You are on page 1of 20

19

Filipino 1
Ikatlong Markahan – Modyul 1

Wastong Pagbaybay ng mga Salitang


May Tatlo o Apat na Pantig

NegOr_Q3_Filipino1_Modyul1_v2
Filipino – Unang Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 1: Wastong Pagbaybay ng mga Salitang may Tatlo o Apat
na Pantig
Ikalawang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban
sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Niña Mae Gadiana Cueno
Editor: Amalia O. Samson, Arlene L. Decipolo
Tagasuri: Maria Chona S. Mongcopa, Amalia O. Samson, Venicar P. Eltanal, Brijade D.
Abordo, Roellyn B. Kabristante
Tagalapat: Edsel Mari A. Uy
Tagapamahala: Senen Priscillo P. Paulin, CESO V Rosela R. Abiera
Marcelo K. Palispis JD, EdD Maricel S. Rasid
Joelyza M. Arcilla, EdD Elmar L. Cabrera
Nilita L. Ragay, EdD
Renante A. Juanillo, EdD

Inilimbag sa Pilipinas ng

Department of Education –Region VII Schools Division of Negros Oriental

Office Address: Kagawasan, Ave., Daro, Dumaguete City, Negros Oriental


Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117
E-mail Address: negros.oriental@deped.gov.ph
Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa


ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang
bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang
ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na
naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga
magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral
sa kani-kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman
ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung
kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon
ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang
natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga
sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang
bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang
magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang
anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot
sa mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro
kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng
SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy,
umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

i
ALAMIN

Handa ka na bang pag-aralan ang bagong aralin sa


araw na ito? Kung gayon, samahan mo ako at sabay-sabay
nating lakbayin ang mundo ngpagbaybay ng mga salita!
Matututuhan mo rito ang wastong baybay ng mga
salitang may tatlo o apat na pantig. Kalakip din dito ang
pagsasanay na iyong sasagutin upang masukat ang iyong
kaalaman tungkol sa aralin.
Kaya, ano pa ang hinihintay mo halika at matuto!
Sa katapusan ng modyul na ito, inaasahan na ikaw ay:

• Nababaybay nang wasto ang mga salitang natutuhan sa


aralin at salitang may tatlo o apat na pantig. (F1PY- IIf- 2.2/ F1PY-
IVh- 2.2/ F1PY- IIe-i-2.1: f 2.2/ F1PY- IIf-2/ F1PU – IIIi-2.1; 2.3/ F1PY –
IVd – 2.1)

MGA TIYAK NA LAYUNIN

Sa katapusan ng modyul na ito, inaasahan na ikaw ay:


1. Natutukoy ang wastong baybay ng mga salita;
2. Nasusulat ang wastong baybay ng mga salitang may tatlo o
apat na pantig; at
3. Natatamo ang kasiyahan sa wastong pagbaybay
ng mga salitang may tatlo o apat na pantig.

1 NegOr_Q3_Filipino1_Modyul1_v2
SUBUKIN

Panuto: Basahing mabuti ang mga salitang


binaybay nangpapantig sa Hanay A at pagtapatin
ito sa mga larawan na makikita sa Hanay B. Isulat
ang titik ng tamang sagot sa iyong kuwaderno.

2 NegOr_Q3_Filipino1_Modyul1_v2
TUKLASIN

Panuto: Tingnang mabuti ang bawat larawan. Pagkatapos


ay punan ng tamang titik ang mga kahon sa ibaba
upang mabuo ang salita.

3 NegOr_Q3_Filipino1_Modyul1_v2
SURIIN

Ang pagbaybay o mas kilala na ispeling ay ang


pagsusulat ng salita o mga salita sa pamamagitan ng lahat
na kinakailangang letra sa tama nitong pagkakasunod-
sunod. Ang pagpapantig ay nakatutulong upang maisulat
nang maayos at wasto ang baybay ng bawat salita.

Pag-aralan ang tsart sa ibaba.


Larawan Pagbaybay Pagpapantig Bilang ng Pantig

pitaka pi-ta-ka 3

dalaga da-la-ga 3

https://bit.ly/2Lk9LdN

abaniko a-ba-ni-ko 4
https://bit.ly/3qE2O7
y

kalsada kal-sa-da 3

https://bit.ly/36U0K3i

4 NegOr_Q3_Filipino1_Modyul1_v2
Ang unang hanay ay mga larawan na gagawan ng
pagbaybay o ispeling. Ang pangalawang hanay naman ay
ang wastong baybay ng mga salita na makikita sa larawan.
Ang pangatlong hanay ay ang pagpapantig ng mga salita.
Gaya ng binanggit sa unahan mahalaga na papantigin ang
mga salita sapagkat nakatutulong ito na maisulat nang
maayos at wasto ang baybay ng bawat salita. Mas mainam
din na binibilang natin ang pantig. Makikita sa tsart na
kadalasan ang mga salita ay may tatlo o apat na pantig.

Ngayon ay may inihanda akong pangalawang tsart.


Basahin mong mabuti ang sumusunod na salita.
kalabasa tinidor tahimik lumayo
sayote kaldero matalino bumili
abaka kutsara maganda nahawa
lanzones lababo mayaman nahuli
tabako kawali mapagmahal kumain

Basahin ulit ang mga salita nang papantig. Kilalanin ang


mga pantig na nabuo sa mga salita.

Tingnan ang unang salita sa tsart. Ano-ano ang mga


pantig na bumubuo sa salitang kalabasa? Ilang pantig
mayroon ang salitang ito?

Ang salitang kalabasa ay binubuo ng mga pantig na


ka-la-ba-sa. Ito ay mayroong apat na pantig.

Sa tamang pagbaybay ng mga salita, kailangan mong


basahing mabuti ang mga salita at pagkatapos ay pantigin
mo ito.

5 NegOr_Q3_Filipino1_Modyul1_v2
Balikan natin ang tsart. Subuking baybayin nang
papantig ang natitirang salita. Ilang pantig nga ba ang
bumubuo sa bawat salita? Bilangin mo nga.

Magaling! Binabati kita at napagtagumpayan mong


pantigin ang mga salitang nakahanay sa tsart! Bukod sa
pagpapantig ay naging pamilyar din sa iyo ang mga salitaat
ang wastong baybay nito. Batid kong handang-handa kana
para sa mga pagsasanay. Kaya ano pa ang hinihintay mo?
Simulan mo na!

6 NegOr_Q3_Filipino1_Modyul1_v2
PAGYAMANIN

A. Panuto: Basahin ang buong salita sa tapat ng larawan.


Pagkatapos, baybayin ito nang papantig. Isulat
sa kuwaderno ang iyong sagot.

Halimbawa: telebisyon

te – le – bis – yon

1. kamatis

2. kalabaw

3. kandila

7 NegOr_Q3_Filipino1_Modyul1_v2
https://bit.ly/33WE0xN
4. watawat

5. tuwalya

B. Panuto: Tingnang mabuti ang bawat larawan. Sa ilalim


nito, may mga magkahalong titik. Buuin ang mga
salita upang maipakita ang tamang baybay nito.
Isulat sa kuwaderno ang iyong sagot.

1. 2.

laabob o r d i n i t

3. 4.

w a l ika r o l e d k a

8 NegOr_Q3_Filipino1_Modyul1_v2
1.

5.

r a s a k u t

9 NegOr_Q3_Filipino1_Modyul1_v2
ISAISIP

10 NegOr_Q3_Filipino1_Modyul1_v2
ISAGAWA

Panuto: Piliin sa kahon ang tamang baybay ng mga


salitana ipinapakita
sa larawan. Isulat ang iyong sagot sa patlang.

11 NegOr_Q3_Filipino1_Modyul1_v2
TAYAHIN

Panuto: Tingnang mabuti ang bawat larawan. Isulat sa


kahon ang tamang baybay ng mga salita batay sa makikita sa
larawan.

12 NegOr_Q3_Filipino1_Modyul1_v2
KARAGDAGANG GAWAIN

Mahusay! Napagtagumpayan mo lahat ang mga


gawain!

Ngayon naman ay subukin mong pagyamanin ang iyong


kaisipan.

Panuto: Isulat ang pangalan ng bawat miyembro ng iyong


pamilya ayon sa wastong pagbaybay nito. Gawin ito
sa iyong kuwaderno.

13 NegOr_Q3_Filipino1_Modyul1_v2
SUSI SA PAGWAWASTO

14 NegOr_Q3_Filipino1_Modyul1_v2
MGA SANGGUNIAN

Acson, Tom S. et al.,2017 Sanayang Aklat sa Filipino 1:


Kagawaran ng Edukasyon, Dibisyon ng Negros Oriental.

Ignacio, Christen Joy 2013. Published July 28, 2013.


https://www.slideshare.net/imchristenjoy/mga-tuntunin-sa-
pagbabaybay?next_slideshow=1

Saluna, Bianca Nicole, 2020. Published September 13, 2020.


https://www.youtube.com/watch?v=6NAuPgCB0WA

15 NegOr_Q3_Filipino1_Modyul1_v2
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Schools Division of Negros Oriental


Kagawasan, Avenue, Daro, Dumaguete City, Negros Oriental

Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117


Email Address: negros.oriental@deped.gov.ph
Website: lrmds.depednodis.net

You might also like