You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
NATIONAL CAPITAL REGION

LESSON EXEMPLAR FOR CATCH-UP FRIDAYS


(GMRC/Values, Health, Peace Education)

I. GENERAL OVERVIEW
School:
Catch-Up GMRC/Values Grade Level:
3
Subject: Education
CATCH UP Quarterly National and Sub Theme: Responsible
FRIDAY Theme: Global Awareness (Responsible)
Banghay Time: Date
Aralin 45 minutes April 12, 2024
ESP
II. SESSION OUTLINE
Session Title: Pangangalaga sa Kapaligiran
Session Sa pagkatapos ng sesyon, ang mga mag-aaral ay inaasahan na;
Objectives: A. Natutukoy ang mga biyayang kaloob ng Diyos sa atin.
B. Napahalagahan ang mga biyayang kaloob ng Diyos bilang
bahagi ng buhay ng bawat indibidwal.
C. Naisusulat nang wasto ang mga paraan upang
mapangalagaan ang inang kalikasan.
Key Concepts: 1. Ang kalikasan ay isang biyayang galing sa ating
Panginoon. Dito nanggagaling lahat ng bagay na ating
ikinabubuhay.
2. Ang tulong ng mga ahensiya ng pamahalaan mas
mapapadali ang pagsagip sa ating inang kalikasan.
3. Maipapakita natin ang ating pasasalamat at
pagmamahal sa diyos sa pamamagitan ng pag-iingat at
pangangalaga sa kalikasan.
III. TEACHING STRATEGIES
Component Duration Activities and Procedures
Introduction 10 mins. 1. Panalangin - Pasasalamat sa Biyaya ng
and Warm Up Diyos.
2. Kamustahan: Pagbabahagi tungkol sa
pinakamandang regalo na natangggap
nila mula sa Diyos.
3. Pagbibigay tuntunin sa klase.
Concept 10 mins. A. Panuto: Ang mga mag-aarala ay
Exploration sasabayan ng pag-awit ang nasa video
at may sasagutin ang mga
katanungan.
https://www.youtube.com/
watch?v=dPTqa6CUJEU
Mga tanong:
• Tungkol saan ang awit?
• Anong magandang mensahe ang nais

© 2024 Department of Education National Capital Region. All rights reserved.

Doc. Ref. Code RO-CLMD-F069 Rev 00


Address: 6 Misamis St., Bago Bantay, Quezon City Effectivity 08.24.23 Page 1 of 5
Email Address: ncr@deped.gov.ph
Website: depedncr.com.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
NATIONAL CAPITAL REGION

iparating ng awit?
• Paano mo isasabuhay ang natutunan
mo sa mensahe ng awit?

B. Panuto: Pagbasa at pag-unawa sa tula


at pagbibigay kasagutan para sa mga
katanungan.

Halina’t Alagaan
Teacher Michelle

Kapaligiran ay pagmasdan
Ito’y ating pahalagahan
Gawin lahat ng paraan
Upang ito’y ingatan

Itapon ang basura sa tamang lagayan


Reduce, Reuse, Recycle ay kailangan
Upang ang basura ay malimitahan
Magtanim ng puno’t halaman

Huwag kalbuhin ang kagubatan


Upang ang baha ay di maranasan
Pagsusunog ng basura ay iwasan
Upang ang Ozone Layer ay di tamaan
Kaya’t ikaw kabataan

Halina’t alagaan itong kapaligiran


• Pagbasa ng mga mag-aaral. Lahatan at
isahang pagbasa
• Pagsagot sa mga tanong batay sa tula

1. Tungkol saan ang tula?


2. Ano-ano ang mga paraang nabanggit
upang mapangalagaan ang
kapaligiran?
3. Ayon sa tula, paano malilimitahan ang
pagdami ng mga basura?
4. Ano ang magandang mensahe ang
ipinaparating sa atin ng tula?
5. Bakit mahalaga ang pagiging
responsable sa pangangalaga at pag-
iingat sa kalikasan o kapaligiran?
Valuing 15 mins. 1. Itanong kung paano magiging
responsable para mapangalagaan ang
mga biyayang kaloob ng Diyos.

© 2024 Department of Education National Capital Region. All rights reserved.

Doc. Ref. Code RO-CLMD-F069 Rev 00


Address: 6 Misamis St., Bago Bantay, Quezon City Effectivity 08.24.23 Page 2 of 5
Email Address: ncr@deped.gov.ph
Website: depedncr.com.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
NATIONAL CAPITAL REGION

“Bilang bata, maging tagapangalaga ng


kapaligiranat himukin ang kapuwa bata
na magtanim sa kanilang bakuran at
paaralan. Matutong magmasid sa
kapaligiran upang higit na mabantayan
ang biyaya ng kalikasan mula sa Diyos.”

2. Himukin ang mga mag-aaral na


talakayin kung paano nila maipapakita
ang pagiging responsable sa
pangangalaga at pag-iingat ng
biyayang kaloob ng Diyos sa tahanan,
sa paaralan at sa komunidad na
kinabibilangan?

Sa tahanan:
Pagkukusang loob sa pagtulong sa paglilinis
sa loob at labas ng bahay. Pagtapon ng mga
basura sa tamang paraan.

Sa Paaralan:
Pagtulong sa paglilinis at iwasan ang
pagkalat ng mga basura sa paaralan.
Pangalagaan ang mga halaman at mga puno
na nasa paaralan.

Sa Komunidad:
Paglahok sa mga programa ng barangay
tulad ng Clean-Up Drive.

3. Hayaan ang mga mag-aaral na


magbigay ng kani - kanilang
karanasan tungkol sa pag-iingat at
pangangalaga sa biyaya ng Diyos tulad
ng kalikasan. Isulat ito sa loob ng
graphic organizer.

© 2024 Department of Education National Capital Region. All rights reserved.

Doc. Ref. Code RO-CLMD-F069 Rev 00


Address: 6 Misamis St., Bago Bantay, Quezon City Effectivity 08.24.23 Page 3 of 5
Email Address: ncr@deped.gov.ph
Website: depedncr.com.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
NATIONAL CAPITAL REGION

4. Ipabahagi sa bawat mag-aaral sa klase


ang kanilang mga naisulat.
5. Hikayatin ang mga mag-aaral na
magbigay ng kanilang opinyon,
saloobin at pagbigay ng kanilang
sariling karanasan tungkol sa
sumusunod na larawan.

1. Source: Larawan mula sa DepEd Commons


pagkamatay ng mga isda – Search Images
(bing.com) Pagkamatay ng mga isda sanhi ng
pagkalason dahil sa maruming tubig o
kawalan ng oxygen na kailangan nila.

2. Source: Larawan mula sa DepEd Commons


larawan ng pagbaha - Search Images
(bing.com) Pagbaha bunga ng tuloy-tuloy na
pag-ulan at pagbara ng basura sa mga estero.

Journal 10 mins. Ano ang iyong dapat gawin para sa


Writing sumusunod na sitwasyon. Isulat ang sagot sa
kuwaderno.
1. Kaunti ang puno sa kapaligiran
2. Patuloy na pagdami ng basura na
ikinakalat ng mga tao.
Concluding each Ang kalikasan ay biyaya o regalo ng Diyos sa atin kaya
Session dapat natin itong pangalagaan. Sa pamamagitan ng
pag-iingat at pangangalaga sa ating kalikasan
naipakikita natin ang ating pasasalamat at
pagmamahal sa Diyos.

© 2024 Department of Education National Capital Region. All rights reserved.

Doc. Ref. Code RO-CLMD-F069 Rev 00


Address: 6 Misamis St., Bago Bantay, Quezon City Effectivity 08.24.23 Page 4 of 5
Email Address: ncr@deped.gov.ph
Website: depedncr.com.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
NATIONAL CAPITAL REGION

Prepared by: Revised and enhanced by:

CATHERINE P. TORREVERDE GINALYN M. MENDOZA


ERIS Division Learning Area EPS

FRIZA M. GARCIA
ERIS

Checked by:

ANA MARIE A. AFUANG, Ed.D ROLAND D. MONTES, PhD


Education Program Supervisor Education Program Supervisor
ESP, CLMD

Approved by:

ALYN G. MENDOZA
Chief Education Supervisor
CID

MICAH PACHECO
Education Program Supervisor
Officer-In-Charge, Chief-CLMD

© 2024 Department of Education National Capital Region. All rights reserved.

Doc. Ref. Code RO-CLMD-F069 Rev 00


Address: 6 Misamis St., Bago Bantay, Quezon City Effectivity 08.24.23 Page 5 of 5
Email Address: ncr@deped.gov.ph
Website: depedncr.com.ph

You might also like