You are on page 1of 26

Iba’t-ibang Disenyo

ng Papet sa Pilipinas
Modyul sa MAPEH (Arts) 3
Ikaapat na Kwarter-Linggo 1-4

https://www.google.com/search?q=picture+of+a+finger+puppet&tbm=isch&ved=

Inihanda ni:
LEA MARIE M. CAYSOEN

Kagawaran ng Edukasyon ● Sangay ng Lungsod ng Tabuk


Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Cordillera Administrative Region
Sangay ng Lungsod ng Tabuk
Purok 02, Bulanao Norte, Lungsod ngTabuk

Inilathala ng:
Sangay sa Pagpapatupad ng Kurikulum-
Learning Resource Management and Development System

KARAPATANG SIPI
2021

‘’Isinasaad ng Seksiyon 176 ng Batas Pambansa bilang 8293; Hindi maaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa ano mang akdang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayon pa man, kailangang muna ang pahintulot ng pamahalaan o tanggapan kung
saan ginawa ang isang akda upang magamit sa pagkakakitaan ang nasabing akda.
Kabilang sa maaaring gampanin ng nasabing ahensya ay ang patawan ng bayad na
royalty bilang kondisyon.”

Ang materyal ay nagawa para sa implementasyon ng K to 12 Kurikulum ng


Kagawaran ng Edukasyon. Alin mang bahagi nito ay pinahihintulutang kopyahin
kung para sa pag-aaral ngunit kailangang kilalanin ang may-ari nito.

ii
Alamin

Para sa facilitator/magulang o kasapi ng pamilya:

Kayo ang magiging gabay ng bata kung ano ang kanyang gagawin
sa module na ito, samahan ninyo ang inyong mga anak na malaman
ang aralin at tulungan ninyo siya na maunawaan ito. Habaan ang iyong
pasensya sa pagtuturo upang magkaroon ng karagdagang kaalaman
ang iyong anak. Maraming pagsasanay na sasagutin ng bata, gabayan
niyo siya sa pagsagot at kung maaari hindi kayo ang sasagot sa
naibigay na pagsasanay.

Para sa mag-aaral:

Magandang araw! Kumusta ka na? Narito na naman tayo sa


panibagong paglalakbay. Sa modyul na ito, matututuhan mo ang tungkol
sa Iba’t-ibang disenyo ng papet na gawa sa Pilipinas. Handa ka na ba
kaibigan? Simulan natin angating aralin sa pagsagot ng mga gawain.
Alam kong kaya mo yan! Kinakailangan lang ituon mo ang iyong
buong atensiyon sa modyul na ito.
Subukin

Panuto: Basahing mabuti ang mga pangungusap at hanapin ang tamang


salita na tinutukoy nito. Piliin ang sagot sa mga salitang nasa kahon.

Papet/Puppet Papet na Medyas o Sock Puppet


Puppetry String Puppet
Papet sa kamay o Hand Puppet Papet sa Daliri o Finger Puppet
Papet na Patpat o Stick Puppet

1. Isang uri ng manika o tau-tauhan na epektibong ginagamit sa


pagtuturo at pagkatututo ng mga magaaral.

2. Ito ay isang uri ng maliit na manika na nakadikit at pinakikilos ng


daliri o mga
daliri sa kamay na nagsisilbing tau-tauhan sa drama o
kuwentuhan.

3. Isang uri ng pagtatanghal na gamit ang mga papet o manika na


nagsisilbing tau-tuhan sa isang palabas o kuwento.

4. Gawa sa medyas na siyang pinagagalaw ng kamay upang ipakita


ang iba’t-ibang kilos at bigyang buhay ang karakter o tauhan sa
pagtatanghal.

5. Ito ay pinagagalaw ng kamay upang ipakita ang iba’t ibang kilos at


bigyang buhay ang karakter o tauhan sa pagtatanghal.

2
Balikan

A. Pamamaraan:
Basahing mabuti ang mga hakbang sa paggawa ng islogan o logo.
Ayusin ayon sa pagkakasunod-sunod. Ilagay ang mga
bilang 1-4 sa patlang.

____ Kulayan ang logo upang higit na maging maganda ito.

____Umisip ng mga hugis, kulay, titik, o larawan na gagamitin sa iyong


logo.

____Ipinta ang logo sa bond paper.

____Ihanda ang bond paper.

B. Pamamaraan:
Basahing mabuti ang mga hakbang sa paglilimbag gamit ang mga
patapong bagay. Ayusin ayon sa pagkakasunod-sunod. Ilagay ang mga
bilang 1-7 sa patlang.
_____ Takpan ng diyaryo ang mesang paggagawaan.

_____ Pumulot ng kahit na anong bagay.

_____ Umisip ng disenyo gamit ang mga napulot na bagay. Maaari itong
acronym, salita, o isang disenyong abstract.

_____Pag-isipan kung aling bahagi ng napulot na bagay ang gagamitin


sa paggawa ng disenyo.

_____ Isawsaw sa pintura ang napiling bahagi ng napulot na bagay.

_____ Pangalanan ang ginawang sining.

3
_____ Itatak ito sa iyong papel. Ulit-ulitin hanggang mabuo ang nais
mong disenyo.

Tuklasin

Nakapanood na ba kayo ng puppet show? Ano ang mga bagay na


ginamit nila sa kanilang palabas? Pag-aralang mabuti ang mga larawan
at tukuyin kung ano ang mga ginamit upang mabuo ang mga ito.

https://www.vectorstock.com/royalty-free-vector/family-finger-puppets-vector-8667411

https://www.diys.com/puppets-your-kids-will-love

https://www.handmadecharlotte.com/7-diy-sock-puppets/

https://www.amazon.com/Homeford-FMC000CK170D-Character-Stick-Puppets-

4
https://www.ebay.com/p/24028417053

Suriin

Aralin Iba’t-ibang Disenyo


ng Puppet sa Pilipinas
1

Ang papet ay isang uri ng manika o tau-tauhan na epektibong ginagamit


sa pagtuturo at pagkatututo ng mga magaaral. Ito ay ginagamit sa
pagkukuwento at dula-dulaan. Sa Pilipinas, ang mga bata ay lubhang
namamangha sa likod
ng sining ng paggawa ng mga manika o tau-tauhan.

Ang puppetry ay isang uri ng pagtatanghal na gamit ang mga papet o


manika na nagsisilbing tau-tuhan sa isang palabas o kuwento.
Maraming uri ng papet at isa na rito ang papet sa kamay na gamit ang
bag na papel. Makalilikha ka ng papet sa
tulong ng mga patapong bagay. Ang iba’t ibang hugis, kulay, at tekstura
ng mga patapong bagay ay makalilikha ng payak subalit magandang
papet.

Ibat-ibang Disenyo ng Puppet sa Pilipinas

1.Ang papet sa daliri o finger puppet ay isang uri ng


maliit na manika na nakadikit at pinakikilos ng daliri o mga
daliri sa kamay na nagsisilbing tau-tauhan sa drama o
kuwentuhan.

5
2. Ang papet sa kamay o hand puppet ay pinagagalaw
ng kamay upang ipakita ang iba’t ibang kilos at bigyang
buhay ang karakter o tauhan sa pagtatanghal.

3.Ang papet na patpat o stick puppet ay isang uri ng


simpleng uri ng papet na gawa sa ng patpat at iba pang
patapong bagay. Ito ay isang sining na nagbibigay ng
saya at nagpapalawak ng isipan ng mga bata.

4. Ang papet na medyas o sock puppet ay gawa sa medyas at iba


pang patapong bagay na siyang pinagagalaw ng kamay upang ipakita
ang iba’t ibang kilos at bigyang buhay ang karakter o tauhan sa
pagtatanghal.

6
5. Ang string puppet ay pinatatakbo mula sa itaas. Nasuspinde ng
mga string na naka-grupo sa tuktok ng isang control at manipulahin
mula sa "teknikal na aparato" na ito. Ang string papet ay tinatawag ding
marionette o string marionette sa Ingles.
Sa pamamagitan ng isang manika na may string, nakakaakit na lumikha
ng isang totoong representasyon ng katotohanan.

https://www.aliexpress.com/item/32766078498.html

Pagyamanin

Gawain 1: Papet sa Daliri o Finger Puppet

Mga Kagamitan: pandikit, marker, krayola, bond paper, pantay


na kardbord, gunting, colored pencil

7
Pamamaraan:
1. Ihanda ang mga kagamitan.

2. Umisip ng karakter o tauhan batay sa iyong paboritong kuwento:


tao, hayop, o halaman. Ipinta ang mga tauhan sa lapat na
kardbord.

3. Gumamit ng itim na marker o pananda sa pagpinta ng mga detalye


ng iba’t ibang bahagi ng mukha at buhok.

4. Balutan ang papet ng kapirasong papel upang magsilbing damit.

5. Maaaring bigyang buhay ang mga bagay sa paligid tulad ng


halaman, puno, at iba pa.

6. Gumawa ng nakatayong kahon na magsisilbing pantakip sa ibang


bahagi ng iyong kamay upang papet lamang ang makikita.

Subukin 1
Lagyan ng check kung OO ang iyong sagot ekis kung HINDI.

____1. Nakalikha ako ng papet sa daliri na naaayon sa napiling karakter


o tauhan.
____2. Nagawa koi to ng maayos at masaya ako sa papet na nagawa
ko.
____3. Napahalagahan ko ang puppetry sa pamamagitan ng paggawa
ko ng papet mula sa mga bagay na makikita lamang sa aming tahanan.

Gawain 2: Paggawa ng Papet sa Kamay o Hand Puppet Gamit ang Bag


na Papel
Mga Kagamitan: mga bagay na gamit na/patapong bagay
katulad ng bag na papel, papel na may kulay,
lumang diyaryo, plastik na baso, pandikit (glue
o paste), lapis, at pangmarkang panulat

Pamamaraan:
1. Ihanda ang mga kagamitan.

2. Itupi ang itaas na bahagi ng bag na papel upang makabuo ng flap.


8
3. Sa itaas na bahagi ng flap ng papel na bag, idikit ang patapong
bagay para makita ang bahaging ulo ng papet.

4. Bigyan ng kawili-wiling ekspresyon ang papet masaya, sabik, o


gulat.

5. Dagdagan ng iba pang gamit o patapong bagay ang bag na papel


upang higit na maging kakaiba ito sa gawa ng iba.

Subukin 2

Sagutin ang sumusunod:


1. Paano nagpakita ng kamalayan sa kapaligiran ang iyong
likhang papet?

2. Paano nakatulong ang paggamit ng mga patapon o gamit


na mga bagay sa iyong paggawa ng papet?

9
Isaisip

Punan ng impormasyong kinakailangan ang mga kahon.

Iba’t-ibang Disenyo ng
Papet sa Pilipinas

Finger Puppet Hand Puppet Sock Puppet Stick Puppet String Puppet

10
Isagawa

Panuto: Gupitin ang mga larawan sa ibaba at idikit sa tamang puwesto.

String Puppet

Finger Puppet Hand Puppet

Sock Puppet Stick Puppet

11
Aralin Ang Pagkakaiba-iba ng mga Papets
Ayon sa Materyales, Porma, Hugis, Kulay, at
2 Detalyeng Tekstura

Ang puppetry ay isang uri ng pagtatanghal na gamit ang


mga papet o manika na nagsisilbing tau-tuhan sa isang palabas
o kuwento. Maraming uri ng papet at isa na rito ang papet sa
kamay na gamit ang bag na papel. Makalilikha ka ng papet sa
tulong ng mga patapong bagay. Ang iba’t ibang hugis, kulay,
at tekstura ng mga patapong bagay ay makalilikha ng payak
subalit magandang papet.

Ang papet ay ginagamit na pantulong upang


ang mga kuwento o drama ay makapukaw ng pansin.
Makabubuo tayo ng isang papet mula sa mga patapong
bagay. Sa paggamit muli ng mga ito, nakatutulong tayo
na mapangalagaan o mailigtas ang ating kapaligiran.

Pagyamanin

Paggawa ng Papet sa Kamay Mula sa Medyas o Hand Sock Puppet

Mga Kagamitan: pandikit o glue, lumang medyas, felt paper,


kardbord, gunting, lumang butones, kahon

Pamamaraan:
1. Humanap ng isang luma’t malinis na medyas. Kung maaari
ay isang ruler ang haba (kung makakakuha).
2. Tingnan ang materyales na gagamitin. Umisip ng disenyo at
karakter o tauhan ng papet.
3. Isuot sa kamay ang medyas na parang may suot ng gloves o
guwantes. Subukin muna.
4. Alamin kung anong hugis at kulay ang gagawin para sa bibig
ng papet. Iguhit at gupitin ito mula sa kardbord. Lagyan ng mata gamit
ang mga butones.
5.Baluktutin ang kardbord ng kalahati at idikit sa gitnang bahagi ng
parting talampakan ng medyas.
6.Dagdagan ng disenyo ang bibig ng papet para maging kakaiba.

12
Isaisip

Pagmasdang maigi ang ginawang papet at sagutin ang mga


kinakailangang impormasyon.

Materyales Porma Hugis Detalyeng


Tekstura

13
Isagawa

Gawain 2: Paggawa ng Papet na Patpat o Stick Puppet

Mga Kagamitan: patapong bagay katulad ng mga kardbord, popsicle


stick, kahon, glue, at gunting

Pamamaraan:

1. Umisip ng isang palabas.


2. Mag-isip ng mga alamat na makapupukaw ng pansin sa mga
manonood.
3. Umisip ng tauhan o karakter na gagawing papet na patpat o stick
puppet.
4. Ihanda ang mga kagamitan sa gagawing papet. Gawin itong kakaiba
kaysa sa gawa ng iba.
5. Bigyan ng pangalan ang ginawang papet.

Subukin 2
Iguhit ang kung OO ang iyong sagot at kung HINDI.
Gawin sa sagutang papel.

______1. Nakalikha ba ako ng papet na patpat na naaayon sa karakter


o tauhan ng alamat?

______2. Nagamit ko ba ang aking papet sa pagpapasaya ng iba?

______3. Napahalagahan ko ba ang puppetry sa pamamagitan ng


paggawa ko ng papet na
kakaiba ang disenyo?

______4. Naenjoy ko ba ang paggawa ng papet na patpat?

14
Aralin Paglikha Ng Iba’t Ibang Disenyo
Ng Papet Na May
3
Tangi At Di Karaniwang Karakter O
Tauhan

Napag-aralan mo na ang iba’t ibang uri ng papet at ang


kahalagahan nito sa mga batang katulad mo.
Ang mga papet na ito ay mahiwagang tau-tauhan na
tumatawa, umiiyak, tumatalon, lumulundag, at sumasayaw.
Subalit kung wala ang puppeteer na katulad mo, hindi
mabibigyan ng buhay ang mga ginawang papet.

Ang mga gumagawa ng papet o puppeteers ay


nakapagsasagawa ng dula-dulaan gamit ang iba’t ibang uri ng
papet katulad ng papet sa daliri, papet na medyas, at papet
na patpat. Inilalagay o hinahawakan ito ng isang kamay at ang
kabilang kamay naman ang nagpapagalaw dito.
Ibat-ibang Disenyo ng Puppet sa Pilipinas

Ang mga papet ay malaking tulong sa pagkukuwento


at pagsasadula ng isang drama na tunay na kawiliwili
at kasiya-siya sa mga bata. Kailangang maging
maingat sa paggamit at paghawak ng mga papet sa
pagkukuwento upang maging epektibo at makahulugan
ang pagtatanghal.

15
Pagyamanin

Gawain 1

Panuto: Kulayan ang bawat larawan at gupitin. Pagdikitin ang bawat


dulo upang mailagay sa mga daliri.

https://www.google.com/search?q=family+finger+puppets+printables&client=firefox-

16
Gawain 2
Sino ang hero ng buhay mo? Iguhit ang mukha nito at gawan mo ng papet
na daliri. Maaring ito ang iyong nanay, tatay, kuya, ate o kaibigan mo.

ANG HERO NG BUHAY KO

Naenjoy mo ba ang pagguhit sa iyong hero? Bakit?


_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
Bakit siya ang napili mong iguhit?

_________________________________________________________
_________________________________________________________
_______________________________________________________

17
Isaisip

Panuto: Isulat sa mga kahon ang mga bagay na dapat tandaan sa


paggawa ng papet.

Mga Dapat
Tandaan sa
Paggawa o
Pagbuo ng
Papet

1.

3.
2.

4 5

18
Isagawa

Mga Kagamitan: toilet roll tubes, karton o bond paper, gunting, krayola,
black marker pen, straw, 2 lollipop sticks, pandikit

1. Gupitin ang toilet paper sa dalawa.

2. Kulayan ito.

3. Gamit ang marker o itim na krayola, gumuhit ng


bilog sa paligid nito

4. Gumupit ng hugis tenga ng aso at hugis dila gamit


ang karton o bond paper.

5. Idikit ang ginupit na tenga at dila. Gumuhit ng


mata gamit ang

6. Maglagay ng straw o tali na siyang magsisilbing


paa nito

19
7. Itali ang ulo at katawan nito.

8. Maglagay ng stick na magsisilbing hawakan


sa papet.

20
Tayahin

Panuto: Basahing mabuti ang mga pangungusap at hanapin ang tamang


salita na tinutukoy nito. Piliin ang sagot sa mga salitang nasa kahon.

Papet/Puppet Papet na Medyas o Sock Puppet


Puppetry String Puppet
Papet sa kamay o Hand Puppet Papet sa Daliri o Finger Puppet
Papet na Patpat o Stick Puppet

1.Sila ay nakapagsasagawa ng dula-dulaan gamit ang iba’t ibang uri


ng papet katulad ng papet sa daliri, papet na medyas, at papet na
patpat. Inilalagay o hinahawakan ito ng isang kamay at ang kabilang
kamay naman ang nagpapagalaw dito.

2.Isang uri ng simpleng uri ng papet sa tulong ng patpat at iba pang


patapong bagay.

3.Isang uri ng libangan na ang mga gumaganap na tauhan o karakter


ay mga papet.

4.Malaking tulong sa pagkukwento at pagsasadula ng isang drama


na tunay na kawiliwili at kasiya-siya sa mga bata.

5.Ito ay pinapagalaw ng kamay upang ipakita ang iba’t-ibang kilos at


bigyang buhay ang karakter o tauhan sa pagtatanghal.

21
Karagdagang Gawain

Gumawa ng sariling papet gamit ang mga patapong bagay na


matatagpuan sa inyong tahanan.
Ilista ang mga bagay na gagamitin at isulat ang pamamaraan sa loob ng
kahon.
Mga Kagamitan: Pamamaraan:

22
23
DepEdCARLR#: 1345-13-21MELCS
1. Puppeteers
2. Papet na patpat o stick puppet
3. Puppetry
4. Papet
5. Papet sa kamay o hand puppet
TAYAHIN
Finger Puppet o papet sa daliri-isang uri ng maliit na manika na nakdikit at
oinkikilos ng daliri o mga daliri sa kamay na nagsisilbing tau-tauhan sa
drama o kuwentuhan.
Hand Puppet o papet sa kamay-pinagagalaw ng kamay upang ipakita ang
iba’t-ibang kilos at bigyang buhay ang karakter o tauhan sa pagtatanghal.
Stick Puppet o papet na patpat-isang uri ng simpleng papet na gawa sa
patpat at iba pang patapong bagay.
Sock Puppet o papet na medyas- gawa sa medyas at iba pang patapong
bagay na siyang pinagagalaw ng kamay upang ipakita ang iba’t-ibang kilos
at bigyang buahy ang karakter o tauhan sa pagtatanghal
String puppet –pinapatakbo mula sa itaas. Nasuspinde ng mga string nan
aka-grupo sa tuktok ng isang control at manipulahin mula sa teknikal na
aparato . ISAISIP
A. 4 B. 1 ENRICHMENT ACTIVITY
1. Papet/puppet
2 2
2. Papet sa daliri o
3 3
finger puppet
1 4
3. Puppetry
5
4. Papet na medyas o
7
sock puppet
6
5. Papet sa Kamy o
Hand puppet
BALIKAN SUBUKIN
SUSI SA PAGWAWASTO
TALASANGGUNIAN
BOOK
Department of Education. Music, Art, Physical Education and Health Kagamitan ng
Mag-aaral Ilokano 4. Pasig City: DepEd., 2015.
pp. 203-223

WEBSITE
https://www.google.com/search?q=picture+of+a+finger+puppet&tbm=isch&ved=
https://shopee.ph/Pull-String-Puppet-Clown-Pirate-Wooden-Marionette-Toy-Doll-
Vintage-Children-Gift-

https://www.google.com/search?q=picture+of+a+hand+puppet&tbm=isch&ve

https://www.google.com/search?q=picture+of+a+sockpuppet&tbm=isch&ved=2ahUK
EwiIt9Hi4KvuAhUNvJQKHTClCY0Q2-

https://www.google.com/search?q=picture+of+a+stick+puppet&tbm=isch&ved=
https://www.google.com/search?q=family+finger+puppets+printables&client=firefox-
https://www.vectorstock.com/royalty-free-vector/family-finger-puppets-vector-
8667411

https://www.diys.com/puppets-your-kids-will-love

https://www.handmadecharlotte.com/7-diy-sock-puppets/

https://www.amazon.com/Homeford-FMC000CK170D-Character-Stick-Puppets-

https://www.ebay.com/p/24028417053

https://www.aliexpress.com/item/32766078498.html

24

You might also like