You are on page 1of 10

EPP-HOME ECONOMICS

Iba’t- ibang Paraan ng Wastong Pangangalaga ng


Kasuotan
1. Ingatan ang palda ng uniporme o anumang damit na
may pleats, Huwag itong hayaangmagusot sa pag-upo.
2. Huwag umupo kung saan-saang lugar nang hindi
marumihan ang damit o pantalon. Siguraduhing malinis
ang lugar na uupuan.
3. Kapag namantsahan o narumihan ang damit, labhan
ito agad para madaling matanggal at hindi gaanong
kumamit sa damit ang dumi o mantsa.
4. Gumamit ng bleach para tanggalin ang dumi o mantsa. Gumamit
ng naayon sa kulay ng damit. May mga chlorox para sa puti at
bleach para sa may kulay.
5. Magsuot ng angkop na kasuotan ayon sa Gawain. Huwag
gawing panlaro ang damit na pamasok sa paaralan. Pagdating sa
bahay galling sa paaralan, hubarin kaagad ito at pahanginan.
6. Ugaliing magsuot ng tamang damit na pantulog tulad ng
pajama, daster, at short. Dapat maluwag na damit ang pantulog
upang ito ay maginhawa sa pakiramdam.
7. Kapag natastas ang laylayan ng damit, tahiin ito kaagad pag-uwi
sa bahay upang hindi ito lumaki.
8. Alagaan ang mga damit at iba pang gamit sa pamamagitan ng
paglalagay ng mga ito sa tamang lagayan.
Mga kagamitan sa Pananahi sa Kamay
1. Medida-Ginagamit na panukat
ng iba’t ibang bahagi ng katawan
at ng tela bago ito tabasin.

2. Gunting-Ito ay ginagamit sa
pagputol ng telang itatapal sa
damit na punit o damit na
susulsihan.
3. Karayom at sinulid– ito ang
pangunahing kagamitan ng pananahi
sa kamay. Dapat magkasingkulay ang
sinulid at ang damit na tatahiin at
kailangan din na ang karayom ay laging
matulis at walang kalawang
4. Didal—ito ang kagamitan na
isinusuot sa gitnang daliri ng
kamay. Ito ay nagsisilbing pantulak
sa karayom kung ang telang
tinatahi ay matigas.
5. Pin cushion– ito ay tusukan ng
mga karayom at aspili upang hindi
mawala.
6. Emery bag– ang laman nito ay
pinong buhangin at basag na plato.
Ito angnagsisilbing hasaan ng
karayom at aspili.
Ang butones ay ginagamit sa kasuotan bilang dekorasyon o
pansara o di kaya’a pareho. Kung ang butones ay para sa
pansara sa bukasan ng damit, ito ay may katambal o katapat
na uhales o butas. Dapat ding isaayos ang uhales kung ito
ay tastas na.
May mga butones na flat at may butas. Ipinapatong ito
sa damit at sa ilalim ng butones sinisimulan ang tahi. Doble
ang hibla ng sinulid upang maging matibay. Nakikita ang
sinulid sa ibabaw ng butones. Ibagay ang kulay ng sinulid sa
butones. Lagyan ng aspili sa pagitan ng butas habang
tinatahi.
Tahiin nang dalawa o tatlong ulit bago alisin ang aspili at
paikut-ikutin ang sinulid sa ilalim ng butones bago isara.
May mga butones na may kabitan sa ilalim. Ito ang
tinatawag na shank button. Sa ilalim ito tinatahi, kaya
hindi nakikita ang tahi sa ibabaw nito. Ganito ang
paraan ng pagkakabit ng shank button.
Ang mga kutsetes o kawit at otomatiko (snaps) ay
laging may kapares o katapat. Ikinakabit ito sa pagitan
ng magkapatong na tela ng bukasan ng damit. Hindi
ito makikita sa harap kung naikabit na.
Ang sinulid ay dapat kakulay ng damit upang di
masyadong mapansin ang tinatahian nito. Ganito ang
mga paraan ng pagkakabit sa ganitong pansara
Mga Butones:

1. Butones na may dalawang


butas (Two-Hole Button)

2. Butones na may isang


nakaalsa sa likod (Shank
Button)
Mga hakbang na dapat sundin sa pagkakabit ng
nawawalang butones
1. Lagyan ng marka ang lugar na
pagkakabitan ng butones.
Doblehin ang sinulid at lagyan ng
buhol sa dulo. Ang sukat ng sinulid
ay mula sa dulo ng daliri ng kamay
hanggang siko.
2. Itusok ang karayom sa kabaligtaran
ng damit. Ilabas ito sa butas ng
butones. Itusok muli ng paibaba katapat
ng butas.
3. Ulit-ulitin ang pagtatahi sa mga butas
ng butones. Ang huling tahi ay sa
karayagan o sa kabaligtaran ng damit at
ibuhol ng dalawang ulit.

You might also like