You are on page 1of 3

Banghay-Aralin sa

MTB
Baitang 1

Petsa: Agosto 31, 2022

Oras: 12:40pm-1:30pm

I. Layunin:
a. Nasasabi ang tungkol sa sarili at sariling karanasan.
b. Nakapagbahagi ng isang maikling kuwento tungkol sa pamilya, alagang hayop
o paboritong pagkain.
c. Naipapahayag ng malaya ang saloobin sa pamamagitan ng pagguhit tungkol sa
aralin.

II. Paksang-Aralin
Sanggunian: Banghay Aralin sa MTB- Mle, pahina 50-52, Kagamitan ng Mag-
aaral, pahina 1
Kagamitan: Visual Aids, kompyuter

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain

a. Balik-Aral

Paano kayo pumunta ng ating paaralan? Kayo ba ay naglakad? O sumakay?

b. Pagganyak

Anong hayop ang iyong nakita bago ka pumasok?

B. Paglalahad

Panoorin ang kuwento ng “Ang Nawawalang si Kuting”

C. Pagtalakay

Talakayin ang pangyayari sa kuwentong pinanood. Ano-anong mga hayop ang


nakasalubong ng nawawalang kuting?

1
Iugnay ang nangyari sa nawawalang sarili sa karanasan ng mga bata.

D. Paglalahat

Naibahagi mo ba nang maayos ang tungkol sa iyong sarili? o sariling karanasan?


Nasabi mo ba nang maayos? Ano ang mga tinandaan mo upang makapagbahagi
ka ng sariling karanasan?

Sa pagbabahagi ng sariling karanasan, alalahanin at ilista ang mga mahahalagang


detalye upang hindi malimutan. Ikuwento ito nang malinaw ayon sa mga
natatandaang detalye. Ginawa mo ba ang mga ito?

E. Paglalapat

Sa pagbabahagi ng tungkol sa sarili at sariling karanasan, kailangang maging


matapat at totoo ka sa iyong sarili. Maging matalino sa pagpili ng angkop na
salitang gagamitin sa paglalarawan upang maging mas kapanapanabik o kaaya-
aya ang iyong kuwento.?

IV. Pagtataya

Panuto: Gumuhit ng liny amula sa hayop sa kaliwa hanggang tunog nito sa kanan.

V. Takdang Aralin

Gawain: Gumuhit o gumupit at magdikit ng larawan ng mga hayop na makikita


sa inyong bakuran.

2
Inihanda ni:

CHRISTELLE JOY B. ASCUNA


Guro

Pinatnubayan ni:

DONNA MAE A. PANDO


Master Teacher I

Binigyang pansin ni:

MIRIAM A. ZAMORA
Principal IV

You might also like