1. Gamit ang iyong sariling pananalita, ipaliwanag o ilarawan ang naging
paksain ng akdang pampanitikan noong Panahon ng Hapon.
Ito ay tungkol sa impluwensya ng mga Hapon sa atin at kung saan
sapilitan tayong pinag-aral ng kanilang salita. Naging pambansang wika natin ang Hapon kasama ang Tagalog. Ang panahon ng Hapon ang tinaguriang “Gintong Panahon ng Pilipino”.
2. Paano nakatutulong ang mga Hapon sa pagpapalaganap ng wika at
panitikang Filipino?
Dahil sa mga Hapon, natigil ang paglaganap ng wikang Ingles. At ang
wikang Hapon at Tagalog ang ginamit sa bansa. Sa panahon ding ito, nagplano ang mga Hapones na magsagawa ng isang pangunahing pangkulturang reoryentasyon para sa mga Pilipino, upang gisingin ang katutubong kulturang Pilipino. Ninais ng mga Hapones na tanggalin ang impluwensya sa atin ng mga Amerikano. Hinihikayat nila ang paghahanap ng katutubong kulturang Pilipino.