Professional Documents
Culture Documents
I. Layunin:
Sa katapusan ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. Natatalakay ang mga wastong kagamitan at paraan
sa pamamalantsa ng kasuotan.
b. Naisasagawa ang wastong paraan sa pamamalantsa sa kasuotan.
c. Nakadarama ng kasiyahan sa natapos na pamamalantsa ng sariling kasuotan.
II. Paksang-Aralin:
a. Paksa: Wastong Hakbang sa Pamamalantsa
b. Mga kagamitan: laptop at visual aids.
c. Mga Sanggunian:
Modyul 3: W3 EPP5HE-Od-8
d. Pagpapahalaga:
1. 2. 3.
4. 5.
4. Balik- Aral:
Ang guro ay magtatanong tungkol sa natapos na group activity na Pag-
aalis ng Mantsa na tinta sa retaso gamit ang 70% percent solution ng
alcohol.
B. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak
Jumbled Word with a twist
Panuto: Ayusin ang mga letra sa jumbled word upang mabuo ang
tamang salita na maghahayag sa ating aralin bawat pangkat ay mag
papaunahan sa pag tayo upang buohin ang mga salitang ipapakita ng
guro.
1. PTANSTA
Tamang Sagot: “Plantsa”
2. KBAYOA
Tamang Sagot: “KABAYO”
3. HNGARE
Tamang Sagot: “HANGER”
4. PGNA WKISI
Tamang Sagot: “PANG WISIK”
2. Suliranin
Paano ang wastong Hakbang sa Pamamalantsa ng Polo o Blusa
3. Paghawan ng Balakid
Karayagan – Sanggunian ng harap o likuran na bahagi ng Damit
Ohales – Maliit na butas, lalo na sa tela o damit na sinasadya para maging
eyelet.
Butones – Maliit na pangkabit sa dalawang tinahi na tela.
4. Karanasan ng Pagkatuto
Panuto: Isaayos ang mga hakbang ng pamamalantsa ng blusa o polo ayon
sa wastong pagkakasunod-sunod.Lagyan ng bilang 1-5 ang puwang sa
patlang.
___________a. Plantsahin ang mga manggas.
___________b.Isunod ang likod ng balikat,kaliwa at kanang bahagi.
___________c.Plantsahin paikot ang katawan ng blusa o polo.
___________d. Wisikan ang buong bahagi ng kasuotan..
___________e. Plantsahin ang kuwelyo ng blusa o polo.
5. Paglalahat
Mahalagang may kaalaman at matutunan ang tamang kagamitan at
wastong hakbang sa pamamalantsa ng ating kasuotan upang maiwasan
ang anumang aksidente ng pagkapaso at mas mapabilis proseso ng
pamamalantsa.
IV. Paglalapat
Panuto: Ihanda ng iyong dala kasuotang polo o blusa isagawa ang wastong hakbang
sa pamamalantsa. Sundin ang mga pangkalusugan at pangkaligtasang gawi sa
pagagawa upang makaiwas sa anumang aksidente o sakuna.
V. Takdang Aralin
* Panuto: Isulat ang iyong pagninilay tungkol sa wastong pamamalantsa ng
kasuotan. Maaari kang sumagot ayon sa iyong naiisip at nararamdaman sa
malikhaing pamamaraan.
Inihanda ni:
Pinagtibay ni:
Bb.Chiqui H. Samblasinio
Guro sa Home Economics V