You are on page 1of 15

Ang mga Hamon at

Oportunidad sa mga Gawaing


Pangkabuhayan ng Bansa.
Pagsasaka
Rehiyon III o Gitnang Luzon – Itinuturing na
“Rice Granary of the Philippines.”
Partikular ang lalawigan ng Nueva Ecija.
Iba pang produkto mula sa mga lalawigan
- Batangas, Quezon at Cavite – kape - Ilocos –
bawang at tabako
- Benguet – gulay at prutas - Cebu – mais
- Bukidnon – pinya - Davao – durian
Mga Hamon Kaakibat ng Hanapbuhay na
Pagsasaka
1. Lalong lumalaking bilang ng mga angkat sa
produktong agrikultura
2. Kahirapan dulot ng mababang kita ng mga magsasaka
3. Limitadong pondo na pinagkakaloob ng pamahalaan
bilang tulong sa maliliit na magsasaka
4. Suliranin sa irigasyon at kawalan ng
kontrol sa presyo
5. Higit sa lahat ay ang mga suliranin sa
kalikasan at pagbabago ng panahon tulad
ng El Niño phenomenon o mahabang
panahon ng tag - init
Oportunidad ng mga Magsasaka
1. Paggamit ng mga makabagong teknolohiya
para mapabilis ang produksyon
2. Impormasyon sa mga bagong pag – aaral at
saliksik upang gumanda ang ani at dumami
ang produksyon
3. Paghikayat sa mga OFW na
mamuhunan sa pagsasaka at linangin ang
mga lupain sa kani-kanilang mga
probinsya.
4. Pagbibigay ng pagkakataon para sa
magsasaka na makapag-aral ng tamang
paraan ng pagsasaka
Pangingisda
Dahil ang Pilipinas ay isang kapuluan,
maraming lugar sa bansa ang itinuturing na
pamayanang pangisdaan.
Mga produktong nagmula sa pangingisda
- Galunggong - Tulingan
- Tamban - Tambakol
Mga Hamon Kaakibat ng Hanapbuhay na
Pangingisda
1. Climate change o pagbabago ng klima ng mundo at
likas na mga pangyayari tulad ng mga kalamidad
2. Ang mga kalsada, tulay at iba pang imprastrakturang
nakababagal sa transportasyon ng mga produktong
dagat kung kaya’t hindi maabot sa merkado ang mga
sariwang isda
3. Pagkasira ng mga tahanan ng mga
isda sa ilalim ng dagat at hindi
epektibong pangangalaga sa mga
yamang dagat lalo na sa mga
protektadong lugar.
Mga Oportunidad Kaakibat sa Pangingisda
1. Pagpapatatag ng Philippine Fish Marketing Authority
(PFMA) sa industriya ng pagbibili ng isda sa
pamamagitan ng pagpapatayo ng karagdagang daungan o
pantalan sa mga istratehikong lugar upang mapalago ang
kita at produksiyon;
2. Pagpapatayo ng planta ng yelo at imbakan ng mga
isda;
3. Paglalaan ng mga sasakyan sa pangingisda;
4. Pagbili ng mga modernong kagamitan sa pangingisda
tulad ng underwater sonars at radars;
5. Paggawa ng bagong kurikulum para sa mga kurso sa
marine at fishing;
6. Paglulunsad ng mga programang makatutulong sa
pagpapaunlad ng industriya ng pangingisda tulad ng Blue
Revolution at Biyayang Dagat; at
7. Pagkakaroon ng mga kooperatibang naglalayong
sumuporta sa mga maliliit na mangingisda.
Takdang-aralin
Panuto : Lagyan ng tsek (/) ang bilang na
nagpapakita ng mga hamong kinakaharap ng
mga magsasaka at mangingisda.
_______1. Maalon na karagatan.
_______2. Mabilis na transportasyon
sa paghahatid ng mga gulay at prutas.
____3. Panahon ng El Niño at La
Niña.
____4. Pagkasira ng tahanan ng
mga isda.
_____5. Suliranin sa irigasyon.
_____6. Pagsasagawa ng libreng seminar sa
pagpaparami at pagpapalaki ng isda.
_____7. Pagbibigay ng libreng edukasyon para
sa mga magsasaka at mangingisda.
_____8. Kakulangan sa pagpapaabot ng tulong
para sa mga magsasaka at mangingisda.
_______9. Pagbibigay ng pondo para sa
sakahan.
_______10. Dumaraming sumusuporta
sa pagbibigay ng pondo sa sakahan at
pangisdaan.

You might also like