Lp-Week 16 - Monday

You might also like

You are on page 1of 5

BANGHAY ARALIN SA KINDERGARTEN

WEEK 16
September 14, 2015 (Monday)

CONTENT FOCUS: May mga Karapatan ako.

ARRIVAL TIME: 9:00 – 9:10


3:00 – 3:10

MEETING TIME 1 9:10 – 9:20


3:10 – 3:20

I. LAYUNIN
Nasasabi ang karapatan/tungkulin at pananagutan ng bawat kasapi ng pamilya
(KMKPPam-00-4)

II. PAKSANG ARALIN


A. Mensahe: Karapatan ko: ang maisilang magkaroon ng pangalan at nasyonalidad.
B. Sanggunian : National Kindergarten Curriculum Guide / Integrated Core Curriculum
C. Kagamitan : birth certificate ng mag-aaral

III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
2. Pagbati
3. Pagtatala ng nagsisipasok

B. Pagtatalakay
1. Ipakita ang totonong kopya ng Birth Certificate na dala ng bata o ng guro.
2. Ipaliwanag sa bata ang kahalagahan ng Birth Certificate na ito ay katibayan na
ipinanganak sila.
3. Nakasulat sa birth certificate ang pangalan na ibinigay ng inyong magulang at ang
petsa nang kayoy ipinanganak.
4. Katibayan ito ng karapatan ng magkaroon ng pangalan bilang mamamayan ng
baying sinilangan.
5. Makukuha ito sa munisipyo ng bayan na inyong sinilangan.
6. Mga Tanong:
 Ano ang tawag sa katibayan ng pagkapanganak ng isang bata?
 Saan ito makukuha?
 Anu-ano ang mga nakasulat dito?
 Ano ang karapatan mo na pinagtibay sa sertipikong ito?
7. Isulat-
1. Ang Pangalan Ko

2. Ang Birthday Ko
3. Dito Ako Ipinanganak

8. Pakinggan ang tula ni Rainier


Ipinanganak ako sa bayang ito.
Ako’y lahing Filipio.
Ang wika ko’y Filipino,
Pilipinas ang bansa ko.
Taas ko’y katamtaman, kayumanggi ang kulay,
Ako ay batang magalang, mapagmahal.

WORK PERIOD 1 9:20 – 10:10


3:20 – 4:10

I. LAYUNIN
Natutukoy na ang bwat isa ay may karapatang matuto/makapag-ral/pumasok sa paaralaan
(KMKPAra-00-2)

II. PAKSANG ARALIN


A. Pamagat : Ang Aking Mga Karapatan
B. Sanggunian : National Kindergarten Curriculum Guide/ Integrated Core Curriculum
Kindergarten
C. Kagamitan : tula

III. PAMAMARAAN
1. Pakinggan ang bawat tugma. Ulitin.
I.
Karapatan ko na ako’y alagaan,
Pakainin at palakiin ng aking magulang.
Tungkulin ko naming sila ay mahalin;
Igalang at tulungan sa mga gawain.
II.
Karapatan kong magkaroon ng tirahan.
Bahay na silungan, tulugan at pahingahan.
Tungkulin kong linisin itong aming bahay.
Nang ‘di gawing tirahan ng ipis at langaw.
III.
Karapatan kong kumain ng masustansiyang pagkain,
Upang lumusog ang katawan, at di maging sakitin.
Tungkulin kong pliin ang btamang pagkain.
At dapat tandaan, pagkilos ay ingataan, upang hindi masaktan.
IV.
Karapatan ko rin na makapag-aral,
Maging listing bata, at maraming nalalaman.
Tungkulin kong gamitin ang aking natutuhn,
Sa tama, wasto, at mabuting paraan.
2. Mga Tanong
1. Anu-ano ang mga karapatang binanggit sa tugma?
2. Ano naman ang tungkuling inilarawan na katumbas ng karapatan?
3. Paano mo ipadarama ang pagmamahal sa iyong magulang?
4. Tumutulong k aba sa mga nila? Paano?
5. Ano ang iyong tinitirhan?
6. Ano ang gamit ng bahay?
7. Bakit kailangang linisin ang bahay na iyong tirahan?
8. Saan ka nakatira? Nililinis mob a ang iyong tirahan?
9. Bakit dapat kumain ng masustansiyang pagkain?
10. Ano ang dapat mong gawin upang hindi magkasakit?
11. Anu-ano ang mga pagkain na iyong kinakain?
12. Paano mo iniingatan ang iyong katawan?
13. Ulitin ang mga salitang naglalarawan sa batang nakapag-aral.
14. Ano ang tungkuling katumbas ng iyong pagkakatuto? Paano mo gagamitin ang
iyong natutuhan?

SUPERVISED RECESS 10:10 – 10:25


4:10 – 4:25

I. LAYUNIN
Nagbabahagi ng pagkain (KAKPS-00-16)
Nagkakaroon ng kamalayan sa wastong pag-uugali at gawi sa pagkain.

1. Ipahanda sa mga bata ang kagamitan sa pagkain gayundin ang guro.


2. Ipabigay ang mga pamantayan sa pagkain.
3. Magsilbing modelo ang guro sa paggamit ng “please o paki” at magpasalamat kung binigyan o
inabutan ng pagkain.
4. Magmasid sa mga bata.

STORY TIME 10:25 – 11:25


4:25 – 5:25

I. LAYUNIN
Nakasasagot sa mga tanong tungkol sa kuwentong napakinggan (LLKOL-00-7)

II. PAKSANG ARALIN


A. Kwento : Filipino Tayo
B. Sanggunian : Integrated Core Curriculum Kindergarten
C. Kagamitan : story book (claveria)

III. PAMAMARAAN
A. Pamantayan sa Pakikinig:
Maupo nang tahimik.
Makinig sa guro.
FILIPINO TAYO
Kararating lang ni Cindy galling sa paaralan. Pang-umaga siya kaya pagkababa ng
kanyang bag ay tumuloy siya sa kusina. Naghahanda nan g tanghalian si Aling Pining.
Lumapit siya sa ina, nagmano saka nagkuwento.
“Mommy,” ang simula niya. “May bago akobg kaklase, si Gina. Kaya lang, hindi siya
Filipino. Bisaya siya. Taga-Cebu silang mag-anak. Ditto ngayon sa Maynila ang trabaho ng
Tatay niya.”
Nagkukumpuni ng gripo sa labas si Mang Ed. Narinig niya ang kuwento ng anak.
Natawa siya sa sinabi ni Cindy.
“Anak, ang mga taga-Cebu ay mga Filipino rin. Filipino rin ang mga Bisaya. Tingnan
mo kami ng Mommy mo. Siya ay tag-Bulacan. Ako naman, taga-Ilocos Norte. Pero mga
Filipino kami. Ikaw rin ay Filipino. Kahit iyong mga ipinanganak sa bulubundukin na sakop
ng Pilipinas ay mga Filipino rin,” ang paliwanag ng Mng Ed.
“Ganoon pala iyon. Ang mga Bisaya ay mga Filipino rin. Filipino rin ang mga
Ilokano. Ang mga taong ipinanganak sa lahat ng lugar sa Pilipinas ay mga Filipino,”
nakangiting sabi ni Cindy.
“Kung ano ang nasyonalidad ng magulang ay gayundin ang nasyonalidad ng anak,”
ang pagtatapos ni Aling Pining.
Sabay-sabay silang nananghalian. Isda at gulay ang nilutong ulam ni Aling Pining
upang lalong lumusog si Cindy.
Nagpasalamat si Cindy sa mga magulang sa mga bagong impormasyon na kanyang
nalaman.

B. Mga Tanong:
1. Saan galing si Cindy? Taga-saan ang bago niyang kaklase?
2. Taga-saan ang tatay at nanay ni Cindy?
3. Anu-anong mga impomasyon ang nalaman niya sa kanyang tatay at nanay?
4. Sinu-sino ang mga Filipino ayon sa kanyang mga magulang?

RHYMES/POEMS 11:25 – 11:40


4:25 – 4:40

I. Layunin
Follow pattern through simple actions (LLKOL-Ia-2)

SAMPUNG MGA KARAPATAN


(Song)
Sampung mga karapatan ang dapat taglayin
Pagmamahal, eddukasyon, unang ililigtas
Natatanging kalinga, lahi’t kalusugan
Paglalaro, kapatiran
Maging makabuluhan.

INDOOR/OUTDOOR ACTIVITY 11:40 – 11:55


5:40 – 5:55

I. LAYUNIN
To count in sequence (MKSC-00-8)
To predict outcomes

II. PAKSANG ARALIN


A. Pamagat : Circle Game
B. Sanggunian : Integrated Core Curriculum Kindergarten
C. Kagamitan : chairs
III. PAMAMARAAN
1. Children stand in a circle with the chairs behind them.
2. A child who is designated to start the counting wears a hat to distinguish him/her from
the others.
3. The starter begins the counting and each child counts off in sequence.
4. The child who says the last number in the sequence, in this case, 7, sits down.
5. The children go around and around the circle, skipping those sitting down, until only
one child is left standing/

TAKDANG ARALIN:
Gumupit ng 10 larawan na nagsisimula sa titik Ii.

MEETING TIME 3 11:55 – 12:00


5:55 – 6:00

Pag-usapan ang ginawa sa buong klase


1. Anu-ano ang natutunan nyo sa araw na ito?

Dismissal Routine

You might also like