You are on page 1of 2

Global Reciprocal Colleges

454 GRC Bldg., Rizal Ave., Ext. Cor. 9th Ave., Grace Park, Caloocan City
Mala-Masusing Banghay-Arakin sa Araling Panlipunan 1
Unang Markahan
Petsa:
I. MELCS (Most Essential Learning Competencies)
Pamantayan sa Pangnilalaman: Ang mag-aaral ay naipamamalas ang pag
unawa at pagpapahalaga sa sariling pamilya at mga kasapi nito at bahaging
ginagampanan ng bawat isa.
Pamantayan sa Pagganap: Ang mag-aaral ay Buong pagmamalaking
nakapagsasaad ng kwento ng sariling pamilya at bahaging ginagampanan ng bawat
kasapi nito sa malikhaing pamamaraan.
I. Layunin
Pagkatapos ng aralin ang mga magaaral ay inaasahang:
1. nabibigyang-kahulugan ang salitang pamilya,
2. naipagmamalaki ang pamilya, at
3. naipapakita ang gampanin ng miyembro ng pamilya.

II. Paksang Aaralin:


Paksa: Ang Aking Pamilya– Pagkilala sa mga Kasapi ng Pamilya
Pagpapahalaga: Mapahalagahan ang sariling pamilya.
Sangunian:
 Araling Panlipunan 1, Br. Armin Luistro FSC, Dr. Yolanda S. Quijano at
Dr. Elena R.
Ruiz. Pahina 55-102
 Edukasyon sa Pagpapakatao 8, Regina Mignon C. Bognot, Romualdes
R. Camia, Sheryll T. Gayola, Marie Aiellen S. Lagarde, Marivic R.
Leaño, Eugenia C. Martin, Marie Ann M. Ong, at Rheamay T. Paras.
Pahina 1-9
 Mga Kasapi ng Pamilya (slideshare.net)
Kagamitan: Laptop, Speaker, Puppet ng pamilya, visual aids, at Sagutang
papel.

III. Pamamaraan:
A. Pang-araw-araw na Gawain
Pagsasaayos ng silid aralan
Panalangin
Pagbati
Pagtatala ng Liban

B. Panimulang Gawain

1. Balik-Aral
Ang guro ay mag tatanong tungkol sa inaral kahapon na “Ako ay
natatangi”.
 Sino ang nakakaalala kung ano ang mga katangian na maaari
niyong ibigay upang makilala ang isa’t isa?
 Sige nga sino ang makakapag bigay sa akin ng pangalan,
kaarawan, edad at tirahan ng iyong kaibigan o katabi?

2. Pagganyak
Ang guro ay mag p-play ng bidyo na pinamagatang “Pamilyang Daliri”
at ang mga bata ay sasabay sa pag awit at pag sayaw nito. At
pagkatapos ay mag tatanong ang guro ng:
 tungkol saan ang ating kinanta at sinayaw?
 Ilan naman ang miyembro ng pamilya na binangit sa bidyong
ating kinanta at sinayaw?
 sino sino ang miyembro ng pamilya na nabangit sa bidyong
ating napanood?
C. Pamamaraan ng Patuturo
1. Talakayan
Magsisimulang magturo ang guro tungkol sa miyembro ng pamilya.
Magtatanong ang guro sa mga bata ng tungkol sa miyembro ng
pamilya.
 Sino ito sa miyembro ng ating pamilya?
2. Paglalahat
Tandaan niyo din na may pamilya na kasama ang Lolo at Lola na
siyang nakatatandang magulang sa pamilya. Mayroon ding pamilya
na binubuo lamang ng Tatay, Nanay at anak.
D. Paglalapat
Tayo ay mag papangkatang gawain at kayo ay lilikha ng dula-dulaan
kung saan kinakailangang ipakita niyo ang bawat miyembro ng pamilya
At gampanin nito. Bibigyan ko kayo ng 20 minuto upang maipakita ito.
E. Pagpapahalaga
Kaya mga anak inyong tandaan na mahalaga na buo ang isang pamilya
dahil sila ang palaging nag tutulungan. Inyong mahalin at pahalagahan
ang inyong mga magulang at kapatid.

IV. Pagtataya
Ang guro ay magbibigay ng sagutang papel para sa maikling pagsusulit na
gagawin sa loob ng 5 minuto.
Panuto: Hanapin ang tamang ngalan ng larawan. Pagduktungin ang mga nasa
Hanay A sa mga salitang nasa Hanay B.
V. Gawaing Bahay
Panuto: Gumupit o gumuhit ng larawan ng bawat miyembro ng pamilya at
idikit ito sa wastong bilog ng papel upang mabuo ang iyong “Tala ng
Angkan o Family Tree”. Isulat sa ilalim ng larawan ang katangian ng bawat
miyembro ng iyong pamilya.

Inihanda ni:

Alfonso R. Quindoza Jr.


Guro

You might also like