You are on page 1of 1

Banghay-Aralin

I.

Paaralan: Marangal Elementary School Sabjek: MAPEH


Guro: Christelle Joy B. Ascuna Baitang: 1
Petsa: Setyembre 8, 2022 Seksyon: Peridot
Oras: 3:20pm-4:00pm Quarter: 1st

I. Layunin:
1. Natutukoy ang iba’t ibang hugis, linya at tekstura na ginamit sa isang larawan;
2. Nagagamit ng mga manlilikha o artist ang pagpinta gamit ang Elemento ng Sining;
3. Nakagagawa ng sariling disenyo batay sa natural na bagay at mga bagay na gawa ng tao na
nagpapakita ng sariling ideya gamit ang linya, hugis at tekstura.

II. Nilalaman:
Kilalanin ang mga Gamit (Q1/W2-A1EL-I0)
Sanggunian: TG p.11-13, LM p. 103
Kagamitan: mga larawan, computer, speaker

III. Pamamaraan:
a. Balik-aral
Magbigay ng halimbawa ng mga bagay na may malakas at mahinang tunog.

b. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan.


Pabilugin ang mga bata.
Sabihin: Pagbilang ko ng 3 kailangang magpose kayo. Pagandahan ng pagpose. (Kailangan pati
ang guro ay sasali sa gawain.)
1. Sabihin: Ngayon naman ay iguguhit natin ang iyong buong katawan gamit ang mga linya at
hugis na napag-aralan natin.Kailangan magtulungan kayo ng iyong kapareha sa gawain.
2. Pagpapakita ng modelo. Tumawag ng isang bata at ipakita sa lahat kung paano ito babakatin
gamit ang isang manila paper.
(Gagamit ang guro ng krayola sa pagbakat)
Ngayon mayroon na tayong bakatan(trace). Gamit ang nabuong outline, hayaang isa-isahin ng
mga bata ang bahagi ng nabakat na katawan.
c. Paglalapat ng aralin sa pang-araw-araw na buhay. (values)
Kung ikaw ay iguguhit nang nakatayo, paano mo ito gagawin?
(Ipamustra sa bata)
Hayaang hulaaan ng ibang bata ang gustong ipahiwatig na tindig

d. Pag-uugnay sa pang araw-araw na buhay


Sa pagguhit s aiyo ng nakatayo, ano-ano ang liny ana ginamit sa pagguhit ng bawat parte ng
iyong katawan?

IV. Paglalahat:
Paano tayo nagkaroon ng outline?

V. Pagtataya:
Hayaang gamitin ng mga bata ang outline na kanilang ginawa upang lagyan ng mga kailangang linya
at hugis. Ipaskil ang natapos na gawa at bigyan ng papuri sa pamamagitan ng pagpaskil sa Output
Wall ang pinakamagandang gawa ng grupo.

VI. Takdang Aralin:


Gumuhit ng iyong paboritong pagkain sa iyong kuwaderno.

You might also like