You are on page 1of 11

KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO (GNG.

ALPHA RIVERA-JOSE)

NORTHEAST LUZON ADVENTIST COLLEGE


Mabini, Alicia, Isabela
“The School That Trains for Service”
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO
INIHANDA NI: GNG. ALPHA RIVERA - JOSE

Pangalan:____________________________________________________________________
Antas at seksyon:_____________________________________________________________
Panahon ng pagpasa:_________________________________________________________

ARALIN 5.
Ang Iyong Nakaraan, Baon Ko Hanggang Kinabukasan

I. PAROLA: Kaya nga, pagkatakuwil ng kasinungalingan, ay magsasalita ang bawa't isa sa


inyo ng katotohanan sa kaniyang kapuwa: sapagka't tayo'y mga sangkap na isa't isa sa atin.
Efeso 4:25

MAHAHALAGANG TUON:
1. Natutukoy ang mga pinagdaanang pangyayari / kaganapan tungo sa pagkabuo at pag-
unlad ng Wikang Pambansa.
2. Natitiyak ang mga sanhi at bunga ng mga pangyayaring may kaugnayan sa pag-unlad ng
Wikang Pambansa.
3. Nakapagbibigay ng opinyon o pananaw kaugnay sa mga napakinggang pagtalakay sa
wikang Pambansa.
4. Natitiyak ang mga sanhi at bunga ng mga pangyayaring may kaugnayan sa pag-unlad ng
Wikang Pambansa.

II. SAGWAN (PAGHAHANDA)

"PAGPAPAHALAGA SA SARILING WIKA"


Na isinulat ni Binibining Alecxandra Berenguer

Sa isang nayon nakatira ang pamilya ni Pepay,sya ay laki sa bukid at mahirap


lamang.Isang araw habang naglalakad si Pepay pauwi sa kanilang bahay galing sa
bukid nakasalubong nya ang matalik nyang kaibigan na si Maria at tinawag sya
nito.

MARIA: Pepay! alam mo naba ang bali-balita sa bayan?


Pepay: Anong balita naman ang nalaman mo?
PEPAY: Narinig ko kanina sa bayan nung namimili ako sa talipapa may dalawang
dalaga na nag uusap ang sabi nila tatanggalin na daw ang asignaturang filipino sa
mga kolehiyo at papalitan ng wikang banyaga.
PEPAY: Ano?! bakit naman nila gustong tanggalin?
MARIA: Aba malay ko sa kanila,pero hindi maganda ang ginagawang plano nila
na pag tanggal ng wikang asingnatura.
PEPAY: Talagang hindi magandang plano ang ginagawa nila parang tinatanggalan

1
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO (GNG.ALPHA RIVERA-JOSE)

nila tayo ng karapatan sa ating kinagisnan.


MARIA: Paano nalang tayong mga estudyante na hirap mag aral dahil sa
kahirapan.
PEPAY: Bakit gusto nilang ipatanggal ang Asignaturang Filipino?matapos ang
mahabang panahon ang wikang filipino ang naging rason ng pagkakaroon ng
sariling identidad ng mga Pilipino.
MARIA: May punto ka dyan Pepay at nabalitaan ko rin na maraming guro na
nagtuturo ng asignaturang filipino sa kolehiyo ang mawawalan ng trabaho.
PEPAY: Tignan muna lalong di uunlad ang ating bansa nito eh!
MARIA: Lumaban ng dahan dahan ang mga Pilipino tulad ni Dr.Jose Rizal na
nagbigay diin sa kahalagahan ng wika.
PEPAY: At isa ito sa mga batayan ng layunin ng mga Pilipino upang lumaban para
sa kanilang karapatan.
Hanggang nakauwi na sila sa kanilang mga bahay ay yoon parin ang iniisip ni
Pepay.
PEPAY: Andito na po ako Inay!
INAY: O sige magpahinga kana at kakain na tayo.
PEPAY: Ay Inay may sasabihin nga po pala ako sa inyo,nabalitaan nyo na po ba
ang pagalis ng asignaturang filipino sa kolehiyo?
INAY: Oo,usap usapan yan sa bayan kanina.
PEPAY: Nakakainis lang ho Inay tila ba sapat na ang kanilang kaalaman upang
sumang ayon sa pagtanggal nang asignaturang ito sa kolehiyo.
INAY: Tatanggalin lang naman daw sa kolehiyo hindi naman sa ating pagkatao.
PEPAY: Ganun din yun Inay parang inalisan narin tayo ng karapatang gamitin ang
sariling wika natin,tila isa tayong banyaga sa sarili nating bansa.
INAY: Haynako! Pepay kumain ka na nga lang,respituhin mo nalang ang kanilang
desisyon.
PEPAY: Nakakalungkot isipin na ang mismong sariling wika ay tatanggalan ng
halaga samantalang ang wikang banyaga ay bibigyan ng importansya.
Tumigil na nga si Pepay ngunit hindi nanahimik ang kanyang kokote sa
pagiisip.Gusto nyang malinawan ang mga katanungan na tumatakbo sa kanyang
isipan.

III. BANGKA (PAGTALAKAY)

PANAHON NG HAPONES
Nang lumunsad sa dalampasigan ng Pilipinas ang mga Hapon noong 1942, nabuo ang isang
grupong tinatawag na “purista.” Sila ang mga nagnanais na gawing Tagalog na mismo ang
wikang pambansa at hindi na batayan lamang.

Malaking tulong ang nagawa ng pananakop ng mga Hapon sa kilusang nabanggit. Ayon kay
Prof. Leopoldo Yabes, ang Pangasiwaang Hapon ang nag-utos na baguhin ang probisyon sa
Konstitusyon at gawing Tagalog ang Pambansang Wika.
Sa layunin ng mga Hapon na burahin sa mga Pilipino ang anomang kaisipang pang-
Amerikano at mawala ang impluwensiya ng mga ito, Tagalog ang kanilang itinaguyod. Nang
panahong iyon, Niponggo at Tagalog ang naging opisyal na mga wika.

2
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO (GNG.ALPHA RIVERA-JOSE)

Pinasigla ng pamahalaang Hapon ang panitikang nakasulat sa Tagalog. Maraming manunulat


sa wikang Ingles ang gumamit ng Tagalog sa kanilang mga tula, maikling kuwento, nobela, at
iba pa. Nagbuo rin ng isang komisyon na naghanda ng Saligang Batas na nagtadhana sa
Tagalog bilang wikang pambansa.

Sa Artikulo IX, Seksiyon 2 ng Konstitusyon ng 1943, nakasaad na, “ang Pamahalaan ay


magsasagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapalaganap ng Tagalog bilang
pambansang wika.”

Noong Hunyo 4, 1946, nang matapos na ang digmaan, ganap nang ipinatupad ang Batas
Komonwelt Big. 570 na nagtatakdang wikang opisyal na ang pambansang wika. Sinimulan
na ring ituro ang Wikang Pambansa sa mga paaralan.

Ilang taon ding hindi napagtuunan ng panahon ang pagpapalaganap sa Wikang Pambansa
hanggang sa mailuklok bilang pangulo ng bansa si Ramon Magsaysay. Noong Marso 6, 1954,
nilagdaan ni Pangulong Ramon Magsaysay ang Proklamasyon Blg. 12 para sa pagdiriwang
ng Linggo ng Wikang Pambansa mula Marso 29 hanggang Abril 4 taon-taon. Alinsunod ito
sa pagbibigay-puri sa kaarawan ni Francisco Balagtas bilang makata ng lahi.

Noong Setyembre 1955 naman sinusugan ng Proklamasyon Big. 186 ang paglilipat sa
pagdiriwang ng Linggo ng Wika sa Agosto 13 hanggang 19 taon-taon bilang paggunita sa
kaarawan ni Pangulong Manuel Quezon na kinikilala bilang “Ama ng Wikang Pambansa.”

Noong 1959, inilabas ni Kallhim Jose F. Romero ng Kagawaran ng Pagtuturo ang Kautusang
Pangkagawaran Blg. 7 na nagtatakdang “kailanmal tutukuyin ang Wikang Pam-bansa, ito ay
tatawaging Pilipino.”

Noong Oktubre 24, 1967, nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos ang Kautusang
Tagapagpaganap Blg. 96 na nag-uutos na ang lahat ng gusali, edipisyo, at tanggapan ng
pamahalaan ay dapat na nakasulat sa Pilipino. Noong Marso 27, 1968 inilabas ng Kalihim
Tagapagpaganap na si Rafael Salas ang Memorandum Sirkular Blg. 96 na nag-aatas na lahat
ng letterhead ng mga tanggapan, kagawaran, at sangay ng pamahalaan ay dapat na nakasulat
sa Pilipino at may katumbas na Ingles sa ilalim nito. Iniuutos din ng sirkular na gawin sa
Pilipino ang pormularyo ng panunumpa sa tungkulin ng mga pinuno at kawani ng
pamahalaan.

Noong 1970, naging wikang panturo ang Pilipino sa antas ng elementarya sa bisa ng
Resolusyon Blg. 70.

Sa bisa ng Resolusyon Blg. 73-7 ng Pambansang Lupon ng Edukasyon, isinama ang Ingies at
Pilipino (Pilipino pa ang tawag noon) sa kurikulum mula elementarya hanggang kolehiyo,
publiko man o pribado. Ang resolusyong ito ang nagbunsod sa Patakarang Edukasyong
Bilingguwal sa bansa na nagpapagamit ng Pilipino at Ingles bilang midyum ng pagtuturo sa
mga tiyak na aralin at bilang hiwalay na asignatura sa kurikulum mula elementarya hanggang
kolehiyo. Noong 1974, sinimulang ipatupad ang patakarang edukasyong bilingguwal sa
bansa.

3
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO (GNG.ALPHA RIVERA-JOSE)

Noon namang 1978, iniatas ng Kautusan Pangministri ng Kagawaran ng Edukasyon ang


pagkakaroon ng anim na yunit ng Filipino sa lahat ng kurso sa kolehiyo, maliban sa kursong
pang-edukasyon na dapat kumuha naman ng 12 yunit.

Samantala noong Marso 12, 1987, sa isang Order Pangkagawaran BIg. 22 s. 1987, sinasabing
gagamitin ang Filipino sa pagtukoy sa Wikang Pambansa ng Pilipinas. Kasunod ito ng
pagpapatibay sa Konstitusyon ng 1987 na nagsasaad na ang pambansang wika ng Pilipinas ay
Filipino.

PANAHON NG MAKABAGONG PANAHON


Sa mga taong lumipas, napakarami ng nasaksihan ng mga Pilipino mula sa pagbabago ng
ating wika. Mula sa pang-araw-araw na karanasan sa pakikipag komunikasyon, sa
pakikipagtalastasan, argyuhan, at maging sa akademikong sulatin.

Marami ring naging positibong epekto ang mga pagbabago sa ating sariling wika tulad
ng pagkahasa natin sa pakikipag komunikasyon, pagsulat, pagbasa at pag-unawa ng
Wikang Filipino.

Sa modernisadong panahon, maging ang mga dayuhan na nagmula sa iba’t ibang bansa ay
nagagalak at nawiwili na magsalita, magbasa at umunawa ng Wikang Filipino. Sa
makabagong panahon, mas napabuti at yumaman ang kalagayan ng Wikang Filipino.

Ang pagkakaunawaan, pagkakaisa sa ating mga kultura bilang Pilipino ay mas nagpatibay at
naging simbolo ng ating pagka Pilipino. Ito ay siyang nagtukoy sa ating identidad at lahing
Pilipino.

Ang Wikang Filipino ay patuloy na umuunlad at nagbabago, tayo ay gumagamit na rin na


iba’t ibang paraan upang mas mapaikli ang paggamit ng ating wika. Ilang halimbawa ay
ang pagpapalawak ng bokabularyo sa pamamagitan ng paggamit ng akronim o ang
paggamit ng mga letra na nagrerepresenta sa isang salita upang ito ay mas umikli at ang
pinaka tanyag sa panahon ngayon ay ang paggamit ng mga balbal na salita na karaniwang
ginagamit ng mga kabataan.

Ayon kay Barker at Barker (1993), ikinukunekta ng wika ang nakaraan, ang kasalukuyan at
ng hinaharap. Iniingatan din rito ang ating mga tradisyon at kultura, maaari daw mawala ang
mga matatandang henerasyon, ngunit sa pamamagitan ng wika, naipapabatid parin nila ang
kanilang mga ideya, tagumpay, kabiguan, at maging ang kanilang mga plano o
adhikain sa hinaharap.

Sa kasalukuyang panahon, sa tingin ko, ang kalagayan ng ating wika ay dapat pang mas
pagyamanin, payabungin at irespeto. Sa pag-unlad ng panahon, kasabay din ang pag-unlad ng
wika, nasaan mang dako tayo ng mundo, nararapat nating mahalin at ipagmalaki ang ating
sariling wika dahil ito ang nagmomolde sa ating identidad bilang isang Pilipino.

IV. LAYAG (MGA GAWAIN)

4
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO (GNG.ALPHA RIVERA-JOSE)

LAYAG SA ISIP
A. Sagutin mo na!
I.Panuto: Ibigay ang mga hinihingi ng mga nasa bawat bilang. Isulat ang sagot sa patlang.
__________________1. Taong dumating sa Pilipinas ang mga hapones.
__________________2. Batas na nagtatakdang wikang opisyal na ang pambansang wika.
__________________3. Ano ang nagging opisyal na wika ng bansa sa panahon ng hapones?
__________________4. Sa panahon na ito ay mas napabuti at napayaman ang kalagayan ng
wikang Filipino.
__________________5. Batas na nagsasaad ng pagsasagawa ng mga hakbang tungo sa
pagpapaunlad at pagpapalaganap ng Tagalog.

B. Siguraduhin mo pa!
C. Ilagay sa loob ng kahon ang mga makasaysayang pangyayari sa loob ng mga panahon na nailatag.
Kung ang mga impormasyon ay nais mo pang punan, maaring maglagay ng mga wala sa
natalakay.

LAYAG SA PUSO
A. Halaga, Itala!
Basahin ang karagdagang kaalaman tungkol sa kasaysayan ng ng wikang Pambansa na
matatagpuan sa link na ito: Batas ng Wikang Filipino (slideshare.net) at itala ang mga batas na
naipatupad at ang halaga at koneksyon nito sa pagpapayaman at pagpapalawig ng wikang filipino.

5
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO (GNG.ALPHA RIVERA-JOSE)

B. Halina at lumikha!
Batay sa sagwan, ikaw ba ay sang-ayon na sa likod ng pinagdaanan at ginawang sakripisyo
ng ating mga ninuno ay basta na lamang tatanggalin sa ating kurikulum ang asignaturang
filipino? Magsagaw ng isang maikli at impormal na panayam na magpapakita ng kung ano
ang opinion ng ibang tao, ordinaaryo, guro o mga propesyonal na nasa larangan ng wika.
Ano ang kanilang kasagutan? Ibuod ito at ilagay sa ibaba.

PANAYAM 1:

6
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO (GNG.ALPHA RIVERA-JOSE)

PANAYAM 2:

PANAYAM 3:

LAYAG SA KILOS
A. Isakilos mo, ang Pagmamahal mo

Pumili ng isang awitin tungkol sa pagmamahal sa bayan. Pumili sa mga sumusunod kung alin ang
mas magaan na maaring iyong maging presentasyon:
1.Solo rendition ng isang awitin na may temang pagmamahal sa bayan.
2.Duet rendition ng isang awitin na may temang pagmamahal sa bayan.
3.Maaring pumili ng 5-7 kasapi at magkaroon ng isang interpretasyon sa isang awitin na may
temang pagmamahal sa bayan.

B. Tara, Mag sulat ka!

7
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO (GNG.ALPHA RIVERA-JOSE)

Kaya nga, pagkatakuwil ng kasinungalingan, ay magsasalita ang bawa't isa sa inyo ng


katotohanan sa kaniyang kapuwa: sapagka't tayo'y mga sangkap na isa't isa sa atin. Efeso 4:25

Batay sa tekstong nasa itaas, ano sa tingin mo ang mga kasaysayan ba natin ay puros
katotohanan? Mayroon kaya itong bahid ng hindi pagiging totoo? Bakit oo, bakit hindi.

V. ANGKLA
A. Magsagawa ng THINK-PAIR-SHARE sa klase.
THINK – Bilang isang mamamayang Pilipino na nabigyan ng pagkakataong mapag-aralan ang
mga kasaysayan ng wika, ano ang iyong magagawa bilang isang kabataan para maimpluwensyahan mo
ang iyong kapwa kabataan na pahalagahan ito?
PAIR – Pumili ng kapareha sa iyong klase. Ibahagi ang ilang mga kaisipan hinggil sa naturang mga
katanungan sa itaas. Ibuod ang mga ito.

8
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO (GNG.ALPHA RIVERA-JOSE)

SHARE – Ibahagi ang buod ng napag-usapan.

B. DYORNAL NG REPLEKSYON
Sa iyong paglakbay sa mundo ng karunungan sa Aralin na ito, sa isang simple at makatotohanang
pananaw, Ano ang iyong nabigyang ng tuon at mga realisasyon na iyong nasalamin sa araling ito?
Isulat ang mga ito sa ibaba.
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________-
______________________________________________________

UNANG KWARTER PERFORMANCE TASK


POKUS: Nakagagawa ng isang sanaysay batay sa isang panayam tungkol sa aspektong kultural o
lingguwistiko ng napiling komunidad.

MAARING MAGING POKUS:

1. Nakagagawa ng isang kumprehensibong sanaysay tungkol sa aspektong kultural o lingguwistiko


ng napiling komunidad.
2. Nakagagawa ng isang sanaysay tungkol sa kahalagahan ng pagkakaunawaan sa loob ng
pamayanan.
3. Nakagagawa ng isang sanaysay batay sa isang panayam tungkol sa gamit ng wika sa isang
lipunan.

9
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO (GNG.ALPHA RIVERA-JOSE)

10
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO (GNG.ALPHA RIVERA-JOSE)

PAMANTAYAN:
Orihinalidad 20%
Nilalaman/Pagiging makatotohanan at paggamit ng sanligan 40%
Malikhain 20%
Pagsunod sa tamang istruktura ng isang sanaysay 20%

ANG IYONG MARKA:____________________________________________________

11

You might also like