You are on page 1of 3

Mala-Masusing Banghay Aralin sa Filipino V

I. Mga layunin
a. Nasasabi ang Sanhi at Bunga ng mga pangyayari
b. Nasasagawa ang mga gawain tungkol sa Sanhi at Bunga.
c. Nasusuri ang kahalagahan ng Sanhi at Bunga
II. Paksang Aralin
Sanhi at Bunga
III. Pamaraan
1. Paganyak
Mga bata may ipapakita akong larawan.

Ano ang napansin nyo sa larawan?


Bakit umiiyak ang bata?

Ano naman ang nangyayari sa larawang ito?


Bakit nagkasakit ang bata?
2. Paglalahad
Ang tatalakayin natin ngayong umaga ay tungkol sa Sanhi at Bunga.

3.Pagtatalakay
Ang sanhi ay tumutukoy sa pinagmulan o dahilan ng isang pangyayari. Ito ay nagsasabi ng mga kadahilanan ng
mga pangyayari.
Ang bunga naman ay ang resulta o kinalabasan o dulot ng pangyayari. Ito ang epekto ng kadalinanan ng
pangyayari.
Ang dalawang ito ay laging iniuugnay ng dalawa ng sumusunod na hudyat:
dahil kung kaya
kasi sapagkat
kung kapag
5. Paglalapat
1. Namatay ang mga isda dahil marumi na ang tubig sa ilog. Ano ang SANHI sa pangungusap?
a. Namatay ang mga isda b. ang mga isda
c. marumi ang tubig d. dahil marumi ang tubig sa ilog

2. Marami ang nagtatapon ng basura sa ilog kaya sa kaunting pag-ulan ay umaapaw ito. Ano ang BUNGA sa
pangungusap?
a. kaya sa kaunting pag-ulan b. kaya umaapaw ito
c. marami ang nagtatapon ng basura d. basura sa ilog

3. Kaya nasira ang kagandahan ng ilog, pinabayaan ito ng mga tao. Ano ang SANHI sa pangungusap?
a. kaya nasira b. kaya nasira ang kagandahan ng ilog
c. pinabayaan ito ng mga tao d.pinabayaan ang basura

4. Dahil sa malinis, mabango at malinaw na tubig, marami ang namamasyal at naliligo sa Ilog Pasig. Ano ang
BUNGA ng pangyayari?
a. Dahil sa malinis, mabango at malinaw ang tubig b. marami ang namamasyal at naliligo
c. sa Ilog Pasig d. naging malinis, mabango at malinaw ang tubig

5. Nangamba ang mga tao na tuluyan nang masira ang Ilog Pasig, kaya kumilos na sila bago mahuli ang lahat.
Ano ang SANHI ng pangyayari?
a. Nangamba ang mga tao b. tuluyan nang masira ang Ilog Pasig
c. kaya kumilos na sila d. bago mahuli ang lahat

5. Paglalahat
Ano nga ulit ang ibig sabihin ng sanhi?
Ano naman ang bunga?

6. Pagtataya
Panuto: Pag-ugnayin ang sanhi sa hanay A, sa bunga nito sa hanay B. Babasahin ko ang sanhi at kayo naman
ang maghahanap at magsasabi sa bunga.
Hanay A Hanay B
1. Pumasok ng eskuwelahan ng hindi nag almusal si Angel. A. Hinuli sya ng pulis-trapiko.
2. Naparami ang nailagay kong tubig sa takure. B. Nakikinig silang mabuti sa guro.
3. Nilalaro ng asong si Chestnut ang kanyang buntot C. Inaantok siya kinabukasan.
4. Hindi namalayan ni Nerissa na hindi nakatali ang D. Karamihan ay nagpapayong
sintas ng kanyang sapatos.
5. Napakainit sa labas. E. Naapakan niya ito at natumba siya.
6. May butas ang Bangka ni lolo Tasyo. F. Gutom siya bago pa man magtanghalian.
7. Tahimik ang nuong klase ng Gurong si Issa. G. Hindi agad nakauwi si Michael.
8. Pinatakbo pa rin ni Tony ang kotse kahit nakapula H. Lumubog ito.
ng ilaw ng traffic light.
9. Hating gabi na natulog si Gian. I. Lumigwak ito ng kumulo.
10. Umulan ng malakas. J. Nagtawanan ang magkakaibigan.

IV. Takdang Aralin


Sumulat ng limang (5) Sanhi at Bunga gamit ang Pangugusap.
Sanhi Bunga
1. 1.
2. 2.
3. 3.
4. 4.
5. 5.

You might also like