Professional Documents
Culture Documents
Ang Dulang Pilipino Sa Panahon NG Okupasyon NG Mga Hapon
Ang Dulang Pilipino Sa Panahon NG Okupasyon NG Mga Hapon
Hapon (1942-1945)
Ni Cristina R. Rocas
Stud. No. 97-28869
MA Filipino (Panitikan)
PP 261
Pasulat na Ulat
“The public presently noticed that what they saw in these showhouses were not real dramas, but
their mixedup dialogues taken at random here and there and which were staged withsong hits from old
songs of musical films, and also with comical talks that sprang from the imaginatin of Tuging and Puging,
Lopito and Lopita and other theatrical clowns. It was also the public who then looked for legitimate stage
shows and in order to respond to this demand the Dramatic Philippines was organized at Metropolitan
Theater”.[20]
Kung kaya’t bilang tugon sa mga manonood na naghahanap ng mga lehitimong dula
nagsimulang magpalabas ang Dramatic Philippines[21] sa pamumuno ni Narciso Pimentel Jr. noong
Pebrero 2, 1943 (staging area ng grupo ang Metropolitan Theater). Naipalabas ng grupo ang kauna-
unahang mga lehitimong dula ng panahong iyon. Ang dalawang isang yugtong dula ang Sino ba
Kayo? na mula sa iskrip ni Julian C. Balmaseda at isinalin sa tagalog ni Fransico Soc Rodrigo at
ang Help Wanted ni Domingo Nolasco.[22] Napakainit ng pagtanggap ng mga manonood sa
dulang Sino ba Kayo? Kung kaya’t naipalabas ito ng dalawangpu’t walong (28) beses at ang kasamang
pelikula lamang nito ang napapalitan.
Mula 1943 hanggang Enero 1944 ay dalawangpung dula ang naipalabas ng Dranmatic
Philippines sa Metropolitan Theater bilang stage area. Kabilang sa mga dulang ito ay ang mga
sumusunod:
Ang lahat ng mga pagtatanghal sa panahong ito ay nasa ilalim ng sensura ng Japanese
Propaganda Corps gaya ng radyo at ng mga publikasyon. Ang mga iskrip ay kinakailangang ipasa muna
sa mga kinauukulan at tsaka lamang makakapagsimulang mag-rehearse kapag napahintulutan na aito. At
hindi lamang iyon, isang araw bago ang pagtatanghal ay pinapanood pa ito ng mga censors.
Ngunit ayon din kay Dacanay bagaman may mga kahinaang tinataglay ang dulaan sa panahong
iyon ay may mga grupo pa rin na nagsisikap para makapagtanghal ng mga lehitimong dula o produksyon
gaya ng Dramatic Philippines. Sa kabila ng pagbabawal ng mga Hapon sa paggamit ng Ingles ay
binigyang pokus pa rin ng grupo ang pagsasalin ng mga sa Ingles sa Tagalog.
Ang ilan sa kanilang mga proyekto ay ang pagdadaos ng mga patimpalak sa pagsulat ng iskrip
na tumatalakay sa mga paksa ditto sa Pilipinas upang pasiglahin at mapaunlad ang kultura ng bansa sa
kabuuan.
Ang PNT ay naging lunsaran para lumaganap ng husto ang teatro bilang propaganda . Isa na rito
ang mga pagdadaos ng mga iba’t ibang paligsahan na nagbigay-daan sa maraming produksyon ng mga
akdang makabayan. Kabilang dito ang mga awiting Martsa Laurel ni Lucio D. San Pedro; Doon sa Kung
Saan Matamis ang Mangga at Kundiman ng Bayan ni Leon T. Ignacio.[28] Isang patunay lamang na ang
Metropolitan Theater bilang kanlungan ay may malaking kontribusyon sa propaganda.
Ang teatro sa panahong ito ay nagging isang lunan ng mga taong laban sa mga Hapon. Naging
lugar ito kung saan sila nagkakaroon ng malayang komunikasyon ng patago. Sinasabing 80% ng mga
tao sa teatro noong panahong iyon ay kabilang sa anti-Japanaese Underground movement at 15%
naman ang nakikipagtulungan lamang.
Sa kabuuan naging matagumpay ang mga artista ng teatro sa panahong ito sapagkat nailarawan
nila ng sa kanilang mga pagtatanghal ang mga kondisyong panlipunan sa ilalim ng okupasyon ng mga
Hapon. Sa kalaunan ang mga pagtatanghal na ito ay naging propaganda laban sa mga Hapon. Ang mga
gawaing ito ng protesta ng pagtatanghal ay parehong kalahok ang mga gumaganap at ang mga
manonood.
Ngunit hindi rin lamang mga repleksyon ng panlipunan at pang-ekonomiyang kondisyon ang
literature kundi bahagi rin ito ng isang buong sistema ng mga panlipunang ugnayan at moda ng
produksyon na nag-emerge sa pagdaloy ng kasaysayan.
Kung tataluntunin ang ganitong pagbasa maaaring sabihin na ang Condemned! Bilang isang
akdang pampanitikan na nalikha sa panahon ng okupasyon ng Hapon ay produktong iniluwal mismo ng
panitikang nagsasalamin ng mga panglipunan at pang-ekonomiyang kondisyon sa panahong iyon.
Nagsimula sa pagtalakay si Eagleton sa ugnayan ng lipunan at ng superstructure ng lipunan sa
pag-aaral ni Karl Marx at Frederick Engels na Consciousness does not determine life: life determines
consciousness.[34] Sa madaling salita, ang panlipunang kalagayan ng isang tao ay makikita o
madedetermina sa kung paano siya kumikilos, kung paano mag-isip at paano niya ituring ang sarili. Ang
mga ugnayang panlipunan ng mga tao ay nadedetermina sa pamamagitan ng kanilang mga material na
pangangailangan (material necessity).[35] Sa paglipas ng panahon ang dibisyon sa paggawa sa isang
lipunan (mode of production) ay nagbabago.[36]
Sa puntong ito maaaring sabihin na ang isang awtor bilang bahagi ng isang institusyong
panlipunan o superstructure ay may kapasidad na ilarawan ang kairalang panlipunan ng panahon na
kanyang kinabibilangan. At ang akdang pampanitikan na kanyang iniluwal na sumasalamin sa
panglipunan at pang-ekonomiyang kalagayan ng kanyang bansa ay maaaring magdetermina ng posisyon
ng manunulat sa lipunan. Sa kaso ng dulang Condemned! Makikita ang isang depektibong paglalarawan
sa buhay ng isang ordinaryong tao. Mapapansin na hindi gagap ni Wilfrido Ma. Guerrero ang kilos, ugali
at gawi ng masa tulad ng kanyang nais na talakayin sa karakter ni Pablo Gonzales sapagkat mas gamay
niya ang pagtalakay sa middle-class sapagkat siya’y pabilang sa antas na ito. Ang mga katangiang
tinataglay ng tauhang si Pablo Gonzales ay ang persepsyon ni Wilfrido Ma. Guerrero ng isang
indibiduwal na mula sa mababang antas ng lipunan. Makikita ito sa mariin niyang pag-giit sa dula ng
kahalagahan ng edukasyon sa isang tao, ang pagiging intelektuwal ay isa lamang sa mga determinant
factor ng isang middle class. Isa pang salik na tinutukoy ni Guerrero ay ang pagkakaroon ng takot sa
Diyos at relihiyoso na sinasabing wala sa isang di-aral sapagkat padalos-dalos sa mga kilos at gawi at
lalong walang takot sa Diyos.
Ang dulang Condemned! Ay nasa orihinal sa Ingles ngunit dahil sa panahong iyon ng pananakop
ng mga Hapon, para maitanghal ay isinalin muna ang iskrip sa Tagalog bilang Salarin!Noong 27
Nobyembre 1943 sa Capitol theater sa direksyon ni Fernando Poe Sr. Isinagawa ito sa kadahilanang
pinagabawal nang mga Hapon ang paggamit ng Ingles bilang wika sa mga performance text o teksto sa
pagtatanghal. Ngunit kapansin-pansin ang pagiging eskapista ng tema ng dula sa kadahilanang wala
itong pagtalakay sa realidad --- sa tensyon o pakikibaka ng mga Pilipino sa mga mananakop na Hapon.
2) Buenaventura,
Cristina-Laconico. The Theater in Manila (1846-1946). Manila:
De la Salle University Press, 1994.
Ang mga patunay ng panggagahasang ito ay ang mga salaysay ng mga comfot women sa panahong
iyon. Ang mga kaugnay na babasahin para ditto ay ang salaysay ni Nana Rosa, na inilantad ang kanyang
karanasan sa publiko.
[2] Kabilang sa mga strategic raw materials na ito ay ang mga minerals, ores abaca at mga agricultural
produce gaya ng lumber---ang lahat ng ito ay kinakailangan sa pagpapalakas ng kanilang depensa.
[3] Barte, Gina V.ed. Panahon ng Hapon (Sining sa Digmaan, Digmaan sa Sining). Metro Manila:
Sentrong Pangkultura ng Pilipinas, 1992.11.
[4] Ang nagbibigay ng lahat ng mga pag-uutos ay ang Japanese Military Administration.
[5] Barte, Gina V.ed. Panahon ng Hapon (Sining sa Digmaan, Digmaan sa Sining). Metro Manila:
Sentrong Pangkultura ng Pilipinas, 1992.12.
[6] Naglatag ng mga hakbang tungo sa pagtatatag ng isang Bagong Pilipinas ang commander-in-chief ng
Japanese Military Forces ditto sa Pilipinas, si Lt. General Masaharu Homma na sa tingin niya ay
makatutulong sa pagkakaisa ng mga Hapon at Pilipino.
[7] Barte, Gina V.ed. Panahon ng Hapon (Sining sa Digmaan, Digmaan sa Sining). Metro Manila:
Sentrong Pangkultura ng Pilipinas, 1992.12.
[8] Ibid.
[9] Isa lamang ito sa mga polisiya upang magkaroon ng kabuuang ideya, maaaring tignan ang aklat na
“Panahon ng Hapon (Sining sa Digmaan, Digmaan sa Sining).
[10] Hindi lamang sa mga paaralan itinuro ang Niponggo maging sa mga pribado at pampublikong mga
opisina ay mayroon din mga special classes. Naglaan din ng mga special Niponggo section sa mga
diyaryo. Pinalitan din ang mga pangalan ng mga kalsada, tulay at mga plasa gaya ng Dewey Boulevard
na pinangalanang Heiwa Boulevard; ang Jones Bridge ay tinawag na Banzai Bridge;at ang Taft Avenue
ay tinawag namang Daitoa Avenue at iba pa. Marami rin mga lektyur tungkol sa kulturang Hapon na
maririnig sa mga radyo at mga artikulo na nalalathala sa mgfa diyaryo at magasin.
[11] Tanghalang Pilipino ang ginamit ko ditto katumbas ng Filipino Stage Ito ay batay lamang sa sariling
pagtataya sa paggamit ng angkop na salita at kung paano ko ito naunawaan.
[12] Tinawag na illegitimate stage ng mga tradisyunal. Noong dumating ang mga Amerikano ang tinawag
ditto ay bodabil mula sa vaudeville ng Amerika ngunit ng lumaon ay nagging stageshow sa panahon ng
Hapon.
[13] Si Carpi ay isang Italian national na may sariling tropa na naglilibot sa Asya para magtangal ay na-
stranded sa Pilipinas gawa ng digmaan. Ikinulong siya ng mga oisyales na Amerikano bilang kalaban ng
bansa ngunit sa panahon ng Hapon ay pinalaya siya at inatasan na mag-organisa ng isang revue
company. Naalala kasi ni Hidemi Kon ang palabas nina Carpi sa Japan noong 1930’s.
[14] Julian C. Balmaseda, “Philippine Drama”, papel na nasusulat sa orihinal sa Pilipino at binasa sa
Institute of National Language, noong 8 Setyembre, 1943.p.317.
[15] Mayroon itong dalawang show araw-araw. Ang unang show ay nagsisimula ng alas-2 ng hapon at
ang ikalawa naman ay alas-4 ng hapon. Ang mga vaudeville fantasies na naipalabas noong 1942 sa
Metropolitan theater ay ang mga sumusunod:
Tango Fantasy, Oriental Stories, Rancho Grande, Toy House, Hawaiian Charms, Lady of the Fan, Guard
of the Queen, Babes in Joyland, Cuban Rhythms, Siamese Fantasy, Cuban Fantasy, Pearl of the Orient,
Argentine Nights, Gypsy Melodies at Pharaoh’s Dream. Ang mga ito’y itinanghal upang mapunan ang
kawalan ng pelikula ngunit ng lumaon ay naging maunlad.
[16] Tiongson, Nicanor G.ed. Philippine Theater. Vol.7 of CCP Encyclopedia of Philippine Arts. 10 vol.
Manila: Cultural Center of the Philippines, 1994.
[17] Ang pagkakaroon ng bagong management nito ay nagdulot ng malaking pagbabago sa mga palabas
nito.
[18] Buenaventura, Cristina-Laconico. The Theater in Manila (1846-1946). Manila: De la Salle University
Press, 1994. 148.
[19] Ibid.
[20] Julian C. Balmaseda, “Philippine Drama”, papel na nasusulat sa orihinal sa Pilipino at binasa sa
Institute of National Language, noong 8 Setyembre, 1943.p.318.
[21] Ibid.
[22]Ang mga manonood ng araw na iyon ay nakaranas ng isang hitik na hitik na araw ng lingo sapagkat
bukod na sa dalawang dula ay sinundan pa ito ng isang pelikula ng Hollywood ang Backstreet at ang isa
pang oras ng programa ng light classics ng Philharmonic Promenade. Ang ticket ay nagkakahalaga ng 30
centavos para sa balcony seats, 60 centavos para sa orkestra at 1.00 php para sa loge seats.
[23] Barte, Gina V.ed. Panahon ng Hapon (Sining sa Digmaan, Digmaan sa Sining). Metro Manila:
Sentrong Pangkultura ng Pilipinas, 1992.127-136.
[24] Ibid.
[25] Ibid
[26] Ibid.
[27] Ibid.
[28] Ang pagtatanghal ng mga awiting nagwagi sa patimpalak ay pinamunuan ng PNT sa Metropolitan
Theater noong 30 Nobyembre 1943. Sa naturang okasyon ay nagbasa ng tula si Amado V. Hernandez na
may pamagat na Ang mga Naglamay sa Dilim ng Gabi. Sinundan ng pagtatanghal ng romantikong dula,
ang Bayan Ko na tungkol sa pakikibaka ng mga Pilipino laban sa Espanya para sa kalayaan.
[29] Ginawang katatawanan ang mga Hapon sa pamamagitan ng pagpuno sa braso ng mga relo at ito ay
sa direksyon ni Climaco na nagdulot ng kanyang pagkakakulong sa loob ng 31 araw sa Fort Santiago.
[30] Barte, Gina V.ed. Panahon ng Hapon (Sining sa Digmaan, Digmaan sa Sining). Metro Manila:
Sentrong Pangkultura ng Pilipinas, 1992.127-136.
[31] Eagleton, Terry. “Literature and History”. Marxism and Literary Criticism. University of California
Press, 1976. 1-19. Report in Contexts for Criticism. Ed. Donald Keesey. 3rd. ed. Mountain View, CA:
Mayfield, 1998. 460-67.