You are on page 1of 3

Banghay-Aralin sa

ARALING PANLIPUNAN
Baitang 1

Petsa: Agosto 31, 2022

Oras: 2:40pm-3:20pm

I. Layunin:
a. Nasasabi ang batayang impormasyon tungkol sa sarili tulad ng pangalan,
magulang, kaarawan, edad, tirahan, paaralan, iba pang pagkakakilanlan at mga
katangian bilang Pilipino
b. Napapahalagahan ang pagsasabi at pagkakaalam ng batayang impormasyon
tungkol sa sarili tulad ng pangalan, magulang, kaarawan, edad, tirahan,
paaralan, iba pang pagkakakilanlan at mga katangian bilang Pilipino
c. Naisasakatuparan ang pagbibigay ng impormasyon tungkol sa sarili

II. Paksang-Aralin
Mga Batayang Impormasyon Tungkol Sa Sarili
Sanggunian: Gabay sa Pagtuturo, pahina 2-3, Kagamitan ng Mag-aaral, pahina 2-4
Kagamitan: Visual Aids, kompyuter

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain

a. Balik-Aral

Laro: “Hephep-Hooray”

Laro: Pagpangkatin ang mga babae at mga lalaki na naaayon sa laro. Ang mga
babae ang magsasabi ng “Hephep”, at ang mga lalaki ang magsasabi ng
“Hooray”. Ipaliwanag ang mga panutong susundan ng mga bata sa larong ito.

b. Pagganyak

Matapos ang laro, ang grupong matatalo ay pupunta sa harapan upang sabihin
ang kanilang buong pangalan.

B. Paglalahad

Panonood ng video tungkol sa pagpapakilala sa sarili.

1
C. Pagtalakay

Ipakilala ang iyong sarili. (Pangalan)

Anong mga pagkakataon kailangan mong sabihin ang iyong pangalan? Sa


pagpapakilala ng iyong sarili.

Pakinggan ang kuwentong babasahin ng guro.

Si Ana sa Unang Araw ng Klase

Pasukan na naman. Umiiyak ang batàng si Ana na nasa Unang Baitang dahil hindi
na siya masasamahan ng kaniyang nanay Mary at tatay Joseph sa loob ng silid-
aralan. Nakita siya ng kaniyang guro na si Titser Joy.

Titser Joy: Bakit ka umiiyak?


Ana: Iiwan na po ako dito ni nanay ma’am.
Titser Joy: Huwag ka nang umiyak. Ako si Titser Joy, ang iyong magiging guro.
Ano ang pangalan mo?
Ana: Ako po si Ana Cruz.
Titser Joy: Sino ang mga magulang mo Ana?
Ana: Ang nanay ko po ay si Nanay Mary Cruz. Ang tatay ko naman po ay si Tatay
Joseph Cruz.
Titser Joy: Sige huwag ka nang umiyak Ana, hinihintay na tayo ng mga kaklase
mo sa loob.
Ana: Salamat po ma’am.

D. Paglalahat

1. Anu-anong pangalan ang itinatawag sa iyo ng iyong mga magulang o kaibigan


maliban sa iyong unang pangalan?

2. Sa mga pangalang ito, alin ang gustong-gusto mong itinatawag sa iyo?

E. Paglalapat

Bakit kailangan mong malaman ang mga pangunahing impormasyon tungkol sa


iyong sarili tulad ng iyong pangalan?

Upang maipakilala ang sarili.

IV. Pagtataya

Panuto: Pakinggang muli ang kwentong bainasa ng guro. Sagutin ang mga
sumusunod na katanungan.

1. Ano ang pangalan ng batang umiyak?


a. Ana

2
b. Tesa
2. Ano ang pangalan ng guro ni Ana?
a. Titser Joy
b. Titser Karen
3. Ano ang pangalan ng nanay ni Ana?
a. Nanay Mary
b. Nanay Cora
4. Ano ang pangalan ng tatay ni Ana?
a. Tatay Joseph
b. Tatay Cardo
5. Isulat ang iyong buong pangalan.

V. Takdang Aralin

Gawain: Gumuhit ng keyk sa iyong kuwaderno. Pagkaguhit ng keyk, gumuhit sa


itaas nito ng kandila na nagpapakita ng iyong edad. Kulayan ito.

Inihanda ni:

CHRISTELLE JOY B. ASCUNA


Guro

Pinatnubayan ni:

DONNA MAE A. PANDO


Master Teacher I

Binigyang pansin ni:

MIRIAM A. ZAMORA
Principal IV

You might also like