You are on page 1of 2

Banghay-Aralin

Paaralan: Marangal Elementary School Sabjek: Edukasyon sa Pagpapakatao

Guro: Christelle Joy B. Ascuna Baitang: 1

Petsa: Setyembre 6, 2022 Seksyon: Peridot

Oras: 12:10pm-12:40pm Quarter: 1st

I. Layunin:
a. Naipamamalas ang pagunawa sa kahalagahan ng pagkilala sa sarili at sariling
kakayahan,pangangalaga sa sariling kalusugan at pagiging mabuting kasapi ng pamilya
b. Naipakikita ang kakayahan nang may tiwala sa sarili
c. Naisasakilos ang sariling kakayahan sa iba’t ibang pamamaraan
 Pag-awit
 Pagsayaw
 Pakikipagtalastasan, at iba pa

II. Paksang-Aralin
“Inaalagaan Ko Ang Aking Sarili”
Sanggunian: ESP Gabay sa Pagtuturo, pahina 3, Kagamitan ng Mag-aaral, pahina 6-7
Kagamitan: Visual Aids, kompyuter

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain

a. Balik-Aral

Balik-aralan ang kwento tungkol kina Aya at Buboy.Sagutin:

1. Sino-sino ang papasok sa paaralan?

2. Paano sila naghanda sa pagpasok?

3. Ano-ano ang ginawa nila pagkagising?

b. Pagganyak

Sayawin ang awiting “Mag-exercise Tayo.”

B. Paglalahad

Simulan ang aralin sa pamamagitan ng Health Check. Sino-sino sa mga mag-aaral ang may
malinis na kamay, kuko, atbp?

C. Pagtalakay
Ipanood at ituro ang awit na “Ang Ating Katawan.”

Ilahad ang kwento tungkol kay Enteng..(Tingnan sa pah. 12 ng TG).

1
D. Paglalahat

Hanguin mula sa pananaw ng mga bata ang kahalagahan ng pagiging malusog. Ano ang kaugnayan
ng kalusugan nila sa paglinang ng kanilang mga kakayahan?

E. Paglalapat

Pag-usapan ang detalye ng kwento.

1. Bakit palaging nagkakasakit si Enteng?

2. Bunga nito, ano ang palaging nangyayari sa kanya?

Iugnay sa karanasan ng mga bata ang karanasan ni Enteng? Tanungin sila kung may mga
pagkakataon ba na hindi nila nagagawa ang gusto o hilig nilang gawin?Bakit?Iugnay ito marahil ay
kalagayan ng kanilang kalusugan.

IV. Pagtataya

Panuto: May mga bagay tayong ginagamit upang tayo ay


maging malinis. Hanapin ang mga bagay na ito at kulayan.

V. Takdang Aralin

Panuto: Alamin ang tamang paraan ng pagsesepilyo.

You might also like