You are on page 1of 1

Pagkalinga ng Isang Kaaway

Buod

Nang magising si Florante ay agad niyang nasambit ang pangalan ni Laura samantalang tahimik lang si
Aladin. Sa kanyang muling pagdilat ay ikinagulat niyang siya’y nasa ‘kandungan’ ng isang Morong
itinuturing na kaaway ng kaniyang lahi. Pinilit niyang bumangon subali’t hindi niya kinaya. Pinayapa siya
ni Aladin at sinabing ligtas na siya. Naalala ni Florante ang dalawang leon at nasabing patay na siya
marahil kung hindi sa pagdating ni Aladin. Tinanggap niya ang tulong ng isang ‘kaaway’. Magdamag na
hindi natulog si Aladin dahil sa pag-aalaga kay Florante. Kinabukasa’y nagsimula nang manumbalik ang
lakas ni Florante. Sa tuwa ni Aladin ay muli siyang naluha at niyakap si Florante dala ng matinding
pasasalamat dahil nabuhay ang binata.

You might also like