You are on page 1of 16

Ipaayos ang salitang ginulo.

 
1.Ang paggawa ng_____________ay maaring pagkakitaan. daehbdan )

2.Isang malikhaing proyekto ang paggawa ng _________. nroep (epron)


GAWAIN 1
Ipahanda sa mga bata ang tinabas na tela para sa pagbuo ng epron, kagamitan sa pananahi at ang makinang panahi. Tingnan kung nasa ayos ang
makinang panahi para sa gawaing ito.
GAWAIN 2
Ilahad sa mga bata sa pamamagitan ng powerpoint presesntation ang mga hakbang sa pananahi ng ibat-ibang bahagi ng epron.
Ipabasa sa mga bata ang mga hakbang sa pagbuo ng epron.
Sundin ang sumusunod na hakbang sa pananahi ng ibat-ibang bahagi ng epron.
Gumawa ng tupi ng gilid ng laylayan. Sukatin ang ½ sm para sa unang tupi at itupi muli ng 1 sm. Ingatan ang
pagtutupi, lalung-lalo na sa mga kurbadong bahagi.
Ihilbana ang lupi at tahiin sa makina.
4.Tastasin ang hilbana.
5.Gumawa ng ilang pirasong tela para sa gagawing bayas para sa kilikili. Tupiin ang pirasong tela nang pahilis
upang ang mga paayon at pahalang na sinulid ng tela ay nakahilera. Maaaring gumamit ng cardboard para
sa sukatan.
Gumupit ng ilang pirapirasong bayas ayon sa sukat ng bahaging kilikili. Paglapatin ang bayas nang nakaharap sa isat-isa upang
makabuo ng anggulong parisukat. Ayusin at ihilbana. Buksan ang pinagdugtungan upang matiyakk na tuwid at maayos ang
dalawang piraso. Tahiin sa makina.
Iayos ang pinagdugtong-dugtong na bayas sa kurbadong gilid ng kilikili. Maglaan ng ½ pulgada sa magkabilang gilid ng bayas para
sa tuping gagawin. Tupiin ng papaloob.
 Ano ang maidudulot sa iyo ng
kaalaman mo sa pananahi ng epron?
 Anu-ano pang mga kapaki-
pakinabanng na proyekto ang maaari
ninyong gawin bukod sa epron?
 Sa inyong palagay ano ang
kahalagahan ng pananahi ng mga
kapaki-pakinabang na gawain?
 
Ano ang kahalagahan ng pananahi ng isang kapaki-pakinabang na proyekto?
 
Ipadispley sa mga bata ang natapos na proyektong epron.
Bigyang puna ang nagawang proyekto.
Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot.

1.Si Mhean ay nasa ikalimang baitang. May ipinagagawang proyekto sa kanilang klase ang guro
na si Gng Reyes. Dahil may mga retaso siyang nahingi sa kanilang kapitbahay. Anong kapaki- pakinabang na proyekto ang pwede niyang gawin?
A. Paggawa ng shorts
B. Paggawa ng padjama
C. Paggawa ng kurtina
D. Paggawa ng pamunas sa kamay
2.Mahilig magluto si Analie. Katatapos lang nilang mag-aral ng tungkol sa pananahi.
Anong maganda at kapaki-pakinabang na proyekto ang maari niyang gawin na makatutulong sa
kanya?
Paggawa ng Headband
Paggawa ng Epron
Paggawa ng Shorts
Paggawa ng Padjama
 
3. Ang paggawa ng epron, headband, potholder at pamunas sa kamay ay mga _________________ na gawain o proyekto.
A. Kahali-halina
B. Kapaki-pakinabang
C. Kalugod-lugod
D. Kasiya-siya
 
4. Ano ang kahalagahan na may kaalaman ka sa paggawa ng mga kapaki-pakinabang na proyekto?
A. Nagiging libangan mo
B. Napagkakakitaan mo
C. Nalilinang ang kakayahan mo.
D. Napapaunlad ang pagkamalikhain mo
 
5. Ang klase ni Gng Reyes sa EPP ay gumawa ng proyektong epron.
Alin sa mga sumusunod ang di nila dapat gawin?
 
A.Gumawa ng tupi sa gilid ng laylayan.
B.Ihilbana ang lupi at tahiin sa makina.
C.Tahiin ng overhandling stitch ang mga bukas na sulok.
D.Ikabit ang otomatiko o magic tape na pandikit salikod ng epron.
Maghanap ng pinagtabasan ng mga tela na magkakasya para sa pamunas ng kamay.
Manahi ng pamunusan ng kamay na maaring magamit sa bahay.

You might also like