You are on page 1of 2

Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 4

I. Layunin
A. Naiuugnay ang matalinong pangangasiwa ng likas na yaman sa pag-unlad ng bansa.
B. Naipapaliwanag ang kahalagahan ng matalinong pangangasiwa ng mga likas na yaman.

II. Paksa
A. Paksa: Kaugnayan ng Matalinong Pangangasiwa ng mga Likas na Yaman sa Pag-unlad
ng Bansa.
B. Kagamitan: mga larawan, tsart, at aklat
C. Sanggunian: Learner’s Material, pp. 140-144
CG AP4LKE – IIb-d-3
D. Pagpapahalaga: Tamang pangangalaga sa mga likas na yaman

III. Pamamaraan
A. Balik-aral
Ano- ano ang mga tamang paraan ng matalino at di-matalinong pangangasiwa ng likas
na yaman?
B. Pangganyak
Magpakita ng larawan na nagpapakita ng matalinong pangangasiwa ng likas na yaman
ng bansa.
Itanong: 1. Ano ang ipinapahiwatig ng larawan?
2. ano ang kaugnayan ng pangangasiwa sa likas na yaman sa pag-unlad
ng bansa?
C. Paglalahad
Ilahad ang aralin sa pamamagitan ng susing tanong sa Alamin Mo sa LM, pp. 140.
Itanong: Paano nakatutulong ang matalinong pangangasiwa ng likas na yamn sa
pag-unlad ng bansa?
Bakit mahalaga ang matalinong pangangasiwa ng mga likas na yaman
ng bansa?
D. Pagtatalakay
1. Ituon ang pansin sa mga larawan na nasa LM, pp. 141.
2. Pasagutan at talakayin ang mga katanungang nakahanda sa LM, pp. 141
3. Babasahin ang talata at pasagutan at talakayin ang mga katanungan sa huli.

E. Paglalagom
Pangkatin ang klase sa tatlo na grupo. Pumili ng lider at tagatala. Ipakita ang kaugnayan
ng matalinong pangangasiwa ng likas na yaman sa pag-unlad ng bansa sa pamamagitan
ng sumusunod:
Pangkat 1- Poster
Pangkat 2- Tula
Pangkat 3- Awit
Pag-usapang mabuti ang nakatakdang gawain. Ipakita at ipaliwanga ang natapos na
gawain.

F. Paglalapat
Bilang mag-aaral paano mapangasiwaan ang mga likas na yaman sa pag-unlad ng bansa?
Ano-ano ang dapat gawin sa mga likas na yaman ng bansa?

G. Paglalahat
Bigyang-diin ang sa tandaan mo, LM, pp.144.

IV. Pagtataya
Pasagutan sa sagutang papel ang nasa natutuhan Ko sa LM, pp.144.
V. Takdang-Gawain
Gumawa ng sariling islogan na nagpapatibay ng pagkakaugnay ng wastong paggamit ng likas
na yaman at pag-unlad ng bansa. Ilagay ito sa isang sangkapat (1/4) na illustration board.

You might also like