You are on page 1of 3

Asignatura EPP-HE Baitang LIMA

W1 Markahan Ikaapat Petsa


I. PAMAGAT NG ARALIN Pangangalaga ng Sariling Kasuotan
II. MGA PINAKAMAHALAGANG
KASANAYANG PAMPAGKATUTO •Napangangalagaan ang sariling kasuotan
(MELCs)
III. PANGUNAHING NILALAMAN Pangangalaga ng sariling kasuotan
IV. YUGTO NG PAGKATUTO AT MGA GAWAING PAMPAGKATUTO
I. Panimula (Mungkahing Oras: 20 minuto)

Ano ang masasabi mo sa mga batang kagaya mo na malinis at maayos ang kasuotan? Hindi ba’t
kaygandang pagmasdan?

Sa araling ito ay iyong matutunan kung paano pangalagaan ang sariling kasuotan at kung paano
mapanatiling maayos ang mga ito. Mahalaga ang maayos na pagsunod sa pangangalaga ng kasuotan
sapagkat ito ay replika ng iyong pagpapahalaga sa pansarili mong kagamitan at kasuotan.

D. Pagpapaunlad (Mungkahing Oras: 80 minuto)

Ang pangangalaga ng kasuotan ay hindi mahirap na gawain. Ang kailangan lamang ay pagsasanay
at pagsisikap sa mga Gawaing dapat gampanan. Isa ito sa mga tungkuling dapat pag-aralan at gampanan ng
batang Narito ang ilang paraan upang mapangalagaan ang mga kasuotan:

1. Pahanginan ang damit na basa ng pawis


2. Ihanger ang mga malinis na damit panlakad.
3. Tiiklupin nang maayos ang mga damit-pambahay at isalansan sa cabinet ayon sa kulay at gamit.
4. Tiklupin ng pabaligtad ang mga damit na hindi gaanong ginagamit at ilagay sa plastic bag.
5. Tanggalin kaagad ang mantsa ng damit habang sariwa pa.
6. Kumpunihin ang sira ng damit tulad ng butas, punit, at tastas bago ito labhan.
7. Punasan muna ang uupuang lugar bago umupo. Maaari ding lagyan muna ng sapin ito
Paalala: Para sa may koneksyon sa internet maaari ninyong bisitahin ang link na nasa baba para sa
karagdagang kaalaman.

Link: https://www.youtube.com/watch?v=o0zVOMoaXaw
https://images.app.goo.gl/ixuGprEpbv2cXuYp7
https://images.app.goo.gl/UjuqpALpP45Xo4vg8
https://images.app.goo.gl/hvSPBCbAoUrnD5iD6

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Piliin sa loob ng kahon ang paraang tinutukoy sa bawat bilang. Isulat ang iyong sagot
sa sagutang papel.

a. Pag-aalis ng mantsa b. pagtutupi c. paglalaba d. pagsusulsi e. pamamalantsa

1. Ito ay isinasagawa kung may sira o punit ang damit.


2. Ginagawa ito sa mga damit na may nakakapit na mantsa
3. Ito ang paraan ng pagtanggal ng dumi, pawis at alikabok sa damit.
4. Ito ang paraan ng pag-aayos ng mga damit sa loob ng cabinet o aparador
5. Isinasagawa ito sa mga damit na lukot-lukot matapos labhan.
IV. YUGTO NG PAGKATUTO AT MGA GAWAING PAMPAGKATUTO
E. Pakikipagpalihan (Mungkahing Oras: 40 minuto)
Gawain sa pagkatuto Bilang 2
Basahin at unawain ang isinasaad sa bawat bilang. Isulat ang salitang TAMA kung sang-ayon ka sa
ipinapahayag sa bawat bilang at MALI kung hindi. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

1. Punasan muna ang uupuang lugar bago umupo.


2. Tanggalin kaagad ang mantsa ng damit habang sariwa pa.
3. Pahanginan ang damit na basa ng pawis upang maisuot muli.
4. Ihanger ang mga malinis na damit panlakad
5. Mainam din na maglagay ng sapin sa lugar na uupuan kung hindi ka nakakasiguradong ito ay malinis.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Suriin ang bawat pangungusap at iguhit ang masayang mukha ( ) kung wasto
ang isinasaad nito at malungkot na mukha ( ) kung hindi wasto. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

1. Lagyan ng sapin ang uupuang lugar upang mapangalagaan ang kasuotan.


2. Labhan muna ang damit bago sulsihan ang mga tastas o punit nito.
3. Pagsamahin ang lahat ng uri ng damit sa cabinet o aparador.
4. Ilagay kaagad sa ropero o laundry basket ang mga damit na basa ng pawis
5. Tanggalin kaagad ang mantsa ng damit habang ito ay sariwa pa.

A. Paglalapat (Mungkahing Oras: 20 minuto)

Mahalagang pangalagaan at isaayos ang kasuotan. Tanda ito ng pagkakaroon ng disiplina at


pagiging masinop sa pangangatawan. Sa araling ito ay natutunan mo ang wastong pangangalaga at pag-iingat
sa iyong kasuotan. Maraming paraan ang isinasagawa para mapangalagaan ang kasuotan. Ang bawat paraan
ay naglalayong mapanatili ang kagandahan at kapakinabangan ng damit sa loob ng mahabang panahon. Isa
rin itong paraan ng pagtulong sa iyong mga magulang. Kailangang mong isipin na ang wastong pangangalaga
ng iyong kasuotan, mga kagamitan, at anumang mayroon ay dapat isapuso at mahalin upang tumagal ang
pakinabang.

V. PAGTATAYA (Mungkahing Oras: _________)


(Ang mga Gawain sa Pagkatuto para sa Pagpapayaman, Pagpapahusay, o Pagtataya ay ibibigay sa ikatlo at
ikaanim na linggo)
IV. YUGTO NG PAGKATUTO AT MGA GAWAING PAMPAGKATUTO
VI. PAGNINILAY (Mungkahing Oras: 20 minuto)
• Ipabatid ang iyong personal na pagtatasa sa kard ayon sa lebel ng iyong performans.

Personal na Pagtatasa sa Lebel ng Performans Para sa Mag-aaral


Pumili ng isa sa mga simbolo sa ibaba na kakatawan sa iyong naging karanasan sa pagsasagawa ng
mga gawain. Ilagay ito sa Hanay ng LP o Lebel ng Performans. Basahin ang deskripsiyon bilang gabay sa iyong
pagpili:
 - Nagawa ko nang mahusay. Hindi ako nahirapan sa pagsasagawa nito. Higit na nakatulong ang gawain
upang matutuhan ko ang aralin.
✓ - Nagawa ko nang maayos. Nahirapan ako nang bahagya sa pagsasagawanito. Nakatulong ang gawain
upang matutuhan ko ang aralin.
? – Hindi ko nagawa o nahirapan ako nang labis a pagsasagawa nito. Hindi ko nauunawaan ang hinihingi sa
gawain. Kailangan ko pa ng paglilinaw o dagdag kaalaman upang magawa ko ito nang maayos o mahusay.

Gawain Sa LP Gawain Sa LP Gawain Sa LP


Pagkatuto Pagkatuto Pagkatuto
Bilang 1 Bilang 2 Bilang 3

VII. SANGGUNIAN Kaalaman at Kasanayan Tungo sa Kaunlaran Batayang Aklat sa Baitang 5


MELC EPP/TLE p.405, PIVOT 4A BOW p. 275)

Inihanda ni: MELISA O. SILLOS Sinuri nina: ERLITO B. ORLINGA


WILLY V. FRAMY
VIDA T. DELAS ARMAS

You might also like