You are on page 1of 5

Banghay-Aralin sa Filipino 7

I. LAYUNIN
Pagktapo ng klase, inaasahan ang mga mag-aaral na:
a. Naipapaliwanag ang sanhi at bunga ng mga pangyayari. (f7PB-Id- e-3)

II. PAKSANG-ARALIN

Paksa: Sanhi at Bunga ng mga Pangyayari


Sanggunian: https://znnhs.zdnorte.net/wp-content/uploads/2020/11/Fil7_Q1_W4.pdf
Kagamitan: Manila Paper,

III. PAMAMARAAN
1.Panalangin
2. Pagtala ng mga liban
3. Pagkolekta ng takdang-aralin
A1. Palinang Gawain
1. Balik-Aral
“Maikling kwento”

Mga Katanungan:

1. Ano ang tinalakay natin kahapon?


2. Magbigay ng halimbawa ng Maikling Kwento.

2. Pagsasanay

“Kantahan Na!”
Kakantahin ng mga mag-aaral ang “Masdan mo ang Kapaligiran” by Asin

Katungan:
1. Ano ang ibig ipinahiwanig ng kanta?
3. Pagganyak
Gamit ang dalawang larawan na kanilang binuo, tatanungin ang mga mag-aaral kung ano
ang napapansin nila sa mga litrato.

Katanungan:
1. Tukuyin ang pagkakaiba ng dalawang larawang ito.
2. Ano sa tingin ninyo ang dahilan kung bakit ang dating malinis na dagat ay
naging marumi na?
3. Ano ang posibleng resulta sa pagtatapon ng basura kahit saan?
4. Paglalahad ng Gawain
“Larawang Palaisipan”
Mekaniks:
1. Hahatiin ang mag-aaral sa tatlong grupo.
2. Bawat grupo ay bibigyan ng iba’t ibang larawang palaisipan.
3. Bubuohin nila ito at ididikit sa manila paper.
4. Gagawa sila ng pangungusap basi sa larawan na kanilang inayos.
5. Sa luob ng pangungusap ay ilalarawan nila ang pangyayari at ang posibleng epekto
nito.
6. Bibigyan lamang sila ng sampung minuto upang gawin ito.
A2. Pagsususri
1. Ano ang ibig ipahiwatig ng pangungusap na inyong ginawa?
2. Ano ang tawag sa dahilan ng isang pangyayari?
3. Ano ang tawag sa resulta ng pangyayari?
A3. Paglalahad
Sanhi at Bunga
Sanhi- tumutukoy sa pinagmulan o dahilan sa isang pangyayari. Ito ay nagsasabi ng mga
kadahilanan ng mga pangyayari.
Mga Hudyat na nagpapahayag ng sanhi:
 Sapagkat/pagkat
 Dahil/Dahilan sa
 palibhasa
 kasi
 naging
 sanhi nito
Bunga- ay ang resulta, kinalabasan o dulot ng pangyayari. Ito ay ang epekto ng kadahilanan ng
pangyayari.
Mga Hudyat na nagpapahayag ng bunga:
 kaya/kaya naman
 dahil dito
 bunga nito
 tuloy
A4. Paglalapat
Sa bahaging ito ay magkakaroon ang mag-aaral ng kanya-kanyang Gawain. Susukatin kung
talagang may naunawaan sila sa kanilang binasa.
Panuto. Suriin ang mga piling pahayag sa kuwentong Minsan, Nagalit ang Ilog. Alamin kung
ano ang sanhi at bunga nito sa magkaibang kahong nakalaan dito. Isulat ang iyong sagot sa
sagutang papel.
1. “ Hindi ko naipalinis ang ilog dahil abala tayong lahat sa prusisyong
gaganapin.”umpisang paliwanag ng Kapitan.

Sanhi:

Bunga:

2. Tuwang-tuwa ang buong baryo. Nalalapit na naman ang pagdiriwang ng kanilang


kapistahan.

Sanhi:

Bunga:

3. Napakaamo ng dagat kaya’t ibig kong maging higit na maganda, masaya at makulay ang
kapistahan natin sa taong ito,” paliwanag pa nito.
Sanhi:

Bunga:

Rubriks

Nilalaman – 8 puntos
(Nasagot lahat ng tanon)
Kalinisan – 1 puntos
(Malinis ang pagkasulat ng gawain)
Oras ng pagpasa – 1 puntos
(Nasa takdang oras ang pagpasa ng gwain)
10 puntos

IV. Pagtataya

I. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap. Bilugan ang titik ng
tamang sagot.
1. Hindi nakatulog si Adel sa kababantay ng kanyang anak. Batay sa pangungusap
alin dito ang nagsasaad ng sanhi?
A. Adel
B. Hindi nakatulog
C. Sa kababantay ng kanyang anak
D. Kanya

2. Palibhasa maganda Marian kaya maraming nagkakagusto sa kanya. Anong


pang-ugnay ang ginamit sa pangungusap na nagsasaad ng sanhi?
A. palibhasa
B. maganda
C. marami
D. kaya

3. Para hindi mabagot ang mga tao kaya naman nagtatanim sila ng mga halaman
at gulay. Sa pangungusap na nasa itaas alin dito ang nagsasaad ng bunga?
A. Nagtatanim sila ng mga halaman at gulay
B. Kaya
C. Para hindi mabagot ang mga tao
D. mga tao

4. “Napakalamig ng panahon.” Alin sa sumusunod na pahayag ang magiging


bunga sa pahayag na nakapanipi?
A. kaya uminom siya ng mainit na sabaw
B. nagsaing siya ng kanin
C.binuksan niya ang bentilador
D. makulimlim kasi ang Panahon

5. “ Hindi nakapagsuklay ng buhok si Charity” Alin sa sumusunod na pahayag


ang magiging sanhi ng pahayag na nakapanipi?
A. magulo ang kanyang buhok
B. dahil sa kanyang pagmamadali
C. dahil gabi na
D. makakalimutin na si Charity

6. Tumutukoy sa pinagmulan o dahilan kung bakit naganap ang isang pangyayari.


A. Sanhi
B. Bunga
C. Resulta
D. Epekto
7. Ito’y resulta o epekto ng naunang pangyayari.
A. Sanhi
B. Bunga
C. Dahilan
D. Pangyayari

8. Kadalasan sa mga tao ngayon ay hindi lumalabas ng bahay dulot ng COVID19.


Batay sa pangungusap na nasa itaas alin dito ang nagbibigay ng sanhi?
A. Hindi lumalabas ng bahay
B. Kadalasan sa mga tao
C. Dulot ng COVID-19
D. Mga tao

9.Upang hindi mabagot sa bahay siya ay nagtatanim ng mga halaman. Sa


pangungusap na nasa itaas alin dito ang nagsasaad ng bunga?
A. Upang hindi mabagot
B. Nagtatanim ng halaman
C. Sa bahay
D. Upang

10. Siya ay nagkasakit dahil sa kanyang kapabayaan. Alin sa pangungusap na


nasa itaas ang nagpapahayag ng bunga/ resulta?
A. Dahil sa
B. Siya ay nagkasakit
C. Dahil sa kanyang kapabayaan
D. Siya

V. Takdang-Aralin
Panuto. Bumuo ng 5 pangungusap na may sanhi at bunga. Salungguhitan ang
pahayag na sanhi at ikahon ang pahayag na bunga.
Hal. Sa sobrang lakas ng pagtakbo ni Alex siya ay nadapa.

Inihanda Ni:
Jaycen Sam L. Mametes
Minsan, Nagalit ang Ilog
Tuwang-tuwa ang buong baryo. Nalalapit na naman ang pagdiriwang ng kanilang kapistahan. Tulad ng dati,tatlong
araw na namang ipinagdiriwang ang kaarawan ng kanilang patrong si Nuestra Señora Buenviaje. Gaya ng inaasahan,
walang tigil na pagsasaya ang magaganap sa buong baryo sa tatlong araw ng pagdiriwang. Walang tigil ang handaan
para sa lahat. Bawat tahanan, mayaman o dukha ay tiyak na may handa.

“ Walang saysay ang ang tatlong araw na pagdiriwang kung walang pagodang igagayak,” ang sabi ng Kapitang ng
Barangay. “ Naging tradisyon na sa ating baryo na ilibot ang patron,sakay ang bangkang napapalamutian ng iba’t
ibang kulay ng mga ilaw at sari-saring dekorasyon tulad ng mga prutas at gulay na inani natin taun-taon,” dagdag pa
ng Kapitan.

“ Ang ibig ninyong sabihin, Kapitan, muling magkakaroon ng prosisyon sa ilog?” ang tanong ng isang lalaking may
maputi nang buhok.

“ Talaga namang iyan ang ginagawa natin taun-taon, di ba?” ang balik na tanong ng Kapitan. “ Napakaraming
biyaya ang ipinagkaloob sa atin ng ating patron sa taong ito. Higit na tatlong doble ang inani nating palay kung
ihahambing nating sa nakaraang taon. At higit na maraming isda tayong nahuli sa taong ito.

Napakaamo ng dagat kaya’t ibig kong maging higit na maganda, masaya at makulay ang kapistahan natin sa taong
ito,” paliwanag pa nito.

Ngunit, Kapitan, napakarumi ng ilog. Kailangan malinis muna natin ito. Tambakan na ng basura ang ilog natin,” ang
malungkot na sabi ng dalaga.

“ Hayaan mo’t bukas na bukas din ay ipalilinis ko ang ilog. May tatlong araw pa bago dumating ang masayang araw
na ating pinakahihintay. Ang ilog na lang ang problema makalawa,” ang sabi ng Kapitan.

Lumipas ang isa, dalawa at tatlong araw. Hindi pa naipalinis ni Kapitan ang ilog.

“ Hindi ko naipalinis ang ilog dahil abala tayong lahat sa prusisyong gaganapin.”umpisang paliwanag ng Kapitan. “
Hindi na bale,

pagdaraan ng bangka, tiyak namang mahahawi ang mga dumi at sukal na naghambalang sa ilog.”

Araw ng pistang baryo. Handang-handa na ang lahat sa prusisyong magaganap. Naroon na sa bangka ang patron.
Kayganda na bangka! Ang liwanag nito at napakaraming dekorasyon may iba’t ibang kulay, hugis at sukat.
Kayraming taong ibig sumakay sa bangka. Bata’t matanda.

Nangatakot ang lulang ng bangka. Ibig nilang makaalis. Ibig nilang tumalon. Ibig nilang lumundag sa ilog.

Nagkagulo ang mga tao.Ang lahat ay nangatakot. Nangagsisigaw. May mga nagdarasal. Maraming umiiyak at
nananaghoy.

At.. at..unti-unting lumulubog ang bangka, kasama ang di mabilang na mga sakay nito.

Kinabukasan, laman ng pang-umagang pahayagan ang balitang may 205 sakay ng bangka ang namatay sa
aksidenteng iyon. Mahigit pa ring 100 tao ang nawawala.

Saka naisip mi Kapitan ang ilog. Ang maruming ilog na pinarumi.

You might also like