You are on page 1of 16

SARSUWELA

balagtasan
Isang sikat na uri ng panitikan ang ____________
noong panahon ng mga Amerikano. Hango ito sa
Francisco Balagtas
pangalan ni __________________________, ang ating
ama ng Balagtasan. Mayroon itong tatlong
importanteng bahagi, ang hukom at tagapangasiwang
________________,
lakandula ang mga naglalabang panig ng
_________________
manunula at mga _____________.
manonood
Mayroong itong tatlong elemento, ang sukat, tugma at
mangatwiran
indayog. Importanteng marunong _________________
ang mga kasali dito. Ang isang mabuting halimbawa ng
panitikang ito ay ang ‘Bulaklak ng Lahing Kalinis-Linisan’
Jose Corazon De Jesus
na akda ni ________________________. Tungkol ito sa
bubuyog
ipis
dalawang insektong sina ___________ Paro-paro
at ___________
na naglalaban para sa pagmamahal ni _____________.
kampupot
Si Severino Reyes, o
mas kilala bilang Lola
Basyang, ay itinuturing na
ama ng Sarsuwelang Tagalog.
Isa siyang mahusay na
direktor at manunulat ng
dula.
Nagsimulang mabasa
ang mga kwento ni Lola
Basyang noong 1925 habang
siya ay punong-patnugot sa
Liwayway at kinailangan
niyang punan ng kwento ang
isang maliit na espasyo sa
isang pahina ng magasin.
Ang ‘Sarsuwela’ ay isang anyo ng dulang musikal na
unang umunlad sa Espanya noong ika-17 siglo.
Binubuo ito ng mga pagsasalaysay na sinamahan
ng mga sayaw at tugtugin, at may paksang
mitolohikal at kabayanihan.
Idinala ito sa Pilipinas ni Alejandro Cubero
noong 1880. Kasama ni Elisea Raguer, itinatag nila
ang ‘Teatro Fernandez’, ang unang grupo ng mga
Pilipinong sarsuwelista sa Pilipinas.
Namulaklak ang sarsuwela noong panahon ng mga
Amerikano. Namayani ang mga pangalan nina:
Severino Reyes, Hermogenes Ilagan, Juan Abad,
Juan Crisostomo Sotto, Aurelio Tolentino at ilan
pang magagaling na manunulat.
Hinango ang sarsuwela sa opera ng Italya. Patula at
pasalitang dayalogo ang ginagamit dito. Nilalagyan
ito ng komposisyon na maaring awitin
bilang bahagi ng pagtatanghal.
Lubos itong kinagigiliwan ng mga
Pilipino dahil tayo ay likas na
mahilig sa awit at sayaw.

Dahil dito, sumikat si


‘Atang Dela Rama’ at
itinagurian siyang
“Reyna ng Sarsuwela”
sa Pilipinas.
Unti-unting nanghina ang Sarsuwela ng dumating
ang ‘bodabil’ (vaudeville) o ‘stage show’. Lalong
nawalan ng manonood ang teatrong musikal nang
dumating ang mga pelikula.
Ang sarsuwela o dula ay isang uri ng panitikan na
ang pinakalayunin ay itanghal sa tanghalan o
entablado. Nahahati ito sa ilang yugto na maraming
tagpo. Ang mga tao na dalubhasa sa larangan ng
pagsusulat ng mga dulang itinatanghal ay tinatawag
na mga ‘mandudula’ o ‘dramatista’ (playwright).
Gaya ng ibang panitikan, ang karamihan sa mga
dulang itinatanghal ay hango sa totoong buhay.
Lahat ng itinatanghal na dula ay naayon sa isang
nakasulat na ‘iskript’ (script).

Ang bahagi ng Sarsuwela ay ang mga sumusunod:


Ang ISKRIPT o nakasulat na dula, mga gumaganap
o AKTOR, ang TANGHALAN, ang tagadirehe o
DIREKTOR, ang mga MANONOOD, mga EKSENA
(act) at mga TAGPO (scene).
Ang iba pang mga elemento ng Sarsuwela:
1.) Tagpuan – panahon o pook kung saan
naganap ang pangyayari sa dula. (settings)
2.) Tauhan – ang mga kumikilos at
nagbibigay-buhay sa dula. (characters/cast)
Ang iba pang mga elemento ng Sarsuwela:
3.) Suliranin – Hindi maaring walang suliranin
ang isang dula. Makikita ito sa simula o sa
kalagitnaan ng dula na nagsasadya sa mga
pangyayari. (complication)
4.) Saglit na Kasiglahan – Paglayo o pagtakas ng
mga tauhan sa suliraning nararanasan.
Ang iba pang mga elemento ng Sarsuwela:
5.) Tunggalian – mayroon itong tatlong uri.
Ang una ay ‘tunggalian sa pagitan ng mga
tauhan’, ‘tunggalian ng tauhan laban sa
kanyang paligid’, at ‘tunggalian ng tauhan
laban sa kanyang sarili.’ (conflict)
Ang iba pang mga elemento ng Sarsuwela:
6.) Kasukdulan – Dito kapana-panabik na
nasusubok ang katatagan ng tauhan. (climax)
7.) Kakalasan –ang unti-unting pagtukoy sa
kalutasan sa mga suliranin at pag-ayos sa mga
tunggalian. (resolution)
Ang iba pang mga elemento ng Sarsuwela:
8.) Kalutasan – Dito nalilutas, nawawaksi, at
natatapos ang mga suliranin at tunggalian sa
dula. (denoument)
9.) Wakas –Ang nagbibigay-konkulsyon sa mga
pangyayari sa mga tauhan at sa kabuuhan. (end)

You might also like