You are on page 1of 3

BANGHAY-ARALIN SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 1

Grade I- Love
I. LAYUNIN
Ang mag-aaral ay…
a. Natutukoy ang mga paraan sa pagpapahalaga ng mga karapatang tinatamasa;
b. Nakapagbibigay ng paraan ng pagpapahalaga ng mga karapatang tinatamasa; at
c. Nabibigyang halaga ang mga karapatang tinatamasa. Pagkain ng masustansyang
pagkain at nakakapag-aral.

II. PAKSANG ARALIN


Paksa: Pagpapakita ng Pagpapahalaga sa Karapatang Tinatamasa: Kumakain ng
Masusustansyang Pagkain at nakapag-aaral
Sanggunian: BOW ,ADM,PIVOT
Kagamitan: TV, Powerpoint
Pagpapahalaga: Napapahalagahan ang Karapatan at ang masusustansyang
pagkain.
III. PAMAMARAAN
A. Pangunahing Gawain
a. Panalangin
b. Pagbati
c. Pagtala ng mga lumiban sa klase.

B. Balik-aral
-Itanong: Bakit kailangan nating pahalagahan ang mga karapatang tinatamasa natin?
Magbigay nga ng halimbawa ng Karapatan?
1.Pagganyak
-Itanong: Kayo ba ay kumakain ng masustansyang pagkain?
Ano-ano ang inyong madalas kainin?
Kayo ba ay nag-aaral ng mabuti?
C. Paglalahad
-Basahin ang kuwentong ‘’ Ang batang si Miya”
D. Pagtatalakay
-Talakayin ang kwentong binasa.
-Itanong:
Sino ang bata sa kwento?
Ilang taon ana ang bata sa kwento?
Anong baitang na si Miya kung siya ay pumapasok sa paaralan?
Ano ang karapatang nabanggit sa kwento?
1. Gawain may patnubay ng guro.
-Iguhit ang bilog kung ang larawan ay nagpapakita ng pagpapahalaga sa pagkain ng
masustansya tatsulok naman kung hindi.

2. Paglinang sa Kabihasaan (Independent Practice)


Panuto: Paano mo maipakikita ang pagpapahalaga sa pagkaing masusustansya?
Basahin ang bawat pahayag na nasa ibaba. Isulat lamang sa iyong kuwadernong
panggawain ang D kung dapat at DD kung di- dapat.
_____1. Kakain lamang ako ng mga masusustansyang pagkain gaya ng isda,
gulay at mga prutas.
_____2. Kakainin ko lamang ang kaya kong ubusin na pagkain upang ito ay di-
masayang
_____3. Palagi akong kakain ng junkfoods o sitsirya upang maging
malusog ang aking katawan.
_____4. Upang maging aktibo ang aking pangangatawan, kakain ako ng
mga pagkaing maraming preservatives gaya ng noodles at softdrinks.
_____5. Iiwasan ko ang pagkain ng mga matatamis gaya ng tsokolate at
candy upang di kaagad masira ang aking mga ngipin.

3. Paglalapat ng aralin sa pang-araw-araw na buhay (Application)


-Panuto: Basahin ang bawat pahayag na nakasulat sa loob ng bawat hugis. Isulat
lamang sa iyong kuwadernong panggawain ang salitang Tama kung ito ay
nagpapakita ng pagpapahalaga sa mga pagkaing masusustansya at Mali kung hindi.

E. Paglalahat
-Itanong sa mag-aaral:
Paano nakakatulong ang pagpapahalaga ng bawat isa sa mga karapatang tinatamasa gaya
ng pagkain ng masustansiyang pagkain?
-Ang mga Karapatan na ating tinatamasa ay nararapat na pahalagahan sapagkat
malaya tayong nakakakakilos na isagawa ang mga bagay na sakop ng ating
Karapatan. Gaya ng pagkain ng masusutansiyang pagkain upang mas mapalakas at
maging malusog ang ating pangangatawan

IV. PAGTATAYA NG ARALIN (Evaluation)


Panutu: Basahin ang bawat pahayag. Iguhit ang puso kungi ito ay nagpapakita
ng pagpapahalaga sa pagkain ng masusustansyang pagkain at bituin kung hindi.

Inihanda ni:

JUDY ANN A. ANINZO


Teacher Aide
Binigyang Pansin ni:

MYRNA E. LAGUATAN
Head Teacher III

You might also like