You are on page 1of 7

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION XII
DIVISION OF SOUTH COTABATO
TANTANGAN NORTH DISTRICT
TACUB INTEGRATED SCHOOL
ELEM: 130883 JHS: 316910
Weekly Home Learning Plan for Grade 2
Quarter 3: Week 2

Teacher: BRENDA C. PACLIBAR Grade &Section: II - Malikhain


School: TACUB INTEGRATED SCHOOL Date :
Principal: NESTOR A. RAGUINDIN Week 2 Quarter 3

LEARNING LEARNING TASKS MODE OF


DAY & TIME LEARNING AREAS
COMPETENCIES DELIVERY
6:00 am – 7:00 am Wake up, fetch bed, eat breakfast and get ready for an awesome & sunshine day!
7:00 am – 7:30 am Have a short exercise and some routine/ meditation/ bonding with family.
Monday
7:30 am – 11:45 am Filipino
1:00 pm – 4:20 pm MAPEH
Tuesday
7:30 am – 11:45 am Mathematics
Edukasyon sa
1:00 pm – 4:20 pm
Pagpapakatao
Wednesday
7:30 am – 11:45 am English
1:00 pm – 4:20 pm Araling Nailalarawan ang PROCEDURES: Teacher deliver the
Panlipunan kalagayan at suliraning A. lesson through
pangkapaligiran ng a. Prayer virtual teaching
komunidad. b. Greetings
AP2PSK- IIIa-1 c. Setting of virtual Standards
d. Awit
“Ako. Ikaw, tayo ay isang Komunidad”
Source: https://www.youtube.com/watch?v=HK6C-n-2ESQ&t=40s
b. Balitaan:
May isang mag-aaral na mag-uulat ng napapanahong balita.

B. SUBUKIN
Isulat ang Tama kung wasto ang isinasaad ng pahayag at Mali naman
kung hindi.
_______ 1. Ang pagpapabaya at pagmamalabis sa kapaligiran ay nagreresulta sa
mga suliraning pangkapaligiran.
_______ 2. Bawat isa ay may pananagutan sa pagpapanatili ng kalinisan ng
kapaligiran at pangangalaga ng ating likas na yaman.
_______ 3. Ang sama-samang paglilinis ng mga kanal at paligid ay nagpapakita
ng pagtutulungan ng komunidad sa pagtugon sa suliraning pangkapaligiran.
_______ 4. Ang pagsabihan ang kapwa mo bata na ilagay sa basurahan ang
kanyang kalat ay hindi nakatutulong na mapanatili ang kalinisan.
_______ 5. Bilang isang bata, hindi mo tungkulin ang paglilinis ng paligid ng
inyong tahanan.

C. BALIKAN
a. Reviewing Previous Lesson or Presenting the New Lesson
(Introductory Activity)

Balik aral: Isaayos ang mga letra upang mabuo ang mga salita. Bubunot ang
mag-aaral ng tanong upang basahin at makasagot.
(Ang mga tanong ay nakadikit sa iba’t-ibang larawan ng endangered species. )
(Integration sa (ICT): Gagamit ang mga bata ng laptop sa pagsagot)

1.Likas na yamang maituturing ang maraming lugar at tanawin sa bansa. Malakas


itong atraksiyon sa mga turista.
uotrsim

2. Pinatatakbo ang mga planta ng kuryente sa pamamagitan ng puwersa ng tubig


mula sa talon ng Maria Cristina, lawa ng Caliraya, at lakas ng hangin sa Bangui,
Ilocos Norte sa pamamagitan ng windmill.
i nrh yaee

3. Ito ang mga nakukuha natin sa mga likas na yaman. Ito ay mga sari saring
kalakal at pagkaing bigay sa atin ng inang kalikasan.
kpoordu t

D. TUKLASIN
(Integration sa Musika: Ipapaawit ang Masdan Ang Kapaligiran )

Source: https://www.youtube.com/watch?v=tNfz0vSHjEU

 Mula sa napakinggan ninyong awit, ano-ano ang mga bagay


na nangyayari sa ating kapaligiran?
 Sa inyong mga barangay? Ano ang napapansin ninyong
problema? Mayroon pa ba kayong malinis na ilog?
 May likas na yaman ba sa inyo na sa palagay ninyo’y naaabuso?
Bakit? (Localization)
 Basahin natin ang ilan sa mga Suliraning pangkapaligiran at
Isyu sa Likas na Yaman
(Integration sa Filipino: pagbasa)
(Integration sa Science : Likas na Yaman)

(Tatalakayin ang mga Suliraning pangkapaligiran at Isyu sa Likas na


Yaman)

E. SURIIN
May ipapakita akong mga larawan.

Tukuyin ninyo kung ano ang mga nasa larawan.

 Ano-anong mga gawain ang nakasisira sa ating likas na yaman?


 Sa mga nangyayari ngayon sa ating kapaligiran, ano ang inyong
nararamdaman? Bakit?

 Sa inyong palagay bilang bata, ano-ano ang magagawa mo para


makatulong sa pangangalaga ng kalikasan o kapaligiran?
 Paano ka makakatulong sa pagbawas sa problema ng
desertification?

 Tayo bilang miyembro ng komunidad ay mayroong maaaring


gawin para mapangalagaan ang ating kapaligiran sa ating
komunidad.

(Tatalakayin ang mga maaaring gawin ng bawat miyembro ng pamilya sa


pangangalaga ng kapaligiran sa kanilang komunidad. )

 Sa inyong pamilya ano-ano ang maaari ninyong gawin upang


mapangalagaan ang kapaligiran sa inyong
barangay/komunidad.? (Localization)

F. PAGYAMANIN

Mayroon akong maikling video presentation. Bago tayo magsimula sa


panonood, ano ang dapat gawin upang maunawaan ang aralin?

Video Presentation
Ipanood sa mag-aaral ang video ng El Gamma Penumbra tungkol sa
pagsira ng kalikasan.
Source: https://www.youtube.com/watch?v=1ReuOnKSi0s

Pamprosesong Tanong
1. Tungkol saan ang inyong napanood?
2. Ano- ano ang mga bagay na ginagawa ng tao sa ating kapaligiran
ayon sa inyong napanood?
3. Ano kaya mangyayari kapag hindi nagbago ang tao at patuloy na sinira
ang paligid?
4. Ano-ano ang mga maaari ninyong gawin upang mapangalagaan ang
kapaligiran sa inyong barangay/komunidad.?
(Itatala ng guro sa pisara at ipapabasa sa mga bata)

5. Bakit mahalagang mapangalagaan ang kapaligiran sa inyong


barangay/komunidad.?
(HOTS) (Contextualization)
(Integration sa Science pagpapahalaga sa likas na yaman o kalikasan)

Pangkatang Gawain
 Pagbibigay ng pamantayan sa pagsasagawa ng pangkatang Gawain.
 Ano-ano muli ang dapat tandaan sa pagsasagawa ng pangkatang
gawain?
Papangkatin ang mag-aaral sa apat. Bawat pangkat ay magkakaroon ng iba’t-
ibang gawain.
(Awit: Payapa Diwa Ko Song) https://www.youtube.com/watch?v=vJ_xzcazveQ

Pangkat 1: Ilista mo!


Maglista ng tatlong suliraning pangkapaligiran na ating napag-aralan. At
ipaliwanag kung ano-ano ang maaring epekto nito sa komunidad.
Pangkat 2: Dapat mong Gawin!
Punan ang graphic organizer sa ibaba ng tungkol sa tamang pangangalaga sa
ating kapaligiran

Pangkat 3: Ilarawan Mo!


Pagmasdan ang larawan. Tukuyin ang nakikita sa larawan at sumulat ng
dalawang pangungusap tungkol dito.
Pangkat 4: Iguhit Mo! (Integration sa Arts)
Mag-isip ng 2 paraan para masolusyunan ang mga suliranin natin sa ating
kapaligiran, iguhit ito.

G. ISAISIP
(HOTS)
Ano ang ating pinag-aralan ngayon?
May natutunan ba kayo sa ating aralin ngayong araw?
Ano-ano ito?
Bakit mahalaga na makatulong tayo sa pagpapanumbalik ng ganda at sigla ng
ating kapaligiran?

H. ISAGAWA
Isulat ang Tama kung ang pahayag ay wastong gawain at Mali, kung hindi.

________1. Sundin ang batas sa wastong pagpuputol ng puno. Putulin lamang ang
matatandang puno.
________2.Ang mga mamamayan ng komunidad ay may tungkulin na
pangalagaan ang kapaligiran.
________3. Ang maling paggamit ng likas na yaman ay magdudulot ng iba’t-
ibang problema sa paligid.
________4. Ang paggamit ng chemical fertilizers sa pagsasaka ay hindi masama
sa malusog na lupa.
________5. Makiisa sa pagdagdag ng polusyon sa hangin at tubig.

I. TAYAHIN
IV. Pagtataya
Panuto: Lagyan ng ( ) kung ang sumusunod na pangungusap ay nagpapakita
ng pagpapahalaga sa kapaligiran at ( ) kung hindi .
____1. Ilang patunay ng climate change ay ang unti –unting pagkaubos ng yelo
sa Earth’s poles at sobrang init o lamig ng panahon.
____2. Pagputol sa mga naglalakihang punungkahoy sa gubat para magbigay
daan sa pagmimina.
____3. Ibukod ang mga reusable na basura para mai-recycle ito. Makiisa sa
Waste Segregation.
____4. Pagsunod o pagtangkilik sa mga programa ng barangay para maiwasan
ang Dengue at maiwasan ang pagbaha.
____5. Ang polusyon at pagkasira ng kagubatan ay dulot ng wastong paggamit
ng likas na yaman.

J. KARAGDAGANG GAWAIN
(Assignment)
Gumuhit sa isang bond paper ng isang malinis na kapaligiran/ kalikasan

Thursday
7:30 am – 11:45 am Mother Tongue
1:00 pm – 4:20 pm
Friday
7:30 am – 8:30 am Revisit all modules and check if all required tasks are done.
8:30 am – 4:30 pm Parents/ Learners meet to return all modules and answer sheets for the week and get new modules to be used for the following week.
4:30 pm - onwards Family Time

Prepared by:

BRENDA C. PACLIBAR
Teacher I

Checked by:

NESTOR A. RAGUINDIN
Principal I

You might also like