You are on page 1of 11

1

SELF-LEARNING HOME TASK (SLHT)


(GAWAIN SA SARILING PAGKATUTO)

Asignatura: EPP - HE Grado: LIMA Markahan: IKALAWA Linggo: IKATLO

MELC: Pagtatahi Gamit ang Kamay sa Pagbuo ng Kagamitang Pambahay


Competency Code EPP5HE-0f-17

Pangalan: __________________________ Pangkat: ________ Petsa: ________

Paaralan: __________________________ Distrito: __________________________

A. Pagbasa/Talakayan

Kahalagahan ng Pananahi
Ang pananahi ay isa sa mga bagay na mahirap man tingnan ngunit pag ating pag-aralan ay madali
lang pala (para sa iba). Hindi lang ang para sa mga may hilig o gusto ang pananahi ngunit itinuturo
ito para sa lahat dahil may mga importanteng paggamit dahil dito na labis nakakatulong sa isang
indibidwal. Kaya sa mga bata pa lang ay tinuturuan na sila ng pangunahing paraan sa pagtahi, simula
sa mga madadali at sa mga mahihirap na likhain.

Napunit na tela
Mahalaga ang pananahi dahil ito ay labis na nakakatulong sa atin lalong-lalo na kapag may punit
ang ating mga kasuotan. Naayos natin ang mga punit, sa ating sarili lamang ng hindi gumagastos.
Mga Butas sa tela
Nakakatulong ito dahil kapag may mga butas ang ating mga pananamit o ano pang klaseng tela o
kagamitan sa pamamagitan ng paglakip ng isang bagay o tela sa butas.

Pagdisenyo
Sa pamamagitan ng paglakip ng tela o bagay, magsisilbi na din itong disenyo nagdedepended
kung nais natin ito. Hindi lang sa paglalakip, maari din tayong makatahi ng nais natin na bagay sa
pamamagitan ng paggamit lamang ng iba't ibang uri ng kulay na sinulid at nagkaiba-ibang sukat ng
karayom.
Paggawa ng kasuotan
Sa pagtahi, nakakagawa din tayo ng sarili nating kagamitan kagaya ng panyo, damit, at marami
pang iba. Isa sa pangunahing rason kung bakit mahalaga ang pananahi, sapagkat wala tayong
masusuot kung walang nakakatahi ng damit.
Nagbibigay din ito ng hanapbuhay sa mga taong may alent at tiyaga sa pananahi. Dahilan
upang umasenso sa buhay, at nang umunlad ang ekonomiya.

Ano ang Pananahi?


Ang pananahi ay isang gawain pag-aayos ng isang tela sa pamamagitan ng paggamit ng
karayom at sinulid maari ding makina.

Department of Education
Division of Cebu Province
IPHO Bldg., Sudlon, Lahug, Cebu City; Contact # (032) 255-6405
2

Pagkukumpuni ng mga tela, upang makabuo ng isang damit, kurtina at iba pang bagay o
masusuot. Narito ang mga salitang dapat tandan.
Modesta- ito ang tawag sa mga babaeng mananahi
Sastre - tawag sa mga lalaking mananahi.
Hilbana – uri ng tahi pangkamay
Tupi – tiklop
Pagtatagpi – gagamitan ng kapirasong tela upang takpan ang butas ng sirang damit
Pagsusulsi – pagdudugtungin ang mga hibla ng naputol sa pagkapunit ng damit

Mga Pangunahing Kagamitan sa Pananahi

Kailangan ang kumpleto at tamang kagamitan sa pananahi. Importante na ang mga


kagamitang ito ay maayos at may-uri upang maging kasiya-siya ang pananahi. Maging matalino sa
pagpili ng mga kagamitan at pangalagaan ang mga ito upang makatipid sap era, panahon at lakas.

1. Kahong Panahian o Sewing Box


Lagayan ito ng mga kagamitang panahi. Maaari itong basket o kahon na matibay, magaan, at may
katamtamang lalim, laki at partisyon par sa bawat uri ng kagamitan.

2. Mga Panukat
Kailangan ang wastong pagsusukat sa pananahi. Makatutulong ito sa pagkakaroon ng magandang
yari ng tinahing damit o gamit.
a. Medida – may 150 sentimetro ang haba nito na yari sa tela o plastic na hindi nababanat. Ito ay
may magkabilang bahagi na may sukat na inches at centimeters. Ginagamit ito sa pagkuha ng sukat
ng katawan.
b. Sewing Gauge – ito ay ruler na humigit-kumulang sa 15 cm ang haba. Ginagamit ito sa
pagsukat ng maiikling distansiya at sa tamang lapad ng tahi.
c. Transparent Flexible Ruler – yari sa plastic ang panukat na ito at ginagamit para sa pagsukat
ng mga tuwid na linya.
d. Meter Stick – ginagamit ito na panukat o pangmarka ng mahahaba at tuwid na guhit sa tela.
e. Tailor’s Square – nagbibigay ito ng tamang sukat at marka ng mga guhit sa mga tamang
anggulo tulad ng mga guhit na ginagamit sa pagtatabas.
f. Curve Stick – ginagamit ito para sa mabilis at tamang paraan sa pagsukat ng mg baluktot na
linya gaya ng mga tahi sa tagiliran, tupi at iba pa.
g. French Curve – ginagamit ito sa paglalagay ng mga baluktot na guhit sa pundilyo at kilikili.
h. Hem Marker o Gauge – ginagamit ito sa pagsukat ng tamang tupi

Medida
Kahong panahian
Sewing Gauge

Department of Education
Division of Cebu Province
IPHO Bldg., Sudlon, Lahug, Cebu City; Contact # (032) 255-6405
3

Meter
Stick
Transparent Flexible Ruler Tailor’s Square

French Curve

Curve Stick Hem Marker

3. Mga Pantabas
Maayos at matalim na pantabas ng tela ang kailangan. Kabilang dito ang mga gunting na may
mataas na uri at yari. Malaking gunting ang ginagamit para sa makapal na tela. Ang iba pang uri ay
ang pinking shears para pansigsag sa mga gilid at dugtungan

4. Pangmarka
Ginagamit ang pangmarka sa pagsasalin ng marka ng batayang padron o pattern sa telang tatahiin.
Ang mga ito ay ang tailor’s chalk o tisa, carbon paper at tracing wheel. Maari ding gumamit ng lapis.

5. Iba pang Kagamitan

a. Karayom – mula #7 hanggang #10 ang sukat ng karayom. Dapat makinis, magandang uri at
naaangkop sa uri ng telng tatahiin.
b. Mga Aspile – ginagamit upang pansamantalang idugtong ang mga tela
Bank pins – ginagamit sa papel
Dressmaker pins – katamtaman ang laki at ginagamit sa mga tela
Silk pins – balingkinitang aspile na ginagamit sa maninipis na tela
c. Pin Cushion – ginagamit na tusukan ng aspile at karayom upang madaling makuha kung
kailangan. Ito ay maaring gawa sa pranela o laso na may lamang buhok o bulak sa loob.
d. Sinulid – sa pagpili ng sinulid, isinaalang-alang ang kulay, sukat at hibla. Ang higit na
matibay na uri ay ang mercerized, na makintab na klase ng sinulid.
e. Didal – isinusuot ito sa hinlalato na daliri upang maligtas sa pagkatusok at mapadali ang
pagtulak ng karayom habang nananahi.
f. Needle Threader – napapadali nito ang paghihibla o pagsusulot ng sinulid sa karayom.
g. Crochet Hook – ginagamit ito sa pagbabaligtan ng tahing sinturon, kuwelyo at bow.
h. Tweezers – ginagamit ito sap ag-aalis ng maliliit na sinulid o iba pang dumi sa loob ng
lalagyan ng karete.
i. Panastas o Ripper – ginagamit ito sa pagtatanggal ng sinulid sa tahing tela kung dapat
baguhin ang daan ng sinulid.

Department of Education
Division of Cebu Province
IPHO Bldg., Sudlon, Lahug, Cebu City; Contact # (032) 255-6405
4

6. Makinang panahi o Sewing Machine


Ito ay maaaring patakbuhin sa pamamagitan ng paa, kamay o kuryente. Sa makabagong
teknolohiya, marami nang uri ng tela ang maaaring matahi sa makina. Mayroon na ring pamburda at
iba pang estilo ng pananahi.

Karayom Aspile Pin cushion

Sinulid Didal Needle Threader

Crochet Hook Tweezers Ripper

Mga Payak na Hand Stitches

1. Pagbubuhol ng sinulid sa dulo ng sisimulang tahi

2. Pagbubuhol ng sinulid sa dulo ng natapos nang tahi

Department of Education
Division of Cebu Province
IPHO Bldg., Sudlon, Lahug, Cebu City; Contact # (032) 255-6405
5

Mga Uri ng Tahing-Kamay

Maaring sumangguni sa inyong mga magulang kung paano tinatahi ang mga Basic Hand
Stitches o sa You tube https://www.youtube.com/watch?v=1FknfumFPX8. I click ang link para
magabayan ka sa pananahi.

Pagbuo ng Kagamitang Pambahay

1. Ang Headband
Sumukat ng telang may sukat 50 cm X 50 cm ang laki. Hatiin ng padayagonal tulad ng nasa
larawan. Itupi ng dalawang ulit sa gilid . Ihilbana at tahini gamit ang back stitch. Ikabit ang hook and
eye sa dulo.

2. Ang Pamunas-Kamay

Sumukat ng tela na may sukat na 50 cm X 50 cm ang laki. Itupi ng


dalawang ulit ang paikot na gilid. Ihilbana at tahiin gamit ang hemming
stitch.

Department of Education
Division of Cebu Province
IPHO Bldg., Sudlon, Lahug, Cebu City; Contact # (032) 255-6405
6

B. Mga Pagsasanay

Pagsasanay 1A
Panuto: Tingnan ang talaan ng mga kagamitang panahi. Isulat sa patlang titik A kung ito
Panukat; B kung Pantabas; C kung Pangmarka; D kung Pantahi.
_____ 1. Pinking shears _____ 7. Tailor’s Chalk
_____ 2. Karayom _____ 8. Sinulid
_____ 3. Medida _____ 9. Meter stick
_____ 4. Carbon Paper _____10. Tailor’s square
_____ 5. Aspili _____11. French curve
_____ 6. Gunting _____ 12. Curve stick

Pagsasanay 1B
Panuto: Suriing mabuti ang mga uri ng Tahing-Kamay at kilalanin ang bawat isa. Piliin ang
iyong sagot mula sa kahon at isulat ito sa iyong kuwaderno.

1. 5 Running stitch
Basting stitch
Slip stitch
2. 6. Overcast stitch
Hemming stitch
Catch stitch
Backstitch
3. 7.
Invisible stitch

4. 8.

Pagsasanay 2A

Panuto: Basahin ang mga hakbang sa paggawa ng kagamitang pambahay. Pagsunod-sunurin ang
mga ito ayon sa wastong paraan. Lagyan ng mga titik A,B,C sa patlang kung alin ang nauna, kasunod
at huli.

1. Paggawa ng Headband
_____ Itupi ng dalawang beses sa gilid.
_____ Ikabit ang pansara na hook and eye.
_____ Hatiin ang 50cm X 50 cm na tela nang padayagonal.

2. Paggawa ng Pamunas-kamay
_____ Sumukat ng tela na 50 cm X 50 cm.
_____ Ihilbana at tahini gamit ang hemming stitch.
_____ Itupi ng dalawang ulit nang paikot sa gilid.

Department of Education
Division of Cebu Province
IPHO Bldg., Sudlon, Lahug, Cebu City; Contact # (032) 255-6405
7

Pagsasanay 2B

Panuto: Basahin at intindihin ang kuwento upang masagutan nang wasto ang mga tanong
tungkol sa pananahi gamit ang kamay. Isulat ang iyong mga sagot sa Papel.

Mga Tanong:
1. Bakit nagkakabuhol-buhol ang sinulid na ginamit ni Susan?
2. Tama ba ang uri ng karayom na ginamit niya? Bakit?
3. Ano gagawin upang maiwasan ang pagkatusok ng karayom?
4. Paano maiiwasan na magkakakulubot ang tinahi mong tela?
5. Kailangan bang wastong laki ng karayom ang gagamitin ayon sa kapal ng telang
tatahiin? Bakit?
6. Saan dapat itatago ang mga kagamitang panahi matapos itong gamitin? Bakit?
7. Bakit iba’t-iba ang mga uri ng tahing-kamay?
8. Paano napapakinabangan ang mga pira-pirasong tela sa bahay?

C. Pagtataya/Pagsusulit/Outputs (Sumangguni sa DepEd Order No. 31, s. 2020)

I. Panuto: Itambal ang mga salitang may kaugnayan sa pananahi gamit ang kamay sa mga salitang
naglalarawan nito. Piliin ang titik ng tamang sagot.
Hanay A Hanay B
_____ 1. Pananahi a. ito ang tawag sa mga babaeng mananahi
_____ 2. Pagsusulsi b. isang gawain pag-aayos ng isang tela sa pamamagitan ng
paggamit ng karayom at sinulid
_____ 3. Pagtatagpi c. tiklop sa gilid ng tela
_____ 4. Pagkukumpuni d. kagamitan sa pananahi na maaring gamitan ng paa o kuryente
upang umandar
_____ 5. Modesta e. gagamitan ng kapirasong tela upang takpan ang butas ng
sirang damit
_____ 6. Sastre f. pag-aayos ng damit o bagay upang muling magamit
_____ 7. Tupi g. isang kahon na kahoy, makapal na papel o plastic na
pinaglalagyan ng kagamitan panahi
_____ 8. Hilbana h. tawag sa mga lalaking mananahi
_____ 9. Sewing box i. pagdudugtungin ang mga hibla ng naputol sa pagkapunit ng
damit
_____ 10. Sewing Machine j. uri ng tahi pangkamay

II. Panuto: Basahin ang bawat tanong at piliin ang tamang sagot. Isulat ang titik ng tamang sagot
sa iyong papel.
Department of Education
Division of Cebu Province
IPHO Bldg., Sudlon, Lahug, Cebu City; Contact # (032) 255-6405
8

1. Ano ang tawag sa kagamitang tinatahi upang gawing kasuotan?


a. gunting c. Medida
b. Aspili d. Tela
2. Ano ang tawag sa kagamitang ginagamit sa pagkuha ng sukat ng katawan?
a. Karayom c. Aspili
b. Pin cushion d. Medida
3. Ano naman ang ginagamit upang pansamantalang idugtong ang mga tela bago
tuluyang tahiin?
a. Didal c. Aspili
b. Karayom d. Sinulid
4. Ano ang tawag sa kagamitang pang-alis kalawang at pantulis sa karayom at aspile?
a. Emery bag c. Pin cushion
b. Karayom d. Sinulid
5. Ano ang tawag sa bagay na pinaglalagyan ng mga kagamitan sa pananahi?
a. Pin cushion c. Emery bag
b. Sewing box d. Tape measure
6. Ito ginagamit sa pagsukat ng tela.
a. Meter stick c. Gunting
b. Didal d. Emery bag
7. Itinutusok ditto ang karayom kapag hindi ginagamit upang hindi kalawangin.
a. Sewing box c. Emery bag
b. Pin cushion d. Didal
8. Ginagamit ito sa paggupit ng tela.
a. Medida c. Gunting
b. Didal d. Emery bag
9. Upang hindi matusok ang daliri, inilalagay mo ito sa iyong gitnang daliri.
a. Medida c. Gunting
b. Didal d. Emery bag
10. Ito ay magkasamang ginagamit sa pananahi.
a. Karayom at Sinulid c. Gunting at Lapis
b. Didal at Medida d. Emery bag at Pin cushion

III. Panuto: Isulat kung tama o mali ang kaisipan tungkol sa pagtatahi.
_____ 1. Katamtaman ang haba ng sinulid kung nagtatagpi sa butas ng damit.
_____ 2. Punasan ng tubig ang guntig pagkatapos gamitin.
_____ 3. Gumamit ng didal upang hindi matusok ang daliri ng karayom.
_____ 4. Gumamit ng aspili para itagpi ang isang piraso ng tela sa nabutas na palda.
_____ 5. Ilalagay sa plastic bag ang lahat ng kagamitang panahi.
_____ 6. Ang pagkukumpuni ng sirang damit ay dapat gawin upang magamit pa ito.
_____ 7. Kung may makinang panahi ay hindi na kailangan matutong manahi gamit ang kamay.
_____ 8. Ang pagsusulsi ay paraan ng pagkukumpuni ng damit.
_____ 9. Ang nabutas na pantalon ay hindi maaaring kumpunihin.
_____ 10. Ang mga pira-pirasong tela ay magagawang headband, pamunas at potholder.

Department of Education
Division of Cebu Province
IPHO Bldg., Sudlon, Lahug, Cebu City; Contact # (032) 255-6405
9

D. Karagdagang Gawain:

A. Maghanap ng mga damit sa bahay na kailangan mong kumpunihin gamit ang mga paraang ito:
1. Pagtatagpi
2. Pagsusulsi
B. Gumawa ng sewing box mula sa malinis na kahon at lagyan ng mga partisyon sa loob. Balutin ito
ng makulay na papel upang gumanda. Doon mo ilagay ang mga kagamitan sa pananahi.

C. Tahiin ang mga Basic Hand Stitches na nasa pahina 5 sa SLHT na ito. Gumamit ng telang walang
disenyo at gupitin ng parihaba na may sukat 10 cm X 5 cm. Gumamit ng angkop na sinulid at
karayom.

Sanggunian:

MELC Filipino 5
Alab Filipino 5, Batayang Aklat sa Ikalimang Baitang
https://photomatt7.wordpress.com/2011/11/29/invisible-differentiation-grouping-without-groups/

https://www.google.com/search?q=mga+pandama&tbm=isch&ved=2ahUKEwjQkJrM_t3rAhUyxosBHTcF
CbcQ2CegQIABAA&oq=mga+panda&gs_lcp=CgNpbWcQARgAMgIIADICCAAyAggAMgYIABAFEB4yBg
gAEAUQHjIGCAAQBRAeMgYIABAFEB4yBggAEAgQHjIGCAAQCBAeMgYIABAIEB46BQgAELEDOgQIA
BBDOggIABCxAxCDAVDRvy9YttIvYLHmL2gAcAB4AIABb4gBjAeSAQM1LjSYAQCgAQGqAQtnd3Mtd2l6
LWltZ8ABAQ&sclient=img&ei=gctZX5DMNbKMr7wPt4qkuAs&bih=722&biw=1536&rlz=1C1SQJL_enPH9
13PH913&hl=en#imgrc=O64OYeQavrpubM

https://balita.definitelyfilipino.com/posts/2020/06/lola-kita-ang-tuwa-nang-mabilhan-ng-smartphone-ang-
apo-para-sa-online-schooling-nito-netizens-naantig/

https://philnews.ph/2018/11/26/maikling-kwento-nawawalang-sapatos-kulas/

https://www.google.com/search?q=advertisement+ng+iwas+covid&tbm=isch&ved=2ahUKEwj_j7mW_t3r
AhWbIqYKHds5BWAQ2cCegQIABAA&oq=advertisement+ng+iwas+covid&gs_lcp=CgNpbWcQA1D6xAZ
Y1OMGYOfnBmgAcAB4AIABZogBqgeSAQM4LjKYAQCgAQGqAQtnd3Mtd2l6LWltZ8ABAQ&sclient=img
&ei=EctZX7_DCJvFmAXb85SABg&bih=722&biw=1536&rlz=1C1SQJL_enPH913PH913&hl=en#imgrc=A
497T3VAXatRKM

Ginawa ni: Patnugot:

CLAIRE C. PARAISO

Department of Education
Division of Cebu Province
IPHO Bldg., Sudlon, Lahug, Cebu City; Contact # (032) 255-6405
10

Master Teacher

Sinuri ni:

GABAY

Para sa Guro:

Masayang pagbati para sa paggamit nitong Filipino 5 Self-Learning Home Task (SLHT) o
Gawain sa Sariling Pagkatuto sa Pagbabahagi ng isang pangyayaring nasaksihan o naobserbahan.
Ang SLHT na ito ay sadyang binuo upang maipagpatuloy na matugunan ang pangangailangang
pampagkatuto ng mga mag-aaral sa kabila ng pandemyang hinaharap ng bawat isa sa COVID-19.
Pinagtulungan itong mabuo upang kayong mga guro ay lubos na magabayan ang mga mag-aaral sa
pagkamit ng mga pamantayang nakasaad sa K to 12 na Kurikulum.
Inaasahan ang materyal na ito na maganyak ang mga mag-aaral sa pagsasagawa ng mga
inihandang gawain at mga oportunidad sa paglinang ng kanilang kaalaman at kakayahan sa loob ng
dalawang araw. Layunin din nito na mahubog ang kakayanan ng mga mag-aarala sa mabisang pag-intindi
at pagsagot sa mga tanong hinggil sa binasa pati na rin ang iba pang kasanayan ng 21st Century na mag-
aaral.
Bilang guro higit kayong inaasahan na manguna sa paghikayat at paggabay sa ating mga mag-
aaral na gawin ang mga inihandang mga gawain ng SLHT na ito. Sa tulong po ninyo ay matitiyak nating
hindi mahuhuli ang ating mga Pilipinong mag-aaral sa hamon ng globalisasyon.

Para sa Mag-aaral:

Mapagpalang pagbati at pagtanggap sa Filipino 5 Self-Learning Home Task (SLHT) o Gawain sa


Sariling Pagkatuto ukol sa Pagbabahagi ng isang pangyayaring nasaksihan o naobserbahan.
Ang SLHT na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangang mahubog ang kaalaman at
kakayahan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Kaya, pagbutihan ang sariling pag-aaral at pagkatuto sa pamamagitan ng modyul na ito na iyong tatapusin
sa loob ng dalawang araw

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng SLHT na ito:

• Gamitin ang SLHT nang may pag – iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat ang
anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng HIWALAY na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
• Huwag kalimutang sagutin ang subukin bago lumipat sa iba pang gawaing napapaloob sa SLHT.
• Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
• Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at pagwawasto ng mga
kasagutan.
• Tapusin ang mga gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
• Pakibalik ang SLHT na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin lahat ng
pagsasanay.

Department of Education
Division of Cebu Province
IPHO Bldg., Sudlon, Lahug, Cebu City; Contact # (032) 255-6405
11

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa SLHT na ito, huwag mag-
aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong kay nanay o
tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa
iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas kayo ng makahulugang pagkatuto at


makakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

Para sa Tagapagturo:

Isa sa mga 21st Century Skills na kailangang mahubog ng ating mga Pilipinong mag-aaral ay ang
pagsagot nang tama sa mga tanong tungkol sa kanilang binasa o napakakinggan. Ang kakayahan at
kalaman sa pagbasa sa mga salita ay kulang o mawawalan ng halaga kung hindi naman kayang intindihin
at sagutin ang mga katanungan tungkol sa binasa. Bilang tagapagturo ito ay ating responsibilidad na
hubugin ang kakayanang ito sa ating mga mag-aaral.

Department of Education
Division of Cebu Province
IPHO Bldg., Sudlon, Lahug, Cebu City; Contact # (032) 255-6405

You might also like