You are on page 1of 267

PANITIKANG FILIPINO SA

BAWAT PANAHON

1
“Magkaugnay ang kasaysayan at
panitikan”
“Sinasabing ang panitikan ay
buhay, buhay-buhay at
pamumuhay”
“Hindi maaaring maihiwalay ang
panitikan sa kasaysayan”
PANITIKAN SA PANAHON NG MGA
KATUTUBO
“Ayon sa mga mananalaysay at mga
misyonerong Kastila, ang mga ninuno
natin ay may sarili nang kabihasnan
bago pa man dumating ang mga Kastila
sa ating kapuluan”
Mayroon na silang:
• sariling batas;
• sariling pamahalaan;
• pananampalataya;
• sining;
• panitikan; at
• wika
Kinahiligan ng ating mga ninuno ang:
• pagtula;
• pag-awit;
• pagsasadula; at
• paghabi ng mga salaysay
ANG MGA NEGRITO
• Unang nanirahan sa Pilipinas
• May mga awitin at pamahiin na kalasag
nila at pampalakas ng loob sa
pakikipagsapalaran sa buhay
ANG MGA INDONES
• Kauna-unahang nandayuhan sa Pilipinas
• May sariling sistema ng pamahalaan
• Marunong magbungkal ng lupa, magtanim
at magluto ng kanilang pagkain
• May dalang sariling panitikan tulad ng
epiko, kuwentong bayan, pamahiin,
alamat at pananampalatayang pagano
• Pinaniniwalaang ninuno ng mga Ifugao
ANG MGA MALAY
• May pananampalatayang pagano at mga
awiting panrelihiyon
• Alpabetong Alibata
• May dalang alamat, epiko, kuwentong
bayan at mga karunungang bayan
• Dala ang sariling sistema ng pamahalaan
na tinawag na ‘Balangay’
ANG MGA INTSIK
• “Manggugusi” (unang pangkat na buhat sa
Fukien, China)
• Ikalawang pangkat ay nagbuhat sa Mae
China
ANG MGA BUMBAY
• May mga dalang epiko at mahika (unang
pangkat)
• Epiko, awiting bayan at mga liriko
(ikalawang pangkat)
ANG MGA ARABE AT PERSIYANO
• May dalang epiko, dula, alamat at
kuwentong bayan
• Nanirahan sa Mindanao at Sulo
PANAHON NG KUWENTONG
BAYAN
• Ang ilang kwentong bayan ay nasusulat sa
tula at ang iba'y sa tuluyan.
• Kabilang sa panahon ng kwentong bayan ang mga
sumusunod:
(1) kwentong bayan gaya ng mito, alamat at
salaysayin (folktales)
(2) kantahing-bayan
(3) karunungang bayan
(4) bulong
• MITO-pasalaysay na tuluyan, karaniwang
nauugnay sa teolohiya at ritwal kaya't
itinuturing na sagrado.
• ALAMAT- isa ring pagsasalaysay na
tuluyan na nagsasaad ng pinagmulan
• SALAYSAYIN- nabibilang dito ang mga
pabula, mga kwentong engkantado,
panlilinlang, kapilyuhan, katusuhan,
katangahan atbp.
• KARUNUNGANG-BAYAN
-ang ganitong uri ng panitikan ay
karaniwang ginagawa sa mga kasalan,
pistahan, binyagan at paglalamay sa yumao
a. BUGTONG-isang uri ng palaisipan na sa
pamamagitan ng paglalarawan ng isang
bagay ay pumupukaw ng kaisipan ng taong
sasagot. Kapapansinan ito ng pagkakaroon
ng sukat, tugma at talinghaga.
Ang dalawa'y tatlo na
ang maitim ay maputi na
ang bakod ay lansag na
Dalawang tindahan
sabay na binuksan
Di madangkal, di madipa
pinagtulungan ng lima
Nang wala pang ginto ay noon nagpalalo
Nang magkagintu-ginto ay saka pa sumuko
b. SALAWIKAIN AT KASABIHAN
Salawikain- nagpapahayag ng aral at
siyang nagiging batayan ng magandang
pag-uugali.
Kasabihan- ay gumagamit ng mga
talinghaga.
c. MGA BULONG- May iba't ibang gamit ang
bulong. Ginagamit ito sa pang-engkanto, sa
pangkukulam, sa panunumpa, sa
pagpapagaling ng maysakit at sa paggalang
sa mga hindi nakikitang espiritu at anito.
PANAHON NG EPIKO
EPIKO- mahabang tulang pasalaysay na
nagpapakilala ng pakikipagsapalaran at
kabayanihan ng mga tauhan. Ang
pinakapaksa nito'y di-makatotohanang
pangyayari o supernatural na gawain.
Sa iyong palagay, mayroon na bang dula
noong panahon ng katutubo?
PANITIKAN SA PANAHON NG
KASTILA
A. MGA AKDANG
PANRELIHIYON
• Doctrina Christiana en lengua española y tagala
• De Los Misterios del Rosario Nuestra Señora Tagalice
• Barlaan at Josapaht
• Ang Pasyon
• Mga Dalit, Imno at Awit
• Mga Buhay-buhay ng mga Santo't Santa
Doctrina Christiana en lengua
española y tagala (1593)
• Isang aklat na kinatitipunan ng mga dasal na
nasulat sa Kastila at nilapatan ng salin sa
Tagalog. Ito'y sinulat ni P. Domingo Nieva at P.
Juan de Plasencia
• Unang aklat na nailimbag sa Pilipinas
De Los Misterios del Rosario
Nuestra Señora Tagalice (1902)
• Isinulat ni P. Francisco de San Jose, lalong kilala sa
Blancas de San Jose sa tulong ni Juan de Vera
BARLAAN AT JOSAPAHT
(1708 at 1712)
• Mula sa salaysay sa Bibliya, isinalin ni P. Antonio
de Borja
ANG PASYON
• Isang salaysay patula tungkol sa buhay ni Hesus
mula sa kanyang pagsilang hanggang sa
pagkapako sa Kanya sa krus.
• Ang unang Pilipinong sumulat ng pasyon ay si P.
Gaspar Aquino Belen noong 1704
MGA DALIT, IMNO AT AWIT
• Karaniwang ginaganap sa tuwing sasapit ang
Mayo.
Halimbawa:
Papuri sa Mahal na Birhen
• Si Padre Mariano Sevilla ay sumulat ng papuring
pinamagatang "Flores de Mayo".
MGA BUHAY-BUHAY NG MGA
SANTO'T SANTA
• -sinulat ng mga Kastila upang ang mga ito'y
maging halimbawa ng mga tao.
B. MGA AKDANG PANGWIKA
1. MGA AKDANG
PAMBALARILA/GRAMATIKA
• Arte y Reglas de la Lengua Tagala ni Francisco
Blancas de San Jose (1610)
• Compendio del Arte de la Lengua Tagala ni P.
Gaspar de San Agustin (1703)
• Arte de la Lengua Tagala y Manuel Tagala ni P.
Sebastian de Totanes (1745)
• Ensayo de Gramatica Hispano-Tagalo ni P. Toribio
Minguella
• Lecciones de Bramatica Hispano-Tagalo ni P. Jose Hevia
• Arte de la Lengua Iloco ni P. Francisco Lopez (1627)
• Arte de la Lengua Pampanga ni P. Diego Bergaño
2. MGA DIKSYUNARYO AT
BOKABULARYO
• Vocabulario Tagala ni Miguel Ruiz
• Vocabulario de la Lengua Tagala ni Padre Domingo de los
Santos (1703)
• Vocabulario de la Lengua Tagala (1754) sinulat nina Padre
Juan de Noceda at Padre Pedro de San Lucar
• Diccionario Hispano-Tagalo (1889) ni Pedro Serrano
Laktaw
• Vocabulario de la Lengua Pampanga (1732) ni Diego
Bergaño
• Vocabulario de la Lengua Bicol (1754) ni Marcos Lisboa
• Vocabulario de la Lengua Iloca (1630) ni Francisco Lopez
MGA UNANG PILIPINONG
NAGSULAT GAMIT ANG WIKANG
KASTILA AT BERNAKULAR
• Fernando Bagongbanta
• Tomas Pinpin
• P. Suarez-Osorio
• Phelipe de Jesus
JOSE DELA CRUZ
• Huseng Sisiw
• MGA AKDA:
Mga Tulang nagsasaad ng pag-ibig
a. Singsing ng Pag-ibig
b. Awa sa Pag-ibig
FRANCISCO BALAGTAS
• Naging tanyag sa larangan ng pagtula
• Umibig kay Maria Asuncion Rivera ang
babaeng pinaghandugan niya ng tulang
Florante at Laura
MGA AWITING BAYAN
• Karamihan ay nagmula sa pakikitungo ng mga tao sa
kanilang kapaligiran.
HALIMBAWA:
Paruparong Bukid
Bahay Kubo
Magtanim ay Di Biro
Sarung Banggi
MGA AWIT AT KORIDO
• Mga patulang salaysay na nahabi sa kulturang
Pilipino.
• Ang mga kwento nito ay inawit-awit ng mga
mang-aawit na manlalakbay na sinasaliwan ng
gitara upang maging kaakit-akit pakinggan
AWIT
• May labindalawang pantig sa bawat
taludturan at may himig na marahan ang
kumpas
KORIDO
• May walong pantig at may himig na
mabilis ang kumpas
ANG DULA SA PANAHON NG
KASTILA
SENAKULO
• Kantadang paraan ng pagsasadula ng
pasyon
• Itinatanghal sa loob ng 7-9 na araw tuwing
Mahal na Araw sa isang bukas na
tanghalan o sa sabungan
SALUBONG
• Pinakahuling dula sa panahon ng Semana
Santa
• Ginaganap kung madaling-araw ng Linggo
ng Pagkabuhay at ang paksa ay ang
pagtatagpo ni Maria at ang nabuhay na
Kristo.
MORIONES
• Isinasadula rin ang kasaysayan ni
Hesukristo- mula nang siya ay arestuhin ng
mga senturyong Romano hanggang sa
kanyang kamatayan sa Kalbaryo.
TIBAG
• Pagtatanghal kung Mayo, ito ay hindi ginaganap
sa entablado
• Ang paksa ay hango sa matandang kasaysayan
ng Turkiya ng salakayin ng mga Muslim at
ipagtanggol ito ni Constantino na hari ng
Imperyo ng Roma sa Silangan.
MORO-MORO/KOMEDYA
• Dulang halaw sa "comedia de la capa y espada"
• Ipinakikita ang pagdidigmaan ng mga Kristiyano
at Muslim dahil sa pag-ibig sa isang prinsesang
Kristiyano
ANG PANUNULUYAN
• Dulang panlansangan
• Ginaganap kung bisperas ng kapaskuhan
• Ang paksa ng drama ay ang paghahanap ng
matutuluyan nina Jose at Maria na
manganganak sa Manunubos
SARSUWELA
• Dulang may awitan at sayawan sa paraang patula at/o
tuluyan na may 1-5 yugto.
• Tumatalakay ito sa mga kahumalingan ng romantikong
pag-iibigan na kadalasa'y pinapasukan ng mga
makabuluhang isyung sosyo-pulitikal, ekonomiko at
kultural na kasalukuyang nararanasan
SARSUWELA
• Hindi katutubo ang sarsuwela
• Ito'y pinagsanib na anyo ng iisahing
saynete ng Pilipino at ng zarzuela ng
Kastila
KARILYO
• Pagtatanghal ng mga kardboard na
hinugisan ng tao, at iba pang korteng
kailangan sa pagsasalaysay na
pinagagalaw sa likod ng puting tabing at
naiilawan sa harapan.
DUPLO
• Ang paksa ng pagsasadula ay umiinog sa
loro ng hari na nakawala sa hawla sa
halamanan o kaya'y ang loro ay
natagpuang patay
KARAGATAN
• Ang mga kalahok ay nagpapaligsahan
nang patula
• Ang paksa ay umiinog sa pagkawala ng
singsing ng isang dalaga at ang
paghahanap sa nawawalang singsing
PANITIKAN SA PANAHON NG
PAGKAMALAY, PROPAGANDA
AT HIMAGSIKAN
“Ang kalayaan ay tulad ng tubig na ilagay mo sa
iyong palad at kuyumin mo’t ito’y tutulo at pilit na
hahanap ng butas. Kagaya rin ito nang hininga na
kapag iyong ininis ay tiyak na magwawalang pilit
at magpupumiglas”
SANHI NG PAGKABUO AT
PAGLAGANAP NG DAMDAMING
MAKABAYAN:
• Paniniil at pagsasamantala ng mga
maykapangyarihang Kastila
• Paghamak sa mga Pilipino
• Suliranin sa sekularisasyon
• Maling pamamalakad ng pamahalaan at
simbahan
• Pagbubukas ng Pilipinas sa pandaigdigang
kalakalan
• Pagkakabuo ng gitnang-uri (middle class)
• Pagpasok ng diwang liberal
• Pagkakaroon ng liberal na gobernador
• Pag-aalsa sa arsenal sa Cavite
• Pagpatay sa tatlong pari
PEBRERO 17, 1872
• Nahatulang bitayin sa garote ang tatlong
pari na sina Jose Burgos , Mariano Gomez,
at Jacinto Zamora at ilan sa mga
mamamayang Pilipino.
KILUSANG PROPAGANDA
• Hindi tahasang mapanghimagsik ang mga
propagandista kundi hinihiling lamang nila ay
pagbababago. Hindi rin nag hangad lumabag sa
batas o lumaban sa maykapangyarihan at hindi
rin paghiwalay sa Espanya kundi ang tanging
hangarin ay magkaroon ng mga pagbabago
MGA REPORMANG HINIHINGI
NG KILUSANG PROPAGANDA
1. Sa harap ng batas ,kailangang pantay-pantay
ang pagtingin sa Pilipino at Kastila.
2. Maging lalawigan ng Espanya ang Pilipinas.
3. Sa kortes sa Espanya , kailangang ibalik ang
pagkakaroon ng kinatawang Pilipino.
4. Maging mga Pilipino ang mga kura paroko.
5. Ang pagkakaroon ng kalayaang pangkatauhan
ng mga Pilipino sa pamamahayag, pananalita,
pagtitipon at pagpupulong at gayon din sa
paghiling ng katarungan sa kaapihan
MGA MANUNULAT
1. Jose Rizal
2. Marcelo H. del Pilar
3. Graciano Lopez Jaena
4. Mariano Ponce
5. Jose Ma. Panganiban
6. Pedro Paterno
7. Antonio Luna
8. Pedro Serrano Laktaw
9. Isabelo Delos Reyes
10. Pascual Poblete
PANITIKAN SA PANAHON NG
HIMAGSIKAN
HIMAGSIKAN LABAN SA KASTILA
• Bigo ang mga hangarin ng mga propagandista.
Bingi ang pamahalaang Kastila sa mga
kahilingan sapagka’t noong mga panahong iyon
ay abala sa pansariling suliranin ang Espanya.
• Ipinadala sa Dapitan si Jose Rizal sanhi ng ang La
Liga Filipina, isang samahang sibiko ay
pinaghihinalaang samahang mapaghimagsik.
• Noong gabi nang napabalitang ipinadala sa Dapitan si
Rizal, sina A. Bonifacio, Valentin Diaz, Teodoro Plata,
Ladislao Diwa, Deodato Arellano at iba pang
kasamahang may damdaming makabayan ay lihim na
nagpulong noong Hulyo 7, 1892 sa isang tahanan sa daang
Azcaraga, malapit sa Tondo.
• Dahil dito, naitatag ang Kataas-taasang
Kagalang-galang na Katipunan nang mga Anak
nang Bayan ( KKK ) o katipunan. Ito’y
nagtataglay ng tatlong layunin; Pampulitika,
Moral, Sibiko.
MGA KILALANG MANUNULAT
• ANDRES BONIFACIO
• EMILIO JACINTO
MGA AKDA
ANYONG PATULA
1. Walang Katapusang Hibik ng Pilipinas ni Andres
Bonifacio
2.Pag-ibig sa Tinubuang Lupa ni Andres Bonifacio
3.Sa Anak ng Bayan ni Emilio Jacinto
ANYONG TULUYAN
1. Ang Dapat Mabatid ng mga Tagalog ni Andres
Bonifacio – Ito’y isang panawagan sa kanyang mga
kababayang gamitin ang isip at talino upang lubos
na makamtan ang minimithing kalayaan.
2. Katipunang Mararahas ng mga Anak ng Bayan ni
Andres Bonifacio – Ito’y isang panawagan sa
kanyang mga kababayabg ihanda ang kalooban sa
pakikipagtunggali at ang pag asang
mapagtagumpay ay makakamtan sapagkat nasa
kanila ang katwiran at mga kabanalang gawa.
3. Mga Aral ng Katipunan ng mga Anak ng Bayan ni
Emilio Jacinto – Ito’y ang Kartilyong napapalooban
ng mga kautusan sa mga kasanib na katipunan.
4. Ang Liwanag at Dilim ni Emilio Jacinto- Ito’y ang
kalipunan ng mga Sanaysay ni E. Jacinto na
napapalooban ng mga iba’t ibang mga paksain,
tulad ng kaapatan , kalayaan , pagpapantay-
pantay, paggawa, paniniwala, pamahalaan, at
pag- ibig sa bayan.
5. Pahayag ni Emilio Jacinto – Ito’y isang
manipestong nango-aakit sa kanyang mga
kababayang ipaglaban ang mga karapatan upang
makamtan ang kalayaan at tuluyang humiwalay sa
Inang Espanya.
HIMAGSIKAN LABAN SA MGA
AMERIKANO
MGA KILALANG MANUNULAT
APOLINARIO MABINI – isinilang sa isang
maralitang angkan sa Talaga, Tanawan ,Batangas
noong Hulyo 22, 1864.
JOSE VELASQUEZ PALMA – isinilang sa Tondo ,
Maynila noong Hunyo 6, 1876. Siya’y kapatid ni
Rafael Palma na naging pangulo ng Unibersidad ng
Pilipinas.
PANAHON NG MGA
AMERIKANO
Ang panahon ng Amerikano sa Pilipinas
ay nagsisimula sa taong 1889 kung saan
pormal na inilipat ng mga KASTILA ang
pamamahala ng bansa sa mga Amerikano.
PANITIKANG PATULA
Ang tula ay ginagawang paraan ng
pagpapahayag at pagpapalutang ng mga
damdamin , papuri, paghanga ,
pakikipagtalo , pag awit , at pag-ibig.
Ang kilalang nobelista at makata na si
Lope K. Santos ay nagsaad na ang tula ay
dapat na nagtataglay ng apat na
mahahalagang sangkap – 1) ang tugma, 2)
kariktan, 3)sukat, at 4) talinghaga.
A. TULANG PANGKALIKASAN
Ang kalikasan ay napakahalaga ito’y
may kaugnayan sa mundong ating
ginagalawan. Maraming manunulat ang nag-
ukol ng sapat na panahon para sa paghabi
ng tulang pangkalikasan.
Dito’y nababanggit sina Jose Corazon de
Jesus na sinulat ang “ Ang Bato”; Lope K.
Santos sa “ Ang Bundok”; Amado V.
Hernandez sa kanyang “ Ang Panahon”
B. TULANG
PANDAMDAMIN/TULANG
LIRIKO
SONETO
Ang katangian nito ay ang pagtataglay
ng labing-apat na taludtod; natutungkol sa
kaisipan at damdamin; at nagbibigay ng aral
sa mga mambabasa. Kilalang manunulat ngb
soneta ay si Fernando B. Monleon.
ELEHIYA
Tungkol sa kamatayan ang damdaming
ipinapahayag nito o kaya naman ay
pananangis sa paggunita sa isang pumanaw
o sumakabilang buhay na.
C. TULANG PASALAYSAY
Ang ganitong uri ng tula ay nagsasaad
ng pag-uulat ng mga bagay - bagay o mga
pangyayari sa pamamagitan ng berso.
Si Pedro Gatmaitan ang unang sumulat
ng ganitong uri , sa tula niyang “KASAL”.
D. TULANG PANDULAAN
Sa panahon ng Bagong Mananakop ay
naging malakas ang hila ng tanghalan. Sa
tulang pandulaan ay lumutang ang
balagtasan at naging lubhang palasak.
BALAGTASAN
Ay isang masining na pagtatalong patula na
karaniwang ginaganap sa tanghalan.
BATUTIAN
Itinatanghal bilang parangal kay Jose
Corazon de Jesus ( Huseng Batute)
PAGPUPUTONG
Naging isang magandang bunga ng
panitikan sa panahon ito ang pagpuputong
na kilala rin sa katawagang Koronasyon.
PANITIKANG TULUYAN
SANAYSAY
Ay nagsasaad ng mga pala-palagay o
opinyon ng manunulat tungkol sa isang
paksa. Ang sanaysay ay maaring malaya at
maanyo
MAIKLING KUWENTO
Maikli ang panahong sinasakop pagkat
maigsi ang mga pangyayari at kakaunti ang
tagpo. Ang tinatalakay nito ay
mahahalagang pangyayari sa buhay ng
pangunahing tauhan.
MGA KATANGIANG TAGLAY NG
MAIKLING KUWENTO
• May orihinalidad o likas
• Napapanahon ang paksa
• May kaisahan
• May paggalaw o pagkilos
• Higit sa lahat , dapat ay maikli.
NOBELA/KATHANG BUHAY
Kathang sumasakop sa mahabang
panahon pagkat maraming mga
pangyayaring nailalahad.
DULA
Nagsasaad ng isa o higit pang
pangyayari na ginagampanan ng isa o
dalawang pangunahing tauhan at iba pang
katulong na tauhan at karaniwang
itinatangal sa tanghalan na matakpan.
PANITIKAN SA PANAHON NG
HAPON
Ang Pilipinas ay sinakop ng mga Hapones noong
1941,hanggang 1945.Masasabing ang panahon na ito ang
nagdulot ng malaking pagbabago sa pamamaraan ng mga
manunulat.Dumagsa ang mga manunulat sa Filipino sa
dahilang ang mga manunulat sa Ingles ay nagsilipat sa
pagsulat sa Filipino.
TULA
• Maikli
• Namayani ang mga tulang may malayang
taludturan walang sukat at kadalasa’y walang
tugma.
• Marami ang gumagad sa haikku.
• Nagtataglay ng talinghaga
SANAYSAY
• Ang sanaysay na ito ng panitikan ay
pinagtangkaang paunlarin noong unang
panahon ng Hapon ng isang Hapones na si Knichi
Ichikawa.Sinundan ito nina Maria Luna Lope,
Lina Flor, Emilio Aguilar Cruz at iba pa.
• Nagsisulat din ng sanaysay sina Gemiliano Pineda,
Florencia Garcia, Maria Mabanglad, at Okakura Tensin.Sa
sanaysay na pampulitika, panlipunan at pangkabuhayan
mga matutunog na pangalan ay ang Claro M. Recto,
Camilio Osias, Manuel C. Briones, Pedro Aunario, Arturo
M. Tolentino, Jose P. Laurel, Gregorio F. Zaide, at Luis
Montilla.
MAIKLING KUWENTO
• Naging maunlad ang mga maikling kwento nang
panahon ng Hapon sa dahilang pati nagsisisulat ng
nobela ay nagsulat na rin ng maikling kwento.Kabilang
sa mga ito ay sina: Brigido C. Batungbakal,Macario
Pineda, Serafin Guinigundo, Liwayway Arceo, Narciso
Reyes, NVM Gonzales, Alicia Lopez Lim, Ligaya Perez,
Gloria Guzman at iba pa.
• Ang mga sumusunod ay nagwagi ng gantimpala.
• Unang Gantimpala- Lupang Tinubuan ni Narciso Reyes
• Pangalawang Gantimpala- Uhaw ang Tigang na Lupa ni
Liwayway Arceo
• Pangatlong Gantimpala- Lungsod,Nayon at Dagat-
dagatan ni N.V.M Gonzales
NOBELA
• Walang gaanong nobelang naisulat noong
panahon ng Hapon.Ito’y dahil sa kakapusan ng
papel.Ang ilan sa mga nobelang nalathal ay
ginamitan ng napakaliit na titik o tipo,isang
katunayan ng pagtitipid sa papel.
• Ang isa sa nobelang nailathala noong panahon
ng Hapon ay ang: “TATLONG MARIA” ni Jose
Esperanza Cruz at “LUMUBOG ANG BITUIN” ni
Isidro Zanaga Castillo.
DULA
• Nang huling bahagi ng panahon ng
Amerikano,nawala ang dula dahil sa paglabas ng
mga pelikula.Ipinasunog ng mga Hapones ang
mga ito.Dahil dito ang mga manunulat ng dula
ay muling nagbalik sa mga mamamayan.
• Kinalugdan ang pagpapalabas sa maliliit at
malalaking teatro tulad ng Avenue, Life, Manila
Grand Opera House atbp.Itinatag ang “Dramatic
Philippines” ni Francisco Sycip at ang mga
nagtapos sa Ateneo de Manila tulad nina Narciso
Pimentel, Francisco Soc Rodrigo, at Alberto Cacnio
• Sinikap nilang mabigyan ng mahuhusay na dula
ang mga tao subalit ang balakid ay ang kawalan
ng kalayaan sa pananalita o pagsasalita.
MGA DULA AT MANUNULAT
• Isa sa pangunahing mandudula noon ay si Julian
Cruz Balmaceda ang may akda ng “Sino Ba
Kayo” na tinanghal ng Dramatic Philippines sa
Metropolitan Theatre sa pamamahala ni Narciso
Pimentel Jr.
• Sinulat ni Jose M. Hernandez ang isang
kasaysayang dulang may tatlong yugto,”Panday
Pira”.Ang mga dula ng panahon ng Hapon ay
itinanghal sa Avenue Theatre sa pangangasiwa ni
Lamberto Avellana at sa State Theatre ni Ramon
Stella.
PANITIKAN SA INGLES
• Maunlad na sana ang panitikan sa Ingles lalo pa nga at
nauso ang talkies o pelikula noong panahon ng
Amerikano. Subalit nang dumating ang mga hapones
ito’y tila araw na kasisikat pa lamang ay biglang
lumubog sapagkat mahigpit na pinagbawal ng mga
Hapones ang pagsulat at pagtatanghal ng mga akda sa
Ingles.
• Ang mga manunulat sa Ingles ay nagsipagtago at ang
mga namulat lamang ay yaong mga nasa Estados Unidos
tulad ni Jose Grcia Villa na nagpalathala ng kanyang
tulang Have Come Here, at si Carlos Bulosan na
nagpalathala ng Chorus for America and Letter from
America noong 1942 at sinundan pa ng kanyang maiksing
kwentong “The Laughter of my Father”
• Nanguna sa pagsulat ng sanaysay ay si Carlos P. Romulo
na naglathala ng kanyang pinakatanyag na aklat sa
Amerika “I Saw The Fall of the Philippines” noong 1942 at
iba pang akda tulad ng “Mother America”(1943-1946),
“My Brother America”1945 at “I see the Philippines
Rise”1946
PANITIKAN SA KASALUKUYAN
• Panahon ng Liberasyon/ Panahon ng
Pagpapalaya
• Panahon ng Aktibismo
• Panahon ng Batas Militar at Bagong Lipunan
• Panahon ng Lakas ng Bayan Hanggang sa
Kasalukuyan
• Ayon kay Clodualdo del Mundo, kilalang
manunuri ng panitikan, ang kasalukuyang
panahon ng Panitikang Pilipino ay
nagsimula noong 1941
• Hulyo 4, 1946 nang ibaba sa tagdan ang
bandilang Amerikano at iwagayway
naman ang bandilang Pilipino
A. PANITIKAN SA PANAHON NG
LIBERASYON
MGA MANUNULAT
• Jorge Bocobo
• NVM Gonzales
• Jose Garcia Villa
• Zoilo Galang
• Angela Manalang Gloria
• Zulueta de Costa
ANG PANITIKANG PATULA SA
PANAHON NG LIBERASYON O
PANAHON NG PAGPAPALAYA
• Pinaksa ng panulaan sa panahong ito ang pag-
ibig at pagpuri sa bayang tinubuan, sa kalayaan
at mga bayani ng lahi.
• “Ang Bayan Ko’y Ito” ni Jose Villa Panganiban
• “Ako’y Lahing Kayumanggi” at “Mutya ng
Silangan” ni Aniceto F. Silvestre
• “Ako ang Daigdig” ni Alejandro Abadilla
• “Alamat ng Pasig” ni Fernando B. Monleon
MGA KILALANG MANUNULAT
NG AKDANG PATULA
• Amado V. Hernandez
• Teodoro Gener
• Cirio H. Panganiban
• Ildefonso Santos
ANG PANITIKANG TULUYAN SA
PANAHON NG LIBERASYON O
PANAHON NG PAGPAPALAYA
• MAIKLING KWENTO- dalawang uri ng
maikling kwento ang nabasa sa panahong
ito: ang mga uring komersiyal at ang mga
pampanitikan
• “Kwento ni Mabuti” ni G. Edroza
• “Mabangis na Kamay… Maamong Kamay”
ni P.S. Dandan
• “Planeta, Buwan at mga Bituin” ni E.P.
Kapulong
• “Ako’y Isang Tinig” ni Genoveva Edroza
• “Mga Piling Sanaysay” ni Alejandro G.
Abadilla
• “Ang Maikling Kathang Tagalog” ni
Alejandro Abadilla
• KATIPUNAN NG MGA NAISULAT NA
SANAYSAY:
1. “Mga Piling Sanaysay” ni Alejandro G.
Abadilla
2. “Sanaysay” ni Gemiliano Pineda
3. “Pintig” ni Buenaventura S. Medina Jr.
4. “ Ako’y Isang Tinig ni G. Edroza-
Matute
NOBELA-lumitaw pagkatapos ng Ikalawang
Digmaang Pandaigdig na naglalayong
umaliw
• Pag-ibig pa rin ang lumilitaw na paksa
MGA KATANGIAN:
1. kamalayang sosyal
2. kamalayang pangkasaysayan
3. nasyonalismo
4. intelektwalismo
DULA- Nang bumalik ang mga Amerikano
pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig
ay naakit ng mga pelikulang banyaga ang
pagtangkilik ng mga Pilipino kung kaya’t medyo
kinakitaan ng panlulupaypay ang pagtatanghal ng
mga dula.
PANITIKAN SA PANAHON NG
AKTIBISMO (1960-1972)
Noong mga taong 1960 hanggang 1972 ay muling
nabuhay sa bibig ng mga kabataan ang salitang
“burgis” na minsan nang ginamit ng mga aktibista
noong nakaraang panahon (1943- 1945)
SANHI:
1. kahirapan ng buhay
2. di pantay na karapatan at katarungan sa
lipunan
3. maling sistema ng pamumuno sa
pamahalaan
Ayon kay G. Ponciano Pineda, ang panahong
ito ng aktibismo ay siyang nagpatunay na ang ating
mga kabataan ay nagbago na ng paninindigan,
hindi na sila yaong laging nakayuko ang ulo sa mga
nagaganap sa ating bansa.
Ang mga akdang pampanitikan ay
naglalahad, pumupuna at nagsasaad ng mga
bagay na dapat gawin tungo sa pagbabago ng mga
maling sistema na nagaganap sa ating lipunan
MGA REBOLUSYONARYONG
MANUNULAT SA PANAHON NG
AKTIBISMO
• Amado V. Hernandez
• Efren Abueg
• Rolando Tinio
• Rogelio Sikat
• Rogelio Mangahas
• Clemente Bautista
• Virgilio Almario
• C.C. Marquez
• Federico Licsi-Espino
NOONG MGA TAONG 1960 AY
KINILALA ANG MGA
SUMUSUNOD SA LARANGAN NG
PANULAAN:
• “Mga Butil ng Perlas”, ni Dr. Jose Villa Panganiban.
• “Isang Dipang Langit” (1962), ni Amado V. Hernandez
• “Tinig ng Darating” (1963), ni Teo S. Baylen
• “Tanaga, Haiku, Pantun” na sinulat ni Dr. Jose Villa
Panganiban
• “Makiling” ni Gonzalo Flores (1964)
• ‘Parnasong Tagalog”, ni Alejandro G. Abadilla
• “Mga Piling Tula” ni AGA (1965)
• “Damdamin” ni Inigo Ed Regalado
• “Manlilikha” ni Rogelio G. Mangahas (1967)
• “Makata”
• «Tanagabadilla” (1964) ni Abadilla
• “Mga Piling Tula” ni AGA (1965)
• “Ako ang Daigdig” ni AGA
KATIPUNAN NG MGA TULA NA
NALIMBAG SA PANAHONG ITO:
• “Kalikasan” ni Aniceto Silvestre
• “Mga A! ng Panahon” (1970) ni Al Q. Perez
• “Peregrinasyon at Iba pang Tula” ni Virgilio Almario
• “Mga Tula ng Bayan Ko at Iba Pa” (1972) ni V.G. Suarez
• “Sitsit sa Kuliglig” (1972) ni Rolando Tinio
• “Mga Gintong Kaisipan” (1972) ni S. Esguerra
MGA MAKATA NG PANAHON
(1960-1972)
• Alejandro G. Abadilla
• Amado V. Hernandez
• Anacleto Dizon
• Teo S. Baylen
• Epifanio San Juan
• Pedro L. Ricarte
• Bienvenido Ramos
• Mar. Al Tiburcio
• Jose Villa Panganiban
• Rogelio Mangahas
• CC Marquez
• Federico Licsi-Espino
• Virgilio Almario
• Rolando Tinio
• V.G. Suarez
TATLONG KATANGIAN NG TULA
SA PANAHON NG AKTIBISMO:
• Nagsusuri sa kalagayan ng bayan
• Nagsisiwalat ng mga katiwalian
• Tahasang lumalabag sa kagandahang asal
PANITIKANG TULUYAN SA
PANAHON NG AKTIBISMO
• Nagsimula noong 1960 ang pag-uusisa sa
kalagayan ng lipunan ang mga kwentista
• Ang mga maikling kwento, dula, nobela at
sanaysay sa panahong ito ay naging payak at
makatotohanan sa pangyayari at lenggwaheng
ginamit.
• Nawala ang yupemismo o katimpian sa
paggamit ng wika.
• Nagmura na sa panahong ito ang mga
tauhan ng maikling kwento, nobela, at
dula.
• Ang mga maseselang bahagi ng katawan
ay natutukoy na nang tiyakan.
• Sa paksa, malaya nilang natatalakay ang
ano mang paksang nais nilang sulatin.
• Naglalahad, namumuna at nanunuligsa
ang karamihan sa panitikang nasulat sa
panahong ito.
• Sa mga akdang babasahing pangmasa,
unti-unting nakilala ang mga akdang
malalaswa na siya ring naging dahilan ng
pagiging aktibista ng mga manunulat ng
panitikang may uri
NOBELA
• Naging daan ng pagkamulat ng mga
mambabasa sa maraming mga pangyayari
sa ating lipunan.
• Higit na masining ang pagsulat ng mga
nobela sa panahong ito.
• Naging tema ng mga nobelang nasulat sa
panahong ito ang magandang daigdig ng
mga mayayaman at ang karahasan ng
mga may kapangyarihan
Mga Nobela at Nobelista sa
Panahon ng Aktibismo:
• Dilim sa Umaga, ni Efren Abueg
• Dugo sa Bukang Liwayway, ni Rogelio Sicat
• Mga Ibong Mandaragit, ni Amado V.
Hernandez
• Luha ng Buwaya, ni Amado V. Hernandez
• Daluyong, ni Lazaro Francisco
• Mapagpalang Lupa, ni Brigido C.
Batungbakal
• Sa Mga Kuko ng Liwanag, ni Edgardo Reyes
• Mga Halik sa Alabok, ni Dominador Mirasol
• Lagablab ng Kabataan, ni Fausto J.
Galauran
• Mga Buwaya sa Lipunan, ni Celso A.
Carunungan
• Satanas sa Lupa, ni Celso A, Carunungan
• Apoy sa Madaling Araw, ni Rogelio
Ordoñez
• Mga Kaluluwa sa Kumunoy, ni Efren Abueg
• Araw sa Ibabaw ng Bundok, ni Efren Abueg
• Sa Tondo Man May Langit Din, ni Andres
Cristobal Cruz
MAIKLING KWENTO
• Ang mga manunulat ng maikling kwento
ay nagsimulang pumaksa sa mga sakit ng
lipunang Pilipino at sa maling sistema ng
pamamalakad ng ating pamahalaan
• Dekada ’70 nang kilalanin sa pagsusulat
ng mga maikling kwento ang mga
sumusunod:
1. Ave Perez Jacob
2. Levy Balgos dela Cruz
3. Edgardo N. Reyes
4. Dominador B. Mirasol
5. Rogelio Ordonez
6. Efren R. Abueg
7. Macario Pineda
DULA
• Sa panahong ito nauso ang dulang
iisahang yugto
• Sina Simplicio Flores at Jacobo Enriquez
ay nakapagpalimbag ng sampung
dulang tig-iisang yugto
• Taong 1968 nang malimbag ang pitong
dula ni Dionisio Salazar
• DALAWANG URI NG DULA:
1. Mga dulang romantiko/ dula ng pag-ibig
2. Mga dulang mapanghimagsik
MGA KILALANG MANDUDULA
NG PANAHON
• Dionisio Salazar
• Simplicio Flores
• Jacobo Enriquez
• Rogelio Sicat
• Dolores Tensuan-Dungo
• Fausto J. Galaurin
• Bernardo Lopez
SANAYSAY
• Ang sanaysay sa ano mang panahon
nasulat ay nauuri sa dalawa:
1. Pormal
2. Di-pormal o pamilyar
• Sa panahon ng aktibismo, ang sanaysay
ay hindi gaanong nabigyang pansin.
PANAHON NG BATAS MILITAR
HANGGANG SA KASALUKUYAN
PANITIKANG PATULA
• Paksain ng mga tula sa panahong ito
ang mga nagaganap sa kapaligiran at
sariling mga damdamin ng mga
makatang nagsisulat ng tula
• May mga tulang pumupuri at
tumutuligsa sa mga nanunungkulan at
sa katiwaliang nagaganap sa lipunan.
• Sa istilo ng pagsulat ng tula ay nanatili
pa rin ang dalawang paraan: a. may
sukat at tugma at b. malayang
taludturan
PANITIKANG TULUYAN
• Paksain ang mga kaganapan sa
lipunang ating ginagalawan.
MAHALAGANG PUNTONG
DAPAT TANDAAN
”Ang Panitikang Pilipino ay sumasabay sa
mga pagbabagong nagaganap sa lipunan
kung saan ito umiiral. Ito ay nagbabagong
anyo depende sa pangangailangan ng
lipunang ating ginagalawan”

You might also like