You are on page 1of 20

LYCEUM OF THE PHILIPPINES

UNIVERSITY – LAGUNA
COLLEGE OF ENGINEERING AND COMPUTER STUDIES

ANG PANANAW NG MGA MAG-AARAL NG LYCEUM OF THE

PHILIPPINES - LAGUNA HINGIL SA PAGKAKAROON NG BOARD EXAM SA

KURSONG INHENYERONG PANG KOMPYUTER

Pamanahonh papel na iniharap sa Departamento ng COECS

Lyceum of the Philippines – Laguna

BSCpE 1-1

Marso 2016
LYCEUM OF THE PHILIPPINES
UNIVERSITY – LAGUNA
COLLEGE OF ENGINEERING AND COMPUTER STUDIES

DAHON NG PAGPAPATIBAY

Bilang pagpapatupad sa isa sa mga pangangailangan ng asignaturang Filipino II,

Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik, ang pamanahong papel sa pinamagatang

“ANG PANANAW NG MGA MAG-AARAL NG LYCEUM OF THE PHILIPPINES -

LAGUNA SA PAGKAKAROON NG BOARD EXAM SA KURSONG INHINYERONG

PANG-KOMPYUTER ” ay inihanda ng pangkat ng mananaliksik na sina:

Asinas, Zymon Clark M. Ponce, John Dexter SP.

De Mesa, Vince Adrian G. Salandanan, Justin Ike M.

Naigal, Jethro Rian C. Vinluan, Jan Vincent M.

Ito ay tinanggap ng Kagawaran ng Filipino, Departamento ng COECS sa Lyceum of

the Philippines – Laguna bilang pagtupad sa isa sa mga pangangailangan ng asignaturang

Filipino II ang Pagbasa tungo sa Pananaliksik.

____________________________
Bb. Charmie Magno
LYCEUM OF THE PHILIPPINES
UNIVERSITY – LAGUNA
COLLEGE OF ENGINEERING AND COMPUTER STUDIES

PASASALAMAT
Sa katagumpayan ng pag-aaral na ito, kaming mga mananaliksik ay lubos na
nagpapasalamat sa mga tumulong sa pamamagitan ng iba’t-ibang pamamaraan sa pagnanais na
makapagbigay ng kanilang opinyon upang maging matagumpay ang pananaliksik na ito.

Para naman kay Bb. Charmie Magno, ang aming guro sa Filipino II, kaming mga
mananaliksik ay taos-pusong nagpapasalamat sa walang sawang suporta, pagbibigay ng pag-
asa, sapat na oras, lubos na pag-unawa at labis na kaalaman sa pananaliksik ng pamanahong
papel na ito.

Para sa mga kaibigan naming nagbigay ng labis na pagtulong, kumpiyansa at lakas ng


loob sa panahong kinakailangan naming ang inyong suporta upang maisagawa ng maayos ang
pananaliksik ng pamanahong papel na ito. At sa mga mag-aaral mula sa Departamento ng
COECS na nagging malaking bahagi ng pananaliksik ay lubos rin ang pasasalamat ng mga
mananaliksik.

Para sa mga magulang ng mga mananaliksik, na nagbigay ng suporta lalo na sa


pinansyal na pangangailangan, sa pag-unawa at pag-udyok upang makamit at matapos ang
pananaliksik na ito, kaming lahat ay lubos na nagpapasalamat sa inyo.

At higit sa lahat, ang pinakamatinding pagkilala at pagtanaw ng utang na loob sa Poong


Maykapal sa pagkakaloob ng kaalaman, kaligtasan, kalakasan, at paggabay sa araw-araw na
pagbuhos ng kanyang pag-ibig na kinakailangan ng mga mananaliksik para maisakatuparan
ang pag-aaral na ito.

Para sa lahat ng tumulong, ang gawaing ito ay maayang inihahandog ng mga


mananaliksik at maraming salamat.

Mga Mananaliksik
LYCEUM OF THE PHILIPPINES
UNIVERSITY – LAGUNA
COLLEGE OF ENGINEERING AND COMPUTER STUDIES

TALAAN NG NILALAMAN
LYCEUM OF THE PHILIPPINES
UNIVERSITY – LAGUNA
COLLEGE OF ENGINEERING AND COMPUTER STUDIES
LYCEUM OF THE PHILIPPINES
UNIVERSITY – LAGUNA
COLLEGE OF ENGINEERING AND COMPUTER STUDIES

TALAAN NG MGA TALAHAYANAYAN AT GRAP


LYCEUM OF THE PHILIPPINES
UNIVERSITY – LAGUNA
COLLEGE OF ENGINEERING AND COMPUTER STUDIES

KABANATA I

ANG SULIRANIN SA PAG-AARAL AT KALIGIRAN NITO

Panimula

Ang pagaaral ng mga mananaliksik tungkol sa trapiko ay mahalaga upang maipagbigay

alam sa mambabasa ang sanhi at bunga nito.

Ang trapiko ay maaaring mangyari kahit saang lugar, lalong lalo na sa mataong lugar.

Karamihan sa mga pinagmumulan nito ay ang aksidente sa kalsada dahil sa kapabayaan ng mga

drayber at dahil na din sa kakulangan ng mga sign sa daan. Isa pang dahilan nito ay ang kawalan

ng disiplina ng mga drayber, mga drayber na hindi sumusunod sa batas trapiko. Malaking epekto

ang idinudulot nito sa mga tao lalo na sa mga mag-aaral at empleyado.


LYCEUM OF THE PHILIPPINES
UNIVERSITY – LAGUNA
COLLEGE OF ENGINEERING AND COMPUTER STUDIES

Layunin ng Pag – aaral

Ang pag aaral na ito ay naglalayon upang malaman natin ang sanhi at bunga ng

pagkakabuhol - buhol ng daloy ng trapiko sa Brgy. Real at upang malaman ang mga kasagutan

sa mga inihandang katanungan ng mananaliksik.

1. Anu - anu ang mga nakakaapekto sa mabigat na daloy ng trapiko?

2. Anu – anu ang mga epektibong paraan upang mabawasan ang mabigat na daloy ng

trapiko sa real?

3. Anu – anu ang mga epekto sa atin ng mabigat na daloy ng trapiko?

4. Anu - anu ang mga magiging bunga kung hindi pa rin natin masosolusyunan ang traffic

sa Brgy. Real?

Sa pag aaral na ito inaasahan na ito ay makaktulong sa atin upang mabuksan ang ating isipan sa

mga problema sa mga daan at ang sanhi at bunga na maidudulot ng traffic sa ating lugar.
LYCEUM OF THE PHILIPPINES
UNIVERSITY – LAGUNA
COLLEGE OF ENGINEERING AND COMPUTER STUDIES

Kahalagahan ng Pag – aaral

Para sa mananaliksik ng pamanahong papel na ito, mahalaga ang isinasagawang pag –

aaral na ito tungkol sa mga sanhi at bunga ng buhol – buhol na trapiko sa Brgy. Real.

Nakasalalay dito ang pagkatuto ng mga mag-aaral ng Lyceum of the Philippines - Laguna upang

makapagbigay ng karagdagang kaalaman na maaaring mangyari sa suliranin sa nasabing lugar.

Masasabing mahalaga ang mga nakasaad na impormasyon sa pamanahong papel na ito

sapagkat ang mga sanhi at bunga ng buhol – buhol na trapiko sa Brgy. Real ay maari ding

maging gabay sa pang – araw – araw na transportasyon hindi lamang ng mga mag – aaral ng

Lyceum kundi na rin ng mga mambabasa.


LYCEUM OF THE PHILIPPINES
UNIVERSITY – LAGUNA
COLLEGE OF ENGINEERING AND COMPUTER STUDIES

Saklaw at Limitasyon ng Pag – aaral

Ang pananaliksik ay isang uri ng pag – aaral tungkol sa nasasabing bagay. Ito ay ang

paghahanap ng impormasyong makakatulong upang makapag bigay ng karagdagang kaalaman sa

mga mananaliksik at mga mambabasa.

Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa “Pananaw ng mga Mag-aaral sa Lyceum of the

Philippines – Laguna hinggil sa Sanhi at Bunga ng Buhol – buhol na trapiko sa Brgy. Real” na

nag na naglalayong maipaalam ang iba’t – ibang sanhi na maaring magdulot ng masamang

bunga.

Naghanda ang mga mananaliksik ng iba’t – ibang katanungan para makapagbigay ng

kasagutan ayon sa responde ng mga mambabasa. Ang mga impormasyon at datos na makakalap

ay maaaring mapag-ugnay upang mauwanawaan at mas malinawan ang bawat mambabasa ng

pamanahong papel na ito.


LYCEUM OF THE PHILIPPINES
UNIVERSITY – LAGUNA
COLLEGE OF ENGINEERING AND COMPUTER STUDIES

Depinisyon ng mga Terminolohiya

1. Road widening – Ito ang pagpapalawak ng isang kalsada upang madagdagan ang

linya ng mga sasakyan.

2. Priority Lane – Ito ay pagbibigay daan sa mga sasakyan sa importanteng sitwasyon.

3. Prangkisa – Ito ang permiso ng bawat pampublikong sasakyan na magsakay ng

pasahero.

4. LTFRB - Land Transportation Franchising and Regulatory Board, ito ang sangay ng

pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Pilipinas.

5. Roll back – ang pagbaba ng presyo ng petrolyo kasabay ng pagbaba ng

presyo ng pasahe.

6. Strike – Ito ang pagpoprotesta na isinasagawa ng mga pampublikong

sasakyan upang maiparating ang hinaing sa gobyerno.


LYCEUM OF THE PHILIPPINES
UNIVERSITY – LAGUNA
COLLEGE OF ENGINEERING AND COMPUTER STUDIES

KABANATA II

MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA

Lokal na Pag-aaral

Ayon kay Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez (2008), may-akda ng panukala, na

hindi malutas ang problema sa trapiko sa bansa dahil sa magkakaiba at magulong patakaran sa

pagpapatupad ng batas trapiko ng mga lokal na pamahalaan. Ang masikip na trapiko ang isa sa

pinakamalaking suliranin ng bansa dahil nakakaapekto ito sa buhay ng mamamayan. Bukod sa

pinapabagal umano nito ang paglago ng ekonomya ng bansa ay nagdudulot din ito ng polusyon

sa hangin. Idinagdag pa niya na malaki rin ang naaaksayang enerhiya sa trapiko kung saan

umaasa ang bansa sa napakamahal na halaga ng langis.

Ayon naman sa MMDA (2015), aabot na sa 391,680 na sasakyan ang bumabagtas

ngayon sa EDSA, malayo sa 288,000 na carrying capacity nito. At ngayong Kapaskuhan,

inaasahang madaragdagan pa ito ng dalawampung porsyento o 65,280 na mga sasakyan. Di

naglalayo ang posibilidad na magbuhol-buhol ang daloy ng trapiko sa EDSA dahil sa kaliwa’t

kanang pagbalandra ng malalaking bus at trak na bumabagtas sa EDSA. Malaki din ang

posibilidad na aksidente dahil sa bilang ng walang disiplinang drayber.


LYCEUM OF THE PHILIPPINES
UNIVERSITY – LAGUNA
COLLEGE OF ENGINEERING AND COMPUTER STUDIES

Banyagang na Pag-aaral

Base sa isang pag-aaral ng Japan International Cooperation Agency (2016), kamakailan,

lumabas na umaabot sa P2.4 bilyon ang nawawaldas kada araw dahil sa buwisit na mabigat na

daloy ng trapiko sa Metro Manila. Napakalaking halaga ang nawawalang P2.4 bilyon kada araw

na dapat sana ay nagagamit ng pamahalaan sa pagbibigay ng mga basic service sa mga tao kung

napupunta lamang ito sa kaban ng bayan. Ang masakit dito ay tila nakakadagdag pa sa problema

ng mabigat na daloy ng trapiko ang mga ahensiya ng gobyerno gaya ng DPWH at MMDA, dahil

sa ginagawa nilang walang humpay na paghuhukay sa ibat-ibang lugar sa Kalakhang Maynila.

May mga ilang panukala na pinalulutang ang mga opisyales gaya ni MMDA Chairman Francis

Tolentino tulad ng total day time truck ban at pagbabawal sa pagpasok ng mga provincial bus sa

Edsa at iba pang kalsada. Kaya sa kabuuan ay ang tanging solusyon lamang ay disiplina ng isang

líder ng bansa at sapat na pag kaukulang pagpaplano sa pag-sasasgawa ng mga nasabing

proyekto ng pamahalaan.
LYCEUM OF THE PHILIPPINES
UNIVERSITY – LAGUNA
COLLEGE OF ENGINEERING AND COMPUTER STUDIES

KABANATA III

DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK

Disenyo ng Pananaliksik

Ang disenyo ng pananaliksik na ginamit naming mga mananaliksik ay isang

deskriptib-analitik. Ang mga mananaliksik ay gumawa ng tanungang papel para sa sarbey

upang malaman ang opinyon ng mga respondente sa mga sanhi at bunga ng buhol-buhol

na trapiko sa Brgy. Real.

Respondente

Ang pananaliksik na ito ay may bilang na tatlumpung (30) piling mag-aaral na

respondente na nagmula sa Lyceum of the Philippines – Laguna. Ang piling mga mag-aaral ay

nagmula sa vayan ng Calamba, at iilang dumadaan at nakakaranas ng buhol-buhol na trapiko sa

Brgy. Real.

Instrumento ng Pananaliksik

Ang pagsasaliksik na ito ay isinagawa sa pamamagitan ng pagseserbey sa mag-aaral na

nakakaranas ng trapiko sa Brygy. Real upang makalikom ng sapat na datos. Ang mga nakasaad

sa surbey kwestyoner na ito ay sampung katanungan tungkol sanhi at bunga ng trapiko sa


LYCEUM OF THE PHILIPPINES
UNIVERSITY – LAGUNA
COLLEGE OF ENGINEERING AND COMPUTER STUDIES

nasabing barangay. Gumamit din ang mga mananaliksik ng “internet” upang mapag-aralan ang

mismong sanhi at bunga ng trapiko.

Tritment ng mga Datos

Ang pamanahong papel na ito ay isang panimulang pag-aaral lamang kung kaya’t

walang ginawang mataas na pamantasan at kompleks na isatistikal na pamamaraan. Tanging ang

mga iba’t-ibang saloobin lamang ng mga respondenteng estudyante ng Lyceum of the

Philippines – Laguna sa bawat katanungan na nakasaad sa surbey kwestiyoner.

Samakatuwid, ang mga mananaliksik ay hindi nasagawa ng mga komplikadong

pamamaraan sa pangangalap at pagtutuos ng mga datos. Ang mga mananaliksik ay kumuha

lamang sapagkat iyon lamang ang nasabi at ipinagkaloob ng guro. Upang makuha ang kasagutan,

ginamit ng mga mananaliksik ang frequency counting at percentage sa pagkakalap ng mga datos

mula sa sarbey-kwestyoner.

Formulang ginamit ng mga mananaliksik sa pagkuha ng porsyento:

𝑥
= %
∑ ′𝑠

Kung saan ang:

x – bilang ng sagot ng respondente

∑ 's – kabuuang bilang ng mga respondente


LYCEUM OF THE PHILIPPINES
UNIVERSITY – LAGUNA
COLLEGE OF ENGINEERING AND COMPUTER STUDIES

KABANATA IV

PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS

Sa kabanatang ito, inilalahad ng mga manananaliksik ang mga datos na nakalap sa


pamamagitan ng tekstwal at tabyular o grapik na presentasyon.

G
RAP
BIL Chart Title
ANG
1 Tanong 10
Tanong 9
Tanong 8
Tanong 7
Tanong 6
Tanong 5
Tanong 4
Sa
Tanong 3
tanon Tanong 2
Tanong 1
g 1,
0.00% 20.00% 40.00% 60.00% 80.00% 100.00%
mas Lubos na sumasang-ayon Sumasang-ayon Di sumasang-ayon Lubos na di sumasang-ayon

marami ang sumagot na sang-ayon na may bilang labing-lima (15) na may kalahating

porsyento (50%). Sumunod ang sampung mag-aaral na sumagot ng lubos na sumasang-ayon na

may 33.33%. Sumunod ay di sumsang-ayon na may 10% at huli ang lubos na di sumasang-

ayon na may 6.67%.


LYCEUM OF THE PHILIPPINES
UNIVERSITY – LAGUNA
COLLEGE OF ENGINEERING AND COMPUTER STUDIES

Sa tanong 2, mataas ang respondenete na sumagot ng lubos na sumasang-ayon

na may bilang na dalawampu at may 66.67%. Pumangalawa ang mga pitong mag-aaral na

sumagot ng sumasang-ayon na may 23.33% sumunod ang dalawang mag-aaral na sumagot ng

lubos na di sumasang-ayon na may 6.67% at huli ang isang mag-aaral na sumagot ng di

sumasang-ayon na may 3.33%.

Sa tanong 3, nangunguna ang dalawampung respondenteng sumagot ng lubos

na sumasang-ayon na may 66.67%. Pumangalawa ang anim na respondente na sumasang-ayon

na may 20% at sumunod ang apat na mag-aaral na sumagot ng lubos na di sumasang-ayon na

may sampung porsyento at huli ang isang respondente na hindi sumang-ayon na may 3.33%.

Sa tanong 4, mayroon tayong labing-apat na respondenteng lubos na sumasang-

ayon na may 46.67%. Sumunod ang siyam na respondente na sumang-ayon at may 30%.

Pumangatlo ang anim na respondente na di sumang-ayon na ma 6.67% at huli ang isang mag-

aaral na lubos na di sumang-ayon na may 3.33%.

Sa tanong 5, dalawampu’t isa ang lubos na sumang-ayon sa katanungan na ito

na may pitumpung porsyento. Pumangalawa ang anim na respondenteng sumang-ayon may

20%. Pangatlo naman ang dalawang respondente na di sumang-ayon na may 6.67% at huli ang

isang respondente na lubos na di sumang-ayon na may 3.33%.


LYCEUM OF THE PHILIPPINES
UNIVERSITY – LAGUNA
COLLEGE OF ENGINEERING AND COMPUTER STUDIES

Sa tanong 6, labing-apat na respondente ang sumang-ayon na may 46.67%

sumunod ang labindalawang respondente na lubos na sumang-ayon na may apatnapung

porsyento. Pantay lamang ang bilang ng respondenteng lubos na di sumang-ayon at di

sumang-ayon na may bilang na dalawa at 6.67%.

Tanong 7, nanguna ang labinganim na respondente na lubos na sumasang-ayon

na may 53.33%. Pumangalawa ang sampung respondente na sumasang-ayon na may 33.33% at

sumunod ang pantay na bilang ng sumang-ayon at lubos na di sumasang-ayon na may

dalawang katao, at 6.67%.

Tanong 8, una ang sampung respondenteng sumang-ayon na may apatnapung

porsyento. Pumangalawa ang labing-isang respondente na lubos na sumang-ayon na may

37.67%. Pumangatlo ang anim na respondenteng di sumang-ayon na may 20% at huli ang

isang respondeteng lubos na di sumang-ayon na may 3.33%.

Tanong 9, labingtatlo ang respondenteng sumang-ayon na may 43.33%.

Pumangalawa ang siyam na respondenteng lubos na sumang-ayon na may tatlumpung

porsyento. Pangatlo naman ay ang anim na respondenteng di sumang-ayon na may

dalawampung porsyento at huli ang dalawang respondenteng lubos na di suamng-ayon na may

6.67%.

Tanong 10, labinglima ang respondenteng lubos na sumang-ayon na may

kalahating porsyento (50%). Pangalawa naman ay ang walong respondenteng sumang-ayon na


LYCEUM OF THE PHILIPPINES
UNIVERSITY – LAGUNA
COLLEGE OF ENGINEERING AND COMPUTER STUDIES

may 26.67%. Pangatlo naman ay limang respondenteng di sumang-ayon na may 16.67% at huli

ang dalawang respondenteng lubos na di sumang-ayon na may 6.67%.

KABANATA V

LAGOM, KONGKLUSYON AT REKOMENDASYON

Ang kabanatang ito ay ang pagbubuod at paglalahad batay sa mga datos at

impormasyong nakalap ng mga mananaliksik at ang mga alternatibong solusyon na nagbigay

kaalaman upang mapag-aralan ng mga mananaliksik ang nasabing suliranin tungkol sa trapiko.

Lagom

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa ng mga mananaliksik upang malaman ang mga sanhi

at bunga ng buhol-buhol na daloy ng trapiko sa Brgy. Real. Para sa mga mananaliksik,

makakatulong ang pag-aaral na ito upang makapagbigay ng kaalaman sa mambabasa nang sa

ganoon pa man ay makalikha tayo ng solusyon at mabisang paraan upang masolusyunan ang

nasabing suliranin.

May tatlumpung napiling mag-aaral na naging respondente na mag-aaral ng Lyceum of

the Philippines – Laguna na kinabibilangan ng iba’t ibang departamento ng COECS, CAM,

CBA, CITHM at CAS na nakakaranas ng mabigat na daloy ng trapiko sa Brgy. Real. Sa

pamamagitan ng surbey kwestiyoner, nakalikom ng sapat na datos ang mga mananalksik upang

aming malaman kung gaano nila tinatangkilik ang aming mga inihandang katanungan.
LYCEUM OF THE PHILIPPINES
UNIVERSITY – LAGUNA
COLLEGE OF ENGINEERING AND COMPUTER STUDIES

Kongklusyon

Batay sa nakalap na datos at impormasyong nakalap sa mga mananaliksik, ang kursong

BSCpE ay nakakuha ng pinakamataas na bilang ng mga respondenteng sumagot sa serbey

kwestiyoner na inihanda ng mga mananaliksik ukol sa sanhi at bunga ng mabigat na trapiko sa

Brgy. Real.

Ayon sa serbey na sinagutan ng mga mag-aaral, maraming mag-aaral ang lubos na

sumang-ayon sa pagkakaroon ng hiwalay na babaan at sakayan ng mga pasahero sa nasabing

daanan.

You might also like