You are on page 1of 8

SINING V

Date: Week 6, Day 1 (September 16, 2019)

I. Mga Layunin:
 Naipakikita ang pagkamalikhain sa paggawa ng mga tatlong dimensiyong bagay sa pamamagitan ng
iba't ibang midya, kagamitan at pamamaraan

II. Paksang Aralin

"Puppet" na Pangkamay TX p. 134

Kagamitan:
Mga "puppet" na gawa sa supot

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Pag-usapan kung paano nila naipakita ang kanilang pagkamalikhain sa paggawa ng
"mosaic".
2. Itanong:
 Anu-anong mga bagay ang maaari mong gawing "mosaic"?
 Anu-anong mga gamit ang maaari mong lagyan ng disenyong "mosaic"?

B. Panlinang na Gawain
1. Ganyakin ang mga bata sa susunod na gawain.
2. Magpakita ng mga halimbawang "puppet".
3. Itanong:
 Anu-ano ang mga hawak ko? "Ano ang "puppet"?
 Saan ginagamit ito?
 Anu-ano ang maaaring gamitin sa paggawa ng "puppet"?
4. Sabihin:
 Ang mga "puppet" ay mga bagay na may tatlong dimensyon.
 Ito ay may taas, luwang at kapal.
 Titingnan ko kung kaya ninyong sundin ang mga pamamaraan sa paggawa ng mga "puppet".
 Anu-ano ang mga pamantayan sa paggawa?
 Ano ang dapat tandaan sa tuwing gagamit ng gunting?

C. Gawaing Pansining
1. Sabihin:
 Ibibigay ko sa inyo ang mga card ng pamamaraan.
 Basahin nang mabuti at sundin ang mga pamamaraan.

"Puppet" na Supot, TX p. 135


Mga Kagamitan:
 supot na papel, papel na pagguguhitan ng mukha
 pandikit, gunting at krayon

Pamamaraan:
1. Kumuha ng isang supot na papel.
2. Gumuhit ng mukha ng tao sa isang puting papel, gupitin sa paligid at idikit sa dakong
ilalim ng supot.
3. Itapat ang bibig ng larawan sa lupi ng supot.
4. Gtipitin nang pahalang ang bahagi ng larawan na nakatapat sa bibig at lupi ng supot upang
huwag magkahiwalay ang nguso at labi. Huwag gugupitin ang supot.
5. Ibuka ang dakong bibig at dikitan ng papel na hugis bilog upang mag-anyong loob ng bibig.
Maaari mong dikitan o guhitan ng maliit na dila.
6. Isuot ang kamay sa supot na ang palad ay nakaharap sa larawang idinikit. Iaros ang apat na
daliri sa dakong itaas at ang hinlalaki sa ibaba. Sa pamamagitan ng mga daliri ay maaari mong
pagsalitain ang "puppet" habang ikaw ay nagkukuwento.

C. Paglalahat
1. ltanong:
 Anong uri ng puppet ang ginawa mo?
 Paano mo ginamit ang mga patapong bagay sa paggawa ng iyong "puppet"?
 Nasiyahan ka ba sa ginawa mong "puppet"?
 Tumawag ng mga kamag-aral at pag-usapan kung paano makagagawa ng isang
pagtatanghal na ginagamit ang mga 'puppet" na inyong ginawa

D. Pagpapahalaga
Sabihin:

 Itanong mo sa iyong sarili.


Iniligpit ko ba ang lahat ng aking ginamit?

Itinapon ko ba ang mga balat?

Nag-ingat ba ako sa paggamit ng gunting?

IV. Pagtataya:
Subaybayan ang mga bata sa paggawa upang makatiyak na wasto ang kanilang ginagawa.

V. Kasunduan:
Ano ang tatlong dimensyong bagay? Magbigay ng mga halimbawa.
SINING V

Date: Week 6, Day 2 (September 17, 2019)

I. Mga Layunin:
 Nakalilikha ng iba't ibang "puppet" sa pamamagitan ng iba't ibang pamamaraan tulad ng "puppet"
na pangkamay o "hand puppet"

II. Paksang Aralin

"Puppet" na Pangkamay TX p. 134

Kagamitan:
Mga "puppet" na gawa sa medyas

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Pag-usapan kung paano nila naipakita ang kanilang pagkamalikhain sa paggawa ng
"mosaic".
2. Itanong:
 Anu-anong mga bagay ang maaari mong gawing "mosaic"?
 Anu-anong mga gamit ang maaari mong lagyan ng disenyong "mosaic"?

B. Panlinang na Gawain
1. Ganyakin ang mga bata sa susunod na gawain.
2. Magpakita ng mga halimbawang "puppet".
3. Itanong:
 Anu-ano ang mga hawak ko? "Ano ang "puppet"?
 Saan ginagamit ito?
 Anu-ano ang maaaring gamitin sa paggawa ng "puppet"?
4. Sabihin:
 Ang mga "puppet" ay mga bagay na may tatlong dimensyon.
 Ito ay may taas, luwang at kapal.
 Titingnan ko kung kaya ninyong sundin ang mga pamamaraan sa paggawa ng mga "puppet".
 Anu-ano ang mga pamantayan sa paggawa?
 Ano ang dapat tandaan sa tuwing gagamit ng gunting?

C. Gawaing Pansining
1. Sabihin:
 Ibibigay ko sa inyo ang mga card ng pamamaraan.
 Basahin nang mabuti at sundin ang mga pamamaraan.

"Puppet" na Medyas, TX p. 136

MgaKagamitan:
 malinis na medyas na hindi ginagamit
 kapirasong retaso o tela
 estambre o sinulid, karayom at sinulid
 gunting, butones o abaloryo

Pamamaraan:
1. Gupitin paloob ang dulo ng medyas. Ito ang magsisilbing bibig.
2. Gumupit ng tela o retasong hugis biluhaba na kulay dalandan, pula o rosas at itahi sa paligid
ng ginupit na bahagi ng medyas.
3. Isuot ang kamay sa medyas na ang apat na daliri ay nasa dulo ng dakong talampakan ng
medyas at ang hinlalaki ay nasa dulo ng dakong ibabaw ng medyas, upang malaman, kung
saang dako mo ilalagay ang mga mata at ilong.
4. Lagyan ng mga mata at ilong ang "puppet" sa pamamagitan ng mga butones, abaloryo o ano
mang patapong bagay. Maaari mo ring iburda ang mga mata at ilong.
5. Ang ulo ay maaari mong lagyan ng binungkos na sinulid upang magmukhang buhok o
sombrero.
6. Suotan ng damit ang iyong "puppet" upang matakpan ang iyong braso.

C. Paglalahat
1. ltanong:
 Anong uri ng puppet ang ginawa mo?
 Paano mo ginamit ang mga patapong bagay sa paggawa ng iyong "puppet"?
 Nasiyahan ka ba sa ginawa mong "puppet"?
 Tumawag ng mga kamag-aral at pag-usapan kung paano makagagawa ng isang
pagtatanghal na ginagamit ang mga 'puppet" na inyong ginawa

D. Pagpapahalaga
Sabihin:

 Itanong mo sa iyong sarili.


Iniligpit ko ba ang lahat ng aking ginamit?

Itinapon ko ba ang mga balat?

Nag-ingat ba ako sa paggamit ng gunting?

IV. Pagtataya:
Subaybayan ang mga bata sa paggawa upang makatiyak na wasto ang kanilang ginagawa.

V. Kasunduan:
Kailangan bang gumastos nang malaki upang makagawa ng puppet? Bakit?
SINING V
Date: Week 6, Day 2 (September 18, 2019)

I. Mga Layunin:
 Naipakikita ang pagkamalikhain sa paggawa ng mga tatlong dimensyong bagay sa pamamagitan
ng iba't ibang midya; kagamitan at pamamaraan
 Nakalilikha ng mga "puppets" na pinagagalaw sa pamamagitan ng pisi o sinulid

II. Paksang Aralin

Puppet na Ginagamitan ng Pisi o Sinulid TX p. 138

Kagamitan:
Mga puppet na gawa sa tela, sinulid at iba pa

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Itanong:
 Anong uri ng puppet ang ginawa mo kahapan? Ipakita kung paano mo magagamit ioa.
 Ano ang tatlong dimensyong bagay?
 Magbigay ng mga halimbawa.

B. Panlinang na Gawain
1. Ihanda ang mga bata sa paggawa.
2. Sabihin:
 Ngayon ay muli kang gagawa ng "puppet".
 Ang paggawa ng puppet ay isang uri ng sining na ginagamitan ng iba't ibang mga midya,
kagamitan, at pamamaraan. Dito mo maipakikita ang iyong pagkamalikhain at kakayahan
sa paggawa ng isang likhang sining sa pamamagitan ng mga patapong bagay.
 Isa pang uri ng puppet ay ang ginagamitan ng pisi o sinulid. Maaari itong yari sa karton
o mga retaso na ginawang anyong manika.
 Titingnan ko ngayon kung kaya mong sundin ang mga pamamaraan sa paggawa at ang
mga itinakda nating pamantayan.

C. Gawaing Pansining
"Puppet" na Gumagalaw Mga Kagamitan:
 mga retaso o sirang "stockings"
 bulak, sinulid at pisi, gunting
 mga butones, abaloryo at iba pang palamuti

Pamamaraan:
1. Gumawa ng isang manika sa pamamagitan ng mga retaso o sirang "stockings" na binalumbon at
itinali sa mga hugpungan.
2. Lagyan ng mga mata, ilong at bibig sa pamamagitan ng mga butones at patapong mga bagay.
3. Lagyan ng buhok na binigkis naestambre o sinulid.
4. Balutan ng ibang retaso ang dakong ibaba upang magkaroon ng damit.
5. Lagyan ng tig-iisang pisi o sinulid ang mga lugar na nais pagalawin at itali ang kabilang dulo sa
pinag-ekis na patpat. Maaari mo itong pagalawin sa pamamagitan ng paggalaw sa patpat.
5. Isipin kung paano pa maaaring pagalawin ang puppet at kung saan pang bahagi ng katawan
maaaring talian ito .

D. Paglalahat
1. ltanong:
 Nakagawa ka· ba ng puppet na pinagagalaw sa pamamagitan ng pisi?
 Anu-anong mga patapong bagay ang naging kapakipakinabang sa iyo?
 Paano mo nagamit ang iyong pagkamalikhain sa paggawa at pagpapagalaw sa puppet?
 Umawit o magpatugtog ng isang awitin at pagalawin ang iyong puppet ayon sa ritmo.

IV. Pagtataya:
Subaybayan ang mga bata sa paggawa upang makatiyak na wasto ang kanilang ginagawa.

V. Kasunduan:
Magdala ng mga patpat ng "ice drop," pisi o estambre o mga "straw" at gunting.
SINING V
Date: Week 6, Day 2 (September 19, 2019)

I. Mga Layunin:
 Nakalilikha ng iba't ibang uri ng paghahabi sa pamamagitan ng iba't ibang bagay at pamamaraan
II. Paksang Aralin

Paghahabi TX p. 140

Kagamitan:
Halimbawa ng iba't ibang uri ng paghahabi
Mga pamamaraan sa paggawa na nakasulat sa kard

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Pag-usapan ang tungkol sa iba't ibang uri ng "puppet" at gamit ng mga ito.

B. Panlinang na Gawain
1. Pag-usapan kung ano ang paghahabi.

2. Itanong/Sabihin:

 Nakaranas ka na bang maghabi?


 Magbigay ng halimbawa ng mga bagay na hinabi. Anu-anong mga bayan sa ating bansa ang
kilala sa paghahabi?
 Anu-anong mga bagay ang kanilang hinahabi?

C. Gawaing Pansining
1. Ibigay sa mga bata ang mga kard na may mga pamamaraan sapaggawa.

Paghahabi sa Patpat

Mga Kagamitan:
 maninipis na patpat (1 cm x . 12cm) o patpat ng "ice drop"
 makapal na pisi o estambre
 straw, makikitid na retaso, pahina ng magasin na may kulay
 gunting
 kutsilyo o "cutter"

Paghahabi A
Pamamaraan:
1. Ihanay ang mga patpat upang makagawa ng isang hugis parisukat.
2. Itali ang pisi o estambre sa isang dulo ng unang patpat.
3. Simulan ang paghahabi sa pamamagitan ng pagsusuksok ng sinulid sa ilalim ng lahat ng
ikalawang patpat.
4. Pagdating sa huling patpat ay ituloy ang paghahabi sa pamamagitan ngpagbabalik ng sinulid.
Isuksok ito sa ilalim ng lahat ng mga patpat na hindi nasuksukan nito sa unang paghahabi.
5. Ipagpatuloy ang paghahabi hanggang mapuno ang kabuuan ng mga patpat .
6. Ibuhol ang tali sa dulo ng huling patpat upang hindi makalas.

D. Paglalahat
1. Itanong:
 Ano ang paghahabi?
 Anu-ano ang iba't ibang uri ng paghahabi?
 Anu-ano ang gamit ng mga bagay na hinabi?
E. Pagpapahalaga
1. Itanong:
 Paano mo naipamalas ang iyong pagkamalikhain sa pamamagitan ng paghahabi?
 Nag-ingat ka ba sa paggamit ng gunting at kutsilyo? Napanatili mo bang malinis ang
iyong pinaggawaan?
IV. Pagtataya:
Subaybayan ang mga bata sa paggawa upang makatiyak na wasto ang kanilang ginagawa.

V. Kasunduan:
Pagpangkat-pangkatin ang mga bata at ihanda sila upang mag-ulat tungkol sa mga katutubong
sining. Papiliin sila ng nais nilang iulat TX pp. 146-148
SINING V
Date: Week 6, Day 5 (September 20, 2019)

I. Mga Layunin:
 Nakapaghahabi sa pamamagitan ng pisi at patpat

II. Paksang Aralin

Paghahabi TX p. 140

Kagamitan:
Halimbawa ng iba't ibang uri ng paghahabi
Mga pamamaraan sa paggawa na nakasulat sa kard

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Pag-usapan ang tungkol sa iba't ibang uri ng "puppet" at gamit ng mga ito.

B. Panlinang na Gawain
1. Pag-usapan kung ano ang paghahabi.

2. Itanong/Sabihin:

 Anu-anong mga bagay ang kanilang hinahabi?


 Ngayon ay gagawa kayo ng isa pang bagay na may tatlong dimensyon.
 Ito ay ang paghahabi. Titingnan ko kung maipahahayag ninyo ang inyong imahinasyon at
pagkamalikhain sa pamamagitan ng gawaing ito.
 Anu-ano ang mga pamantayan sa paggawa?
 Ano ang dapat mong tandaan sa paggamit ng gunting at kutsilyo?

C. Gawaing Pansining
1. Ibigay sa mga bata ang mga kard na may mga pamamaraan sapaggawa.

Paghahabi sa Patpat

Mga Kagamitan:
 maninipis na patpat (1 cm x . 12cm) o patpat ng "ice drop"
 makapal na pisi o estambre
 straw, makikitid na retaso, pahina ng magasin na may kulay
 gunting
 kutsilyo o "cutter"

Paghahabi B
Pamamaraan:
1. Kumuha ng magkakapantay na habang dalawa, tatlo o apat napatpat.
2. Pagpatung-patungin ang mga ito sa gitna, at hayaang magkakalayo ang mga dulo. Gawing
magkakatulad ang pagitan ng bawat isa upang mag-anyong gulong .
3. Talian o idikit sa gitna upang hindi magkahiwa-hiwalay.
4. Isipin kung anu-anong mga bagay ang gagamitin sa paghahabi at ihabi ang mga ito nang
magkakasalit at paikot sa mga patpat na nakarayos.
5. Sundin ang pamamaraan sa paghahabi at magsimula sa gitna.
6. Ulit-ulitin ang pamamaraan hanggang mapuno ang gulong.
7. Talian ang isang dulo at ibitin

D. Paglalahat
1. Itanong:
 Anu-ano ang gamit ng mga bagay na hinabi?
 Bakit ito kabilang sa mga bagay na may tatlong dimensyon?

E. Pagpapahalaga
1. Itanong:
 Paano mo naipamalas ang iyong pagkamalikhain sa pamamagitan ng paghahabi?
 Nag-ingat ka ba sa paggamit ng gunting at kutsilyo? Napanatili mo bang malinis ang
iyong pinaggawaan?
IV. Pagtataya:
Subaybayan ang mga bata sa paggawa upang makatiyak na wasto ang kanilang ginagawa.

V. Kasunduan:
Pagpangkat-pangkatin ang mga bata at ihanda sila upang mag-ulat tungkol sa mga katutubong
sining. Papiliin sila ng nais nilang iulat TX pp. 146-148

Prepared by: Noted:

EDELYN C. UNAY LILIAN P. MODRIGO


TI TIII/TIC

You might also like