You are on page 1of 15

5

EPP - HE
Markahan 2 - Modyul 1:
Pangangalaga sa Sariling Kasuotan
EPP-HE – Ikalimang Baitang
Alternative Delivery Mode
Markahan 2 - Modyul 1: Pangangalaga sa Sariling Kasuotan
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Fe Tabile Cabio


Editor: Teresita Z. Olasiman, Fe T. Cabio
Mga Tagasuri: Teresita Z. Olasiman
Typesetter: Fe T. Cabio
Tagapamahala: Senen Priscillo P. Paulin, CESO V Rosela R. Abiera
Fay C. Luarez, TM, Ed.D., Ph.D. Maricel S. Rasid
Adolf P. Aguilar, Ed.D.,TM Elmar L. Cabrera
Nilita L. Ragay, Ed.D.
Antonio B. Baguio, Jr. Ed.D.
.

Printed in the Philippines by ______________________________


Department of Education Region VII – Division of Negros Oriental
Office Address: Capitol Area, Dumaguete City, Negros Oriental
Telefax: (035) 225 2376 / 225 2838
E-mail Address: negros.oriental@deped.gov.ph
5

EPP - HE
Markahan 2 - Modyul 1:

Pangangalaga sa Sariling Kasuotan

3
Alamin

Sa modyul na ito, mahalagang magampanan ng mga batang nasa ikalimang


baitang ang mga tungkuling pansarili isa na rito ang pangangalaga ng mga kasuotan.

Ang pangangalaga ng kasuotan ay hindi mahirap na gawain. Ang kailangan


lamang ay pagsasanay at pagsisikap sa mga gawaing dapat gampanan. Isa ito sa
mga tungkuling dapat pag-aralan gampanan ng batang nasa ikalimang baitang.

Upang magsimula sa modyul na ito, unawain muna natin ang kahulugan ng


kasuotan.

Ang kasuotan ay isang piraso ng damit. Ito ay ginamit lalo na sa mga konteksto
kung saan pinag-uusapan mo ang paggawa o pagbebenta ng mga damit.

Sa araling ito, tatalakayin ang wastong pangangalaga at pag-iingat sa kasuotan.

Upang magsimula, subukan muna nating alamin ang mga kakayahang dapat
mong sanayin sa katapusan ng modyul na ito.

Sa pagtatapos ng modyul na ito, inaasahan ang:

1. Pagkilala sa mga wastong paraan upang mapanatiling malinis ang kasuotan


2. Naiisa-isa ang mga paraan upang mapanatiling malinis ang kasuotan.
3. Napapahalagahan ang pagpapanatili ng malinis na kasuotan

4
Subukin

A. Panuto: Para maging handa ka sa susunod na mga gagawin, buuin mo ang


crossword puzzle tungkol sa pagpapanatiling malinis ang kasuotan sa
pamamagitan ng pagtukoy sa inilalarawan sa bawat bilang.

2 6
1

10
9

5 7
4

Pahalang
1. Isang paraan ng paglilinis ng mga maruruming kasuotan, karaniwang may tubig
at madalas na ginagamitan ng ilang uri ng sabon o panlinis
3. Ang pagdurugtong ng sinulid na nautol sa bahagi ng damit sa pamamagitan ng
pagtahi.
4. Pagbuo ng tela sa pamamagitan ng magkakabit ng mga sinulid.
8. Isang piraso ng damit.
9. Maayos na pag-aalaga o pag-iingat.
Pababa

2. Ang paggamit ng isang makina, karaniwang isang pinainitang kagamitan


upang matanggal ang mga kulubot mula sa tela.
5. Maruming marka na mahirap tanggalin.
6. Pagkuha ng bagay na hindi ginusto.
7. Ayusin o tagpiin.
10. Kasingkahulugan ng angkop. 2

5
B. Panuto: Basahin ang mga pangungusap. Gumuhit ng nakangiting mukha
( ) sa linya kung ang pangungusap ay nagpapakita ng wastong paraan para
mapanatiling malinis ang mga kasuotan at malungkot na mukha ( )
naman kung hindi.

________ 1. Sa paglalaba, dapat ihiwalay ang puting damit sa di-kulay.


________ 2. Labhan at plantsahin muna ang damit bago ito kumpunihin.
________ 3. Huwag ilagay sa loob ng kabinet ang damit kung ito ay basa pa.
________ 4. Dapat buhusan ng maraming tubig ang damit na pinaplantsa.
________ 5. Labhan kaagad ang damit kapag ito ay namantsahan o narumihan.

6
Lesson
Aralin
11 Pangangalaga sa Sariling
Kasuotan

Tuklasin
Ang mga sumusunod ay mga wastong pangangala at pag-iingat sa kasuotan:

1. Pahanginan ang damit na basa ng pawis.


2. Ihanger ang mga malinis na damit panglakad.
3. Tiklupin nang maayos ang mga damit pambahay at isalansan sa cabinet ayon
sa kulay at gamit.
4. Tiklupin ng pabaliktad ang mga damit na hindi gaanong ginagamit at ilagay sa
plastic bag.
5. Tanggalin kaagad ang mantsa ng damit habang sariwa pa.
6. Kumpunihin ang sira ng damit tulad ng butas, punit, at tastas bago ito labhan.
7. Punasan muna ang uupuang lugar bago umupo. Maaari ding lagyan muna ng
sapin ito.

Narito ang ilang paraan upang mapanatiling malinis at maayos ang kasuotan:

1. Paglalaba
Ikatatagal o ikahahaba sa gamit ng damit ang paglalaba. Ang paglalaba
ng mga damit na isinuot ay nakatutulong upang matanggal ang alikabok, dumi,
at pawis na kumapit dito. May mga wastong paraan ng paglalaba o pagkukusot
ng damit na kailangang sundin upang matiyak na malinis ang damit.

https://www.google.com/search?q=larawan+ng+naglalaba&tbm=isch&chips=q:cartoon+larawan+ng+naglalaba,g_1:cartoon:k1htGtV9820%3D,onli
ne_chips:clipart&hl=en&sa=X&ved=2ahUKEwiGw9bUjIjrAhWDHaYKHTY_BFIQ4lYoAHoECAEQGA&biw=1349&bih=657#imgrc=iBsw-27iKrv9uM

2. Pamamalantsa
Gusut-gusot kapag natuyo na ang bagong labang damit. Parang marumi

7
o luma at hindi maayos tingnan ang damit kung isusuot ito na lukut-lukot kaya
nararapat lamang na plantsahin muna ito. Bumabalik ang kagandahan o dating
hugis at ayos ng damit sa pamamagitan ng wastong pamamalantsa.

https://www.google.com/search?q=larawan+ng+naglalaba&tbm=isch&chips=q:cartoon+larawan+ng+naglalaba,g_1:cartoon:k1htGtV9820%3D,onli
ne_chips:clipart&hl=en&sa=X&ved=2ahUKEwiGw9bUjIjrAhWDHaYKHTY_BFIQ4lYoAHoECAEQGA&biw=1349&bih=657#imgrc=mYPOtjEPmWD
-WM&imgdii=K_LwhDeWzCchxM

3. Pagsusulsi
Ang pagsusulsi ay pagtatahi nang pinong-pino at paulit-ulit. Ang
running stitch at catch stitch ang ginagamit sa pagsusulsi. Nakakahawig ito
sa tahi ng makina. Ginagamitan ito ng sinulid na malapit o kapareha ng kulay ng
damit. Pinong karayom ang ginagamit dito. Ang sulsi ay pagbahagi ng bagong
sinulid sa napunit na bahagi ng damit.

https://www.google.com/search?q=image+of+a+child+mending+clothes+cartoon&tbm=isch&ved=2ahUKEwjyj_bsjojrAhUEUpQKHZzeCCMQ2-
cCegQIABAA&oq=image+of+a+child+mending+clothes+cartoon&gs_lcp=CgNpbWcQA1DfEljGI2CRKGgAcAB4AIABigGIAboGkgEDNS4zmAEAo
AEBqgELZ3dzLXdpei1pbWfAAQE&sclient=img&ei=08UsX7LaOoSk0QScvaOYAg&bih=657&biw=1349&hl=en#imgrc=D-GGM7FrRYl8MM

4. Pagtatagpi
Ang pagtatagpi ay pagtatapal ng kapisarong tela sa butas ng isang
kasuotan o damit. Nagkakabutas ang damit sa kadahilanang kinagat ito ng daga,
nasunog ng sigarilyo o plantsa, o binutas ng mga panirang kulisap na
namamahay sa iyong kabinet, karton, o lalagyan ng iyong mga damit.
Kukumpunihin mo ito sa pamamagitan ng pagtatagpi.

8
https://www.google.com/search?q=image%20of%20a%20child%20mending%20clothes%20cartoon&tbm=isch&hl=en&hl=en&tbs=rimg%3ACYnzA-
_13Y41FYcaAXBDVLnb7&sa=X&ved=0CCAQuIIBahcKEwjggY6Uk4jrAhUAAAAAHQAAAAAQMQ&biw=1499&bih=730#imgrc=603sE_unSeq0EM

5. Pag-aalis ng Mantsa
Ang damit na may mantsa ay hindi magandang tingnan. Dapat tanggalin
ang kahit anong klase ng mantsa habang sariwa pa kaya mahalaga ang
kaalaman sa epektibong paraan ng pag-alis nito.

https://www.google.com/search?q=larawan+ng+nagtatanggal+ng+mantsa&tbm=isch&ved=2ahUKEwi8loOHlYjrAhUFzIsBHTPrDHAQ2-
cCegQIABAA&oq=larawan+ng+nagtatanggal+ng+mantsa&gs_lcp=CgNpbWcQA1DE6gFYp_wBYIP7AmgAcAB4AIABiwGIAZIHkgEDMi42mAEAo
AEBqgELZ3dzLXdpei1pbWfAAQE&sclient=img&ei=VcwsX_yXE4WYr7wPs9azgAc&bih=730&biw=1499&hl=en&hl=en#imgrc=gD7c2vDh5hpLHM

6. Pag-aayos ng mga damit


Sa pag-aayos ng mga damit, mahalagang magkaroon ng sariling
lalagyan ang mga ito. Mapapanatiling malinis ang mga damit kapag ilalagay ito
sa loob ng kabinet o aparador. Kung wala ka namang sariling kabinet o aparador
sa inyong bahay, pwede kang gumamit ng isang malinis na karton o kahon.

https://www.google.com/search?q=larawan+ng+nagtitiklop+ng+mga+damit+cartoons&tbm=isch&ved=2ahUKEwjP0LG1mIjrAhUIZ5QKHSuFDsIQ2-
cCegQIABAA&oq=larawan+ng+nagtitiklop+ng+mga+damit+cartoons&gs_lcp=CgNpbWcQA1CUHFiQPmC5SWgAcAB4AIABjgGIAdcNkgEEMi4xNJgBAKABAaoBC2d3cy
13aXotaW1nwAEB&sclient=img&ei=288sX4_3M4jO0QSrirqQDA&bih=730&biw=1517#imgrc=q6V6zBe3oexmMM&imgdii=IVJplzDYEk5rUM

9
Suriin
Panuto: Isulat ang Tama kung nararapat gawin sa pangangalaga
ng kasuotan at Mali kung hindi nararapat.
_______1. Iwasang umupo sa mga maruruming lugar.
_______2. Pagpunasan ng kamay, pawis at sipon ang hinubarang damit.
_______3. Ilagay sa hanger ang basang damit pagkahubad nito.
_______4. Alisin ang mantsa habang sariwa pa.
_______5. Labhan muna ang mga damit na may punit bago tahiin.
_______6. Hayaang maiwan ang pawis sa damit.
_______7. Palitan ng madalas ang mga damit na panloob tulad ng brief,
panty at bra.
_______8. Gumamit ng panyo sa pagpunas ng pawis.
_______9. Hintaying matuyo ang mantsa ng damit saka ito alisin.
______10. Ilagay sa plastic bag ang mga damit na hindi gaanong ginagamit.

Pagyamanin

Ang mga sumusunod na gabay na mga tanong na nagbubuod sa buong


modyul. Isulat ang iyong mga sagot sa kuwaderno.
A. Ipaliwanag ang kahalagahan ng paglalaba.
B. Anu-ano ang mga paraan upang mapanatili ang kalinisan ng kasuotan?
C. Bakit mahalagang panatiliin ang kalinisan ng iyong kasuotan?
D. Sa iyong palagay, bakit mahalaga ang pagsusuot ng presentable at malinis na
kasuotan?
E. Bilang isang mabuting kasapi ng iyong pamilya, paano ka makatutulong sa
pagpapanatili ng kalinisan sa iyong kasuotan.

Isaisip
Ang pangangalaga ng kasuotan ay hindi mahirap gawin. Ang kailangan lamang
ay pagsasanay at pagsisikap sa mga gawaing dapat gampanan. Isa ito sa mga
tungkuling dapat pag-aralan at gampanan ng batang nasa edad mo.

Tandaan ang mga sumusunod:

1. Ang batang malinis at maayos ang kasuotan ay hinahangaan.

10
2. Ang kaalaman sa wastong pangangalaga ng kasuotan at pagkukusang
gawin ang mga ito ay tanda ng pagkakaroon ng disiplina at pagiging
masinop.
3. Ang maagap na pangangalaga at pagkukumpuni ng mga kasuotan ay
kailangan upang makayipid sap era, oras at lakas.
4. Sa pangangalaga ng kasuotan, sundin ang mga paraan kung paano
mapangalagaan ang kasuotan.

Isagawa
Panuto: Isulat sa paligid ng damit ang wastong paraan ng pangangalaga ng
kasuotan. Ipaliwanag ang bawat isa. Gawin ito sa iyong kuwaderno.

Tayahin

A. Panuto: Basahin nang mabuti ang mga pangungusap. Piliin sa loob ng


kahon sa ibaba ang tamang sagot. Isulat ang iyong sagot sa
kuwaderno.

Paglalaba Pagtatagpi Pagsusulsi Pamamalantsa


Pag-aalis ng mantsa Pag-aayos ng mga damit
11
1. Gawin ito matapos labhan at plantsahin ang mga damit.
2. Gawin ito matapos maisuot ang damit upang maalis ang dumi at alikabok na
kumapit.
3. Gawin ito sa damit na may butas, punit, o tastas.
4. Gawin ito kung ang kasuotan ay natapunan ng pagkain, pintura, at iba pang
likidong bagay.
5. Gawin ito sa damit pagkatapos malabhan upang mawala ang gusut-gusot
o lukut-lukot nito.

B. Panuto: Lagyan ng √ ang pangungusap na nagpapakita ng wastong


paraan ng pangangalaga ng kasuotan at X kung hindi.

_____ 1. Ihanger ang mga damit na mamasa-masa o basa sa pawis o ulan.


_____ 2. Alisin kaagad ang anumang uri ng mantsa.
_____ 3. Suriin ang iyong mga damit.
_____ 4. Sundin ang mga wastong hakbang sa paglalaba.
_____ 5. Ilagay ang iyong uniporme sa paaralan, blouses, mga palda, polo
shirts, jumpers, at iba pang mga damit sa hanger o sabitan
pagkatapos plantsahin.
_____ 6. Tupiin ang iba pang mga damit, mga kasuotang panloob, panyo, at
medyas nang maayos at maingat sa aparador o anumang malinis na
lalagyan.
_____ 7. Umupo sa mga lugar na marurumi.
_____ 8. Gamiting pamunas ng kamay, pawis o tumutulong sipon and damit.
_____ 9. Hayaan lang na may sira, butas o punit ang damit bago ito labhan.
_____10. Hintaying matuyo ang mantsa ng damit saka ito alisin.

Karagdagang Gawain

Sa pagsagot ng mga sumusunod na katanungan, maaaring humingi ng tulong sa


iyong mga magulang o nakakatanda.

1. Ano ang mga panuntunang pangkalusugan at pangkaligtasan na dapat


tandaan sa pangangalaga ng kasuotan?
2. Paano nakatutulong ang maagang pagkatuto ng tamang pag-aalaga ng
kasuotan?

12
13
Kaalaman at Kasanayan Tungo sa Kaunlaran 5 Manwal ng Guro mga pahina 27-28
Education Curriculum Guide May 2016 page 31 of 58
K to 12 Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan and Technology and Livelihood
Sanggunian
Tayahi A:
1.Pag-aayos ng mga damit 2. Paglalaba 3. Pagsusulsi
4. Pag-aalis ng mantsa 5. Pamamalantsa
B. 1. √ 2. √ 3. √ 4. √ 5. √ 6. √ 7. X 8. X 9. X
Isagawa: 10. X
Answers may vary
Subukin
Pagyamanin: A.
Answers may vary 2. 6.
P P
1. P A G L A L A B A
Suriin
M G
1. Tama
2. Mali A A
3. Tama 10.
4. Tama M A W
5. Mali 9. P A N G A N G A L A G A
6. Mali
7. Tama L I S
8. Tama 3. P A G S U S U L S I T
9. Mali
10. Tama N O
T
5. 7.
Subukin B S M P
4. P A G T A T A G P I
1.
N G
2.
T A
3.
S A
4.
A Y
5. 8.
K A S U O T A N
S
Susi sa Pagwawasto
marunong mag-ayos ng kanyang kasuotan?
3. Bilang isang mabuting mag-aaral, ano ang naipakikita ng isang batang
Batayang Aklat sa Kaalaman at Kasanayan Tungo sa Kaunlaran 5 mga pahina 120-
122
Home Economics and Livelihood Education for Philippine Elementary Schools 4th
Edition 5 pages 33-34

http://lrmds.deped.gov.ph

https://www.google.com/search?q=larawan+ng+naglalaba&tbm=isch&chips=q:cartoo
n+larawan+ng+naglalaba,g_1:cartoon:k1htGtV9820%3D,online_chips:clipart&hl=en
&sa=X&ved=2ahUKEwiGw9bUjIjrAhWDHaYKHTY_BFIQ4lYoAHoECAEQGA&biw=1
349&bih=657#imgrc=iBsw-27iKrv9uM

https://www.google.com/search?q=larawan+ng+naglalaba&tbm=isch&chips=q:cartoo
n+larawan+ng+naglalaba,g_1:cartoon:k1htGtV9820%3D,online_chips:clipart&hl=en
&sa=X&ved=2ahUKEwiGw9bUjIjrAhWDHaYKHTY_BFIQ4lYoAHoECAEQGA&biw=1
349&bih=657#imgrc=mYPOtjEPmWD-WM&imgdii=K_LwhDeWzCchxM

https://www.google.com/search?q=image+of+a+child+mending+clothes+cartoon&tb
m=isch&ved=2ahUKEwjyj_bsjojrAhUEUpQKHZzeCCMQ2-
cCegQIABAA&oq=image+of+a+child+mending+clothes+cartoon&gs_lcp=CgNpbWc
QA1DfEljGI2CRKGgAcAB4AIABigGIAboGkgEDNS4zmAEAoAEBqgELZ3dzLXdpei1
pbWfAAQE&sclient=img&ei=08UsX7LaOoSk0QScvaOYAg&bih=657&biw=1349&hl=
en#imgrc=D-GGM7FrRYl8MM

https://www.google.com/search?q=image%20of%20a%20child%20mending%20clot
hes%20cartoon&tbm=isch&hl=en&hl=en&tbs=rimg%3ACYnzA-
_13Y41FYcaAXBDVLnb7&sa=X&ved=0CCAQuIIBahcKEwjggY6Uk4jrAhUAAAAAH
QAAAAAQMQ&biw=1499&bih=730#imgrc=603sE_unSeq0EM

https://www.google.com/search?q=larawan+ng+nagtatanggal+ng+mantsa&tbm=isch
&ved=2ahUKEwi8loOHlYjrAhUFzIsBHTPrDHAQ2-
cCegQIABAA&oq=larawan+ng+nagtatanggal+ng+mantsa&gs_lcp=CgNpbWcQA1D
E6gFYp_wBYIP7AmgAcAB4AIABiwGIAZIHkgEDMi42mAEAoAEBqgELZ3dzLXdpei1
pbWfAAQE&sclient=img&ei=VcwsX_yXE4WYr7wPs9azgAc&bih=730&biw=1499&hl
=en&hl=en#imgrc=gD7c2vDh5hpLHM

10
https://www.google.com/search?q=larawan+ng+nagtitiklop+ng+mga+damit+cartoons
&tbm=isch&ved=2ahUKEwjP0LG1mIjrAhUIZ5QKHSuFDsIQ2-
cCegQIABAA&oq=larawan+ng+nagtitiklop+ng+mga+damit+cartoons&gs_lcp=CgNp
bWcQA1CUHFiQPmC5SWgAcAB4AIABjgGIAdcNkgEEMi4xNJgBAKABAaoBC2d3c
y13aXotaW1nwAEB&sclient=img&ei=288sX4_3M4jO0QSrirqQDA&bih=730&biw=15
17#imgrc=q6V6zBe3oexmMM&imgdii=IVJplzDYEk5rUM

14
15

You might also like