You are on page 1of 6

Gawain 20: ikampanya mo na!

Table 7
Abbe Gerald N. Rivero 9 Villanueva
Gawain 4: CONCEPT DEFINITION MAP

Ano ang mga kahalagahan nito?


1. Ang angrikultura ay pangunahing pinagmulan ng pagkain.
2. Pinagkukunan ng materyal para makabuo ng bagong produkto
3. Piagkukunan ng kitang panlabas
4. Pangunahing nagbibigay ng trabaho sa pilipino
5. Pinagkukunan ng sobrang manggagawa mula sa sektor angrikultural
patungo sa sektor ng industriya at paglilingkod

Ano mito?
Ang agrikultura ay isang agham kung saan nililinang ang pag-aalaga at
pagpaparami ng mga halaman at hayop. Ito ay ginagawa upang makalikha
ng pagkain, damit, at iba pang produkto na makatutulong para
masustentuhan ang pamumuhay ng tao.

Ano ang mga bumubuo dito?


1. Paghahalaman
2. Paghahayupan
3. paggugubat
4. pagmimina
5. pangisdaan

Sektor ng Agrikultutra

Pamprosesong tanong:
1. bakit mahalagang sektor ng ekonomiya ang agrikultura?
2. Sa iyong palagay, paano ka magiging kaakibat upang maitaguyod ang sektor ng agrikultura?
Ipaliwanag.

Mga sagot
1.Dahil malaki ang naitutulong ng agrikultura sa mga mamamayan at sa bansa. Ito ang nagtutustos ng
pagkain at nagbibigay ng trabaho sa mga tao. Ang agrikultura din ang nagsusuplay ng mga hilaw na
material na kailangan ng industriya
2. Tutulong ako na magtanim ng mga puno upang mapalitan ang mga punong itinumba dahil ito ay matanda na.
Ang mga puno na sadyang matanda na ay kinakailangan ding palitan kaya naman habang hindi pa napuputol ang
mga puno ay kinakailangan na palitan na ito agad upang kung maputol man ito ay mayroon ng kapalit.
Abbe Gerald N. Rivero 9 Villanueva
Agencies helping the sector of agriculture
Bureau of Agricultural Research

Ang Bureau of Agricultural Research ng Pilipinas, ay isang ahensya ng gobyerno ng


Pilipinas sa ilalim ng Kagawaran ng Agrikultura na responsable sa pagtiyak na ang lahat
ng pananaliksik sa agrikultura ay nakakaugnay at isinasagawa para sa maximum na
magamit sa agrikultura. Maglaan ng mga mapagkukunan para sa pagsasagawa ng
inilalapat at on-farm na pananaliksik (OFR) kasunod ng pananaw ng mga sistema ng
pagsasaka upang mabilis na subaybayan ang pag-promote ng teknolohiya at pag-aampon
sa paglikha ng agarang epekto sa buhay ng mga magsasaka at mangingisda.

Philippine Council for Agriculture and Fisheries


Ang Philippine Council for Agriculture and Fisheries (PCAF) ay isang naka-kalakip na
ahensya ng Department of Agriculture (DA) na nagpapadali sa malawak na proseso ng
participatory na mga proseso sa sektor ng agrikultura at pangisdaan.

Nagbibigay ito ng kalidad ng mga serbisyo sa isang buong network ng mga pribadong
konseho na pinangunahan ng mga sektor sa pambansa, rehiyonal at lokal na antas para
sa pagbabalangkas ng mga maayos na patakaran, plano at programa.

Department of Agriculture

Ang Kagawaran ng Agrikultura ng Pilipinas, ay ehekutibong departamento ng


pamahalaan ng Pilipinas na responsable para sa pagsulong ng kaunlaran ng
agrikultura at pangisdaan at pag-unlad.

Sila ang tumutulong sa mga gawain pang agrikultura

Bureau of Animal Industry

Ang Bureau of Animal Industry (BAI) ay isang kalakip na ahensya ng Kagawaran ng


Agrikultura. Itinataguyod nito ang pagbuo ng industriya ng hayop at sinisiyasat ang
mga sanhi ng mga mapanganib na nakakahawang sakit mula sa mga hayop upang
mapigilan ang pagkalat nito.

Ang kanilang layunin ay maging produktibo at kumikita ang industriya ng hayop sa


ilalim ng napapanatiling kapaligiran sa pamamagitan ng maayos na mga patakaran,
programa, pananaliksik at serbisyo sa paggawa ng hayop, post-ani, kalusugan at
kapakanan.

Department of Environment and Natural Resources

Ang Kagawaran ng Kalikasan at Likas na Yaman ay ang ehekutibong


departamento ng pamahalaan ng Pilipinas na responsable sa pamamahala at
pangangasiwa sa paggalugad, pag-unlad, paggamit, at pag-iingat ng mga likas na
yaman ng bansa.

Tungkulin nilang siguraduhin na may nakalaang likas-yaman na magagamit


,napapalitan at mapagkukunan.
• Tungkulin din nilang pasaganahin at palaguin ang mga likas na yaman para sa
pangangailangan ng mga mamamayan sa mga yamang gubat,mineral,tubig at
lupa.
• Tungkulin nilang palakihin ang ambag ng likas na yaman sa pagkamit ng pag-
unlad ng lipunan at ekonomiya
Abbe Gerald N Rivero 9 Villanueva
Mga batas tungkol sa sektor ng agrikultura
1.Land Registration Act ng 1902
• Sistemang Torens noong panahon ng mga Amerikano kung saan lahat ng titulo ng lupa ay pinatala
lahat.

2.Public Land Act ng 1902

• Dito napapaloob ang pamamahagi ng lupa sa mga pamilya na nagbubungkal ng lupa. Ang bawat
pamilya ay maaaring mag-may-ari ng hindi hihigit sa 16 na ektarya na lupain.

3. Batas Republika Bilang 1160

• Napapaloob dito ang pagkatatag ng National Resettlement and Rehabilitation administration (NARRA)
na pangunahing tagapangasiwa sa pamamahagi ng mga lupain para sa mga rebeldeng nagbalik loob sa
pamahalaan.

4. Batas Republika Blg. 1190 ng 1954

• Ang batas na ito ay naglalayong proteksyunan ang pang-aabuso, pangsasamantala at pandaraya ng


mga may-ari ng lupa sa kanilang trabahador.

5. Agricultural Land Reform Code

• Ayun sa batas na ito ang nagbubungkal ng lupa ay ang tunay na may-ari ng lupa. Ipinagbili ang mga
lupain sa mga magsasaka sa paraang hulugan at katulad sa presyong ibinayad ng pamahalaan sa mga
may-ari ng lupain.

6. Atas ng Pangulo Blg. 2 ng 1972

• Isinailalim sa reporma ang buong Pilipinas ayun sa pag-uutos ni Pangulong Marcos.

7. Atas ng Pangulo Blg. 27

• Sinasakopan ng batas na ito ang sinasabing magpapalaya sa mga magsasaka sa tanikala ng kahirapan
at paglilipat sa kanila ng pagmamay-ari ng lupang sinasaka.

8. Batas Republika Blg. 6657 ng 1988

• Ito ay Kilala sa CARP o comprehensive Agrarian Reform program

Ito ay inaprobahan ni dating pangulong Corazon Aquino noong ika 10 ng Hunyo,1988.


Ipinasailalim ng batas na ito ang lahat ng publiko at pribadong lupaing agrikutural.
Ipinamahagi ng batas na ito ang lupang agrikultural anoman ang tanim nito sa mga walang lupa na
magsasaka.
Sila ay makapagtitira ng di hihigit sa limang ektarya ng lupa.
Ang bawat anak ng may-ari ay bibigyan ng tatlong ektarya ng lupa kung sila mismo ang magsasaka rito,
Ang pamamahagi ng lupa ay isinagawa sa loob ng 10 taon.
• Ipinamahagi ng batas ang lahat ng lupang agricultural anuman ang tanim nito sa mga walang
magsasaka.
Abbe Gerald N. Rivero
Mga Ahensiya na tumutulong sa sektor ng Paglilingkod
Technical Education and Skills Development Authority (TESDA)
Itinatag sa bisa ng Republic Act 7796 noong 1994. Isinusulong ng batas na ito na
hakayatin ang buong partisipasyon ng industriya, paggawa, mga lokal na pamahalaan at
mga institusyong teknikal at bokasyonal upang sanayan at paunlarin ang kasanayan ng
mga manggagawa sa bansa

Professional Regulation Commision (PRC)

Nangangasiwa at sumusubaybay sa gawain ng mga manggagawang propesyonal upang


matiyak ang kahusayan sa paghahatid ng mga serbisyong propesyonal sa bansa.

Commission on higher education (CHED)


Nangangasiwa sa gawain ng mga pamantasan at kolehiyo sa bansa upang maitaas ang
kalidad ng edukasyon sa mataas na antas

Department of Labor and Employment (DOLE)

Nagsusulong ng malaking pagkakataon para sa pagtratrabaho, humuhubog sa


kakayahan ng manggagawa , nangangalaga sa kapakanan ng mga manggagawa at
nagpapanatili sa kaayusan at kapayapaan sa industriya ng paggawa ng bansa

Overseas Workers Welfare Administration (OWWA)


Ahensiya ng pamahalaan na tumitingin sa kapakanan ng mga Overseas Filipino
Workers

Philippine Overseas Employment Administration (POEA)

Itinatag sa bisa ng Executive Order 797 noong 1982 na may layuning


isulong at paunlarin ang mga programang ukol sa paghahanapbuhay sa
ibayong dagat at pangalagaan ang kapakanan ng mga Overseas Filipino
Workers.

You might also like