You are on page 1of 2

EPP 4

PAUNAWA: ANG EPP WEEK 2 AY KARUGTONG NG WEEK 1. TINGNAN ANG MGA GAWAIN SA
NAUNANG KOPYA IBINIGAY NG GURO.

EPP WEEK 3

PANIMULA / INTRODUCTION

Ang pananahi ng sirang kasuotan ay isa sa mga paraan kung paano pangangalagaan ang ating kasuotan. Hindi kaaya-ayang
tingnan ang kasuotan na may sira tulad ng tanggal na butones. Ang pananahi ng tanggal na butones ay madali lamang kung
ikaw ay may wastong kaalaman sa pananahi nito.

Narito ang mga kagamitan sa pananahi at ang gamit nito.

1. Karayom at sinulid – ito ang pangunahing kagamitan sa pananhi sa kamay. Dapat magkasingkulay ang sinulid at
ang damit na tatahiin at kailangan din na ang karayom ay lagging Matulis at walang kalawang.

2. Medida – ito ay ginagammit sa pagsusukat ng bahagi ng katawan ng tao at ng telang tatahiin.

3. Gunting – ang gunting na gagamitin sa paggupit sa telang tatahiin ay kailangang laging matalas.

4. Didal – ito ang kagamitan na isinusuot sa gitnal daliri ng kamay. Ito ay nagsisilbing pantulak sa karayom kung ang
telang tinatahi ay matigas.

5. Pin cushion – ito ay tusukan ng mga karayom at aspili upang hindi mawala.

6. Emery bag – ang laman nito ay pinong buhangin at basag na plato. Ito ay nagsisilbing hasaan ng karayom at aspili.

Nasa ibaba ang iba’t ibang uri din ng butones at paraan ng pagkakabit nito:

Two-hole button – ito ay flat na butones na may dalawang butas. Sa ibabaw ng tela ito itinatahi at nakikita
ang sinulid.

Shank button – ito ay butones na may isang nakalsa sa likod. Itinatahi ito sa ilalim ng kabaligtaran ng damit.

Kailangan ding ibagay ang kulay ng sinulid na gagamitin sa kulay ng damit na kukumpunihin.

PAGPAPAUNLAD / DEVELOPMENT

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Kilalanin ang mga sumusunod na kagamitan sa pananahi. Isulat ang sagot sa iyong
sagutang papel.

1. 2.

3. 4.

5.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Magsaayos ng payak na sira ng kasuotan tulad ng tanggal na butones. Gawain ito sa iyong
kasuotan na kulang ng butones. Sundan ang tamang paraan ng pananahi nito. Ipasa ang natahing butones at sagutan ang
tseklist na nasa ibaba para sa pagkakabit ng butones. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

(KUNG WALANG KASUOTAN NA KULANG NG BUTONES, MAAARING MAGTAHI NG BUTONES SA ISANG TELA AT ITO
ANG INYONG IPASA)

Tseklist para sa Pagkakabit ng Tanggal na Butones

Katangian Oo Hindi

1.Angkop ba ang butones sa damit na kinukumpuni?

2.Nasa ilalim ba ng butones ang buhol ng sinulid?

3.Katamtaman ba ang sikip o luwag ng tahi sa butones?

4.Nasunod ba ang tamang hakbang sa pananahi ng tanggal na


butones?

5.Malinis ba ang pagkakatahi sa tanggal na butones?

PAKIKIPAGPALIHAN/ENGAGEMENT

Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

1. Ano ang dalawang pangunahing kagamitan sa pananahi?

2. Bakit kailangang gumamit ng didal sa pananhi lalo na kung ang telang tinatahi ay matigas?

3. Bakit mahalaga ang emery bag?

4. Bakit kailangang matutunan ng mga batang kagaya mo ang gamit ng mga kagamitan sa pananahi?

5. Paano nakatulong sayo ang pagkakaroon ng kaalaman sa pananahi? Ipaliwanag.

PAGLALAPAT/ASSIMILATION

Gawain sa Pagkatuto Bilang 4: Sabihin kung anong katangian at gamit ng mga sumusunod na kagamitan sa pananahi.

1. Didal

2. Medida

3. Aspili

4. Emery bag

5. Gunting

Maaaring panoorin ang DepEd ETUlay Online Tutorial para sa karagdagang paggabay sa pag-aaral sa linggong ito.

https://www.youtube.com/watch?v=qKdnyUtoKTs

You might also like