You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IV – A CALABARZON
Division of Laguna
District of Pagsanjan
FRANCISCO BENITEZ MEMORIAL SCHOOL
Pagsanjan

EPP - HE V
Week 8
Pangalan:____________________ Guro: Gng. Riza C. Labit
Baitang at Pangkat:__________
Lunes -Martes
Gawain sa Pagkatuto Bilang 5:
Gamit ang numero 1-5 Pagsunod-sunurin ang wastong pagbuo ng Head band at Pot
holder. Gawin ito sa iyong sagutang papel.
Pagbuo ng Headband
______ Hatiin ng padayagonal
______ Ikabit ang pansara na hook and eye sa kutsetes.
______ Itupi nang dalawang ulit sa gilid.
______ Sumukat ng telang may 50cm X 50cm ang laki.
______ Ihilbana at tahiin sa makina.
Pagbuo ng Pot holder
______ Tahian ng mga overcasting ang mga gilid
______ Ihilbana ang mga gilid
______ Linyahan ang padron.Ilagay ang inayos na retaso sa loob ng pang-
Ibabaw na hawakan.
Miyerkules
Gawain sa Pagkatuto Bilang 6:
Isulat ang salitang TAMA kung ang pahayag ay wasto samantalang MALI naman
kung ang pahayag ay di-wasto.
______1. Maging maingat sa pananahi upang maiwasan ang aksidente.
______2. Gumawa ng isang plano bago simulan ang isang proyekto.
______3. Isang pag-aaksaya ng oras ang pag gamit ng pardon sa pananahi.
______4. Dapat pag-aralan ang wastong pagkuha ng sukat.
______5. Siguraduhing nasa maayos na kundisyon ang makina bago
manahi.
Huwebes
Gawain sa Pagkatuto Bilang 7:
Basahin ang mga sumusunod na katanungan. Bilugan ang letra ng tamang sagot.
1. Alin ang HINDI tamang gawin sa pananahi?
A. Siguraduhin na nasa maayos na kundisyon ang makina.
B. Paggamit ng padron upang di masayang ang oras at pera sa
pananahi.
C. Manahi kahit hindi napagplanuhang mabuti ang proyekto.
D. Punasan at linisin ang makina pagkatapos gamitin
2.Alin sa mga sumusunod ang Di-wastong pagtatahi ng pamunas ng
kamay?
A. Sumukat ng 10cm X 10cm na tela
B. Itupi ng limang ulit ang paikot na gilid.
C. Ihilbana muna ang tela
D. Tahiin sa makina
3. Alin sa mga sumusunod ang maaring tahiin sa makina?
A. apron
D. paper mache
B. bangkito
E. extension wire
4. Ano ang DAPAT gawin kapag mananahi?
A. Gumawa ng isang plano bago simulan ang proyekto
B. Hindi tinitingnan kung nasa ayos ang makina
C. Kulang kulang ang mga kagamitan sa pananahi.
D. Hindi gumamit ng wastong sukat sa pananahi
5. Alin sa mga ito ang HINDI maaaring tahiin sa makina?
A. potholder
B. headband
C. apron
D. extension wire
Biyernes
Sumatibong Pagsusulit sa EPP 5
A.Panuto: Isulat ang salitang TAMA kung ang nilalaman ng pangungusap ay
wasto; MALI naman kung hindi wasto sa nilalaman ng aytem. Isulat ang sagot sa
patlang.
_______1.Gumamit ng padron para sa tatahiing proyekto upang maiwasan ang pag-
aaksaya ng lakas, panahon , at pera.
______2.Nakatutulong sa pagtitipid at pagpapaunlad ng kabuhayan ng mag-anak ang
pananahi sa makina.
______3. Ang medida ay may 100 cm ang haba at ginagamit sa pagkuha ng sukat ng
katawan.
_____4. Ang spool pin ay bahagi ng makina na pinaglalagyan ng karete ng sinulid sa
itaas na bahagi ng ulo ng makina.
_____5. Tiyaking malinis ang kamay kapag nananahi.
_____6. Ang apron ay ginagamit upang mapangalagaan ang iyong katawan at
kasuotan sa mga mantsa o dumi.
_____7. Sa paglikha ng proyekto, kinakailangan ang masusing pagpaplano.
_____8. Ang pot holder ay isang manipis na tela na ginagamit sa paghawak ng mainit
na kagamitan sa pagluluto.
_____9.Ang tension regulator ay bahagi ng makina na nagluluwag o naghihigpit ng
tahi.
_____10. Tiyaking may tamang liwanag na nanggagaling sa likuran kapag nananahi.
B. Panuto: Sagutin ang mga tanong sa loob ng dalawa hanggang tatlong
pangungusap.
11-12.Bakit kailangang planuhing mabuti ang kagamitang tatahiin?

13-14.Bakit mahalagang gumamit ng padron sa paggawa ng isang gamit pangkusina


tulad ng apron?

C. Panuto : Iguhit ang mga sumusunod at isulat ang kahalagahan nito .


15-16. Apron

17-18. Pot Holder

19-20. Head band

You might also like