You are on page 1of 8

Filipino 3

Unang Markahan
Modyul 7 para sa Sariling Pagkatuto
Pagsunod sa Nakasulat na Panuto
na may 2-4 Hakbang
MGA INAASAHAN

Nakasusunod sa nakasulat na panuto na may 2-4 hakbang.

PAUNANG PAGSUBOK

PANUTO: Sundin ang panuto. Gawin ito sa sagutang papel.

____1. Bakatin ang iyong kaliwang kamay.


____2. Bilugan ang binakat na kamay.
____3. Isulat sa loob ng kamay ang pangungusap na, “Ligtas
ang may alam”.
____4. Kulayan ng berde ang loob ng kamay.

BALIK-ARAL

PANUTO: Salungguhitan ang salitang hiram sa bawat bilang.

Dapat Gawin sa pagpasok sa Establisyemento

1. Una, kunin ang temperature.


2. Ikalawa, ifill up ang tracing form.
3. Ikatlo, isuot nang maayos ang facemask at face shield
4. Panghuli, i-disinfect ang kamay ng alcohol.
ARALIN

Tingnan ang larawan. Tukuyin ang mensaheng nais nitong


iparating.

Ligtas ang may alam! Alam mo ba ang tamang hakbang ng


paggamit ng facemask upang maiwasan ang sakit na COVID-19?

Ito ang sumusunod na hakbang:

1. Isabit ang istrap sa magkabilang tainga para matakpan


ang ilong at bibig.
2. Iharap sa labas ang parte ng mask na may asul na kulay.
3. Isang beses lamang maaring gamitin ang mask, itapon ito
nang maayos pagkatapos gamitin.

Sagutan ang mga tanong.

1. Ano ang paksa ng teksto?


2. Magbigay ng mga hakbang na dapat gawin upang
maiwasan ang sakit na COVID-19.
3. Ano ang inyong binigay?
4. Ano ang panuto?
5. Sa iyong palagay tama bang sumunod sa mga panuto?
Ano ba ang panuto?
Ang panuto ay mga tagubilin, gabay, direksyon sa
pagsasagawa ng gawain. Ito ay kailangang sundin upang
maging tama, tiyak at maayos ang mga gagawin at
nakatutulong ito sa mabilis na paggawa.

MGA PAGSASANAY

Pagsasanay 1
PANUTO: Basahin at gawin ang isinasaad ng panuto sa inyong
sagutang papel.

1. Isulat ang inyong pangalan sa dakong kaliwa ng iyong


papel.
2. Gumuhit ng isang malaking parisukat.
3. Sa loob ng parisukat gumuhit ng bituin.
4. Sa ibaba ng parisukat isulat ang salitang “panuto”.

Pagsasanay 2
PANUTO: Basahin at unawain ang sumusunod na panuto. Sundin

at isagawa nang tama.

1. Kumuha ng isang kapirasong papel.


2. Gumuhit ng malaking bilog sa gitna.
3. Isulat ang iyong buong pangalan sa gitna ng bilog.
4. Kulayan ng dilaw ang iginuhit na bilog.
Pagsasanay 3
PANUTO: Isulat sa patlang ang pagkakasunod-sunod ng tamang
paraan ng pagsasaing.
Linisin ang kaldero.
Magtakal ng bigas at ilagay sa kaldero.
Hugasan ang bigas ng tatlong beses.
Lagyan ng tubig at isalang sa kalan ang kaldero.

1._______________________________________
2._______________________________________
3._______________________________________
4. __________________________________________________

PAGLALAHAT

PANUTO: Punan ng angkop na salita ang patlang upang mabuo


ang diwa ng talata. Piliin ang sagot sa kahon.

panuto gawain

maayos pagsunod direksyon

Ang natutuhan ko sa araling ito ay tungkol sa (1) __________


sa nakasulat na panuto. Ang (2) __________ ay tagubilin, gabay,
(3) __________ sa pagsasagawa ng (4) __________. Ito ay
kailangang sundin upang maging tama, (5) __________ ang mga
gagawin at makatulong sa mabilis na paggawa.
PAGPAPAHALAGA
PANUTO: Isulat ang T kung tama ang isinasaad sa pangungusap
at M kung mali.

_____ 1. Ang pagsunod sa panuto ay mahalaga para sa ating


kaligtasan.
_____ 2. Upang lubusang makasunod sa mga panuto, kailangang
unawaing mabuti ang kahulugan ng bawat salitang
ginamit.
_____ 3. Walang pagkakamali, pagkalito o pagkagambala ang
bunga ng hindi pagsunod sa mga panuto.
_____ 4. Ang maayos na pagsunod sa panuto ay isang
pagpapatunay lamang na ang bumabasa, nakikinig at
sumusunod ay mga taong hindi makaintindi.
_____ 5. Ang hindi pagsunod sa panuto ay pagpapatunay
lamang ng pagwalang-bahala.

PANAPOS NA PAGSUSULIT

PANUTO: Basahing mabuti ang bawat panuto. Gawin ang


hinihingi nito.

1. Gumawa ng isang tatsulok. Gumuhit ng bituin sa loob nito.


2. Gumuhit ng bulaklak. Kulayan ng pula at ikahon ito.
3. Gumuhit ng malaking parisukat. Sa loob nito, isulat ang
pangngalan ng iyong guro sa Filipino.
4. Isulat ang iyong buong pangalan. Bilugan ang mga katinig.
Salungguhitan ang iyong apelyido.
5. Gumuhit ng malaking bilog. Isulat ang corona virus sa loob
nito. Guhitan ang salita at lagyan ng ekis.
Sanggunian
K to 12 Learner’s Material in Filipino 3 p. 5, 16

Batang Pinoy Ako-Ikatlong Baitang Filipino-Kagamitan ng Mag-aaral Unang Edisyon, 2014

Batang Pinoy Ako – Patnubay ng Guro pah. 1, 6-58

Dep Ed Most Essential Learning Competencies F3PB-1c- 2 F3PB-IIc-2, F3PB-IVb-2

Google Search. Google. Accessed June 17, 2020.

http://images.summitmedia-digital.com/preview/images/2020/03/13/face-masks-
covid19nm.jpg

https://www.bing.com/images/search?q=clip+graphics+pic+of+wash+hand&id=F929533D3
A68DE1737C8D4C259A4D08BDD2865D8&form=IQFRBA&first=1&scenario=ImageBasicHover

DepEd
7
SDO_Pasig_Q1_Filipino_3_Modyul_7

You might also like