You are on page 1of 3

Banghay-Aralin sa

ESP
Baitang 1

Petsa: Agosto 31, 2022

Oras: 12:10pm-12:40pm

I. Layunin:
a. Nakikilala ang sariling gusto, interes, potensyal, kahinaan at damdamin o
emosyon
b. Naipakikita ang kakayahan nang may tiwala sa sarili
c. Naipamamalas ang pag-unawa sa kahalagahan ng pagkilala sa sarili at sariling
kakayahan, pangangalaga sa sariling kalusugan at pagiging mabuting kasapi
ng pamilya

II. Paksang-Aralin
Sanggunian: ESP Gabay sa Pagtuturo, pahina 1-7, Kagamitan ng Mag-aaral,
pahina 3-4
Kagamitan: Visual Aids, kompyuter

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain

a. Balik-Aral

Anong bagay ang makakatulong sa iyo para makita ang sarili mo?

Natutuwa ka ba kapag nakikita ang sarili mo?

b. Pagganyak

Magkumustahan at bigyan sila ng pagkakataon upang makilala ang kanilang


mga kaklase.

Ipaawit ang “Kumusta ka?”

Ulitin ang pag-awit nang ilang beses pa upang makakita ng ibang mga
kapareha ang mga bata.

B. Paglalahad

Masdan ang dalawang larawan. Aling sa mga ito ang nais mong gawin? Bakit?

1
C. Pagtalakay

Basahin ang kuwento nila Ana at Buboy.

D. Paglalahat

Sagutin ang mga tanong.

1. Ano ang hilig ni Aya?

2. Ano ang paboritong gawin ni Buboy?

Ikaw naman, ano ang hilig mo?

E. Paglalapat

Bawat bata ay may hilig na gawin. Bawat bata ay may kayang gawin. Aling
larawan kaya ang magpapakita na gusto nila ang kanilang ginagawa?

IV. Pagtataya

2
Panuto: Ang sabi natin, kapag hindi mo alam, matutulungan ka ng iba. Alin sa
mga sumusunod ang makatutulong sa iyo upang mapahusay ang iyong nalalaman?
Lagyan ng tsek ang iyong sagot.
_____ 1. Nagtatanong ako sa Nanay kapag hindi ko maintindihan ang aralin.
_____2. Nagtatago ako sa kwarto kapag sa palagay ko ay mali ang aking
ginagawa.
_____3. Tinatandaan ko ang mga pangaral sa akin ng Tatay.
_____4. Nagpapatulong ako kay Ate o Kuya.
_____5. Umiiyak ako kapag mayroon akong hindi magawa.

V. Takdang Aralin

Gawain: Gumuhit ng mga mukhang nagpapakita ng mga sumusunod na emosyon


sa iyong kuwaderno:
1. Natutuwa
2. Nagagalit
3. Nalulungkot
4. Natatakot

Inihanda ni:

CHRISTELLE JOY B. ASCUNA


Guro

Pinatnubayan ni:

DONNA MAE A. PANDO


Master Teacher I

Binigyang pansin ni:

MIRIAM A. ZAMORA
Principal IV

You might also like