You are on page 1of 7

BANGHAY ARALIN SA KINDERGARTEN

WEEK 1
June 14, 2015 (Martes)

CONTENT FOCUS : Kasapi kami sa isang klase.

ARRIVAL TIME: 6:00 – 6:10


12:00 – 12:10

MEETING TIME 1 6:10 – 6:20


12:10 – 12:20

I. LAYUNIN
Nakasusunod sa mga itinakdang tuntunin at gawain (routines) sa paaralan at silid aralan
(SEKPSE-IIa-4)
Nasasabi ang bilang ng araw sa isang lingo (MKC-00-10)

II. PAKSANG ARALIN


A. Mensahe : Ang ating silid-aralan ay parte ng paaralan. Ang pangalan ng aming
paaralan ay PAARALANG ELEMENTARYA NG SAN ISIDRO.
B. Sanggunian : National Kindergarten Curriculum Guide
Integrated Core Curriculum Kindergarten
C. Kagamitan : larawan na silid-aralan at mga gawain sa loob ng paaralan

III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
2. Pagbati
3. Pagtatala ng nagsisipasok
B. Pagtatalakay
1. Itanong sa mga bata kung ilang araw tayo pumapasok sa paaralan.
2. Ang guro ay magpapakita ng larawan ng silid-aralan at paaralan.
3. Itanong sa mga bata kung ano ang pangalan ng ating paaralan.
4. Bakit kailangan nating pumasok sa paaralan?

WORK PERIOD 1 6:20 – 7:00


12:20 – 1:00

I. LAYUNIN
Naisasagawa ang kasanayang pagpilas/paggupit/pagdikit ng papel/larawan (KPKFM-00-1.3)
Naisusulat ang sariling pangalan (LLKH-00-5)
Nasasabi ang mga bagay/larawan na magkatulad ayon sa kulay,hugis, at laki (LLKVPD-Id-1)

II. PAKSANG ARALIN


A. Pamagat : Self Portrait / (write-up) Ang pangalan ko ay si ___________.
B. Sanggunian : National Kindergarten Curriculum Guide
Integrated Core Curriculum Kindergarten
C. Kagamitan : sariling larawan at lapis

III. PAMAMARAAN
A. Self Portrait / (write-up) Ang pangalan ko ay si ___________.
1. Ilagay at idikit ang iyong sariling larawan sa loob ng frame.
2. Ipakita ito sa iyong kamag-aral.
3. Isulat ang iyong pangalan sa ilalim ng frame.

Sabihin: Ang pangalan ko ay si _____________________________.


B. Magkatuld na Larawan (Find a Match)
1. Pagtambalin ang mga larawang magkatulad.
2. Pagkabitin mo ng guhit.

C. Magkatulad na Kulay (Color Match)


1. Pagtambalin ang dalawang bilog na magkatulad ang mga kulay.
2. Pagkabitin mo ng guhit.

D. Color Lotto
1. Tingnan ang bawat kulay sa kahon.
2. Hanapin ang dalawang kahon na magkapareho ang kulay.
3. Pagkabitin mo ng guhit.
MEETING TIME 2 7:00 –7:10
1:00 – 1:10

I. LAYUNIN
Natutukoy na ang bawat isa ay may karapatang matuto/makapag-aral/pumasok sa
paaralan (KMKPAra-00-1)

II. PAKSANG ARALIN


A. Pamagat : Pumapasok ako sa paaralan upang:__________
B. Sanggunian : National Kindergarten Curriculum Guide
Intergrated Core Curriculum Kindergarten
C. Kagamitan : larawan ng mga batang gustong magbasa,magsalita,maglaro at magsulat
ng pangalan, larawan ng may sakit at may bagyo

III. PAMAMARAAN
1. Ang guro ay magpapakita ng larawan ng mga gawain sa paaralan.

2. Itanong sa mga bata kung bakit gusto nilang pumasok sa paaralan.


3. Anu-ano pa ang iyong dahilan kung bakit gusto mong pumasok sa paaralan?
4. Bakit tayo minsan hinde pwedeng pumasok sa paaralan?

SUPERVISED RECESS 7:10 – 7:25


1:10 – 1:25

STORY TIME 7:25 – 7:45


1:25 – 1:45
I. LAYUNIN
Nakapagkukuwento ng kuwentong napakinggan

II. PAKSANG ARALIN


A. Kwento : Ang Bagong Magkakakilala
B. Sanggunian : Integrated Core Curriculum Kindergarten
C. Kagamitan : aklat

III. PAMAMARAAN
A. Pamantayan sa pakikinig
1. Maupo ng tahimik.
2. Makinig sa guro.
B. Pagkukwento
Babasahin ng guro ang kwento nang may larawan habang ang mga mag-aaral ay
nakaupo nang tahimik at nakikinig ng mabuti sa guro.

C. Pagtatalakay
1. Sino ang bagong pasok sa klase?
2. Nasaan siya? Ano ang ginagawa niya?
3. Sino ang nakakakilala sa kanya?
4. Sino ang nakapansin kay Ana?
5. Ano ang kanilang sinabi?
6. Sino ang unang nagpakilala?
7. Ano ang buong pangalan niya?
8. Anu-ano ang mga salitang ginamit niya sa paglalarawan sa sarili?
9. Sino ang sumunod na nagpakilala?
10. Ano ang kanyang apelyido?
11. Paano niya ipinakita ang kanyang hilig?
12. Sino ang huling nagpakilala kay Ana?
13. Ilarawan mo siya?
14. Ano ang pangalan ng batang bagong pasok sa klase?
15. Ano ang nadama niya pagkatapos makilala ang tatlo niyang kaklase?
16. Ano ang ginawa nila pagkatapos ng klase?

WORK PERIOD 2 7:45 – 8:25


1:45 – 2:25

I. LAYUNIN
Nasasabi at naipapaliwanag ang naiibang bagay/larawan sa grupo ayon sa hugis
(LLKVPD-00-2)
Naisasagawa ang mga kasanayang pagpilas/paggupit/pagdikit ng papel (KPKFM-00-1.4)

II. PAKSANG ARALIN


A. Pamagat : Pagpapangkat ng Magkakatulad na Hugis (Junk Box Sorting)
B. Sanggunian : National Kindergarten Curriculum Guide
Intergrated Core Curriculum Kindergarten
C. Kagamitan: krayola

III. PAMAMARAAN
1. Pag-aralan mo ang mga hugis sa loob ng malaking bilog.
2. Hanapin mo ang 2 hugis na magkatulad.
3. Kulayan mo.
4. Gamitin mo ang kulay na nasa ibaba para sa bawat hugis.

RHYMES/POEMS 8:25 – 8:40


2:25 – 2:40

UMAWIT AT KUMILOS TAYO


Ipadyak, ipadyak, ipadyak
Ipadyak ang iyong paa;
Bumilang at umikot,
One. Two, three! (ikot )
One. Two, three! (ikot )
One. Two, three! (ikot )

INDOOR/OUTDOOR ACTIVITY 8:40 – 8:55


2: 40 – 2:55

I. LAYUNIN
Nagagamit ang mga kilos lokomotor at di lokomotor sa paglalaro (KPKGM-Ig-3.1)

II. PAKSANG ARALIN


A. Pamagat : Kayang-kayang Gawin!
B. Sanggunian : Integrated Core Curriculum Kindergarten
C. Kagamitan : bola

III. PAMAMARAAN
1. Maaaring gamitin ang bola sa pagpapalakas ng kamay at braso.
2. Magagamit ito sa iba-ibang paraan.
3. Subukin mong gawin ang mga sumusunod:

4. Ipakita mo sa klase ang iba pang paraan na maaaring gawin sa bola. Kayang-kaya
mo!

MEETING TIME 3 8:55 – 9:00


2:55 – 3:00

TAKDANG ARALIN
1. Beads, gunting,glue, bingo colors, tali at hanger

Pag-usapan ang ginawa sa buong klase


1. Anu-ano ang natutunan nyo sa araw na ito?

Dismissal Routine

You might also like