You are on page 1of 11

5

Edukasyong
Pantahanan at
Pangkabuhayan
Ikatlong Markahan – Modyul 4
Paggawa Ng Plano Para Sa Pagbuo
Ng Mga Kagamitang Pambahay

I
Alamin

Sa araling ito ang mga mag-aaral ay makabubuo ng bagong plano sa pagbuo ng


kagamitang pambahay. Ang mga mag-aaral ay makapag-iisip ng iba pang kapaki-
pakinabang na gawain. Sila ay gagabayan ng guro sa pagpaplano upang kanilang
matukoy ang mga proyektong maaari nilang gawin. Tinatalakay sa araling ito ang
wastong pamamaraan sa paggawa ng mga sumusunod:

1. Paghahanda ng kagamitang gagamitin.


2. Paggawa ng padron.
3. Paglalatag ng padron sa tela.
4. Pagtatabas ng tela.
5. Paglilipat ng marka sa tela.

Layunin:
1. Nakagagawa ng plano ng kagamitang pambahay tulad ng apron.
2. Naipakikita ang kasanayan sa pagpaplano ng kagamitang
pambahay.
3. Nakagagawa ng padron at nailatag ito upang matabas sa wastong
pamamaraan.
4. Napahahalagahan ang pagplano para sa pagbuo ng kagamitang
pambahay.

Subukin

Pangalan: _______________________________ Baitang at Seksyon: ______________________


Asignatura: ______________________________ Aralin:___________________________________
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat katanungan. Isulat ang titik ng
wastong sagot sa sagutang papel.
1. Sa pagtupi ng gilid sa laylayan sukatin ng _____ para sa unang tupi at itupi muli
ng 1cm.
A. 1/2 cm. B. 1/4cm. C. 2cm. D. 3cm.
2. Anong kagamitan ang ipinapatong sa suot na damit upang hindi ito marumihan
kapag gumagawa sa kusina.

1
A. B. C. D.

3. Ito ay ginagamit na panghawak ng mga mainit na bagay kapag naghahand ng


pagkain at nagluluto upang hindi mapaso.

A. B. C. D.

4. Kung maihahandang mabuti ang disenyo at ________, magiging madali ang


paggawa ng isang gawain.
A. hakbang sa paggawa B. layunin C. plano D. sketch
5. Ito ay inilalagay sa ulo upang maiwasan ang paglaglag ng buhok sa pagkaing
inihahanda o niluluto.

A. B. C. D.
6. Ang mga sumusunod ay ang mga hakbang sa paghahanda ng padron sa apron
maliban sa isa.
A. Ihanda ang pattern paper na gagamitin.
B. Itupi ang papel na pahaba
C. Tiyaking matatag ang tela kapag tinatabas.
D. Ilipat ang mga hinating sukat ng dibdib, baywang at balakang.
7. Ang isang batang tulad mo ay marunong nang magplano gumawa ng mga
kagamitang ito maliban sa isa.
A. Apron B. Potholder C. Table Napkin D. Wedding Gown
8. Alin sa mga larawan ang hindi makikita sa kusina?

A. B. C. D.

9. Alin dito ang hindi hakbang sa pagplano ng proyekto?


A. Disenyo B. Layunin C. Paggupit D. Pangalan ng Proyekto
10. Ang mga sumusunod ay mga pamantayan sa paggawa ng proyekto, alin dito ang
hindi kasama?
A. Tiyaking tama ang krokis, sukat at laki.
B. Isaayos ang proyekto kung may pagkakamali.
2
C. Tingnan kung naging tama ang paraan sa paggawa.
D. Hayaang ipasa ang proyekto kahit hindi maayos ang yari at disenyo.

Balikan

Sagutin ang mga sumusunod na tanong:

1. Nakakita ka na ba ng batang lukot-lukot ang kasuotan? Ano ang iyong sasabihin?


_________________________________________________________________________________

2. Magbigay ng tatlong hakbang sa pamamalantsa ng damit.


_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________

3. Bakit kailangang ilagay sa tamang temperature ang control ng plantsa?


_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________

Tuklasin

Ang alin mang gawain o proyektong binabalak ay kailangan ng pagpaplano. Ang


paggawa ng kagamitang pambahay ay lubhang nakatutulong upang maging maayos
ang isang tahanan. Sa paggawa ng plano kailangang sundin una ang paghahanda ng
kagamitang gagamitin sa paggawa ng padron, paglalatag ng padron sa tela, pagtatabas
ng tela at paglilipat ng marka sa tela.

Ang isang batang tulad mo ay kayang magplano ng kagamitang ito, upang umunlad ang
kasanayan at kaalaman. Ang mga kagamitang pambahay ay gaya ng mga sumusunod:

Kurtina Table Napkin Apron Throw Pillow

3
Table Cover Panyo Pamunas Kamay

Suriin

Narito ang mga hakbang sa pagplano para sa pagbuo ng mga kagamitang pambahay
tulad ng apron.

1. Telang tatahiin. 5. Pagtatabas ng padron ng tela.


2. Paraan ng paghanda ng tela. 6. Pagtatabas ng tela.
3. Pagsipi ng batayan ng padron. 7. Paglilipat ng marka sa tela.
4. Paglalatag ng padron sa tela

Mga Bahagi ng Plano Para sa Paraan ng Paggawa ng Kagamitang Pambahay

I. Pangalan ng Proyekto: Apron


II. Layunin: Ito ay tumutukoy sa mithiin sa paggawa ng plano sa pagbuo ng mga
kagamitang pambahay.
III. Mga Kagamitan: Sa bahaging ito inilalahad ang lahat na kakailanganin sa
paggawa ng proyekto at halaga ng pagbuo ng plano
IV. Disenyo: Iginuguhit dito ang disenyo ng proyekto
V. Hakbang o Pamaraan sa Paggawa: ang sunud-sunod na detalye sa pagbuo ng
proyekto
VI. Ebalwasyon: Inilalahad dito ang score card. Ang score card ay may mga
tanong at bahagi para sa marka ng may gawa na ibinibigay ng magulang at
guro

Pagpili ng Tela

Mahalaga ang kaalaman sa iba’t-ibang uri ng tela, Narito ang mga dapat tandaan sa
pagpili ng tela:
1. Gumamit ng telang madaling ilapat, tabasin at tahiin.
2. Piliin ang telang mananatiling tuwid ang hilatsa.
3. Tiyaking matatag ang tela kapag tinatabas.
4. Kung walang ibang magagamit o may disenyo o may kulay mayroon, tiyakin
lamang na hindi ito kukupas.

4
Sa pagtahi ng apron, ang unang proyekto sa tahing makina, pinakamainam at
pinakaangkop gamitin ang katsa o unbleached muslin. Ito ay isang magaspang na tela
na walang disenyo. Krema ang kulay nito at karaniwang ginagamit ng supot ng arina.
Madaling maipakikita ang pagkamalikhain ng mananahi sa pamamagitan ng paglalagay
ng sariling disenyo at palamuti kung nanaisin.

Pagkuha ng Sukat

Kunin ang sukat ng mga sumusunod:


1. Dibdib – Ilagay paikot ang medida sa pinakamalaking bahagi ng dibdib, sa ilalim
ng braso. Panatilihing tuwid ang likod ng iyong sinusukatan.
2. Baywang – Ilagay paikot ang medida sa pinakamaliit na bahagi ng baywang.
3. Balakang – Ilagay paikot ang medida sa pinakamalaking bahagi ng balakang.
4. Ulo – Ilagay paikot ang medida sa ulo.
5. Haba ng apron – Sukatin ang haba buhat sa kilikili hanggang sa laylayan ng
damit at dagdagan ito ng 7 hanggang 8cm.

Paggawa ng Padron para sa Apron

Karaniwang ginagamit ang isang pattern paper sa paggawa ng padron ngunit maari ring
gumamit ng manila paper, lumang diyaryo o kalendaryo na hinugis ayon sa disenyo ng
kasuotang tatahiin.
Narito ang mga hakbang sa paghahanda ng padron para sa apron.
1. Ihanda ang pattern paper na gagamitin.
2. Itupi ang papel nang pahaba.
3. Ilipat ang mga hinating sukat ng dibdib, baywang at balakang.
4. Lagyan ng palatandaan na letra ang mga bahagi tulad ng nasa larawan.

Padron Padron Pantali o


Desinyo Pantali Strap

5
Harapan ng bahagi ng
Seam sa Likod ng bahagi padron
paligid ng padron
Paglapat ng Padron sa Tela

Narito ang hakbang sa sa paglalapat ng padron sa tela.


1. Tiklupin ang tela sa gitna na nakaharap ang kabaligtarang panig o wrong side sa
iyo.
2. Ilagay ang lahat ng padron o tularan sa ibabaw ng tela nagng sama-sama upang
matiyak na walang makakalimutang bahagi.
3. Lagyan ng aspile ang mga padron na inilagay sa ibabaw ng tela. Gawing pahilis
ang paglalagay ng aspile.
4. Ilipat at lagyan ng marka ng pagtatahian ng tela. Gumamit ng tracing wheel o
tracing paper. Dagdagan ng 2cm pasobra o allowance sa gilid.
5. Gupitin ang tela sa pamamagitan ng matalas na gunting.
6. Tiklupin ang bawat pirasong ginupit na kasama ang padron. Itabi sa lalagyan.

Pagbuo ng Apron

Sundin ang sumusunod na hakbang sa pananahi ng iba’t-ibang bahagi ng apron.


1. Gumawa ng tupi sa gilid ng laylayan.Sukatin ang 1/2cm para sa unang tupi at
itupi muli ng 1cm. Ingatan ang pagtutupi.
2. Ihilbana ang tupi at tahiin sa makina.
3. Tastasin ang hilbana.
4. Gumawa ng ilang pirasong tela para sa gagawing bias para sa kilikili. Tupiin ang
pirasong tela nang pahilis upang ang mga paayon at pahalang na sinulid ng tela
ay magkahilera. Maaaring gumamit ng kardboard para sa sukatan.
5. Gumupit ng ilang pirapirasong bias ayon sa sukat ng bahaging kilikili. Paglapatin
ang bias na nakaharap sa isa’t isa upang makabuo ng parisukat na anggulo.
Ayusin at ihilbana. Buksan ang pinagdugtungan upang matiyak na tuwid at
maayos ang dalawang piraso. Tahiin sa makina.
6. Iayos ang pinagdugtong-dugtong na bias sa kurbadong gilid ng kilikili. Maglaan
ng ½ pulgada sa magkabilang gilid ng bias para sa tuping gagawin. Itupi nang
paloob.
7. Gawin ang tupi sa taas ng apron. Sukatin nang may1 ½ pulgada ang tapat nito.

6
Gawin ang mga panahi ng apron. Tupiin ang kahabaan ng tela sa gitna na
magkaharap. Sukatin ang 1cm sa gilid. Lagyan ng aspile bago ihilbana. Tahiin sa
makina.
8. Ikabit ang tahi. Ilapat sa itaas na sulok ng kabaligtaran ng apron ang dulo ng
sinulid. Lagyan ng aspile bago ito ihilbana.Tahiin ito nang pahilis mula sa kanto
upang magkaroon ng ekis.
9. Tahiin ang bulsa. Sukatin ng pantay-pantay ang mga gilid nito. Ihilbana bago
tahiin sa makina. Piliin ang pinakamahusay na lugar sa paglalagyan ng bulsa.
Iaspile at ihilbana. Tahiin sa makina. Tanggalin ang hilbana.
10. Ikabit ang magic tape na pandikit sa likod ng apron. Ang natapos na apron ay
nakasuot na nakaekis ang mga panali sa likod.

Mga Kaugnay na Kagamitan


1. Headband
Sumukat ng telang may 50cm x
50cm ang laki. Hatiin ng
padayagonal tulad ng nsa
larawan. Itupi ng dalawang ulit sa
gilid. Ihilbana at tahiin sa
makina. Ikabit ang pansara na
hook and eye o kutsetes.

2. Potholder
● Pagpatung-patungin ang mga
natirang retaso.
● Gumawa ng dalawang padron
para sa pang-ibabaw na
hawakan.
● Linyahan ang padron. Ilagay
ang inayos na retaso sa loob ng
pang- ibabaw na hawaka.
● Ihilbana ang mga gilid.
● Tahian ng overcasting ang mga
gilid.
● Pagtapatin ng maayos.
Ihilbana at tahini sa makina.

7
3. Pamunas -Kamay
Sumukat ng tela na 50cm x 50cm
ang laki. Itupi nang dalawang ulit
ng paikot sa gilid. Ihilbana at
tahiin sa makina.

Pagyamanin

A. Ang pagsunod sa mga bahagi ng plano sa pagbuo ng kasankapang pambahay


ay mahalaga upang maging ganap na maayos ang gawain.
B. Sagutin ang tanong, isulat sa kwaderno.
1. Ano-ano ang mga bahagi sa pagbuo ng isang plano ng proyekto o gawain?
_______________________________________________________________________
2. Ano ang kahalagahan ng pagsunod sa mga bahagi ng isang plano ng
proyekto o gawain?
________________________________________________________________________

Isaisip

Ang pagpaplano nang mabuti ay kailangan sa pag-uumpisa ng isang proyekto o gawain.


Kung may pagpaplano at planong nagawa, magiging madali ang paggawa ng anumang
gawain. Ang plano ay karaniwang ginagawa ng arkitekto o inhinyero bilang batayan sa
gagawing proyekto maliit man o malaki. Ang pagpaplano o paggawa nito ay naaayon sa
pamamagitan ng mahusay at maingat na pagsusuri upang ang gagawing proyekto o
gawain ay magiging maayos.

8
Kung maihahandang mabuti ang disenyo at plano, magiging madali ang
paggawa ng isang gawain.

Isagawa

Isulat sa kwaderno ang tamang sagot. Kumpletuhinang sumusunod na bahagi ng plano


ng paggawa ng kagamitang pambahay.
1. Pamagat/Pangalan ng Proyekto: __________________________________
2. Layunin: _________________________________________________________
3. Sketch: __________________________________________________________
4. Talaan ng materyales: ____________________________________________
5. Disenyo: __________________________________________________________
6. Hakbang sa Paggawa: _____________________________________________
7. Talaan ng Kasangkapan: _________________________________________

Tayahin

Pangalan: ________________________________Baitang at Seksyon: ______________________


Asignatura: ______________________________ Aralin:___________________________________
Panuto: Basahin ng mabuti. Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.
1. Upang maiwasang magkaroon ng buhok ang pagkain, dapat gumamit ng ______
A. Gel B. Hairtnet C. Pang-ipit sa buhok D. Sombrero
2. Habang nagluluto si Aling Marta biglang kumukulo at umapaw ang tubig sa
kaldero. Anong kagamitan sa kusina ang wastong gamitin upang hawakan at
buksana ng kaldero?
A. Lumang T-shirt B. Newspaper C. Panyo D. Potholder
3. Gustong magtahi ni Lucile ng Apron. Anong uri ng tela ang dapat niyang gamitin?
A. Katsa B. Lace C. Maong D. Seda
4. Alin sa mga sumusunod ang gamit ng apron sa kusina?
A. Palamuti B. Pampunas C. Panlinis D. Proteksyon
5. Alin sa mga sumusunod ang gamit sa pansukat?
A. Emery bag B. Didal C. Medida D. Sinulid
6.Ito ay papel na hinugis ayon sa desinyo ng kagamitan tatahiin na nagsisilbing
patnubay sa paggawa ng pananahi ng apron, ang proyektong gagawin ng mga
batang mag – aaral sa ikalimang baitang.
A. dugtong B. headband C. hilbana D. padron
9
7. Naghahanda na sila sa paggawa ng padron. Upang maging wasto ang paggawa nito,
gawing mas _________ ang padrong pangharap kaysa padron panglikod.
A. makitid B. maikli C. malakid D. malapad
8. Nasabit ang damit ni Irma at napunit. Natutuhan niya ang wastong
pagkukumpuni. Ang damit niya ay kanyang _______________ .
A. huhubarin at susulsihin C. hahayaang lumaki ang sira
B. itatago D. ipapatahi sa nanay
9. Kung ikaw ay bibigyan ng pira-pirasong tela, ano ang naiisip mong gawin sa mga
ito?
A. Gawaing basahan B. Itapon C. Itago D. Wala lang
10. Umalis ang nanay ni Maila. Tastas ang laylayan ng damit na kanyang isusuot.
Ano ang kanyang dapat gawin?
A. lagyan ng aspile ang tastas C. tahiin ang tastas na laylayan
B. hintayin ang nanay at ipatahi D. isuot ang damit na sira

Karagdagang Gawain

Panuto. Kilalanin kung saang bahagi ng Plano ng Proyekto napapailalim ang nakatala
sa bawat bilang. Piliin kung ito ba ay Pangalan, Layunin, Kagamitan, Disenyo,
Pamaraan, o Ebalwasyon. Isualat ang iyong sagot sa kwaderno.
1. Pangmarka sa score board 6. Letter holder
2. Throw Pillow 7. Pagsusuri ng nayaring palda
3. Balangkas na guhit ng baunan 8. Tela, berdeng sinulid, pardon
4. Ipatong ang padron sa tela 9. Makagawa ng proyektong ipagbili
5. Makabuo ng lalagyan ng sapatos 10. Dagdagan ang tunay na sukat ng 2cm

Sanggunian:

Batayang Aklat sa EPP 6


Batayang Aklat sa EPP 5
Agap at Sikap 6
Umunlad sa Paggawa 5
Kaalaman at Kasanayan Tungo sa Kaunlaran 5

10

You might also like