You are on page 1of 1

Isaisip Blg.

Katotohanan at Opinyon

May mga pagkakataong ang tao ay nagbibigay ng kaniyang sariling opinyon o haka- haka sa mga paksang
pampolitika o maging sa pangyayaring nagaganap sa lipunan o kahit sa mga pang-araw-araw na
pakikipagtalakayan. At may pagkakataon din namang kailangang maglahad ng katotohanan. Mahalagang
mauri ang mga pahayag na maririnig kung ito ba ay opinyon o katotohanan.

Opinyon

Matatawag na opinyon ang mga pahayag mula sa mga paliwanag lamang batay sa mga totoong
pangyayari. Ang opinyon ay mga impormasyon na batay sa saloobin at damdamin ng tao. Nag-iiba ang
mga ito sa magkakaibang pinagmumulan ng impormasyon at hindi maaaring mapatunayan kung totoo o
hindi.

Ginagamitan ito ng mga salita o parirala tulad ng: sa aking palagay, sa nakikita ko, sa pakiwari ko, kung
ako ang tatanungin, para sa akin, sa ganang akin atbp.

Halimbawa:

1. Kung ako ang tatanungin, mahalaga sa magkaibigan ang pagtitiwala sa isa’t isa.

2. Sa aking palagay, mas payapa ang buhay ng isang tao na may takot sa Diyos.

Katotohanan

Ang mga pahayag na may katotohanan ay kadalasang sinusuportahan ng pinagkunan. Ang katotohanan
ay mga impormasyon na maaaring mapatunayang totoo. Bihira itong magbago mula sa isang
pinagmumulan ng impormasyon sa iba pa.

Ginagamitan ito ng mga salita o parirala tulad ng: batay sa, resulta ng, pinatutunayan ng, pinatutunayan
ni, sang-ayon sa, mula kay, tinutukoy na, mababasa na atbp.

Halimbawa:

1. Batay sa tala ng Department of Education, unti-unti ng nababawasan ang mga out-of school youth.

2. Mababasa sa naging resulta ng pananaliksik ng mga ekonomista na unti-unting umuunlad ang turismo
ng ating bansa.

You might also like