You are on page 1of 7

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IV-A CALABARZON
Division of Calamba City
Punta Integrated School
Purok 6, Brgy. Punta Calamba City, Laguna

PREPARATORY LEARNING KIT

Pangalan_________________________________________________

Pangkat________________________________

Learning
FIlipino Grade Level 8
W5 Area
Quarter 3 Date April, 2021

I. LESSON TITLE Ekspresyon Hudyat ng Kaugnayang Lohikal

II. MOST ESSENTIAL

Nagagamit ng wasto ang mga ekspresyong hudyat ng kaugnayang lohikal
LEARNING
(dahilan-bunga, paraan-resulta).
COMPETENCIES (MELCs)
III. CONTENT/CORE CONTENT 1. Nakikilala ang ugnayang lohikal na taglay sa pangungusap.

2. Nagagamit nang wasto ang mga ekspresyong hudyat ng kaugnayang

lohikal

IV. LEARNING PHASES

A. Introduction (Panimula) Suggested Time Frame: 20 minuto

Simulan Natin

Ekspresyon Hudyat ng Kaugnayang Lohikal

Sa Paglalahad ay mahalagang maipakita ang wastong pagkakasunod-sunod at

ugnayan ng mga pangyayari. Kailangang lohikal na maipakita ang ugnayan upang madaling

Address: Purok 6, Brgy. Punta Calamba City Laguna

Telephone Number: (049) 549-6384
Email: puntaintegratedschool@gmail.com
makuha o maunawaan ang mensaheng nais iparating ng nagsasalita o nagpapahayag.

Ang paggamit ng mga pangatnig, pang-ugnay, at iba pang ekspresyong makikita sa

ibaba ay makakatulong upang maipakita ang ugnayan ng mga pahayag.
1. Sanhi at Bunga – Ang lohikal na ugnayan ng sanhi at bunga ay dapat na maliwanag
na makita ng mga mambabasa o tagapakinig. Ang mga pangatnig na sapagkat,
pagkat, palibhasa, dahil, kasi, kaya, bunga at iba pa ay madalas na gamitin sa
ganitong pahayag.
Halimbawa:
 Nagsikap siyang mabuti sa kanyang pag-aaral kaya gumanda ang kaniyang
buhay.
 Bunga ng kahirapan ang maaga niyang pag-aasawa.
2. Paraan at Resulta – Nagsasaad kung paano nakuha ang resulta. Ang pang-ugnay na
sa ay karaniwang ginagamit sa ganitong pahayag.
Halimbawa:
 Nagbago ang kanyang buhay sa tulong ng kanyang mga kaibigan.
 Sa sipag niyang magtrabaho, nagustuhan siya ng kanyang amo.
3. Kondisyon at Resulta – Sa ugnayang ito ipinakikitang maaring maganap o
sumalungat ang pangyayari kung isasagawa ang kondisyon. Ang mga pang-ugnay na
kung, kapag, sana, sakali ay maaaring gamitin sa pahayag na ito.
 Kung magsisikap ka sa buhay hindi ka mananatiling mahirap.
 Kung nakinig ka sana sa iyong magulang hindi magiging ganyan ang iyong
buhay.

B. Development (Pagpapaunlad)
Suggested Time Frame: 15 minuto

Madali Lang ‘Yan

Bilugan sa pangungusap ang mga salitang pangatnig o pang-ugnay na ginamit bilang

hudyat ng ugnayang lohikal.

1. Ang karapatan ng mga bata ay dapat nating isulong sapagkat parami na nang parami ang mga

batang nabibiktima ng pang-aabuso.

Address: Purok 6, Brgy. Punta Calamba City Laguna

Telephone Number: (049) 549-6384
Email: puntaintegratedschool@gmail.com
2. Kung hindi sana matigas ang kanilang mga ulo ay maganda na ang kanilang buhay ngayon.

3. Hindi ako sigurado sa aking nakita kaya’t hindi ko alam kung tutulungan ko ba ang mga batang

ito o hindi.

4. Upang maiwasan ang problema ay kailangang gumawa ng hakbang ang pamahalaan.

5. Sa pamamagitan ng pagtutulungan ng lahat masusugpo ang problemang ito.

C. Engagement (Pakikipagpalihan)
Suggested Time Frame: 30 minuto

Payabungin Natin

Isulat sa patlang ang ugnayang lohikal (sanhi-bunga, paraan-resulta, kondisyon-resulta) na

ginamit sa pangungusap.

________________ 1. Maraming ospital ngayon ang hindi na tumatanggap ng mga pasyenteng

may covid dahil puno na ang mga ito.

________________ 2. Kung magpapatuloy ang pagtaas ng bilang ng mga infected maaring hindi

Address: Purok 6, Brgy. Punta Calamba City Laguna

Telephone Number: (049) 549-6384
Email: puntaintegratedschool@gmail.com
na ito makontrol.

________________ 3. Ang pagsusuot ng mask, paghuhugas ng kamay at social distancing ay

mahahalagang paraan sa pagpigil sa virus.

________________ 4. Sana sumunod ang mga tao sa panawagan ng awtoridad upang mapigilan

ang hawahan.

________________ 5. Palaging mag-ingat nang maingatan natin ang ating buhay.

D. Assimilation (Paglalapat)
Suggested Time Frame: 45 minuto

Tiyakin Natin

Sumulat ng pangungusap ayon sa hinihingi ng bawat bilang gamit ang mga ekspresyong

hudyat ng kaugnayang lohikal. Tignan ang halimbawa sa bilang 1.

1. (Sanhi-Bunga) Pagtigil sa pag-aaral ng malaking bahagdan ng kabataang mag-aaral sa

bansa.

Malaking bahagdan ng mga kabataan ang tumigil sa pag-aaral dahil sa kahirapan ng estado sa buhay.

2. (Paraan-Resulta) Isang proyektong pangkabataan sa inyong lugar.

____________________________________________________________________________

Address: Purok 6, Brgy. Punta Calamba City Laguna

Telephone Number: (049) 549-6384
Email: puntaintegratedschool@gmail.com
____________________________________________________________________________

3. Isang bagay na atubili kang gawin dahil sa iyong pag-aalinlangan.

____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

4. Ipahayag ang isang bagay na natitiyak mong tama at nais mong pasidhiin upang makatulong
sa iba.

____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

5. (Kondisyon-Resulta) Kapag gumawa ng isang hakbang na hindi pinag-isipan.

____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

E. Assessment
Suggested Time Frame: 15 minuto

Sagutin Natin

PANUTO: Isulat sa patlang bago ang bawat bilang ang letra ng tamang sagot.

A. Sanhi at Bunga C. Paraan at Resulta

B. Kondisyon at Resulta D. Paraan at Layunin

_____1. Ipinapahayag sa pangungusap ang dahilan at ang resulta ng isang bagay.

Address: Purok 6, Brgy. Punta Calamba City Laguna

Telephone Number: (049) 549-6384
Email: puntaintegratedschool@gmail.com
_____2. Makikita sa pangungusap na ito na mangyayari ang isang bagay dahil sa isang kondisyon.

_____3. Maglinis ng kamay sa pamamagitan ng sabon.

_____4. Manatili sa bahay upang maging ligtas.

_____5. Ang pangungusap ay nagtataglay ng pagiging ganap ng isang bagay sa pamamagitan ng

isang paraan.

F. Reflection
Suggested Time Frame: 30 minuto

 Paano makakatulong sa iyo ang kaalaman sa ugnayang lohikal?

_______________________________________________________________________________

Prepared by:

ANTHONY MARIANO

ZYRIL PALMES

Address: Purok 6, Brgy. Punta Calamba City Laguna

Telephone Number: (049) 549-6384
Email: puntaintegratedschool@gmail.com
CRISTINE LARRACAS

LORENZO BLANZA

References: Aileen G. Baisa-Julian, Mary Grace G. del Rosario, Mestor S. Lontoc, Pinagyamang Pluma 8, Quezon City, Phoenix
Publishing House

Address: Purok 6, Brgy. Punta Calamba City Laguna

Telephone Number: (049) 549-6384
Email: puntaintegratedschool@gmail.com

You might also like