You are on page 1of 3

SCARCI-TALK

PERFORMANCE TASK 1
ARALING PANLIPUNAN 9

Miyembro:
Orioste, Harold Nathan
Dela Cruz, Kyla Allina
Dinorog, Jan Rhizel

I. MGA PRODUKTO
1) Bigas
2) Asukal
3) Isda

II. MGA DAHILAN

1. BIGAS
Panahon
- Isa sa mga dahilan ng pagkakulang ng bigas ay dahil sa ang mga
nagdadaang mga bagyo sa Pilipinas kung kaya’t sa tagtuyot at kakulangan
ng bigas sa ibang bansang binibilhan ng Pilipinas ng bigas. At dahil nga sa
mga dumadaang iba’t-ibang bagyo sa Pilipinas ang presyo ng bigas ay
tumaas. Halos lumaho na ang ₱38 o 40 kada kilo at napalitan ng
nakakagulat na presyo na ₱50, ₱65 o ₱80 bawat kilo.

Pag-Puslit
- At dahil din sa walang katapusan ng pag-smuggle ng bigas. Noong
Setyembre 16 lamang ang Bureau of Customs ay may nasamsam na 42,000
na sako ng bigas na naghahalagang ₱42 Milyon na naipuslit ng bigas ang
natagpuan sa isang warehouse sa Zamboanga. Hindi lang bigas ang ini-
smuggle kundi pati ang sigarilyo at gasolina mula sa Indonesia at Malaysia.

Density ng Populasyon
- Isa pang dahilan sa kakapusan ng bigas ay ang paglaki ng populasyon ng
Pilipinas. Dahil sa mas mataas ang demanda kaysa sa supply, nagkakaroon
ng kakapusan.

2. ASUKAL
Kakulangan ng Asukal
- Ang kakulangan umano ng supply ng asukal sa bansa ay 'artificial' lamang
na dulot ng hoarding o pagtatago nito.

Produksyon
- Posibleng lumala ang kakulangan sa asukal sa susunod na taon dahil ilang
mga taga produce ang hirap sa pagmahal ng production inputs.
Gustong kumita ng malaki dahil sa biglang pagtaas sa presyo ng asukal
Production Inputs.
Kulang na Tubo
- Ayon sa isang sulat na ipinadala ng CADPI sa Sugar Regulatory
Administration (SRA), matagal na diumanong nakakaranas ng problema sa
pagpapatakbo at pananalapi ang gilingan, lalo na’t malaki rin ang pagbaba
ng supply sa tubó gawa ng mga “external factors”, pati na ang mga luma at
sobrang laking mill equipment na gamit nila.

3. ISDA
Sobrang pangingisda
- Pabilis nang pabilis ang paghuli ng mga tao sa mga isda dahil na rin sa
parami nang paraming populasyon at pangangailangan ng tao. Kadalasan
ay dahil rin sa mataas na demand para sa isda. Ito ay nagdudulot ng
overfishing kung saan napapabilis ang paghuli sa mga isda na hindi na sila
nabibigyan ng sapat na oras upang magparami.

IUU fishing (Illegal, Unreported, and Unregulated fishing)


- Ang IUU fishing ay ang pangingisda nang walang pormal na pahintulot.
Nilalabag nito ang mga regulasyon sa pangingisda. Kabilang dito ang
paggamit ng dinamita na mapanganib sa panghuhuli ng isda sapagkat
maaari itong magdulot ng pagkamatay ng malaking bilang ng isda at
pagkasira ng mga halamang dagat. Maaari rin itong magresulta sa
tinatawag na "bycatch" kung saan maaari ring mapahamak ang ibang mga
isda na hindi naman ang target na hulihin ng mga mangingisda, nagiging
sanhi ng pag- aaksaya ng yamang-dagat.

Polusyon
- Ang pagtapon ng mga basura at ang pagdaloy ng mga agrikultural at
industriyal na kemikal sa mga anyong tubig ay maaaring magdulot ng
polusyon at pagkasira sa mga tirahan ng isda. Ang mga coral reef, seagrass
beds, at mangrove forests na tirahan ng mga isda ay maaaring mapinsala
dahil sa polusyon. Ito ay maaaring magresulta sa pagkamatay ng maraming
mga isda.

III. MGA EPEKTO

BIGAS
Pagkagutom
- Ang kanin ay isa sa pangunahing pagkain ng mga Pilipino. Isa ito sa
kinokonsumo ng Pilipino sa kanyang pang araw-araw. Ang kakulangan nito
ay magdudulot ng malawakang pagkagutom.

Mawawalan ng Trabaho
- Ang bigas ay isa sa pinakatinatanim ng mga Pilipino. Ang Guimba, Nueve
Ecija ay ang tinaguriang Rice Capital ng Pilipinas. Maraming magsasaka ang
mawawalan ng trabaho at kabuhayan kapag ang bigas ay naglaho.

Pagtaas ng presyo
- Dahil sa paglaho ng bigas ang presyo ng iba’t-ibang pagkain ay tataas.
ASUKAL
Pagtatago o Hoarding
- Sa inilabas na statement ng Office of the Press Secretary (OPS), ang
malaking dami ng asukal na nadiskubre ng mga otoridad sa kanilang pag-
iinspeksyon sa iba't ibang bodega sa Luzon ay nagpatibay ng hinala ng
Malakanyang na ang sugar shortage sa bansa ay dulot ng pagtatago ng
sugar traders.

Produksyon
- Ang asukal ay importante dahil isa ito sa mga pangunahing ingredient ng
mga pagkain at inumin tulad ng coke. Ito ay maaaring magresulta ng pagka-
bagal ng produksyon ng mga pagkain na kailangan o gumagamit ng asukal.

Pagtaas ng presyo
- Patuloy na tumataas ang presyo ng asukal sa mga pamilihan dahil hindi
umano nakatulong ang importasyon ng asukal ng Sugar Regulatory
Administration (SRA), ayon sa United Sugar Producers Federation of the
Philippines (USPFP).

ISDA
Kawalan ng pagkakakitaan
- Maraming Pilipino ang umaasa na lamang sa pangingisda bilang kanilang
pangunahing trabaho at kabuhayan. Ang kakulangan ng isda ay
magdudulot ng pagkawala ng pinagkakakitaan ng mga mangingisda at
maaaring maging resulta sa kahirapan sa pagtustos sa pangangailangan
ng kanilang mga pamilya.

Kawalan ng Trabaho
- Ang industriya ng pangingisda at mga kaugnay na sektor nito, tulad ng
pagproseso at pag export ng isda sa iba't ibang mga lugar ay naapektuhan
din. Ito ay maaring magdulot ng pagkawala ng trabaho at negosyo ng mga
tao.

Problema sa kalusugan
- Ang isda ay isang masustansiyang pagkain na mayroong nilalaman na
protina. Ang kakulangan sa isda ay maaaring magdulot ng malnutrisyon at
problema sa kalusugan ng mga tao dahil hindi sila nakakakuha ng sapat na
protina at nutrisyon sa kanilang mga katawan.

IV. Alternatibong Produkto (Recommendation)


1. Tinapay, Mais, Kamote
2. Honey, Coconut Sugar, Maple syrup
3. Karne, Gulay

You might also like