You are on page 1of 2

Banghay-Aralin

I.

Paaralan: Marangal Elementary School Sabjek: Edukasyon sa Pagpapakatao

Guro: Christelle Joy B. Ascuna Baitang: 1

Petsa: Setyembre 7, 2022 Seksyon: Peridot

Oras: 12:10pm-12:40pm Quarter: 1st

I. Layunin:
a. Naipamamalas ang pagunawa sa kahalagahan ng pagkilala sa sarili at sariling
kakayahan,pangangalaga sa sariling kalusugan at pagiging mabuting kasapi ng
pamilya
b. Naipakikita ang kakayahan nang may tiwala sa sarili
c. Naisasakilos ang sariling kakayahan sa iba’t ibang pamamaraan
 Pag-awit
 Pagsayaw
 Pakikipagtalastasan, at iba pa

II. Paksang-Aralin
“Inaalagaan Ko Ang Aking Sarili”
Sanggunian: ESP Gabay sa Pagtuturo, pahina 3, Kagamitan ng Mag-aaral, pahina 6-7
Kagamitan: Visual Aids, kompyuter

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain

a. Balik-Aral

Balik-aralan ang kwento tungkol kay Enteng.Itanong:

1. Bakit laging nagkakasakit si Enteng?

2. Bunga nito, ano ang palaging nangyayari sa kanya?

b. Pagganyak

Ipanood ang bidyo tungkol sa pagsesepilyo.

B. Paglalahad

Magpakita ng larawan ng mga gulay at prutas. Pagsalitain ang mga gulay, tulad
ng mga sumusunod,
Ampalaya: Hu!hu!hu!
Kalabasa: Ampalaya, bakit ka umiiyak?
Ampalaya: Kasi, ayaw akong kainin ng mga bata. Ayaw nila sa akin.

1
C. Pagtalakay

Ipakita sa mga bata na bukod sa mga gamit sa paglilinis, mahalaga rin ang pagkain
nang tama.Pag-usapan ang mga pagkaing mainan para sa katawan.Talakayin ang
kahalagahan ng pagkain ng prutas at gulay.

Talakayin ang mga kasamaang dulot ng junk food.

D. Paglalahat

Ano-ano ang mga bagay o gawaing mainam para sa ating kalusugan? Bakit natin
dapat na pangalagaan ang ating mga kalusugan?

E. Paglalapat

Sumunod na pag-usapan ang mga gawaing nakasasama sa kalusugan.

Hal. Pagpapaulan, pagtatampisaw sab aha. Bakit ito masama sa kalusugan?

IV. Pagtataya

Panuto: May mga gawaing mabuti para sa ating katawan. Mayroon din namang
masama para sa ating kalusugan.
Tingnan ang mga larawan. Kulayan ang gawaing mabuti para sa
ating katawan. Bilugan ang gawaing masama para sa ating katawan.

V. Takdang Aralin

Panuto: Magdikit ng mga larawang nagpapakita ng mga gawaing mabuti para sa ating
katawan. Hal. Pag-eehersisyo, pagkain nang masustansya.

You might also like