Pagkakataon sa Micro-Entrepreneurs: Bigyan ng pagkakataon ang

mga micro-entrepreneurs sa barangay na maipakita at maibenta ang kanilang mga


produkto.

3. Likas na Kalakaran ng Negosyo: Ituro sa mga mamamayan ang likas na kalakaran

ng negosyo, tulad ng pamamahagi ng business cards, packaging, at

pangangalakal.

4. Promosyon ng Sunday Bazaar: Upang maayos na ma-promote at makilala ang

gagawing Sunday Bazaar, maglalagay ng tarpaulin o kaya mga poster malapit sa

Barangay hall upang malaman ng mga residente ang mga detalye ng bazaar.

5. Lokal na Interaksyon: Magkaroon ng malasakit sa lokal na komunidad sa

pamamagitan ng pagtataguyod ng mga aktibidad kung saan maaaring makilahok

ang bawat mamamayan.

Proseso ng Pagpapatupad:

Ito ay isang aktibidad na magaganap tuwing Linggo kung saan magkakaroon ng

bazaar area ang paligid ng barangay, naglalayong bigyan ng pagkakataon ang mga

mamamayan na makapagbenta ng kanilang sari-sariling produkto at magkaroon ng

karagdagang kita. Ang proyekto ay magiging mas masigla sa pamamagitan ng

pagsasagawa ng night market, na magbibigay daan sa mas maraming negosyante na

mapakinabangan ang aktibidad. Magtatayo ng mga tents na mayroon nang barangay at

maglalagay ng sound system upang makaakit ng mga mamimili. Ang mga tanod naman

ay roronda upang masiguradong ligtas ang lahat ng mga mamamayan. Sa pamamagitan

ng ganitong proyekto, inaasahan na mapalakas ang lokal na ekonomiya, mabigyan ng

pagkakataon ang mga micro-entrepreneurs, at mapanatili ang aktibong partisipasyon ng

komunidad sa mga lokal na gawain.

Sa aspeto ng Monitoring at Evaluation, mahalaga ang pagtataguyod ng mga


mekanismo upang masiguro ang epektibong pagpapatupad ng proyektong "Sunday

Bazaar." Isang mahalagang bahagi nito ay ang pagtatag ng feedback mechanism na

magbibigay daan sa mga negosyante at mamimili na magbigay ng kanilang opinyon at

mungkahi. Ang ganitong sistema ng feedback ay magiging pundasyon para sa patuloy na

pagpapabuti at paglilinang ng susunod na Sunday Bazaar. Bukod dito, mahalaga rin ang

regular na pagsusukat ng kita ng mga nagtitinda upang masusing ma-monitor ang

tagumpay ng kanilang mga negosyo. Ang pagsusuri na ito ay maglalaman ng mga

suhestiyon para sa kanilang mga susunod na hakbang at maaaring magsilbing gabay para

sa iba pang negosyante. Higit pa rito, isang kritikal na bahagi ang regular na pagmamasid

at pagsusuri ng mga barangay tanod para sa kaligtasan ng lahat sa buong aktibidad. Sa

pamamagitan ng maayos na pagmamasid at pagkilos, masiguro na ang Sunday Bazaar ay

isang ligtas at masayang karanasan para sa lahat ng mga kasali.

b. Timeline

Isang Buwan - Pagpupulong


Preparation Phase - Seminar para sa
Negosyante
- Pagtatayo ng
Infrastruktura
- Promosyon ng bazaar

Tuwing Linggo - Pagpapatupad ng


Implementation Phase ((patuloy na proyekto) bazaar
- Regular na Pagsusuri
- Feedback Mechanism

Kada Buwan - Pagsusukat ng Kita


Monitoring and (patuloy na proyekto) - Pagtatanghal ng
Resulta
- Pagpupulong para sa
Evaluation Pag-audit

c. Budget

Seminars at Workshops

● Panggastos sa mga seminar para sa negosyante.

● Pondo: ₱5,000

Security and Safety

● Pambayad sa mga barangay tanod at pag-organisa ng night market.

● Pondo: ₱5,000

Miscellaneous Expenses

● Pondo para sa iba't ibang gastusin na maaaring lumitaw sa pagpapatupad ng

proyekto.

● Pondo: ₱5,000

Total Budget: ₱15,000

d. Taong Sangkot

Ang mga taong sangkot sa proyektong ito ay ang Kapitan ng Barangay,

empleyado ng barangay, at ang mga boluntaryo ng barangay. Ang trabaho ng

Kapitan ng Barangay 177 ay para masiguro ang tamang pagdaloy ng proyekto at


magtagulin sa mga taong sangkot kung ano ang dapat gawin. Para naman sa mga

empleyado at volunteers ng barangay, sila ay tutulong ihanda ang gagawin at

kailangan para sa Sunday Bazaar. Tulad ng pagtayo ng tent at lamesa sa lugar

kung saan magaganap ang bazaar. Sila na din ang mag tatayoong bilang bantay at

tagapag-ayos sa mga taong sasali sa pagtinda sa bazaar, para kung sakaling may

mga tanong ang mga kasali dito ay mayroong silang malalapitang tao upang

tulungan sila at masagot ang kanilang mga tanong.

e. Proseso

Pagpaplano at Paghahanda

○ Pagpupulong: Isinagawa ang pagpupulong ng Barangay Officials at iba't ibang

stakeholders upang planuhin ang detalye ng proyekto.

○ Seminar para sa Negosyante: Isinagawa ang seminar para sa mga negosyante na

nais sumali sa Sunday Bazaar.

○ Pagtatayo ng Infrastruktura: Itinayo ang mga kinakailangang imprastruktura tulad

ng tent at lamesa sa bazaar area.

○ Promosyon: Isinagawa ang paglalagay ng promotional materials gaya ng tarpaulin

at posters.

Pagsasagawa ng Bazaar

○ Unang Pagpapatupad: Isinagawa ang unang pagpapatupad ng Sunday Bazaar.

○ Regular na Pagsusuri: Regular na pagmamasid at pagsusuri ng mga barangay

tanod para sa kaligtasan ng lahat.

○ Feedback Mechanism: Paglilinang ng feedback mechanism para sa negosyante at


mamimili.

Pagsusuri at Pagsukat

○ Pagsusukat ng Kita: Regular na pagsusukat ng kita ng mga negosyante.

○ Pagtatanghal ng Resulta: Pagtatanghal ng mga resulta at feedback mula sa mga

mamimili at negosyante.

○ Pagpupulong para sa Pag-audit: Pagpupulong para sa pag-audit ng proyekto at

pagtutok sa mga aspeto na maaaring mapabuti.

f. Mungkahing Solusyon:

Ang pangunahing layunin ng proyektong ito ay ang pagpapabuti ng kabuhayan ng mga

mamamayan ng Barangay 177 sa pamamagitan ng pagtataguyod ng "Sunday Bazaar." Sa

pamamagitan ng pagbibigay ng platform para sa lokal na negosyo at produktong gawa ng mga

residente, mapapalakas nito ang kanilang kita at magkaruon ng oportunidad na mapalawak ang

kanilang negosyo.

g. Rekomendasyon

Upang makatulong sa pag-angat ng kalagayan ng Barangay 177, mahalaga ang

pagsasagawa ng regular na konsultasyon at pagpupulong sa mga mamamayan upang maunawaan

ang kanilang pangangailangan at maisakatuparan ang mga proyektong makakatulong sa kanilang

kapakanan. Ang pagbibigay ng pagkakataon sa mamamayan na maging aktibo at bahagi ng

proseso ng pagpapasya sa mga proyekto sa barangay ay naglalayong palakasin ang kanilang

sense of ownership at community empowerment. Maari rin ang pakikipagtulungan sa iba't ibang

sektor tulad ng pribadong sektor, non-government organizations, at iba pang ahensiyang may
layuning makatulong sa komunidad. Ang pagpapasaayos ng mga proyektong ito sa layuning

maging sustainable, at makatulong hindi lamang sa kasalukuyan kundi pati na rin sa mga

susunod na henerasyon, ay isinusulong. Ang malawakang suporta at pagtutulungan sa mga

nabanggit na aspeto ay maaaring magsilbing pundasyon para sa pagbuo ng mas malakas at mas

matatag na komunidad na may kakayahan na harapin ang mga hamon ng buhay.

You might also like