You are on page 1of 9

EPP – TLE LEARNING ZIP

Ikaapat na Linggo

na at Kamay sa Pagbuo ng mga Kag

Baitang 5-Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan –Sining Pantahanan


Kompetensi: Nakagagamit ng makina at kamay sa paggawa ng mga kagamitang pambahay
EPP5HE-0f-17
EPP – Sining Pantahanan - Baitang 5
EPP-TLE Learning Zip
Paggamit Ng Makina At Kamay Sa Pagbuo Ng Mga Kagamitang Pambahay
Unang Edisyon, 2020

Inilimbag sa Pilipinas
ng Kagawaran ng Edukasyon Sangay ng
mga Paaralan ng Iloilo
Kalye Luna, Distrito ng La Paz, Lungsod ng Iloilo

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayumpaman,
kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda
kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang EPP-TLE Learning Zip o anumang bahagi nito ay inilathala upang gamitin ng
mga paaralan ng Kagawaran ng Edukasyon lalo na ng Sangay ng mga Paaralan ng Iloilo.

Walang anumang bahagi ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot mula sa Kagawaran ng Edukasyon, Sangay ng mga
Paaralan ng Iloilo. Ang pagbebenta nito ay higit na ipinagbabawal.

Development Team of the EPP-TLE Learning Zip

Authors/Writers: Relly C. Arca, Florabel B. Napura


Sheila Mae M. Abismo, Maria Joyce A. Prado Melody L. Barretto
Ronie Continente, Francis P. Caro, Roxanne Q. Vergara
Lilibeth E. Larupay, Armand Glenn S. Lapor Florabel B. Napura, Johna N. Noble
Illustrators: Layout Artists:

Division Quality Assurance Team:


Lilibeth E. Larupay, Abraham P. Imas
Remia D. Manejero, Armand Glenn S. Lapor, Rustom C. Plamillo

Management Team: Dr. Roel F. Bermejo, Dr. Nordy D. Siason, Jr.


Dr. Lilibeth T. Estoque, Dr. Azucena T. Falales Ruben S. Libutaque, Lilibeth E. Larupay
Abraham P. Imas, Remia D. Manejero

Baitang 5-Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan –Sining Pantahanan


Kompetensi: Nakagagamit ng makina at kamay sa paggawa ng mga kagamitang pambahay
EPP5HE-0f-17
Paunang Salita
Malugod na pagtanggap sa asignaturang EPP-TLE Baitang 5.

Ang EPP-TLE Learning Zip ay pinagtulungang sinulat, dinisenyo, nilinang at sinuri


ng mga edukador mula sa Kagawaran ng Edukasyon, Sangay ng mga Paaralan ng Iloilo
upang gabayan ka, at ang mga gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-
aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to 12 habang kanilang
pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang- ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Layunin ng EPP-TLE Learning Zip na mapatnubayan ang mga mag-aaral sa


malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din
itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang panghabambuhay na mga kasanayan
habang isinasaalang-alang.din ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Para sa learning facilitator:

Ang EPP-TLE Learning Zip na ito ay ginawa upang matugunan ang kasalukuyang
pangangailangan ng mga mag-aaral sa bansa. Bilang katulong ng mga guro, tiyaking maging
malinaw sa mga bata o sa mga mag-aaral kung paano pag-aaralan o sasagutan ang mga
gawain sa Learning Zip na ito.

Para sa mag-aaral:

Ang EPP-TLE Learning Zip na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong


pangangailangan. Pangunahing layunin nito na ikaw ay matulungan sa iyong pag- aaral
habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Sa paraang ito magkakaroon kayo ng kalayaan na
pag-aralan ang nakakaaliw na mga gawaing napapaloob dito. Basahin at unawain upang
masundan ang mga panuto.

Hinihiling na ang mga sagot sa mga gawain ay isulat sa hiwalay na


papel.

Baitang 5-Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan –Sining Pantahanan


Kompetensi: Nakagagamit ng makina at kamay sa paggawa ng mga kagamitang pambahay
EPP5HE-0f-17
PAGGAMIT NG MAKINA AT KAMAY SA PAGBUO
NG MGA KAGAMITANG PAMBAHAY

Sa araling ito, tatalakayin ang iba’t ibang paraan sa paggamit ng makina at kamay
sa paggawa ng mga kagamitang pambahay EPP5HE-0f-17.

Sa pamamagitan nito maaari na natin itong gawin at magamit sa bahay.


Maaari din itong pagkakitaan.

Panuto: Tukuyin kung anong uri ng kagamitan sa pananahi ang isinasaad sa bawat bilang.
Piliin ang sagot sa loob ng kahon at isulat sa patlang. Gawin ito sa hiwalay na
sagutang papel.

didal karayom pin cushion


gunting medida sinulid

1. Ito ay may 150 cm na haba, yari sa tela o plastic na hindi


nababanat at may bilang sa magkabilang bahagi.
Ginagamit ito sa pagkuha ng sukat ng katawan.

2. Ito ay ginagamit sa pantabas sa tela.

3. Ito ay isinusuot sa hinlalato upang maligtas sa pagkatusok at


mapadali ang pagtulak ng karayom habang nananahi.

4. Ito ay ginagamit na tusukan ng aspili at karayom upang


makuha kung kailangan.

5. Ito ay may iba’t ibang kulay, sukat at hibla.

1
Baitang 5-Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan –Sining Pantahanan
Kompetensi: Nakagagamit ng makina at kamay sa paggawa ng mga kagamitang
pambahay
Panuto: Tingnan ang mga larawan sa ibaba. Alamin kung ano ito at sagutan ang mga
tanong sa ibaba.

Mga Tanong:

1. Ano-ano ang nakikita mo sa loob ng kahon?

2. Kaya mo bang gawin ang mga ito? Ano-ano ang kabutihang dulot nito?

2
Baitang 5-Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan –Sining Pantahanan
Kompetensi: Nakagagamit ng makina at kamay sa paggawa ng mga kagamitang
pambahay
Ang paggawa ng kagamitang pambahay ay ginagamitan ng makinang panahi
at kamay.

Kailangang kumpleto at tamang kagamitan sa pananahi ang gagamitin kapag


gumagawa ng proyekto. Sundin ang tamang hakbang sa paggawa upang makatipid ng
oras, lakas at pera.

Mga Kagamitan sa Paggawa ng Pamunas ng Kamay

 tela

 sinulid

 karayom

 gunting

 Medida

Mga Hakbang sa Paggawa ng Pamunas ng Kamay

1. Itiklop ang lahat ng gilid ng pamunas ng kamay ng kalahating sentimetro ang


lapad sa kapaligtaran ng tela. Unahin ang dalawang
mahabang gilid.
2. Itiklop muli ng isang sentimetro ang lapad sa tatlong gilid. Diinan ng
kuko at aspilihan.
3. Itiklop muli ng may dalawang sentimetro ang lapad ng natirang
maikling gilid.
4. Markahan ang hangganan ng magkasalubong na tupi sa pahalang at
patayong gilid sa apat na sulok ng pamunas ng kamay.
5. Ibukas ang pagkakatupi at bawasan ng kalahating sentimetro ang mga sulok
sa magkasalubong na tupi. Ito ang tinatawag na miltering
upang hindi mangapal ang mga tupi sa sulok ng pamunas ng kamay.
6. Ibalik ang pagkakatupi at ihilbana o ipansamantalang tahi ang buong
gilid.
7. Alisin ang mga aspile at tahiin sa makina.
8. Tahiin ng overhanding stitch ang mga bukas na sulok.

3
Baitang 5-Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan –Sining Pantahanan
Kompetensi: Nakagagamit ng makina at kamay sa paggawa ng mga kagamitang
pambahay
Gawain 1
Panuto: Basahin ang kaisipan. Ilagay ang tsek (√ ) sa patlang ng bawat bilang kung
nakadaragdag sa kasanayan ng pananahi at ekis (X) kung hindi.

1. Nagsasanay akong magpidal sa makina.


2. Ginagamit ko ang aking ngipin sa pagputol ng sinulid.
3. Pinagsisikapan kong maging tuwid ang takbo ng sinulid sa
tinatahi ko.
4. Kumpleto palagi ang kagamitan sa aking kahong panahian.

5. Nagpapasalamat ako kung may pumupuna sa tinahi ko, mabuti man


ito o naglalayong magpabuti.

Gawain 2
Panuto: Ayusin sa wastong pagkakasunod-sunod ang mga hakbang sa pagtutupi ng tuwid na
gilid ng pamunas ng kamay. Isulat ang bilang na 1-5 sa puwang.

1. iaspile

2. itiklop ng 1 sentimetro at diinan ng kuko

3. tahiin sa makina

4. ihilbana

5. itiklop ng 2 sentimetro at diinan ng kuko

Magiging lubos ang kasiyahan sa maganda at maayos na paggawa ng mga kagamitang pambahay kapag sinu

Ang kaalaman sa pananahi sa makina at kamay ay nakatitipid sa gastusin sa pananamit.

4
Baitang 5-Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan –Sining Pantahanan
Kompetensi: Nakagagamit ng makina at kamay sa paggawa ng mga kagamitang
pambahay
Gawain 1
Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang sagot sa hiwalay
na sagutang papel.

1. Kung ikaw ay may pira-pirasong tela, ano ang naiisip mong gawin sa mga ito?
Bakit ito ang naisip mo? Paano mo ito gagawin?

2. Bilang isang mag-aaral sa ikalimang baitang, bakit mahalagang matutuha mo


ang paggamit ng makina at kamay sa pagbuo ng mga kagamitang pambahay?

Gawain 2
Panuto: Humanap ng lumang damit na hindi na ginagamit o tela na maaaring
gawing pamunas.

Rubrik sa Paggawa ng Pamunas ng Kamay

`
Puntos
Pamantayan
5 4 3 2 1
May kaalaman sa paggamit ng
makinang de-pedal o kamay
Naitiklop ang lahat ng gilid ng
pamunas ng kamay.
Walang himulmol, walang
nakausling mga sinulid at malinis.
Naipasa nang maaga at sa tamang
oras.
Kabuuang Puntos

Pagpapahalaga:

16 – 20 Napakahusay 5– 8 Hindi Gaanong Mahusay


12 – 15 Mahusay 1– 4 Dapat pang Paghusayan
9 – 12 Mahusay-husay

5
Baitang 5-Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan –Sining Pantahanan
Kompetensi: Nakagagamit ng makina at kamay sa paggawa ng mga kagamitang
pambahay
SURIIN MULI ANG KAALAMAN

1. MEDIDA
2. GUNTING
3. DIDAL
4. PIN CUSHION
5. SINULID

ALAMIN AT MATUTO (Marami ang posibleng sagot)

LINANGIN ANG PAGKATUTO

Gawain 1
1. √
2. X
3. √
4. √
5. √
Gawain 2
2 1.
1 2.
5 3.
4 4.
3 5.

SUBUKAN ANG NATUTUHAN

Gawain 1 (Marami ang posibleng sagot)

Gawain 2
Rubrik sa Paggawa ng Pamunas ng Kamay ( Marami ang posibleng sagot)

You might also like