You are on page 1of 2

Learning Area ARTS 3

Learning Area Modality FACE-TO-FACE LEARNING

Paaralan Sampaguita Village Elem School Baitang 3


LESSON Guro CRISTINA P. RAÑOCO Asignatura Arts
EXEMPLA Petsa Hunyo 6, 2023 Markahan Ikaapat (W6)
R Oras 11:20 – 12:00 Bilang ng Araw 1

I. LAYUNIN Sa araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:


- inaasahang kang makagaganap bilang isang puppeteer sa isang
pagtatanghal ng mga dula-dulaan o kuwento gamit ang mga puppet
na ginawa

A. Pamantayang Pangnilalaman demonstrates understanding of shapes, colors, textures, and


emphasis by variation of shapes and texture and contrast of colors
through sculpture and crafts

B. Pamantayang Pagganap creates a single puppet based on character in legends, myths or


stories using recycled and hard material

C. Pinakamahalagang Kasanayan sa discusses the variations of puppets in terms of material, structure,


Pagkatuto (MELC) shapes, colors and intricacy of textural details

D. Pampaganang Kasanayan
II.NILALAMAN Puppet Show

III.KAGAMITANG PANTURO
A. Mga Sanggunian
a. Mga Pahina sa Gabay ng Guro PIVOT 4A BOW WITH MELCs

b. Mga Pahina sa Kagamitang PIVOT 4A LM-ADM Modyul sa Arts


Pangmag-aaral Ikaapat na Markahan
30 - 32

IV.PAMAMARAAN
A. INTRODUCTION (Panimula) Ang puppet show ay isang uri ng libangan na tunay na nakaaaliw
gamit ang mga kamay sa pagpapagalaw at pagpapasalita sa mga
tauhang papel. Ang tawag sa humahawak at nagpapakilos sa mga
ito ay puppeteers. Ang pagsasaayos ng isang tanghalan ay higit na
mapapaganda ang isang palabas. May iba’t ibang paraan ng
paghahanda nito katulad ng:
1. Pagtatakip ng mesa gamit ang telang itim
2. Paggamit ng Kahon
3. Pagtatanghal sa bintana

B. DEVELOPMENT (Pagpapaunlad) Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Magtanghal ng isang Puppet


Show.
Pagtatanghal ng mga Puppet
Mga Kagamitan: Mga puppet na ginawa sa mga naunang aralin,
tela, mesa at kahon.
Pamamaraan:
1. Gumawa ng isang maikling iskrip ng isang dula o kuwento.
2. Gamitin ang mga kamay para gumalaw at makapagsalita ang
mga puppet. Sanaying makapagsalita at makagalaw nang naaayon
sa tauhan o karakter ng kuwento sa binuong iskrip.
3. Maaaring saliwan o sabayan ng musika ang pagtatanghal at iba
pang gamit o props na makapagpapaganda ng presentasyon.
4. Ipakita ang pagtatanghal sa harap ng mga kasama sa bahay.

C. ENGAGEMENT (Pagpapalihan) Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Sagutin ang mga tanong. Gawin
ito sa iyong sagutang papel.
1. Ano ang kahalagahan ng pagtatanghal gamit ang iyong puppet?
2. Naipadama ko ba ang aking kaisipan at nararamdaman habang
ginagampanan ko ang aking pagiging puppeteer? Paano?

D. ASSIMILATION (Paglalapat) Punan ng angkop na salita ang patlang upang mabuo ang talata.
Piliin ang sagot sa ibaba. Gawin ito sa iyong sagutang papel.
Ang pagtatanghal ng mga ____________ ay isang uri ng
_________ na tunay na nakakaaliw gamit ang mga kamay sa
__________at ___________ sa mga tauhang puppet. Ang tawag sa
humahawak at nagpapakilos sa mga ito ay tinatawag
na_____________.

V. PAGNINILAY Panuto: Magsusulat ang mga mag-aaral sa kanilang journal ng


(Kasabay sa araw ng Paglalapat) kanilang repleksyon gamit ang sumusunod na prompt: Magagamit
ko ang aking natutuhan sa ____________.

Inihanda ni:
Iniwasto:
CRISTINA P. RAÑOCO
Teacher I ALLAN S. CASACOP
Master Teacher I
Pinansin:

MARILOU J. QUINTO
Principal I

You might also like