You are on page 1of 2

Banghay-Aralin

I.

Paaralan: Marangal Elementary School Sabjek: MTB

Guro: Christelle Joy B. Ascuna Baitang: 1

Petsa: Setyembre 13, 2022 Seksyon: Peridot

Oras: 12:40pm-1:30pm Quarter: 1st

I. Layunin:
1. Natutukoy ang mga salita sa pamamagitan ng tunog at pagbaybay
2. Nagagamit ang kaalaman sa ponolohiya sa pagbuo ng mga tunog at salita
3. Nakapagbibigay ng pares ng mga salitang magkasintunog mula sa kuwentong napakinggan

II. Paksang-Aralin
“Pagbibigay ng Pares ng mga Salitang Magkasintunog Mula sa Kuwentong Napakinggan”
Sanggunian: MTB-MLE Modyul 9, pahina 1-12
Kagamitan: mga larawan, speaker, computer

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
a. Balik-Aral

Magbigay ng halimbawa ng malakas at mahinang tunog.

b. Pagganyak
Awitin ang kantang “Ako ay may Lobo.”

B. Paglalahad
Magpapakita ang guro ng mga larawan ng salitang magkasintunog.
lobo-kalbo
batis-patis
puso-baso
kalabaw-langaw
Magkapareho ba sila ng tunog?

C. Pagtalakay
Bawat letra sa Makabagong Alpabetong Filipino ay may iba’t-ibang tunog.

Ang tamang pagbigkas sa bawat tunog nito ay makatutulong upang ikaw ay mabilis na makabasa
ng mga pantig at salita. Tugma ang tawag sa mga salitang magkatulad ang tunog.

1
D. Paglalahat
Nararapat lamang na palaging magsanay sa pagbigkas ng mga tunog ng bawat letra sa
Makabagong Alpabetong Filipino upang mahasa ang iyong galing at kasanayan sa pagsasabi at
pagtukoy ng pares ng mga salitang magkasintunog.

E. Paglalapat

Ano ang tawag natin sa mga salitang magkatulad ang tunog?

IV. Pagtataya
Lagyan ng tsek kung magkasintunog at ekis kung hindi.

V. Takdang Aralin
Magbigay ng isang salita ng katugma ng salitang “Mapa.”

You might also like