You are on page 1of 3

Learning Area EPP-HOME ECONOMICS Grade Level 4

W2 Quarter Third Date

I. LESSON TITLE Pangangalaga ng Kasuotan


II. MOST ESSENTIAL LEARNING 1.2 Naiisa-isa ang mga paraan ng pagpapanatiling malinis ng kasuotan.
COMPETENCIES (MELCs) EPP4HE-ob-3
III. CONTENT/CORE CONTENT
Naipamamalas ang pang-unawa sa batayang konsepto ng “gawaing pantahanan”
at ang maitutulong nito sa pag-unlad ng sarili at tahanan.

Sanggunian: Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan 4


Kagamitan ng Mag-aaral
Makabuluhang Gawaing Pantahanan at Pangkabuhayan 4

Suggested
IV. LEARNING PHASES Learning Activities
Timeframe
A. Introduction Day 1
Panimula Ang malinis at maayos na kasuotan ay magandang tingnan. Ito’y
nakatatawag-pansin kapag malinis at kaaya-aya. Bukod dito, ito’y
ginagamit na pananggalang sa lamig, init, at ulan. Nararapat lamang na
ingatan at pangalagaan ang mga ito.

Maraming paraan ang maaaring gawin upang maging malinis at


maayos ang mga kasuotan. Kahit mura pa ang kaisipan, panahon na upang
malaman mo ang wastong pangangalaga ng kasuotan.

Sa araw-araw na paggamit mo ng iyong kasuotan dapat lamang na


pangalagaan mo ang mga ito. (1) Pagdating sa bahay, hubarin nang
maingat ang iyong uniporme. (2) Ilagay ang maruming kasuotan sa isang
sadyang laalagyan tulad ng ropero. (3) Huwag itong isampay sa likod ng silya
o ilagay nalamang sa kahit saan sa iyong silid. (4) Labhan ang damit na
namantsahan at napawisan. Ang damit na napawisan ay maaaring I hanger
muna para mahanginan bago ilagay sa marumihan (5) Iwasang plantsahin
ang may pawis na damit upang hindi magkaroon ng di-mabuting amoy ang
katawan. (6) wsatong paglalaba at pamamalantsa ng kasuotan.

Ang batang katulad mo ay kailangang matutong maglaba at


mamalantsa ng damit. Kailangan lamang na matutunan mo ang tamang
paraan sa pagsasagawa ng mga gawaing ito. Ganun din ang pag-aayos
ng mga kasuotan sa aparador ay kailangang alam mo na rin dahil ito rin ito
sa mga paraan upang mapanatiling malinis ang mga kasuotan.

Link: https://images.app.goo.gl/hWFdBBME1FHxVHAa7
https://images.app.goo.gl/gWrx9JvygY1FRbbC7
https://images.app.goo.gl/n9EhrXVmZWUeA5GC8
https://images.app.goo.gl/zogQqwYWACwAMCdi7
https://images.app.goo.gl/JKv7K7synDAdNpxj7

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.


Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

1. Ano-ano ang wastong paraan ng pangangalaga


2. Bakit kailangang pangalagaan ang mga kasuotan?
3. Bakit kailangang labhan kaagad ang damit na namantsahan?
4. Paano mo masasabing ang iyong kasuotang nilabhan ay tiyak na
malinis?
5. Bukod sa mga nabanggit, ano pa ang alam mong paraan ng
pangangalaga ng kasuotan?

B. Development Day 2
Pagpapaunlad Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Tumulong at magmasid sa paraan ng
Suggested
IV. LEARNING PHASES Learning Activities
Timeframe
paglalaba na ginagawa sa inyong tahanan. Sa iyong sagutang papel
isalaysay ang iyong naging karanasan at damdamin sa iyong paglalaba.
Gawing gabay ang rubriks sa ibaba.

PUNTOS Level Katangian ng Isinulat na Salaysay

5 Huwaran Nakapagsalaysay ng naging karanasan


at damdamin tungkol sa naging
karanasan sa paglalaba ng buong
husay.

4 Napakahusay Napakahusay ng pagsasalaysay ng


naging karanasan at damdamin tungkol
sa naging karanasan sa paglalaba.

3 Mahusay Mahusay na nakapagsalaysay ng naging


karanasan at damdamin tungkol sa
naging karanasan sa paglalaba.

2 Katamtaman Nakapagsalaysay ng nagging karanasan


at damdamin tungkol sa naging
karanasan sa paglalaba ngunit hindi
gaanong malinaw ang kanyang nais na
iparating.

1 Nangangailangan Nangangailangan ng gabay dahil ang


ng gabay. isinulat na salaysay ay paulit ulit at hindi
malinaw ang nais iparating.

C. Engagement Day 3
Pakikipagpalihan Gawain sa pagkatuto Bilang 3

Sa iyong sagutang papel, gawin ang tseklis sa ibaba. Tukuyin kung


ang mga sumusunod na paraan ng pangangalaga ng kasuotan ay Madalas
mong ginagawa, Minsan lang o Hindi mo isinasagawa.

Paraan ng pangangalaga ng kasuotan Madalas Minsan Hindi


1. Hinuhubad agad ang uniporme pag-
uwi ng bahay.
2. Inilalagay ang mga damit na hinubad sa
ropero o marumihang damit.
3. Nilalabhan kaagad ang damit na
namantsahan
4. Maayos na tinutupi at inilalagay sa
aparador ang mga damit.
5. Isinasampay at pinahahanginan ang
mga damit na basa ng pawis bago
ilagay sa marumihan
D. Assimilation Day 4
Paglalapat Gawain sa Pagkatuto Bilang 4:

Isa-isahin ang mga paraan ng pangangalaga ng kasuotan. At


ipaliwanag kung bakit mahalaga itong isagawa. Isulat ang iyong sagot sa
sagutang papel.
Suggested
IV. LEARNING PHASES Learning Activities
Timeframe

V. ASSESSMENT Day 5
(Learning Activity Sheets for Gawain sa Pagkatuto Bilang 5
Enrichment, Remediation or
Assessment to be given on Weeks
3 and 6) Piliin at isulat ang tamang sagot sa iyong sagutang papel.

1. Isabit sa ___________ ang mga damit at ilagay sa loob ng aparador.


a. pako b. hanger c. upuan d. banyo

2. _________ na hubarin ang kasuotan.


a. maingat b. mabilis c. dalas-dalas d. mabagal

3. Iwasang ___________ ang may pawis na damit upang hindi


magkaroon ng di kanais-nais na amoy ang katawan.
a. labhan b. hubarin c. plantsahin d. gamitin

4. ____________ ang mga kasuotan upang matagal na magamit.


a. Pangalagaan c. Itago
b. Pabayaan d. Huwag gamitin

5. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng di-wastong


pangangalaga ng kasuotan?
a. Labhan agad ang damit habang sariwa pa ang mantsa.
b. Pahanginan ang mga damit na basa ng pawis bago ilagay sa
marumihan.
c. Iwasang isabit sa pako ang iyong damit upang hindi ito
kalawangin.
d. Isabit sa likod ng silya ang damit na hinubad upang medaling
matuyo.
VI. REFLECTION
Magsulat ka sa iyong sagutang papel ng iyong nararamdaman o realisasyon
gamit ang sumusunod na prompt

Nauunawaan ko na ___________________.
Nabatid ko na ________________________.
Kailangan ko pang matuto nang higit pa tungkol sa
__________________________.

Prepared by: MELISA O. SILLOS Checked by: ERLITO B. ORLINGA


MARY ANN CAMBE – Jose Rizal Memorial School

You might also like